Mar 4 - 7AM Bago magstart magwork nagwiwi muna ako. And I am bleeding again. Jusko. Pero yung level ng bleeding ko ay katulad lang nung unang bleeding na nangyari sa akin 2 weeks ago. Kabado na naman si watashi. Buti na lang hapon pa ang pasok ni Cy and kasama ko siya sa umaga.
The bleeding did not reach my pad. I usually see the bleeding every time I pee. Mga 2-3 times nangyari from Monday to Wednesday. Kinakalma ko lang ang sarili ko and if by Thursday hindi siya huminto tatawag nako sa hospital.
Mar 7 - The bleeding stopped. As in wala the whole day. Medyo nakahinga na ako ng maluwag kahit papaano.
Mar 8 - 4AM Nagising na naman ako dahil may naramdaman akong hindi maganda. Another heavy bleeding. Ginising ko si Basuraman kasi ninenerbiyos na naman ako. Matched with big clot. This time I took pictures of my undies and pants with blood para malaman sa hospital kung gano kalakas yung bleeding ko including the blood clot in the toilet bowl. Minsan kasi baka iniisip din sa hospital na exaggerated lang si watashi sa mga nangyayari kaya mabuti ng may resibo. Buti na lang wala akong pasok that day kasi sinwap ko yung Monday holiday.
On the way sa hospital tumawag na muna ako sa WCH para nga idulog ang nangyari sakin. Ang hirap pala makipagusap sa phone kapag emotional mga mumshies. Nahirapan akong kausapin si ateng operator kasi nga nagsisimula na akong maging crying lady. Nairaos ko naman yun phone call.
5AM Women's Assessment Service Area ng WCH. Sandali lang kami naghintay at may umattend na sa aking midwife. Mabait si Ateng midwife and tinanong na nga niya kung ano nangyari. Kwento kwento then pakita ng pictures para sa proof of purchase. Nagpasensha naman si Ateng na baka matagalan bago may umattend saking doktor dahil during that time e busy ang mga doktor. Naintindihan ko naman the long waiting chenes talaga kasi di naman life-and-death yung situation ko nung mga oras na yun.
Around 6:30AM Dumati na si Ateng doctor at itago natin siya sa pangalang Shine. Ang ganda ng aura ni Ateng, yung tipong sobrang bagay niyang doktor ng bata at makakalma siguro kahit sinong makakita at makausap siya. Nagpasensha rin si ateng Shine mo kasi bagong doktor at pati yung ultrasound equipment e medyo baguhan pa daw siya. Shempre mga Mumshies okay lang naman sakin. Ako pa ba ang magiging choosy. Basta macheck nila na ayos lang si Bibi.
According sa ultrasound bibi's fine. At ang likot! After the scan need ng speculum examination para macheck ni Ateng Shine na I am not losing too much blood dahil sa aking bleeding. Bukaka na naman si watashi. Uncomfortable talaga pero para kay bibi kakayanin lahat. After that check umalis muna si Ateng Shine para ikonsulta sa kanyang mga seniores ang kanyang findings.
7:30AM Bumalik si Ateng Shine and based sa scan and speculum exam e okay naman si bibi. They still don't know the reason for bleeding. Tinanong din ako ni Ateng kung may doktor nako, may antenatal check-up, pregnancy notebook, etc. Sabi ko wala pako nung pregnancy notebook and wala pa akong doktor for this pregnancy pero meron nakong antenatal appointment sa April 3. Yun na kasi yung pinaka-maagang available date. Kinda nag-worry siya kasi ng 2x nako napunta ng ED ng hospital dahil sa bleeding ko. Tignan daw niya kung pedeng makakuha ako ng mas maagang appointment for my atenatal check. Kaso need daw namin maghintay kasi yung 7:30AM is time ng palitan ng shift so baka need namin maghintay ng 30mins-1hour. Hintay-hintay.
8:30AM Si Lola Triage Midwife na ang bumalik. Dahil bago lang daw si Ateng Shine e hindi niya daw alam yung proseso regarding pregnancy checkups. E siya bilang thunders na daw sa industriya e alam niya kaya parang nirecommend niya na magtanong si Ateng Shine sa mga seniores niya. Inalok pa nga kami ng maiinom pero gusto na lang talaga naming makauwi.
10AM Hangry na si Basuraman. As in H-A-N-G-R-Y. Mantakin niyo naman kanina pa kaming 5AM sa hospital. Nagyaya na si Basuraman sa reception desk para itanong kung iki-keep ba namin yung April 3 antenatal appointment ko or meron silang bagong date na ibibigay. Ayun na nga mamshies. Bale natanga si watashi kasi hindi ko naintindihan si Lola Triage Midwife. Nung bumalik pala siya kanina e sinabi niya na i-keep yung April 3. E di dapat kanina pa kami nakauwi. Kaya ayun habang pabalik na kami ng parking lot naiiyak na si watashi kasi galit na si Basuraman. Di na kasi siya nagsasalita. Alam ko naman na mainit na ulo niya dahil sa puyat at gutom. Kaya naiyak na lang ako hanggang paguwi. E naiiyak ako e. Buti sinabihan namin si Miko na kapag nakita niya ako na umiiyak e 'it's because of pregnancy'. Para di na mashado magtanong yung bata.
Hangry lang daw talaga si Basuraman. Kaya paguwi namin pinaiyak pa niya ako lalo (as in sinadya niya akong paiyakin ng bongga). Pero alam ko nun okay na siya. Hindi na siya hangry.
After ng bleeding ko ng Friday hindi naman na ako ulit nagbleed ng weekend. Thank you Lord. Pero ang hirap lang na kada wiwi ko or punta ko sa cr or may naramdaman akong something from my vajayjay e feeling ko dinudugo nako.
So far wasak pa rin ang panlasa ko. May guilt nakong nararamdaman kasi hindi ako mashadong nakakakain ng veggies and fruits. Fruits medyo pa. May times din na parang hingal na hingal ako na parang masusuka na ewan. O di kaya gabi na tapos biglang aatake yung morning sickness ko. Very weird ng feeling. Pero so far di pa naman ako nagsusuka. Hanggang lalamunan pa lang.
Bibi itodo na natin ang pagkapit ha. Kaya natin itwoooah!
No comments:
Post a Comment