Nasa Pinas ngayon si Basuraman and Miko for a 3-week vacation. Dapat kasama ako kaso najontis mey. Actually hindi na namin ipinagpaalam sa OB kung pwede ba ako magtravel. Ako/Kami na mismo yung nagdecide na huwag na ako magtravel lalo at nag-undergo ako ng procedure and yung chances na bigla na lang akong manganak. Better be safe than sorry.
I received good news this week. I wasn't really expecting this good news. Nang dahil sa utang hehe. So Basuraman and I decided to take a loan to purchase something. So need na i-verify yung work details ko. I told them kasi na naka-open contract ako now. Meaning I am working with the company as needed. So kapag tapos na ang project waley na rin ako work. Ayun biglang nag-email si company na tumawag nga si loan sa kanila and okay lang ba na i-discuss yung contract details ko. Ayun na nga mga Mumshies. Binigyan ako ng 12-month fixed term contract ni company at sabihan ko daw si loan na processing na yung contract. Bonggey! Thank you Lord! ^_^
May 31, 2019 - Last day ng pagtake ko ng antibiotics (10 days). Hopefully maging maayos yung magiging result ng swab test ko sa Wednesday (June 5).
June 1, 2019 Saturday - First time kong naramdaman si bibi na gumalaw sa right side ko. Mukhang nag-iiba na ng position si Pippa. Oo mga Mumshies, may fetus name si bibi girl. Parang sa mga koreanovela lang. Pero iba ang name na naisip namin ni Basuraman paglabas ni Pippa. Secret na lang muna. Pippa, hindi dahil kapangalan niya yung kapatid ni Kate Middleton pero dahil year of the pig ngayon kaya Pippa. Pippa Peg! ^0^ Puwede na kayo tumawa.
I have been sleeping late this week. And sobra sobra yung time ng pagwowork ko. Kasi sa ibang bahay naman ako natutulog kaya wala naman ako iba ginagawa after dinner. Tinatamad naman ako manood ng tv kasi wala naman si Basuraman. Kaya magwowork na lang ako hanggang antukin. Parang hinihintay ko yung time na darating na si Basuraman galing work which is around quarter past 11 PM. Pero naalala ko kay Miko never yata ako nagpuyat. Nagwowork din ako nun pero strictly 8hrs lang. Walang overtime kasi ayoko nga ma-stress. Siguro kasi nga first baby namin. Naku huwag naman sana magtampo si Pippa.
Siguro this week maglilista na ako ng mga dapat naming bilhing gamit. May pailan-ilan naman ng gamit si bibi. May bigay at may nabili kami kasi sale. May plano kasi kaming lumipat ng bahay kaya plano namin na makalipat na muna bago kami mamili at least hindi na namin bitbit pa papuntang bagong bahay yung mga pinamili namin.
Tapos hindi pala ako nanalo sa home lottery. Sayang yung bagong bahay plus 1 million dollars na cash. Sabi kasi nila suwerte daw ang mga jontis. ( Asa :P )
Mahal na mahal ka namin ni Daddy and Ate Miko mo bibi. Patuloy lang tayo sa pagkapit at nawa'y maayos ka lang jan sa loob ng aking sinapupunan. Fighting!
No comments:
Post a Comment