Pages

Thursday, February 18, 2016

Random thoughts from 2010

Last entry para sa aking throwback thursday chururut. Isa na lang yung nasa draft ko. Yey!

Yung huling part ng entry na ito e lumabas yung resulta ng visconde case. Ngayong taong ito (2016) pumanaw na si Ginoong Visconde. Ang bilis ng panahon.



December 16, 2010

i've been sleeping very very very late for the past 2 weeks. (read: 2am). basuraman will kill me for this.

baka kasi mamiss ko ang pagpupuyat hehe. pag nasa pinas kasi ako pag bakasyon ambilis/ang aga kong makatulog. minsan naupo lang ako saglit tulog na kagad. dahil siguro sa pakiramdam na nasa bahay ako. dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. yung feeling of at peace na hindi ko nararamdaman dito.

++++++

ilang tulog na lang jollibee na naman ^_^ pero kailangan pang pumasok ng weekends dahil sa dami ng trabaho. tapos bonggang-bonggang OT everyday. ang wrong timing kasi nila mag-set ng project.

++++++

for the love of kiko matsing i-email na sana sakin yung bago kong itinerary.  at sana naman e hindi na busy ang line ng PAL tuwing tatawag ako.

++++++

nung isang araw naisipan kong gumawa ng twitter account. wala lang. gusto ko lang makasagap ng tsismis. kaya mostly ng finofollow ko e mga ta-artits. para sa chismis!

++++++

after 15/20 years nagkaroon na ng resulta ang visconde case. Diyos lang ang nakakaalam sa mga totoong nangyari. inosente man o hindi ang mga napawalang sala e pareho sila ni lauro visconde na nawalan at naging kawawa. hindi kinaya ng puso ko ng makita ko si ginoong visconde na himatayin nung sinabi yung resulta. kumirot ang puso ko nung napanood ko yung interview ng nanay ni hubert webb. 2 dekada ang nawala sa pakikibaka ni ginoong visconde para sa hustisya ng kanyang pamilya. 2 dekada ang nawala sa buhay ni hubert webb at ng kanyang pamilya dahil sa pagkakakulong na sa bandang huli'y mapapatunayan na walang sala.

matagal nakong nawalan ng pag-asa sa bansang pilipinas. dahil kung hindi siguro nasa pinas pa rin ako ngayon. makasarili pero yan ang nararamdaman ko sa bansang pinanggalingan ko.

No comments: