Another good week mga mumshies. Hindi ulit ako dinugo this week. (^_^)
This week yung morning sickness ko lumipat ng gabi. May mga araw na para akong sinasaniban ni kulapo at hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko. So far ganun pa rin ang panlasa ko, wasak. Diko alam kung ano ang kakainin ko pero kahit papano naman nakakain ko kung ano yung meron. Yun nga lang konti. O kaya pag hindi ko talaga feel magluluto or magpapaluto ako ng pritong itlog. Ang galing ko noh? Baka isumpa ako ni bibi sa mga pinagkakakain ko. Pero sinusubukan kong kumain ng 1 prutas everyday and next week magstart akong kumain kahit blanched brocolli. Kahit anong ulam need ko samahan nung brocolli. Pero noong sabado nakaubos ako ng 1 serving ng salad (greens+tomato+red capsicum+red onion).
Minsan constipated pa rin ako kahit twice a day na ako umiinom ng Metamucil (psyllium husk). Nakakatakot kaya pag hindi mey natatae ng maayos. Ang tigas ng tyan ko. Parang pakwan.
Minsan inaatake ng pulikat yung isang cheek ng pwet ko. Mostly left. Yung tipong bigla akong napapabaluktot kasi parang diko kayang maglakad. Though kadalasan naman e nakukuha sa masahe at hindi ganun katagal. Natatakot lang ako na bigla ako atakihin kapag sinusundo ko si Miko from school. E naglalakad lang kami.
Yung baby bump ko mukhang taba bump pa rin. Pero anlaki na ng tyan ko. Parang pang-5 months na nga e. Naalala ko noong si Miko ang pinagbubuntis ko. 6 months pa lang ako pero akala nung co-worker ko na Japanese manganganak nako kasi anlaki daw ng tyan ko. Pansin ko kasi sa mga babaeng Japanese na nagbubuntis parang nabusog lang sa laki ng tyan.
Almost 7 years din ang pagitan ni Miko and bibi no.2. Kaya diko maisip kung ano yung kalagayan ko sa una kong pagbubuntis. Imagine araw-araw pako bumibiyahe nun para magwork. Wala naman kami car kaya everday commute. Though super efficient ng public transpo ng Japan kaya walang problema. Pero naalala ko nun may nireseta sakin si Lola OB na herbal medicines chuchu para sa nausea and vomitting ko. E ngayon work from home nako pero hirap pako sa mga nararamdaman ko.
Ano pa ba? May nagdonate na sa amin ng pram, capsule and basssinet. Tumatanggap pa po kami kung nais niyo magbigay. ^_^ Dumating na pala yung yung letter para sa appointment ko sa isang Gynecologist sa May 14 pero pinamove ko na ng May 17 para walang pasok si Basuraman.
Kapit pa rin ng mabuti bibi. Makakaraos din tayo huwag kang mag-alala. Andito lang si Mummy, Daddy and Ate Miko para sa'yo. Mahal na mahal ka namin! Muah. Muah. Tsup. Tsup.
No comments:
Post a Comment