Pages

Friday, May 24, 2019

Week 21 (Cantaloupe/Cucumber)

Consistent na yung movements na nararamdaman ko kay bibi. Usually sa bandang puson kasi  during this time andun yung position ng paa ni bibi. Minsan nagugulat pako pag napapalakas ang galaw ni bibi. Hindi naman masakit pero nakakagulat lang na may nararamdaman kang gumagalaw sa loob ng tyan mo. I just love this feeling. Yung movements ni bibi. Kung pede ko lang i-record yung ganitong feeling para pagdating ng panahon pewede ko siyang balik-balikan.

May 17, 2019 - Scheduled appointment ko sa isang gynecologist. Actually a day before the appointment tumawag nako sa WCH kung need ko pa ba pumunta sa appointment na yun kasi nga since nagbago na yung circumstances ng pagbubuntis ko (like na-cancel na yung regular appointment ko sa antenatal doctor kasi nalipat nako sa MFM - Maternal Fetal Medicine). Iba daw kasi yung sa gyne so need ko talaga siya puntahan. E di nagpunta naman ako. Masunurin akong nilalang. Sabi ko kay Basuraman magco-commute na lang ako tutal accessible by bus naman yung hospital and yung time ng appointment ko kasi is alanganin. Sabay sa pagsundo kay Miko. Sayang naman pambayad sa OSCH e pakiramdam ko naman hindi ako magtatagal sa appointment na yun.

1:45PM - nasa bus stop nako malapit sa hospital. 2:30PM ang appointment ko. Buti mabagal ako maglakad kaya 2PM nako nakarating sa Women's Outpatient ng WCH (kahit in less than 5 mins mo pedeng lakarin yung papuntang hospital). Hintay hintay ulit. Tapos tinawag nako ni Lolo gyne. Oo lalaki ang gynecologist na hindi ko inexpect. Though hindi naman ako maselan pagdating sa ganitong bagay pero shempre preferred ko pa rin na babae sana. Anyways, yung appointment pala is tungkol sa possible na existence ng polyps sa aking cervix or placenta or kung saan man siya pede ma-exist sa loob ng tyan ko. Kung nasusundan niyo ang pagbubuntis serye ko kay bibi number 2 e nagkaroon ako ng heavy bleeding during my 9 ~ 11 weeks of pregnancy na kinailangan namin magpunta sa emergency dept ng hospital sa takot na baka nawala na si bibi. Isang probable cause nun is yung pagkakaroon ng polyps which is nangyari na sakin before kay Miko.

Gusto lang masigurado ni Lolo Gyne kung meron ba akong polyps anywher sa loob ng tyan ko para masiguro nila na hindi ito gagalawin. Nabanggit din ni Lolo Gyne na possible daw na maging cause ito ng miscarriage. Edi ayun na nga. Need ng speculum test para macheck ang cervix ko kung meron ba mey polyps. Bukaka na naman si watashi. Pero tumawag si Lolo Gyne ng midwife para i-assisst siya. I think standard procedure nila na kapag lalaki ang doctor or sonographer is kailangan ng female 'chaperone' para nga naman may witness sila sa gagawin nilang test/procedure.

Sabi ni Lolo Gyne wala naman daw siyang nakita na polyps pero meron daw akong discharge which is napansin ko na simula noong nagstart ako magtake ng progesterone meds para sa cervix ko. He took a swab para ma-check. Luckily may appointment ako next week May 21 kay Ateng Amanda so by that time malalaman ko yung result ng swab test. Nung tinanong ko si Lolo Gyne kung same ba ang fibroid at polyps e inexplain naman niya sa akin ng mabuti with visuals pa. Alam niyo yung 3D figure ng female reproductive system meron siya nun. Magaan siyang kausap.

3PM - Nasa bus stop na ulit ako. Hindi na ako nagpasundo kay Basuraman kasi hinihintay na niya si Miko na makalabas ng school. At ayoko rin namang maghintay pa ng matagal sa hospital. Hintayin ko na lang siya sa bus stop na malapit sa amin tapos doon niya ako sunduin. Buti na lang di naman kalayuan yung mga bus stops sa hospital. Kaso yung unang bus na dapat sasakyan ko hindi huminto. Kumaway naman ako. Sabi ni Basuraman baka daw hindi ako napansin. Sa laki ko ba naman na ito.

Katulad nga ng nabanggit ko next Tuesday (May 21) e yung next checkup ko kay Ateng Amanda. Two weeks after my cervical cerclage procedure. Praying na everything is still okay and at the same time ayos din sana si baby.

Pwedeng mag-request? Sa nagbabasa ngayon ng enrty na ito, kung puwede sana pakisama kami ni bibi sa panalangin mo. Kung puwede lang naman. And we will also pray na pagpalain ka rin. Let's pray for each other. ^_^

No comments: