Pages

Tuesday, June 25, 2019

Week 26 (Red Cabbage)

Unti-unti na pala kaming namimili ng gamit ni bibi gurl Pippa. Shempre doon tayo sa mga naka-sale kaya hiwa-hiwalay ang bili namin. Sakto naman EOFY (End of Financial Year) dito kaya maraming naka-sale.

Sabi ko nga kay Basuraman, parang mas patok kung ngayon naganap yung Preganancy Expo dito sa Adelaide kasi panigurado andami naming nabili. Lahat kasi ng kailangan namin andun. From furnitures and clothings to bottles and baby accessories. Noong time kasi na andito sila e ilang weeks pa lang naman ako noon kaya hindi pa namin feel mamili. Mukha nga lang akong busog noon e hindi jontis.

Sana sipagin na akong gawin yung list ni Pippa. Ang hirap ng working mum na jontis ha!

June 21, 2019 Friday - 11AM appointment ko sa MFM. Wala munang scan this time. Habang kinukuhanan ako ng BP ni ateng midwife e binanggit ko na rin sa kanya yung discharge ko. Para kasing bumabalik yung itsura and amoy niya noong nagkaroon ako ng infection. So I'm kinda worried na nag-recur nga and baka need ko na naman magtake ng antibiotics. Ang doctor na tumingin sakin this time is si Ateng Ube. Yam kasi apelyido niya. ^_^ Isa rin siya sa mga doctors ng Maternal and Fetal Medicine (MFM). Asian si ateng and maganda ang aura niya. Banggitin ko lang na ang mga doctors dito approachable (sa mga naging experience ko). Sila ang nagtatawag ng pasyente nila then pauunahin kang makapasok at makaupo sa room/cubicle nila. Hindi katulad sa Pinas na yung iba (ayan ha hindi ko nilalahat) feeling high and mighty. Bawal makanti ganyan. And again when it comes to appointments, hindi man nasusunod impunto yung oras na nakasaad e hindi naman aabot ng 4 na oras yung paghihintay. Naalala ko lang yung experience ng kapatid at nanay ko recently. Walang appointment time pero may number. O sige. Pero susmiomarimar. Imagine 4 hours sila naghintay. Pagkatapos may pasisingitin pang kamag-anak. Harujosko! Kung masama na pakiramdam mo kaya ka magpapa-checkup e lalong sasama ang nararamdaman mo sa paghihintay.


Tanong-tanong lang naman si Ateng Ube tapos ayun nga nasabi na nung Ateng Midwife yung concern ko sa discharge ko kaya pinagswab niya ko. Akala ko nga speculum exam na naman e. Buti na lang ako lang yung mag-swab sa sarili ko. Tawagan na lang daw ako kung need akong resetahan if may makita na infection dun sa swab test. Binigyan na rin ako ni Ateng Ube ng referral for my OGTT exam at 28 weeks. Ipagdasal niyo nga mga Mumshies and everyone na wala naman akong Gestational Diabetes kasi kinda anlakas ko lang talaga kumain ng matatamis. Ever since the world began. Kailangan ko magpa-sched nung test before my next scan and check-up sa July 5.

I took the day off and nagwork na lang ako during the weekend. Masuwerte talaga ako kasi work from home ako habang jontis si watashi. And work means sweldo kaya nakakatuong ako sa mga bills at pambayad ng mga binibili naming gamit ngayon para kay bibi gurl. Thank you Lord!

Mahal na mahal kita anak. 

No comments: