Pages

Tuesday, April 27, 2010

pa-amoy

pagkagaling ko ng opis kanina i smelled something as i opened the door of our apartment. something sweet. amoy bulaklak. inamoy ko yung tanim kong kamatis na malapit dun. hde naman. tapos inamoy ko pati yung lupa. hde rin. muntik ko ng amuyin yung mga sapatos. impossible na kako. then i remembered my lola. dinalaw ako ni lola. binalikan ko ulit yung amoy kaso wala na.

aiza: ate nagparamdam na ba sayo si lola?
ako: oo kanina. amoy bulaklak. pero saglit lang.
aiza: may butterfly kasi kanina.
aiza: baka nagmamadali si lola kasi pupunta pa sha dubai.

ako: haha oo nga :)

hanggang ngayon naiiyak pa rin ako kapag naalala ko si lola. nung kausap ko nanay ko sa skype gusto kong umiyak. she was telling me na pagdating nila sa bahay mainit pa si lola. para lang daw natutulog. considering that she was already dead for 8hrs na yata. sabi ni mamu hinintay daw talaga sila. tapos miya-miya daw bigla na sha lumamig. sa iba siguro nakakatakot yung ganitong eksena pero i wish i was there to touch my lola for the last time. gustung-gusto ko kasing hinahawakan yung malambot at kulubot niyang balat.

nabanggit ko sa aking previous entry na nahihirapan akong matulog. this past few nights nakakatulog nako ng maayos at kahit walang music. dim light na lang nakabukas. i asked lola kasi na bantayan niya ko sa pagtulog ko para naman makatulog ako ng maayos.

i will miss you lola....

i will really miss you ;(

Friday, April 23, 2010

dipon

pudanginang dipon do. di ango mangahinga ng mangayos.

ang tanging pabaon ko...

today is my lolo and lola's wedding anniversary. sayang di pa nakaabot si lola. was talking to my mom on the phone kanina and she told me that they cooked pansit ang bought a cake. kung hde lang patay si lola i can imagine how happy her old wrinkled face was. mababaw lang kasi kaligayahan ng lola ko. makita lang niyang kumakain ang mga apo niya masaya na siya.

andami naming kapitbahay sa bulacan who traveled all the way to pangasinan makadalaw lang sa labi ng lola ko.

i wish i'm in pangasinan right now to be with my lola ;(

everytime na umuuwi ako pinas i see to it na uuwi kami pangasinan or sila lolo at lola ang nasa bulacan. parang diko kayang pumunta ng pangasinan kasi alam ko pagdating ko dun wala na akong lola na makikita at mayayakap pa. kawawa naman lolo ko. matigas pa mandin ulo nun. ayaw sa bulacan.

i love my lola. i will truly miss her. i'm happy kasi i was able to talk to her 2 weeks before her death. i even asked her to wait for me kasi ikakasal pako. kaso di umabot sa request. kinuha na siya ni Lord.

Rest in peace Lola. You will always be remembered....






wala akong makitang matinong video. my brother posted (the link of) this vid in FB. just sharing...

Sunday, April 18, 2010

Paalam Gng. Marcelina Perez

i miss my lola...

after the diagnosis of the big C returning plus lots of complications we were expecting that anytime soon God  will take my Lola. Just a few minutes ago my mom sent me an SMS saying that my Lola is gone and they are on their way to Pangasinan. Nalungkot ako nung una. I thought I won't be crying until I just felt that I miss my Lola. At hanggang ngayon tears are still rolling down my cheeks. I was still a kid the last time there was a death in the family. that was when my Lolo (father side)died a year after my Lola died because of snake bite.

i miss her.

sabi ko sa kanya hintayin niya ako na makasal. hintayin rin niya yung apo sa tuhod niya sa aming magkakapatid. but i am happy that she's already with the Lord. No more pain....

Lord kayo napo ang bahala sa family ko lalo na kay Lolo. Thank you sa pagpapahiram niyo Samin kay Lola. Please tell her that I will miss her very much.

When the right time comes I will see you again Lola. I love you...


i love my lola

si marian and dingdong ng barangay balingueo pangsinan!






goodbye Lola... 'till we meet again...

Wednesday, April 14, 2010

if a picture paints a thousand miles away...

i like taking pictures. pag hindi ako tinatamad (^_^)

so when i wanted to buy a camera last year i didn't opt for a DSLR. hindi naman ako mahilig maki-uso.

i am not really into photography. i'm a point and shoot person. if i like the subject i'll get my iphone or if i really really like to take the picture i'll use my digicam. ganun lang kasimple.

while waiting for our turn in the badminton court i wander around the area for some exercise and to take some pics. using my iphone's cam i started taking pictures.

 ok na sana kaso may sumabit.


saw this penk tooleep infront of our office's bus waiting area. took the risk of getting caught by manong guard coz i think we're not supposed to be there because an incoming bus might hit us.


aren't they lovely?


nagkalat lang sa daan. para lang damo (^_^)

lahat na lang kinakatamaran ko.

that's all folks!

Thursday, April 8, 2010

Afraid

Naranasan mo na bang matakot na matulog?

Ako tatlong linggo ko ng iniinda ang sinasabi kong takot na yan.

Kinakailangan ko pang makitulog minsan sa isang linggo makaranas lang ng mahimbing na tulog.

Minsan nakakatulog ako na bukas ang ilaw dahil nakatulugan ko.

Ngayon kailangang bukas ang ilaw para lang makatulog ako.

With matching music dahil nabibingi ako sa katahimikan ng gabi.



Pati yata pagtae ko apektado na rin.

Kung hde pa ako iinom ng laxative di pa ako matatae.

Napundi na yata yung sensor sa puwet ko na nagsasabi na kailangan ko ng tumae.

Kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon sana matapos na.

Nakakapagod.