Pages

Thursday, February 18, 2016

how yah doin' there papa?

Akala ko nai-post ko na ito dati. Almost same title except for the last word (how yah doin' there papsy?) Pero nung binasa ko magkaiba ang laman. Diko na din alam kung bakit. Diko na inedit kaya pagpasensiyahan niyo na kung hindi capitalized ang unang letra sa bawat pangungusap. Sinipag maghalungkat ng Drafts folder. Throwback thursday mode si watashi today...

October 23, 2010

2 years ng wala si papa. tuwing umuuwi ako ng pinas hindi ko nakakalimutan na bisitahin ang puntod niya. at tuwing dinadalaw namin siya ni basuraman diko pa rin mapigilan ang umiyak na para bang kahapon lang siya nawala.

diko na maalala nung unang beses na nakilala ko ang tatay ni basuraman. hindi siya palangiti na tao. pero naging mabait siya sakin kahit hindi kami nagkakausap. nakukwento na lang sakin ni basuraman na lagi niya akong hinahanap at tinatanong kung kumain na daw ba ako kapag nasa bahay nila ako.

at nangyari na nga ang lahat. nasa opisina pa ako nun dahil kailangan kong mag-overtime ng biglang nagtext sakin si basuraman na wala na si papa.

i know i didn't act properly during the funeral of papa. hindi ko alam ang gagawin ko. lahat sila naka-puti. ako lang naka-itim. hindi ko alam. bata pa ako nung may namatay sa family ko. hindi ako lumapit sa kabaong niya during the blessing and before he was buried. i kept a distance. umarte ako na parang ibang tao kay papa. alam ko na nung mga panahon na yun e sobrang kinamuhian ako ni basuraman. pero alam ko na alam ni papa how i grieved when he left. how he meant to me. hindi man nakita ng pamilya ni basuraman at ng ibang tao.

gusto na ni papa nun na makasal kami ni basuraman. palibhasa matatanda na kami nun at si basuraman na lang ang walang asawa. kaso hde yun nangyari. siguro masaya na rin si papa kasi nakasal na kami nung august kahit civil nga lang.

hindi ko alam kung bakit pero umiiyak ako ngayon habang ginagawa ang post na ito. hindi ko rin maipaliwanag pero bigla na lang ako naiiyak kapag naalala ko siya.

makakalimutin akong tao pero hindi ko makakalimutan yung itsura ni papa na nakangiti siya o tumatawa. Napakadalang kasi ng mga ganung pagkakataon.

sakaling madaan ka dito sa blog ko papa gusto ko lang sabihin na maraming salamat po.


No more worries, no more sorrows,
No more hurt and no more pain,
In the kingdom of Heaven you now stand,
Our love for you will forever remain.

No comments: