Pages

Tuesday, June 25, 2019

Week 26 (Red Cabbage)

Unti-unti na pala kaming namimili ng gamit ni bibi gurl Pippa. Shempre doon tayo sa mga naka-sale kaya hiwa-hiwalay ang bili namin. Sakto naman EOFY (End of Financial Year) dito kaya maraming naka-sale.

Sabi ko nga kay Basuraman, parang mas patok kung ngayon naganap yung Preganancy Expo dito sa Adelaide kasi panigurado andami naming nabili. Lahat kasi ng kailangan namin andun. From furnitures and clothings to bottles and baby accessories. Noong time kasi na andito sila e ilang weeks pa lang naman ako noon kaya hindi pa namin feel mamili. Mukha nga lang akong busog noon e hindi jontis.

Sana sipagin na akong gawin yung list ni Pippa. Ang hirap ng working mum na jontis ha!

June 21, 2019 Friday - 11AM appointment ko sa MFM. Wala munang scan this time. Habang kinukuhanan ako ng BP ni ateng midwife e binanggit ko na rin sa kanya yung discharge ko. Para kasing bumabalik yung itsura and amoy niya noong nagkaroon ako ng infection. So I'm kinda worried na nag-recur nga and baka need ko na naman magtake ng antibiotics. Ang doctor na tumingin sakin this time is si Ateng Ube. Yam kasi apelyido niya. ^_^ Isa rin siya sa mga doctors ng Maternal and Fetal Medicine (MFM). Asian si ateng and maganda ang aura niya. Banggitin ko lang na ang mga doctors dito approachable (sa mga naging experience ko). Sila ang nagtatawag ng pasyente nila then pauunahin kang makapasok at makaupo sa room/cubicle nila. Hindi katulad sa Pinas na yung iba (ayan ha hindi ko nilalahat) feeling high and mighty. Bawal makanti ganyan. And again when it comes to appointments, hindi man nasusunod impunto yung oras na nakasaad e hindi naman aabot ng 4 na oras yung paghihintay. Naalala ko lang yung experience ng kapatid at nanay ko recently. Walang appointment time pero may number. O sige. Pero susmiomarimar. Imagine 4 hours sila naghintay. Pagkatapos may pasisingitin pang kamag-anak. Harujosko! Kung masama na pakiramdam mo kaya ka magpapa-checkup e lalong sasama ang nararamdaman mo sa paghihintay.


Tanong-tanong lang naman si Ateng Ube tapos ayun nga nasabi na nung Ateng Midwife yung concern ko sa discharge ko kaya pinagswab niya ko. Akala ko nga speculum exam na naman e. Buti na lang ako lang yung mag-swab sa sarili ko. Tawagan na lang daw ako kung need akong resetahan if may makita na infection dun sa swab test. Binigyan na rin ako ni Ateng Ube ng referral for my OGTT exam at 28 weeks. Ipagdasal niyo nga mga Mumshies and everyone na wala naman akong Gestational Diabetes kasi kinda anlakas ko lang talaga kumain ng matatamis. Ever since the world began. Kailangan ko magpa-sched nung test before my next scan and check-up sa July 5.

I took the day off and nagwork na lang ako during the weekend. Masuwerte talaga ako kasi work from home ako habang jontis si watashi. And work means sweldo kaya nakakatuong ako sa mga bills at pambayad ng mga binibili naming gamit ngayon para kay bibi gurl. Thank you Lord!

Mahal na mahal kita anak. 

Monday, June 24, 2019

Week 25 (Swede)

Huwag niyo akong tanungin kung ano yung swede. Mukha siyang gulay. Tinatamad ang jontis na mag-search. (Nagkamali ako last week. Ito yung veggie na nailagay ko e pang-25th week pala siya. Sarena.)

Excited na si watashi this week kasi babalik na ang mag-ama ko from their vacation. Ambilis lang ng 3 weeks. Nakakainggit man e ayos lang na hindi ako umuwi. Sa kalagayan ko ngayon diko alam kung anng mangyayari sakin kasi ang jinit at anlagkit sa Pinas nung umuwi sila Basuraman. As in kada video call namin laging bukambibig ni Basuraman na ang init at parang nalulusaw daw siya.

Constant naman si bibi sa pagiging ninja. Sipa dito, suntok doon. Tambling dito, gulong doon. At dahil hindi ko kasama or katabi si Basuraman na matulog, late madalas ang pagtulog ko. Actually inconsistent. Madalas kasi hinihintay ko sila na mag-online bago ako matulog which is madalas around 11PM dito. Or minsan naman after dinner makakatulog ako ng 7:30PM tapos magigising ako ng 2AM and halos 4AM nako makakatulog ulit. Then bangon ng 7AM para magtrabaho. May point na nahilo ako ng slight dahil sa timing ng oras ng tulog ko.

Masakit lang talaga kapag biglang umaatake yung sciatic nerve pain ko o yung tinatawag kong pamumulikat ng puwet. Kasi biglang hindi ko kayang maglakad. Walang halong eklavoo mga Mumshies. Kailangan kong huminto ng ilang minutes hanggang sa mawala na lang siya.

Keep going strong Pippa. Welabyuberimatchi!

P.S. Mahirap bumangon from an airbed kapag jontis ka at malaki na ang tyan mo. The struggle is real.

Wednesday, June 12, 2019

Week 24 (Corn)

June 5, 2019 - Ultrasound scan at 3PM then check-up after sa MFM. Supposedly, magco-commute lang ako bilang wala kasi si Basuraman pero nagdecide ang aking foster parents (kumukupkop sakin habang wala ang aking mag-ama) na samahan ako sa aking check-up.

Inabot din ako ng 40mins sa scan kasi naman ang aming mabait na si Pippa e napakalikot. Hirap na hirap tuloy si Ateng Sonographer sa pagkuha ng pics sa scan. Natawag tuloy si Pippa na naughty. First time kong tumagilid sa scan kasi nga para lang makita ng maayos ni Ateng si bibi sa scan. Tapos nabanggit niya pala na "above average" daw si baby in terms of size. Tinanong niya ako kung noong 20-week scan ba ay nabanggit sakin na above average si bibi. Sabi ko wala naman silang nasabi sakin. Tinanong din niya ako kung meron daw ako history ng Gestational Diabetes (GD). Sabi ko naman wala. Lumalabas kasi sa scan na nasa above average area ang size ni Pippa. Pero sinabi ni Ateng na baka daw chubby lang si bibi. Aba aba aba. Hindi pa lumalabas si bibi eh nasabihan na ng chubby.

Next is  transvaginal scan para macheck naman ang aking cervix pati na rin yung stitch. Wala naman siyang comment so I'm hoping na wala naman problem. After that derecho nako sa MFM.

Habang naghihintay chineck ni Lola Midwife ang aking blood pressure. Tapos tinanong na din niya ako kung meron na akong flu shot and whooping cough vaccine. Meron na kako akong flu vaccine pero yung whooping cough wala pa. Nga pala yung basa ko sa 'whooping' e WU-PING. Pero ang bigkas nila dito e HU-PING. Inadvise ni Lola na magpalagay na ako kasi nabago na yung rule ngayon na instead of 28 weeks puwede ng magpalagay from 20 weeks. Tinanong ko siya kung pede nako magpalagay habang naghihintay sa doctor kaso naabutan ako ng cut-off kaya next appointment ko na lang. Kinda matagal-tagal rin ako naghintay. Buti na lang katabi lang ng MFM yung cafe kaya hindi nainip ang aking foster parents.

Akala ko si Ateng Amanda ang titingin sakin. But I was wrong. Isa sa mga doctors sa MFM. Si Kuya Asian ang tumawag sakin. After ko nga e pauwi na siya kaya hindi na niya naayos yung sched ng next appointment ko. Tatawagan na lang daw ako ni Anita (si Ate sa Reception desk) para sa time and dates. Sabi ni Kuya stable naman daw yung size ng cervix ko ngayon. though in terms of numbers/measurement lumiit siya (from 16mm to 14mm). Hindi naman daw ibig sabihin na nag-shorten ito but it means stable siya. Tinanong ko rin if kailangan ko ulit ng swab test  kasi natapos ko na yung pagtake ko ng antibiotics. Kasi yun yung sinabi ni Ateng Amanda. Sabi naman niya hindi naman na kailangan kasi nga nakapagtake na ako ng medicine. Kinda worried ako sa part na yun kasi how will I know kung gumaling ba talaga yung infection. Paano kung nag-recur pala. Sana si Ateng Amanda yung makausap ko next time. Binanggit ko rin yung sinabi ni Ateng Sonographer na above average ang size ni Pippa. Sabi naman ni Kuya A hindi naman daw niya masasabi na above average. Nasa borderline pero they will monitor naman daw. Usually daw kasi pag second pregnancy malaki si bibi. So parang hindi pa naman concern at this point yung size ni Pippa kasi ako pa ang nag-raise sa kanya nung issue.

The next day mega-hintay naman ako maghapon para sa tawag nila. Siyempre ayoko ma-miss kasi kung hindi ako pa tatawag sa kanila. Ayun wala tumawag. Feeling ko hindi naman siya urgent so baka sa ibang araw na nila ako tawagan. Friday afternoon tumawag si Ateng Anita and naka-sched ako sa June 21 and July 5.

This week kahit wala sila Basuraman and Miko hindi pa rin ako nakakatulog ng maaga. Actually late pa nga. Same ng time na paguwi ni Basuraman from work. Sulit na sulit ang work sakin kasi lagpas-lagpas ako sa oras. After kasi ng dinner magwowork pako kasi wala naman ako gagawin. Ayoko rin mahiga kagad kasi ibig sabihin makakatulog kagad ako then bigla na lang ako magigising ng madaling araw then hindi nako makakatulog kagad. E kailangan ko bumangon ng 7am para magwork na. Nagi-guilty nga ako kasi dapat I have to sleep early or get enough sleep as much as possible.

The best feeling right now na preggy ako? Yung mga galaw ni Pippa. Totoo talaga yung sabi nila na puwede kang mainlove sa isang tao na hindi mo pa nakikita or nami-meet. ^_^ Mahal na mahal ka namin bunso!


Sunday, June 2, 2019

Week 23 (Mango)

Nasa Pinas ngayon si Basuraman and Miko for a 3-week vacation. Dapat kasama ako kaso najontis mey. Actually hindi na namin ipinagpaalam sa OB kung pwede ba ako magtravel. Ako/Kami na mismo yung nagdecide na huwag na ako magtravel lalo at nag-undergo ako ng procedure and yung chances na bigla na lang akong manganak. Better be safe than sorry.

I received good news this week. I wasn't really expecting this good news. Nang dahil sa utang hehe. So Basuraman and I decided to take a loan to purchase something. So need na i-verify yung work details ko. I told them kasi na naka-open contract ako now. Meaning I am working with the company as needed. So kapag tapos na ang project waley na rin ako work. Ayun biglang nag-email si company na tumawag nga si loan sa kanila and okay lang ba na i-discuss yung contract details ko. Ayun na nga mga Mumshies. Binigyan ako ng 12-month fixed term contract ni company at sabihan ko daw si loan na processing na yung contract. Bonggey! Thank you Lord! ^_^

May 31, 2019 - Last day ng pagtake ko ng antibiotics (10 days). Hopefully maging maayos yung magiging result ng swab test ko sa Wednesday (June 5).

June 1, 2019 Saturday - First time kong naramdaman si bibi na gumalaw sa right side ko. Mukhang nag-iiba na ng position si Pippa. Oo mga Mumshies, may fetus name si bibi girl. Parang sa mga koreanovela lang. Pero iba ang name na naisip namin ni Basuraman paglabas ni Pippa. Secret na lang muna. Pippa, hindi dahil kapangalan niya yung kapatid ni Kate Middleton pero dahil year of the pig ngayon kaya Pippa. Pippa Peg! ^0^ Puwede na kayo tumawa. 

I have been sleeping late this week. And sobra sobra yung time ng pagwowork ko. Kasi sa ibang bahay naman ako natutulog kaya wala naman ako iba ginagawa after dinner. Tinatamad naman ako manood ng tv kasi wala naman si Basuraman. Kaya magwowork na lang ako hanggang antukin. Parang hinihintay ko yung time na darating na si Basuraman galing work which is around quarter  past 11 PM. Pero naalala ko kay Miko never yata ako nagpuyat. Nagwowork din ako nun pero strictly 8hrs lang. Walang overtime kasi ayoko nga ma-stress. Siguro kasi nga first baby namin. Naku huwag naman sana magtampo si Pippa.

Siguro this week maglilista na ako ng mga dapat naming bilhing gamit. May pailan-ilan naman ng gamit si bibi. May bigay at may nabili kami kasi sale. May plano kasi kaming lumipat ng bahay kaya plano namin na makalipat na muna bago kami mamili at least hindi na namin bitbit pa papuntang bagong bahay yung mga pinamili namin.

Tapos hindi pala ako nanalo sa home lottery. Sayang yung bagong bahay plus 1 million dollars na cash. Sabi kasi nila suwerte daw ang mga jontis. ( Asa :P )

Mahal na mahal ka namin ni Daddy and Ate Miko mo bibi. Patuloy lang tayo sa pagkapit at nawa'y maayos ka lang jan sa loob ng aking sinapupunan. Fighting!