Pages

Wednesday, June 12, 2019

Week 24 (Corn)

June 5, 2019 - Ultrasound scan at 3PM then check-up after sa MFM. Supposedly, magco-commute lang ako bilang wala kasi si Basuraman pero nagdecide ang aking foster parents (kumukupkop sakin habang wala ang aking mag-ama) na samahan ako sa aking check-up.

Inabot din ako ng 40mins sa scan kasi naman ang aming mabait na si Pippa e napakalikot. Hirap na hirap tuloy si Ateng Sonographer sa pagkuha ng pics sa scan. Natawag tuloy si Pippa na naughty. First time kong tumagilid sa scan kasi nga para lang makita ng maayos ni Ateng si bibi sa scan. Tapos nabanggit niya pala na "above average" daw si baby in terms of size. Tinanong niya ako kung noong 20-week scan ba ay nabanggit sakin na above average si bibi. Sabi ko wala naman silang nasabi sakin. Tinanong din niya ako kung meron daw ako history ng Gestational Diabetes (GD). Sabi ko naman wala. Lumalabas kasi sa scan na nasa above average area ang size ni Pippa. Pero sinabi ni Ateng na baka daw chubby lang si bibi. Aba aba aba. Hindi pa lumalabas si bibi eh nasabihan na ng chubby.

Next is  transvaginal scan para macheck naman ang aking cervix pati na rin yung stitch. Wala naman siyang comment so I'm hoping na wala naman problem. After that derecho nako sa MFM.

Habang naghihintay chineck ni Lola Midwife ang aking blood pressure. Tapos tinanong na din niya ako kung meron na akong flu shot and whooping cough vaccine. Meron na kako akong flu vaccine pero yung whooping cough wala pa. Nga pala yung basa ko sa 'whooping' e WU-PING. Pero ang bigkas nila dito e HU-PING. Inadvise ni Lola na magpalagay na ako kasi nabago na yung rule ngayon na instead of 28 weeks puwede ng magpalagay from 20 weeks. Tinanong ko siya kung pede nako magpalagay habang naghihintay sa doctor kaso naabutan ako ng cut-off kaya next appointment ko na lang. Kinda matagal-tagal rin ako naghintay. Buti na lang katabi lang ng MFM yung cafe kaya hindi nainip ang aking foster parents.

Akala ko si Ateng Amanda ang titingin sakin. But I was wrong. Isa sa mga doctors sa MFM. Si Kuya Asian ang tumawag sakin. After ko nga e pauwi na siya kaya hindi na niya naayos yung sched ng next appointment ko. Tatawagan na lang daw ako ni Anita (si Ate sa Reception desk) para sa time and dates. Sabi ni Kuya stable naman daw yung size ng cervix ko ngayon. though in terms of numbers/measurement lumiit siya (from 16mm to 14mm). Hindi naman daw ibig sabihin na nag-shorten ito but it means stable siya. Tinanong ko rin if kailangan ko ulit ng swab test  kasi natapos ko na yung pagtake ko ng antibiotics. Kasi yun yung sinabi ni Ateng Amanda. Sabi naman niya hindi naman na kailangan kasi nga nakapagtake na ako ng medicine. Kinda worried ako sa part na yun kasi how will I know kung gumaling ba talaga yung infection. Paano kung nag-recur pala. Sana si Ateng Amanda yung makausap ko next time. Binanggit ko rin yung sinabi ni Ateng Sonographer na above average ang size ni Pippa. Sabi naman ni Kuya A hindi naman daw niya masasabi na above average. Nasa borderline pero they will monitor naman daw. Usually daw kasi pag second pregnancy malaki si bibi. So parang hindi pa naman concern at this point yung size ni Pippa kasi ako pa ang nag-raise sa kanya nung issue.

The next day mega-hintay naman ako maghapon para sa tawag nila. Siyempre ayoko ma-miss kasi kung hindi ako pa tatawag sa kanila. Ayun wala tumawag. Feeling ko hindi naman siya urgent so baka sa ibang araw na nila ako tawagan. Friday afternoon tumawag si Ateng Anita and naka-sched ako sa June 21 and July 5.

This week kahit wala sila Basuraman and Miko hindi pa rin ako nakakatulog ng maaga. Actually late pa nga. Same ng time na paguwi ni Basuraman from work. Sulit na sulit ang work sakin kasi lagpas-lagpas ako sa oras. After kasi ng dinner magwowork pako kasi wala naman ako gagawin. Ayoko rin mahiga kagad kasi ibig sabihin makakatulog kagad ako then bigla na lang ako magigising ng madaling araw then hindi nako makakatulog kagad. E kailangan ko bumangon ng 7am para magwork na. Nagi-guilty nga ako kasi dapat I have to sleep early or get enough sleep as much as possible.

The best feeling right now na preggy ako? Yung mga galaw ni Pippa. Totoo talaga yung sabi nila na puwede kang mainlove sa isang tao na hindi mo pa nakikita or nami-meet. ^_^ Mahal na mahal ka namin bunso!


No comments: