Gusto ko lang i-dedicate ang post na ito sa aking pinakamamahal na esposo na si Basuraman. Sobrang dami niyang sacrifices na ginagawa ngayong buntis ako. Lalo na at ilang beses na akong dinugo at kinailangang dalhin sa Emergency Department mg hospital.
Maraming salamat kasi ... maaga kang gumigising para ayusin si Miko sa pagpasok sa eskwelahan dahil maaga akong nagsisimula magtrabaho. Kahit late ka na natutulog dahil late ka na umuuwi from work, pinagsisikapan mo araw-araw na gumising ng maaga para asikasuhin si Miko. Kadalasan sinasabay mo na rin ang paghanda pati ng aking almusal.
Maraming salamat kasi ... ikaw na din ang naghahanda ng ating tanghalian. Kadalasan pinoproblema mo pa kung ano kakainin ko kasi nga wala akong gana at diko alam kung ano ang gusto ko kainin.
Maraming salamat kasi ... mula ng magkaroon ako ng heavy bleeding hindi mo na ulit ako pinag-vacuum. Yung pagva-vacuum kasi ang common denominator na naisip natin na ginawa ko bago ako duguin.
Maraming salamat kasi ... ikaw na rin ang namamalantsa ng mga damit natin. Nagwo-worry ka kasi baka isa ring cause ng bleeding ko ang pamamalantsa dahil matagal na nakatayo at mainit pa.
Maraming salamat kasi ... minsan hindi ka nakakatulog kapag kailangan mo akong bantayan kapag inaatake ako ng bangungot.
Maraming salamat kasi ... pinipilit mong hindi magalit lalo kung naiinis ka na sa mga nangyayari sakin or may hindi ako nagawang maganda. Like nung paguwi mo from work nakatambak pa ang hugasin sa lababo kasi nakatulog ako. Di bale hindi naman na naulit yun kasi sinisigurado ko na malinis na ang lababo bago pa ako antukin.
Maraming salamat kasi ... hindi ka tumitigil sa pag-aaruga at pagmamahal sa amin ni Miko at pati na rin kay bibi.
Sobrang thankful talaga ako na si Basuraman ang asawa ko at ang nag-aalaga sa aming lahat ngayon. Lalo kapag nakakabasa ako sa forums regarding pregnancy ng mga nanay/soon-to-be nanay na mag-isang pinagdadaanan ang kanilang pagbubuntis. Thankful din ako na pedeng work-from-home ako sa nakuha ko na trabaho ngayon.
Noong isang araw habang naghuhugas ako ng pinggan, nahiwa ang daliri ko. Nabasag na ng tuluyan yung pinggan na may lamat at sakto nahiwa yung daliri ko. medyo malalim kaya andaming dugo. Buti na lang may asawa akong Nurse. :D Noong hapon din yun pumunta kami sa Ikea para bumili ng plato dahil itinapon na ni Basuraman lahat ng plato namin na may lamat or chipped.
Dalangin ko sa araw-araw na maging maayos at healthy ang pagbubuntis ko kay bibi. Pati na rin ang maayos at mabuting kalusugan para sa aking pamilya.
Mahal na mahal kita Basuraman. Ngayon at magpailanman. Asukal at suman.
No comments:
Post a Comment