Pages

Friday, August 2, 2024

Ang Pagbabalik....After 5 years!!!

Five fraking years. Oo fraking talaga yung nakasulat hindi freaking. Naisipan ko silipin ang aking blogger account at ito na nga ang tumabad. Meron akong naka-draft na post dating Aug 2019. Kaya fraking 5 years talaga.

Anyways, dahil hindi ako nagsasayang ng posts kaya ipa-publish ko pa rin ang last post na ginawa ko. Nakapanganak naman ako ng matiwasay kahit hindi ko na na-update hanggang sa huli ang aking 2nd pregnancy journey. I gave birth at 36 weeks. I was scheduled to have my elective CS on September 11, 2019 but my water broke on the afternoon of September 4, 2019. Buti na lang kasama ko sa bahay ang nanay at tatay ko during that time. Nasa trabaho kasi si Basuraman. Naiwan si Miko sa tatay ko at isinama ko nanay ko papunta sa WCH na mas kabadong-kabado pa sa akin Naalala ko pa nag-Uber kami ng nanay ko papunta hospital at nagulat pa siya na hindi ako nagbayad pagbaba hehe. Kapag sinipag ulit ako I might start posting again in this blog. Adios!


----------------------------------------------------------------------------------------


Week 33: Pineapple (Aug 14, 2019)

 Sabi nila kapag daw nagkaroon ng sudden change sa paggalaw ni bibi sa tyan mo e itawag kagad sa women's assessment service ng WCH. Eto na nga. Isang morning hindi pa gumagalaw si Pippa. Meron na kasi siyang routine ngayon. Usually kasi mga 6AM malikot na ang bata. Tumbling galore lang ang peg. Minsan siya na ang gumigising sa akin. Pero ayun na nga isang umaga nagising na ako at lahat hindi pa gumagalaw ang Pippa. So nag-worry na ako niyan mga Mumshies. Kapag kako hindi pa siya gumalaw by 7:15 AM e tatawag nako sa hospital. Ayun gumalaw naman bago ako bumangon. Around 7AM. Sabi ni Basuraman baka daw napuyat lang. Nakakatakot din kasi ang hirap tantyahin kung kelan masasabi na delikado na yung pag-iba ng pattern of movements niya. Pero sabi nga nila mararamdaman mo daw yun. Pero may mga mummies kasi na nawawalan ng babies kasi hindi nila na-ikonsulta yung ganitong bagay. Tapos kahit second pregnancy ko na ito e first time kong umabot ng ganito katagal na buntis dahil at 30 weeks ipinangank ko na si Miko noon.

Busy sa  trabaho kasi bago ako mag-maternity leave next month e may isang project na nasimulan. Tapos lilipat pa kami ng bahay. Actually unti-unti na kaming nagliligpit at naglilipat ng mga gamit. Kilala namin kasi yung may-ari ng bahay na lilipatan namin kaya pumayag sila na pede na maglipat ng gamit. Kaka-stress mga Mumshies ang kalat. Minsan ipinipikit ko na lang ang aking mga mata para hindi ko makita ang mga kalat. Hindi rin naman ako makatulong ng bongga kasi marami-rami na rin akong nararamdaman at baka mapaanak ako ng wala sa oras. Kay Miko kasi noon naglinis ako ng bongga ng bahay tapos days after ayun na bigla ako nanganak. Siyempre  ayaw natin maulit yung nangyari sakin sa una kong pregnancy.



Wednesday, August 7, 2019

Week 32: Celery

July 29-30 (Monday and Tuesday) - 2 days ako pumasok sa aming office sa city para magwork kasi may pumuntang tauhan from Sydney para sa project na ginagawa namin ngayon. Hinahatid ako ni Basuraman at Miko sa bus stop then from there nag-bus na lang ako pa-city. Tapos konting lakad na lang naman na. Buti na lang jontis mey kaya kahit puno ang bus nakakaupo ako. At sa kalagayan ko ngayon e mahihirapan akong bumiyahe na nakatayo. Yun nga lang (dahil siguro heightened din ang senses ko) amoy na amoy ko yung mga bantut elements sa bus. From amoy panghe to amoy putok na bulok. 

Ang ayaw ko sa pagpunta ko sa office e yung mga naninigarilyo kung saan-saan or habang naglalakad. Napakawalang konsiderasyon sa totoo lang. Imagine kung araw-araw ako pumapasok sa office, araw-araw din ako makakalanghap ng second hand smoke. Kumusta naman si bibi nun di ba? After work nag-uber na ako pauwi pero derecho sa school nila Miko. Then lakad na lang kami from school to bahay. Buti na lang pagdating ng Wednesday ay work from home na ako kasi mga Mumshies sobrang pagod ko. As in sinamaan ng katawan si watashi. Kakalurkey. Kaya saludo ako sa mga working pregnant mums tapos pisikalan yung trabaho. Ako nga nakaharap lang sa PC/laptop grabe ang pagod na nararamdaman, e papaano pa kaya sila. Mabuhay kayo mga Mumshies! Hip hip hooray!

Aug. 2, 2019 9AM -  Schedule ng checkup ko sa MFM. A day before nag-message sakin si Ms. K (midwifery student) regarding my appointment kasi pupunta siya. Ay buti na lang nabanggit niya yung time. Akala ko kasi Mumshies 9:30AM. Yun pala 9AM. Ayun kaya nagpasya na lang akong magbus papunta kasi nga need pa ihatid si Miko sa school. E maaalangan ako sa appointment time ko. Tapos nagkita na lang kami ni Basuraman sa hospital. Keribels lang naman yung commute. Kaso nakaamoy si watashi ng amoy bulok sa bus. Sabi ko nga kay Basuraman baka kumapit sa akin yung amoy. Ayos lang naman ang dating ko sa hospital. Nakapagbigay pako ng reseta sa pharmacy then kukunin ko na lang after ng appointment. Ayun na nga mga Mumshies, nawawala ang MFM clinic. May renovation na nangyayari. Dapat babalik ako sa baba para magtanong kaso maalangan nako sa appointment time ko. So dumerecho na lang ako tapos sakto naman pagdating sa dulo ng walang hanggan e nakapaskil kung saan pansamantala nakapwesto ang MFM. Minessage ko si Ms. K at si Basuraman sa bagong location ng MFM.

Hindi na nakaabot si Basuraman dahil naipit na naman siya sa parking lot kaya si Ms. K na lang ang kasama ko nung tinawag nako ng OB. Let's call him Lolo Happy kasi smiling face si lolo mo. Bale inultrasound muna ako ni lolo bago niya ako chinika about baby. Pippa is looking good. By the time na manganganak nako nasa 3 plus kilograms si bibi which is a good size/weight naman daw. Tinaong ko siya about sa tightening ng tummy ko and kung kelan ako dapat magworry. Sabi naman niya normal naman ang tightening as long as walang water discharge or bleeding. Sinabi ko na rin kay Lolo Happy yung request ng hospital sa Japan regarding my birth records. At alam niyo ba na half Japanese si Lolo Happy. Hapon ang nanay niya pero parang di naman siya masyado nagstay sa Japan kasi survival Japanese lang daw alam niya. Naalala ko siya nung nag-undergo ako ng clerage kasi parang isa siya sa nag-observe and nakaantabay in case na magkaroon ng problem. Parang consultant level si Lolo ganyan. Super seniores baga. Medyo ambilis lang niya magsalita kaya nahihirapan ako intindihin sinasabi niya. After 2 weeks yung next appointment ko and by that time idi-discuss na sa amin yung birthing plan ko. Usually a month before ng due date tsaka nila inaasikaso yung bagay na yun. Mukhang nasa side na talaga ako ng CS pero di ko rin alam kung makukuha ba nila yung record ko sa Japan and kung meron ba siyang epekto sa kung paano ako manganganak.

Hanggang ngayon iba pa rin talaga ang pagod at antok ko. Siguro dumadagdag pa yung stress na ang kalat ng bahay namin dahil nga lilipat kami. Sobrang nai-stress ako sa kalat promise. Tapos meron pa akong mga plantsahin. Hay naku ayan na-stress na naman ako. Hindi ko man sila nakikita ha. Naiisip ko lang. Sige tigilan ko na kasi baka napapano na si Pippa. Relax ka lang anak. Parang lagi kang may kaaway sa loob ng tyan ko. Panay ang tumbling mo. Minsan feeling ko nagka-karate ka or nagsasayaw ng floss. Mahal na mahal ka namin anak. Chill ka lang sa tummy ni Mummy.

Week 31 (Coconut)

July 26, 2019 Friday 9:30AM - After 3 weeks, bumalik ako kay koyang O para macheck ulit ang aking left eye. Actually sem-sem pa rin naman. Malabo pa rin pero hindi naman lumala. Kaya ang advise niya sa akin is magpa-check a month after ko manganak dahil dapat mawawala na yung panlalabo ng left eye ko kapag nanganak nako.

Medyo naka-adjust na nga yung mata ko e. Sanay na siya na malabo paningin ko kahit naka-salamin. Buti na lang hindi talaga sumasakit ulo ko. Narealise ko lang na nakakatakot pala mabulag. I mean mula sa nakakakita ka ng maayos tapos biglang manlalabo mata mo then bigla ka mabubulag. Naisip ko lang. Eto ngang lumabo lang bigla mata ko ninerbyos na ako ng bongga paano pa pag nabulag. Parang iba yung nawalan ka ng kamay or paa or pandinig or kakayahang magsalita kung ikukumpara sa mawawalan ka ng paningin. Tama na nga/

Tapos nakita ko pala sa tweet ni Saab Magalona na parehas kami 31 weeks na buntis ngayon. Parehas rin kami na nag-emergency CS during our first pregnancy at 30 weeks (pero yung sa kanya nawalan pala ng heartbeat yung kambal na girl kaya kailangan ng ilabas si Pancho). Nakakagaan lang malaman na hindi pala ako nag-iisa. Kahit hindi ko siya personal na kakilala. Totoo na considered na milestone na lumagpas rin ako ng 30 weeks kasi hindi rin naman nawala sa isip namin na baka premature din si bibi gurl katulad ng Ate Miko niya. Isa yun sa lagi naming pinagdarasal na sana kayanin na magfull term ni bibi sa tyan ko and lumabas siyang malusog at masigla.

Lately andami kong pagod at antok. Sabi nila normal daw siya pagdating ng 3rd trimester ng pagbubuntis. Sa totoo lang ang hirap magwork. Parang ayoko na nga magwork kaso sayang naman ang sahod. Wala rin naman akong maternity leave benefits sa company e 2 months din ang leave ko kaya 2 months waley sweldo. Tapos lilipat pa kami bahay kaya andaming dapat gawin. Hindi ko na nga lang iniisip at baka mapaanak pa ako bigla.

Ilang linggo na lang anak malapit ka na lumabas. Excited na kaming lahat. Alam ko excited ka na rin kasi para kang kangaroo/ninja sa loob ng tyan ko. Ang galing mo nga kasi kapag kukuhanan na kita ng video bigla ka na tumitigil sa paggalaw. Husay mo. Ke liit liit na bata ang galing ng mang-inis. Mahal na mahal ka namin anak. Mwah mwah tsup tsup!

Monday, July 22, 2019

Week 30 (Cabbage)


Kung kelan hirap na hirap ako yumuko, tsaka naman panay hulog ng mga gamit na hawak ko. Nakakajirita mga Mumshies. Ang hirap na bumangon mula sa higaan ngayon. Actually pati paggulong sa higaan. Sa side kasi ako natutulog and kapag naalimpungatan ako lumilipat ako ng ibang side. Pero depende pa rin kung saan wala ako nararamdamang sakit. Maselan kasi si Pippa kadalasan e. Alam na alam ko na ayaw niya akong humiga sa side na iyon kasi bigla siya gagalaw non-stop. Parang telling me "Nope, not this side.". 

Lately, nafu-food coma na naman ako pagkatapos kumain ng lunch (sometimes with dinner also). As in I have to take a nap after having lunch kasi hindi ko kinakaya ang antok. Nagkaroon ako ng phase na ganito rin pero dumating sa point na bigla na lang nawala. I think mga late 2nd trimester ko nun. Ngayon yung tamad levels ko e pataas ng pataas.

Thursday I took the day off sa work para sumama kila Basuraman at Miko na mag-ice skating sa Glenelg. Shempre dakilang miron lang ang inyong abang lingkod. Yung hindi nga ako buntis hindi ko kaya e, ngayon pa kaya na may ninja akong dala-dala. Eto talaga yung highlight ng lakad namin e. Naghanap kami ng shop kung saan kami pede maglunch. Ayoko ng fish and chips. Tapos nakita namin yung 'Lord of the Fries'. Lam niyo naman Mumshies na gustung-gusto ko ang fries/chips tapos meron pa silang shoestring cut. Naengganyo din kami doon sa chik n' waffle. So gorabels. Basuraman ordered the chk n' waffle, chicken nuggets kay Miko then Melbourne hotdog sakin plus the fries. Ayos lang naman ang waiting time. May isang family nga na pumasok din sa shop para kumain. Oky naman ang fries. Yung tinapay ng hotdog sandwich ko malambot. Pati hotdog. Aba'y bakit? Tapos nung kinain na ni Basuraman yung chick n' waffle niya e tsaka niya nabasa yung nakapaskil sa labas ng shop. Ang pagkain pala dito ay 100% plant-based. Oo mga Mumshies, VEGAN-friendly ang kainan na itey! Napapala ng hindi binabasa lahat. Kakalerkey. Perstaym. I have nothing against naman sa mga vegan food pero hindi kasi siya para sa amin. You know naman lalo si Miko, karne is life. Buti hindi pansin ni Miko dun sa chicken nuggets niya. Yung texture naman kasi niya e same ng totoong chicken. May something lang sa lasa. Ayun medyo naparami pa yung mustard ni Koyang server/cashier/taga-luto/taga-entertain kaya hindi ko na nakain yung hotdog sandwich ko. Binigay ko na lang kay Basuraman tapos inubos ko na lang lahat ng fries.

Saturday dapat magwowork ako kaso di na ako pinag-work kasi wala na kaming license para sa tool na ginagamit namin sa work. May pasok si Basuraman dapat kaso medyo masama pakiramdam kaya nag-leave. Nanood kami ng Lion King. Paalis pa lang kami ng bahay biglang hinihingal ako. Hindi ko rin alam. Hindi ako makahinga ng maayos. Pero sabi ko kaya ko naman. Pagdating sa Tea Tree Plaza humupa naman ng konti. Kaso pagpasok sa loob, naupo muna ako saglit kasi hinihingal na naman ako. Miya't-miya umuupo ako saglit para magpahinga dahil sa hingal. Noong pauwi na kami sobrang bagal ko na maglakad papuntang parking area kasi yung hingal ko na naman. Pag-uwi nakuha kong humiga kagad.

Sunday nagsimba kami ni Miko sa malapit na church dito sa amin. Walking distance lang pero dahil male-late na kami ni Miko, nagpahatid na kami kay Basuraman. Pagdating sa loob ng church hinihingal na naman si watashi. Tinanggal ko yung poncho ko kasi baka kako naiinitan lang ako. Hinihingal talaga ako. Kahit yung pagsagot sa mga responses hindi ko kayang bigkasin. Bumubuti yung pakiramdam ko kapag umuupo na. Dumating yung point na medyo nakakaramdam na ako ng hilo kaya nagmessage na ako kay Basuraman na sunduin na lang niya kami after the mass.

Babanggitin ko na lang sa next check-up ko yung paghihingal ko na yun. Dati hinihingal ako ng konti pero malala nung Saturday and Sunday.

Nga pala mga Mumshies, nag-email sa akin ng Musashino Red Cross Hospital. Hindi ko inexpect. So we assumed na kinontak sila ng EAJ regarding my request. Ayun na nga need ng hospital dito na magsend ng request sa kanila para makuha yung documents na need ko. Wala talagang may marunong mag-english sa department nila kaya pinakiusapan na lang nila yung isang staff sa kabilang department para matranslate yung email. Nagbigay si Ateng ng Address kung saan pede ipadala yung request of documents. Bale need ko pa inform ang WCH nito para sa sinasabing request na kailangang makuha ng Musashino Red Cross Hospital. Hindi ko nga alam kung tatanungin ko pa ang WCH tutal decided naman na kami na mag-undergo na lang ako ng C-Section. I have next week para tawagan sila.

Yung vision ko ganun pa rin. Di naman nag-worsen pero hindi rin umayos. Sana talaga pregnancy-related siya mga Mumshies and mawawala rin pag nanganak nako. Kakatakot kaya. Feeling ko mabubulag na ako.

Mahal na mahal ka namin anak. Tuwang-tuwa si Ate Miko tuwing natetyempuhan niya yung mga sipa/gulong/suntok/tadyak mo sa tyan ko. Fighting lang tayo ha. Muah muah tsup tsup!

Friday, July 19, 2019

Week 29 (Butternut Pumpkin)

Napansin ko na regular na talaga ang likot ni Pippa. Pero hindi ko na binibilang yung galaw niya. Sabi rin kasi ni Ms. K (the student midwife) na iba-iba kasi ang case ng pagbubuntis ng mga babae. Kaya hindi na nila ginagawa yung kick counter. By this time mararamdaman mo naman na kung ano yung 'pattern' ng movements ni bibi. And sabi niya, if I think there is something odd tumawag kaagad ako sa Women's Assessment Center ng WCH. Hindi daw maganda na maghintay pa ng matagal bago magpa-check-up kasi may mga cases na yung delay na yun pedeng ikapahamak ni bibi.

Tinanong namin yung friend naming Japansese na midiwfe sa Musashino Red Cross Hospital kung paano ko ba makukuha yung birthing records ko sa hospital nung pinanganak ko si Miko. Need kasi ng doctors dito yun para malaman nila kung paano ako manganganak. Ni-refer niya ako sa Emergency Assistance Japan. Bale nagke-cater siya sa overseas persons na nangangailang ng service sa hospitals na nasa Japan. Nabanggit din pala ni J-friend na by 'medical law' sa Japan e a hospital can keep the records for 5 years from her/his last visit sa hospital. E 7 years na ang nakakaraan noong nanganak ako kay Miko. Though hindi rin naman alam ni J-friend kung wala na ba yung records ko kasi wala naman siya access. Nakausap rin ni friend yung chief/head na may hawak ng records and sa tagal niya daw niya dun as chief e never pa siya naka-encounter na may nagrequest ng records from overseas.

Nag-enquire na pala ako sa EAJ (Emergency Assistance Japan) regarding sa documents na kailangan ko noong nanganak ako. Sumagot naman ang EAJ after 2 days yata and nag-inform sila na kailangan ko makipag-communicate sa hospital directly kasi third party sila and hindi sila naghahandle ng ganung case. Grateful naman ako sa response nila and nagbigay pa sila ng advise kung ano ang pede kong gawin. At this point nagdecide na kami ni Basuraman na sabihin sa WCH na hindi ko makukuha yung records ko sa Japan which means na automatic C-Section na ako.

Konti na lang na gamit ang need na bilhin na gamit ni bibi. Kinoconsider ko rin pala na gumamit ng cloth diapers. Meron kasing nagregalo kay Miko noon ng cloth diapers pero hindi naman namin nagamit kasi nung ginamit namin one time, nababad yung likod ni Miko sa wiwi. Mali ko naman hindi ako nagresearch bago namin subukan yung cloth diapers. Sa dami ng basura ngayon sa mundo e ayaw na sana namin dumagdag pa. Sa ganito man lang masimulan namin.

Araw-araw naming dinadalangin na maging malusog at safe ka Pippa. Kahit si Ate Miko mo gabi-gabi nagdarasal para sa'yo. Lagi niyang sinasabi sa akin na sana huwag matulad si bibi gurl sa kanya na maagang ipinanganak. Mahal na mahal ka namin bunso! Mwah mwah tsup tsup!!!

Tuesday, July 16, 2019

Week 28 (Eggplant - ulit?)


Since I am using 2 pregnancy apps para sa comparison ng laki/haba/bigat ni baby weekly base sa mga gulay or prutas kaya naulit na naman yung eggplant. So let's assume na this is a jumbo eggplant.

July 1, 2019 Monday - This day marks the 28th week of Pippa. At nagising ako na may something wrong sa aking vision. (ToT) Yes mga Mumshies. Parang hindi balanced ang paningin ko. So I tried using my left/right eye only. Kapag yung right eye lang gamit ko walang problem. Pero kapag yung left eye ko blurry, medyo may dark area sa left side ng vision ko and biglang parang lumiliit yung mga bagay na nanakikita ko. Like sa phone or sa laptop. Lumiliit yung mga fonts. Kaya kapag sabay ko ginagamit mata ko parang hindi pantay. Parang malabo. Hindi sumasakit yung ulo ko pero napaka-uncomfortable mga Mumshies. Hanggang Thursday ganun pa rin yung left eye ko. Babanggitin ko na lang sa checkup ko ng Friday baka kasi pregnancy related yung paglabo ng left eye ko.

July 3, 2019 Wednesday 8:30AM Schedule ng OGTT ko sa SA Pathology Oakden. Naka-fast ako ng 10hours since last night kaya gutom-gutom na naman si watashi. 9AM yung appointment time ko pero nagpahatid na ako kila Basuraman ng 8:30AM sa hospital kasi nung last time maaga din ako tapos hindi naman nila sinunod yung time. Ayun nga sinabi ko lang na may appointment ako and hindi naman na tinanong yung oras and nagstart naman na yung test. Buti last intake ko ng food noong gabi is 10:30PM. Hindi na ako nagpasama kay Basuraman kasi nga 2 hours yung test. Nagpasundo na lang ako kay Basuraman after the test. Hilong-hilo si watashi sa gutom mga Mumshies.

July 5, 2019 Friday 10:30AM Scan and check-up at MFM of WCH. Start na rin ng school holidays nila Miko kaya kasama namin siya. Medyo nagahol ng time sa pagpa-park kaya nauna na ako at hindi na sila nakasama during the scan. Pero andun naman si Miss K. Yung student midwife na magfo-follow ng pregnancy ko as part of their midwife learning. Confirmed na mga Mumshies. Marunong naman pala siya mag-tagalog. 3 years na siya dito sa Adelaide and she's under student visa. Sa November daw e ga-graduate na siya (bonggey!) Magaan naman loob ko sa kanya. Tsaka ramdam ko na gusto niya talaga yung pagmi-midwife. Ngayon ko nga na-realise na ang gandang support ng isang student midwife sa isang jontis. Nakatulong na sayo at the same time nakakatulong pa dun sa student. As usual kilos ninja na naman si Pippa. Tinanong ulit ako kung meron daw ba akong GD or nag-OGTT na daw ba ako. So I informed Ateng sonographer na I took the test last Wednesday and ngayon ko malalaman yung result during my check-up sa MFM. May transvaginal scan din ako to check my cervix. From 14mm from my last scan, 15mm siya ngayon. Sometimes I tend to worry pag naririnig ko yung numbers pero sabi nga ng doctors and ng sonographer na intact naman yung cerclage and the number means na stable yung size ng cervix. Inassist naman ako ni Ms. K mula sa aking pagbibihis hanggang sa pagtulong na ako ay makabangon. After the scan, mineet namin si Basuraman and Miko and pinakilala ko na si Ms. K. Chika dito, chika doon. Derecho na kami sa MFM for the check-up.

May midwife na dumating to check my BP. Pero si Ms. K na ang nagvolunteer na kumuha. Sinabi rin pala nung midwife yung result ng OGTT ko. Everything is good naman at wala akong Gestational Diabetes. Salamat po ng marami Lord. Okay din ang Vit D , iron and hemoglobin ko. Ididiscuss na lang daw ng thoroughly ng doctor. May mga nauna pa kasi na patients kaya need ko maghintay pa ng konti. Sinabi ng ng midwife na baka gusto muna naming kumain. Magsabi lang daw muna sa receptionist (si Ateng Anita).

Miya-miya tinawag naman na ako. Di na sumama si Basuraman kasi kinda nagkukulit si Miko. Kasama ko naman si Ms. K. Iba na naman yung doctor na na-assign sakin for this check-up. Si Madam Blondie. Hindi ko natandaan name e. Sarena. Bale yung iron level ko pala mga Mumshies e nasa boundary kaya tinanong niya ako kung ano ang diet ko. Like yung intake ko ng red meat and spinach. E sabi ko once a week. Ayun inadvise na mag-take ako ng low dosage ng iron supplement. Kung sinabi ko daw na 3x a week ako nagre-read meat and everyday ako lumalafang ng spinach e wala daw problem. Dapat idi-discuss na today yung sa birthing plan ko kaso tinanong nila ako kung makukuha ko daw ba yung birthing record ko kay Miko nun sa Japan. Sabi ko within that week malalaman ko kasi meron na akong kinontak. Nakasalalay kasi sa records ko kung magkakaroon ba ako ng choice na mag-VBAC (Vaginal Birth After Caesarean). So next time na lang which is a month after (August 2). Wala na rin akong scan sa next check-up ko. Binanggit ko nga pala yung nangyayari sa left eye ko. Chineck naman niya and may mga questions siya sakin. Tapos sinabi niya tatawagan niya yung boss niya to consult kung ano ang dapat gawin. Possible daw na meron akong 'floaters' and common daw siya sa pregnancy. Habang tinatawagan niya ang boss niya e sinabihan niya si Ms. K na kunin yung measurements na need niya para dun sa chart niya.

After a few minutes kinausap na ulit kami ni Madam Blondie. Inadvise na magpatingin ako sa optometrist para macheck talaga kung bakit ganun yung vision ko. Pero if biglang mag-iba daw ang vision ko to the point na nabubunggo na ako e pumunta daw ako directly sa ER ng Lyell Mcewin Hospital. Doon kasi may eye specialist and birthing hospital din siya.

After naming magpaalaman ni Ms. K ay derecho na kami sa OPSM na malapit sa amin para magpa-check ng mata. May record na kasi ako doon. Baka sakali na may available na slot for check-up. Kaso waley. 9:30AM and 11:30 AM ng Saturday meron. Yung 9:30AM na kinuha kong appointment time. Binanggit ko na rin kung ano yung ipapacheck ko which is my left eye.

Left eye scan ni watashi with swelling.
July 6, 2019 Saturday 9:31AM Oo mga Mumshies na-late ako ng 1 minute. Halos tumakbo ako from parking lot hanggang dun sa shop. (Shempre hindi naman ako tumakbo kasi baka madulas ako at hindi ko kayang tumakbo sa kalagayan ko.). Buti na lang may nauna sa aking appointment kaya hindi pa ready yung optometrist nung dumating ako.

Ayun na nga chineck na ni Kuyang O ang aking mga mata. I even asked kung need ko na ba magpapalit ng prescription glasses. Ini-scan din yung mata ko (which is hindi covered ng Medicare kaya need ko siya bayaran) para makita kung meron bang bleeding or kung ano ang condition ng back ng mata ko. And nakita nga na merong swelling sa left eye ko. Which is yung reason kung bakit blurred ang paningin ng kaliwang mata ko. Other than that yun lang yung nakita ni Kuyang O. Hindi naman niya ako mabigyan ng eye drops dahil nga pregnant ako. Tinanong ko kung ano ang pede kong gawin. Rest. Tanging rest at wala ng iba. Sabi niya, in time mawawala rin daw yun. He also thinks na hindi rin naman maco-correct ng prescription glasses yung vision ko lalo at possible na mabago siya pagkatapos ko manganak. Pero pinababalik niya ako after 3 weeks para mamonitor yung left eye ko. Pero in case na biglang magbago yung vision ko like kung magkaroon ng distortion e bumalik daw ako kagad sa kanya.

Yan ang kaganapan sa buhay namin ni bibi gurl para sa linggong ito. Kahit naman ano ang mangyari sa akin kakayanin ko as long as safe and healthy si Pippa. (Sinabi ko pa kay Basuraman na binubulag na yata ako ng anak niya. Hindi ko naman kasi na-experience ito kay Miko.)

Fighting lang tayo anak! Kayanin natin sana ang full term. Pero kung ano ang plano and will ni Lord siyempre doon tayo. ^_^ Welabyuberimatchi bibi gurl!


Thursday, July 4, 2019

Week 27 (Cauliflower)

Winter na talaga mga Mumshies kasi naman mga 3-4 layers na ang damit ko. Kung kilala niyo ako e napakahina ko sa lamig sa totoo lang. Nagstart yata yun after ko manganak. Mga 50% ng body heat ko napunta kay Miko. Kaya tipong autumn pa lang or spring na e winter level pa rin ang lamig na nararamdaman ko. Kaya nga medyo kinakabahan ako paglabas ni Pippa e. Baka wala ng matirang init sa katawan ko hehe.

This week pala we have decided to have a midwife student follow my pregnancy. Actually nakita ko na siya sa brochures na binigay ng WCH. Tapos may nakita ako sa page ng Filipino group sa Adelaide na naghahanap ng Filipina na jontis na 28 weeks or less or naka-due manganak sa November or earlier. E di pasok sa banga si watashi. Pero it took me 2 weeks bago kontakin si Ate Student. Hindi kasi ako sure kung kaya ko ba mag-commit. Arte lungs. Anyways, feeling ko naman makakatulong sa amin na Filipina yung student midwife na titingin sa pregnancy ko (though hindi ko siya personally kakilala and hindi ko pa siya nami-meet) and at the same time makakatulong kami sa kanya sa pag-aaral niya. 


Ayun mabilis naman nagreply si Ateng SM and tanong-tanong ng konti. Siyempre in english mga Mumshies. Nagtry ako mag-insert ng 1 Filipino/Tagalog sentence sa convo namin kaso hindi nagpatinag si Ateng. I just assumed either need na in full English talaga convo namin for documentation niya sa school or hindi na marunong mag-Tagalog/Filipino si Ateng kasi dito na siya lumaki at nag-aral. Plano ko siya tanungin pag nagkita na kami. Shempre mga Mumshies iba pa rin yung in Tagalog mo kausap ang isang tao. No pressure. Hindi nakakasakit ng bangs. 

Nakapagpa-schedule na ako ng aking OGTT next week. Fasting na naman itey mga Mumshies. Meron na namang jontis na magugutom ng bongga. Buti na lang napa-sched ko siya ng Wednesday (July3) para pagdating ng Friday (check-up ko sa WCH) meron ng resulta. Please pray for us na sana negative naman ako sa Gestational Diabetes. Sabi kasi ni Ateng Sonographer last time na kinda malaki si Pippa kaya may possibility daw na may GD ako. Nakaka-guilty lang talaga kasi ang hilig ko pa mandin kumain ng matatamis. Pero I'm parying na maging okay naman lahat ng test and scan ko next week.

Si bibi gurl patuloy pa rin sa pag-ikot at sa pagte-training niya sa pagiging isang ninja. Tapos kapag irerecord ko na sa phone ko yung movements niya e bigla na lang hihinto. Para bang nasesense niya na may kumukuha ng video niya kaya hindi muna siya magpaparamdam. Wais din noh? Pero pansin ko mga Mumshies kapag magalaw ako or marami akong ginagawa, hindi ko siya nararamdaman gumalaw. Nakaka-praning lang mga Mumshies. Kasi at this point of my pregnancy e dapat daw mino-monitor na yung paggalaw ni bibi. Dapat alam mo na yung pattern. Kasi kapag naiba yung pattern e sign daw yun na there's something wrong. E shempre hindi naman pede na naka-upo or nakahiga lang ako maghapon magdamag para mamonitor ko paggalaw niya. Kailangan nating kumayod para sa ekonomiya di ba?

Grabe konting kembot na lang malapit nako manganak. Ambilis ng panahon! Parang kahapon lang hindi ako makakain dahil sa morning sickness. Ngayon e kung magutom ako akala mo 10 bata ang nasa sinapupunan ko hehe. Be healthy lang anak. Tapusin natin ang full term bago ka lumabas ha. Huwag ka naman magmadali. Walang extra points kapag nagpasa ng maaga ng papers. Fighting!