Pages

Monday, March 18, 2019

Week 12 (Lime/Plum)

Good news kagad tayo mga mumshies. Hindi po ako dinugo this week. \(^_^)/ Thank you Lord! Sana po tuloy-tuloy na hindi na ako duguin at maging maayos ang paglaki ni bibi sa aking sinapupunan.

March 13 - Schedule ng aking Maternal Serum Screening Test. No need ng appointment kaya pagkahatid kay Miko derecho na kami sa clinic. Maraming tao pero malapit naman na yung number na nakuha ko. According to VCGS, "Maternal serum screening is a blood test available to pregnant women who want to know about their chance of having a baby with a chromosome condition, such as Down syndrome." Sabi ng GP ko kapag 35 years old and above na ang isang babae, mas mataas ang chances na magkaroon ng chromosome condition ang baby. At dahil 36 na ako kaya pinakuha niya ako ng ganitong exam.  Sa SA Pathology ako nagpakuha ng dugo kasi yun yung form na binigay sakin ni GP. Sandali lang naman kasi kinuhanan lang ako ng dugo. After a week malalaman ang result. Pero ang galing lang ni Ate na kumuha ng dugo ko. Tinannong nya kasi ako kung saang arm ko gustong makuhanan ng dugo. Sabi ko left. E sa kapal yata ng taba ko e hindi talaga makita yung ugat ko sa left arm. Kadalasan mauuwi kami sa right arm. Inoffer ko na nga yung right arm ko kasi parang nahihirapan siya pero hindi nagpatinag si Ateng. Ang galing niya kasi successful yung pagkuha niya ng dugo sa kaliwang braso ko. Galing talaga niya pramis.

March 14 - Schedule ng aking Nuchal Translucency Scan. 10AM ang sched ko kaya an hour before ng aking appointment inom na naman ng tubig. around 750mL lang ininom ko pero nasa sasakyan pa lang naiihi nako. Malamig kasi nung araw na yun. Eto na naman po kami. Sakit na naman sa pakiramdam. Yung ihi level ko e yung tipong di mo na ako pede kausapin. As in. 9:30AM kami dumating ni Basuraman sa place. Ang masakit na paghihintay. According to pregnancybirthbaby.org.au , "A nuchal translucency scan is part of the ultrasound scan that most pregnant women have at around 12 weeks of pregnancy. The ultrasound will measure the size of the nuchal fold at the back of your baby's neck. The results of the scab may tell you if your baby has a high or low risk of chromosomal abnormality." Parang ka-partner siya ng maternal serum screening test.

Iba yung sonographer na tumingin sakin ngayon. Mukhang mabait and magaling si Ate. Gaan pa ng kamay. Siya ang unang nagsabi na ang gandang birthday gift daw pag nanganak ako sa mismong birthday ko kasi nga 2 days lang ang pagitan ng due date ko at birthday ko. Ilang beses niya pinabawasan yung wiwi ko kasi di niya masyado makita si bibi. Pinakita niya ang heartbeat ni bibi and pinarinig na rin niya. Gustung-gusto ko na naririnig ang heartbeat ni bibi. At ang likot ni bibi mga mumshies! Walang halong eklavoo. May point pa na mukhang sinisinok kasi para siyang bola na nagba-bounce. Matagal-tagal din yung scan kasi gusto ni Ateng na makuha niya lahat ng anggulo. Tapos may instance pa na ikot ng ikot si bibi.

Nung natapos na inoffer ni Ate kung gusto daw ba namin ng copies ng pictures ng scan. Finally magkakaroon na kami ng kopya. Akala ko di na kami mabibigyan. Actually dapat  irerequest ko na e. Naunahan lang ako ni Ate. At sakto yung weeks of gestation ko sa kanya. Unlike dun sa una kong scan sa Adelaide MRI almost a week yung delay ni bibi pero sinabi pa rin ni ateng sonographer nun na ok lang daw yun. Kaya magaling talaga si Ateng sonographer na itwoah. Sinabi niya rin pala na mukhang wala naman problem si bibi based sa nakuha niyang mesuremements pero better na idiscuss ko na lang sa doctor yung result. Plan ko sana a week after ako magbu-book ng appointment sa GP ko (March 22) para idiscuss yung result ng maternal serum screening test and NT scan pero ang lola mo hindi na pala available from Mar18-Apr3. Gusto ko sana makausap si GP bago ang antenatal appointment ko sa April 3 e kaso naman missing in action si GP.

Praying for a good result for the 2 tests and hopefully wala naman problem. At sana talaga tuluy-tuloy na yung hindi ko pagdurugo. Tuloy lang sa kapit bibi! Kaya natin itwuoah!

No comments: