Wednesday, February 10, 2016

2015

At natapos ang taong 2015 na wala man lang ako nai-post na something about dito. I know, I know..... Susubukan kong alalahanin na lang ang ilang highlights ng aking 2015....

  •  From Kodaira our workplace was transferred to Nakano (still in Tokyo). (End of March)
After more than 5 years ng paglalakad/pagbibisikleta mula bahay hanggang opisina e kailangan na naming sumakay ng tren dahil nalipat ang aming opisina. Nabili ng isang American company ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin at kinailangang lumipat ng building/lugar. Ang simula ng aming kalbaryo. Dahil hindi biro ang kalagayan ng mga tren dito during rush hours. Siksikan kung siksikan. Walang halong exaggeration yung mga makikita niyo na videos na kung saan yung akala mong impossibleng makapasok sa loob ng tren e totoong nagkakasya. Personal experience! Nakakaloka ng walang halong eklavoo! Pumasok kang fresh na fresh sa tren tapos pagdating mo sa destinasyon mo e daig mo pa ang inapi ng 1 million times sa pagka-haggard. Walang patawad ultimo pag-uwi.

Na-experience ko na rin yung nakarating ako sa iba't-ibang lugar sa loob ng tren ng hindi lumalakad. Oha! Kasi wala ka ng magagawa kundi sumunod sa agos ng buhay. At dahil maliit ako madalas e ginagawa akong patungan ng kili-kili ng mga nakakatabi ko na matatangkad. 

Sabi nila baka medyo maayos pag sa "women's car" sumakay. Ay hindi ito totoo! Dahil mas balahura pag nagsama-sama ang mga babae. Dito ako nasaktan ng bongga. Pramis.

Tip: Huwag sasakay sa car ng train na malapit o tapat ng hagdanan. Dahil asahan mo pagbaba mo e mukha kang sinakluban ng langit at lupa ng 645 times tapos binugbog ng 30 sumo wrestlers.

  •  1 week vacation in Adelaide. (May).
Goldeen week sa Japan kaya napag-isipan kong magbakasyon saglit sa Adelaide. Tsaka kailangan kong lumayo saglit dahil may ginawa akong desisyon na alam kong ikaka-stress ko ng 1 buwan.

At Hhandorf

  •  New company. New workplace. (Wala na pala ako sa Tokyo ngayon. Nasa Yokohama na.) (June)
Pangako dito. Pangako doon. Dahil gahaman sa pera, goodbye former company. Hello new company! Ayoko na lang pagsisihan ang ginawa kong desisyon. Iniisip ko na lang e may dahilan kung bakit nangyari ang lahat. ^_^
  •  Hokkaido Trip! (August)
Ay ito gagawan ko ng separate entry. Promise! Spent 3 days and 2 nights at Hokkaido with friends. 


At the top of Mt. Hakodate

  •  3rd birthday ni Miko (September)
Ang bilis ng panahon. 3 years old na si Miko. And we decided na umuwi si Basuraman sa Pinas para i-celebrate ang birthday ni Miko. Masaya ako na kahit si Basuraman man lang e kasama ang anak namin nung birthday niya. Shempre hindi naman papayag ang anak kong napakahilig sa mga parties na walang masayang pagdiriwang ang kaarawan niya. Will make a separate post for this. (Susme dalawa na yung kailang kong gawan ng posts.)

Miko at 3!

  •  1 month work from home in Adelaide. (October)
Naranasan ko magwork from home ng 1 buwan. Mahirap din pala mag-work from home. Partida kasi wala pa si Miko sa lagay na yun. Ang daming distractions. At nakakaloka ang internet ng Australia. Susme pang third world country ang bilis. Naturingang first world country.


At Victor Harbor

  • Christmas and New Year in Japan (December)

For the second time around e dito ako sa Japan nag-pasko at nag-new year. Kung maaga lang sana nilabas ang work schedule namin e di sana sa Pinas ako nakapag-bagong taon. Kabwisit lang. Sa awa ng Diyos e matiwasay naman naming nai-celebrate ang pasko at bagong taon. 


Fish be with you ^_^
 
Yun lang. Hanggang sa muli. Paalam! 

Thursday, October 29, 2015

Blue Screen of Death

Matatapos na ang 2015 pero pang 2014 pa rin ang post ko.
Better late than latererererererer.....

Dahil malapit na ang halloween. Meron akong kwentong nakakatakot....nakakatakot sa bulsa...

December 2014

A week bago ang aking nalalapit na christmas vacation sa Pinas e naisipan kong i-update ang IOS ng aking iphone 5s. Updated it via wifi. Katulad ng ginagawa ko dati. Nang biglang huminto ang paga-update at need ko na itong i-connect sa itunes. Pagdating ng bahay tinuloy ko. Dito na nagsimula ang kalbaryo ng telepono ko. Ayaw magtuloy nag paga-update. Sinubukan ko na lahat ng naka-saad sa help support ng Apple. Kahit hindi naka-back-up ang files ko ni-restore ko ito sa default factory setting. Goodbye files. Ayaw ng mag-turn on ng telepono ko. Inisip ko nung una baka naman kako may problem lang internet sa bahay. Sinubukan ko sa PC ko sa opisina. Nung una bumukas pa siya tapos biglang lumabas na ang "Blue Screen of Death".

Image from google. For reference purpose only. bow.

At first di ako aware kung ano ibig sabihin ng paglabas ng kulay na yun sa screen ng aking telepono. Sinubukan ko ulit itong i-ON kaso pagkabukas lalabas na ulit ang blue screen. Sinubukan ko sa ibang PC sa office kaso wala pa ring pinagbago. Tumawag nako sa customer support ng Apple. Shempre pahirapan pa kasi antagal bago ako naka-connect sa customer service representative na marunong mag-english. At ang ikinagulat ko pa e nasa Australia kausap ko. Oo nagulat ako. As in silent 'Nye!'.

At bago nga pala tuluyang na-deds ang telepono ko e sinapian muna siya ng espiritu ng zebra.

Image from google. For reference parpos onli.

Tanong dito. Sagot doon. Hanggang sinabi ko na lang na nagawa ko na lahat including yung nakalagay sa website ng Apple. He advised me to visit the nearest Apple Store which is located in Shibuya. Binigyan na rin niya ako ng appointment. Buti na lang may available slot bago ang flight ko pauwi ng Pinas. Dahil ayokong mag-bakasyon ng may inaalala. At sa kasamaang palad e 13 days ng out of warranty ang aking telepono. 13 FREAKIN' DAYS! Aaaargh! Tinanong ko na rin yung customer rep kung magkano ang gagastusin ko para naman makapaghanda ako. Kasi based sa assessment niya (at sa mga nabasa ko) e for replacement na yung telepono ko. Actually binigyan pa nga ako ng pag-asa. Baka daw maging lenient yung Apple pipol sa Shibuya and hindi na nila ako pagbayarin tutal ilang days pa lang naman out of warranty. At umasa naman si tanga.

Salamat sa google maps and jorudan (Japanese Train Route Finder) madali ko lang nahanap ang Apple Store. Akyat sa second floor and I was immediately asked if I have any appointments. Shempre hintay na naman ng marunong magsalita ng English. Hindi naman sa nagmamagaling ako (at hindi naman talaga ako magaling) pero nagsearch lang si kuya sa website ng Apple. Nagawa ko na yung nagawa niya. Pati yung error na sinabi niya alam ko na rin. And board problem nga daw and for replacement na yung telepono. So mega ask naman ako kung pwedeng di nako magbayad kasi ilang araw pa lang naman na out of warranty yung phone tsaka nag-update lang naman ako ng IOS tapos sira na kagad phone ko. Sagot ni Kuya e kung pagbibigyan nya nga naman ako e di lahat na ng out of warranty na phones e pagbibigyan na rin nila. Which is may point naman talaga. May point din si Kuya nung sinabi niya na lahat naman ng gadgets masisira kaya hindi niya ma-assure na hindi na ulit mangyayari yung nangyari sa phone ko. It just so happened lang talaga na ako yung natapatan. Ang saya di ba? After 5mins nakuha ko na yung bagong unit. Nagbayad ako ng 31, 104 Japanese Yenssssssssssss. SHET.

Mag-iisang taon na pero nakatago pa rin yung resibo na yan. Ang nakakaiyak na resibo.
Tapos pagdating ko ng Pinas eto naman ang nangyari.

Ganito madalas ang lumalabas pag ginagamit ko yung function na camera kahit sa mga apps.
Kapag nga naman tinamaan ng magaling e mukhang natapat na naman ako sa may tama. Actually sa point na ito nag-doubt nako kung bago ba yung pinalit na unit ng telepono ko or refurbished lang siya. Pagbalik ko ng Japan nagpa-set ulit ako ng appointment. Nakakaloka lang kasi antagal ko naghintay. Diko alam kung wala lang ba talagang marunong mag-english o ayaw nila ako kausapin. Susme! Nabasa ko sa mga forums na another defect na naman ito ng iphone5s and pag hindi naayos sa software e for replacement na naman. Buti na lang meron siyang 90days na warranty after the 1st replacement. Nakakairita naman kasi di ba? Kapapalit lang tapos biglang may sira na naman. Inconvenient sa part ko for the time and money that I spent for this. Gusto ko sanang magtaray kaso hindi ko naman gawain yun.

Hanggang ngayon 1 beses pa lang ako nag-update ng IOS sa takot na ma-encounter ko na naman si blue screen of death. Sobrang nerbyos ko nung nag-update ako kasi nga baka maulit na naman yung nangyari sa telepono ko. Ayoko ng makita muli ang 'blue screen of death'.

Saturday, October 24, 2015

Fuji-Q Highland Theme Park (September 2014)

Huli man daw ang matsing, ginigiling pa ang sinaing. 
Better later than laterererererer.......

September 26, 2014. Farewell party ng kasama namin sa grupo na si Koketsu-san.

Madam: Punta daw tayo sa Fuji-Q Highland.
Ako: Tara! 

(Pagkatapos ng 3.1415 segundo......)

Ako: Teka kelan tsaka sino kasama? Tsaka pano tayo pupunta dun?

Ganyan ako madalas pag nae-excite. Oo kagad kahit hindi ko alam ang mga kondisyon. Kaya madalas rin ako napapahamak.

September 30, 2014
Walang pasok dahil walang network sa office. Nabili kasi ng isang American company ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko and need lumipat ng lugar. Buti na lang katabing building lang yung lilipatan. Pero temporary lang. By March 2015 lipat ulit pero dun na sa totoong location. Anyways diko alam kung perstaym ba nila pero 2 days kaming walang pasok dahil walang network. Kesa naman tumunganga kami sa opis at mag-aksaya ng kuryente e hindi na lang kami pinapasok. Paid leaves. Yeboi!

Since kasama namin ang Japanese friend namin na si Hayakawa-san e wala kaming naging problema sa pagbili ng tickets for the theme park and bus. We rode the highway bus and it took us 2 hours to reach our destination.

Hayakawa-san and I paid an additional 1,000 yen for the 'fast pass' of the TAKABISHA ride. Naturingang weekday pero napakahaba pa rin ng mga pila. Ewan ko ba sa mga Hapon. Kaya advise ng aming kaibigan e bumili ng isang fast pass ticket para sa ride na gusto ko talagang masakyan. Isang fast pass ticket lang binili ko kasi konti lang pera ko e hehe.

FIRST RIDE: EEJANAIKA (the 4th dimension coaster)

Noong panahon na sinakyan namin ito ni Hayakawa-san e ito ang Guinness World Record holder ng coaster with the greatest number of inversions. Wala akong pakialam kung hard kagad ang first ride ko. Bahala na si Lord.

WAITING TIME: 2hours

Picture muna bago ako natae sa salawal ko. Shempre joke lang yung natae. Naipot lang. Ganern. Joke ulit.
Susme. Diko na alam kung ano ikukwento ko kay Hayakawa-san. Nasagad yung baon kong Japanese. Nung nakita ko na ng malapitan kung pano nag-ooperate yung ride e parang gusto kong mag-backout. Tanginadis. Suspended ang mga paa sa ere. Tapos may mga 1 million mysterious ways na iikot ka habang nasa ride. Walang halong eklavoo. Pagkatapos nung ride nagkaroon ako ng short-term amnesia. As in hindi ko alam kung sino ako, nasaan ako at kung anong ginagawa ko dun. Tapos hinahanap ko rin kung saan napunta yung balun-balunan, baga, bato, puso, small and large intestines ko. Ganun lang naman nangyari sakin.

Image from google. Parang nasusuka ko pag nakikita ko na ganyan itsura ko nun.

Image from google

NEXT: Great ZABOON/Cool Jappaan

WAITING TIME: Saglit lang

Nag-request ako na medyo pahinga muna kami ng konti. At para makasakay naman si Madam. Medyo refreshing kasi may involved na tubig. Parang Jungle Log Jam ng Enchanted Kingdom. Pero eto basa kung basa. Hindi siya yung basang wisik lang. May available rain coat na pwedeng bilhin. Meron ding mga lockers na pwedeng pag-iwanan ng gamit. Bumili kami ng rain coat kasi ayaw naming matulad dun sa mga nauna samin na ultimo yata mga underwears nila e basa.

Picture ulit bago sumakay.
NEXT: Shining Flower (Ferris Wheel)

WAITING TIME: Saglit na saglit lang

Nag-request ulit ako ng pahinga. Ako na matanda. 2 roller coasters din yun kahit sabihin mong mababa lang yung isa. Maganda ang view. Maganda ang panahon. Kaso cloudy kaya hindi namin nakita si Mt. Fuji. Sobrang lapit na lang kasi niya. Zayangnesss. Tapos parang nahihilo ako kapag nakikita ko yung unang sinakyan ko na Eejanaika. Tapos parang gusto ko ng mag-backout dun sa ride na binilhan ko ng fast pass. Malamang uulit ako ng ferris wheel mimiya.

Lunch time! Maling-mali talaga yung timing. Nagpakabusog muna talaga ako bago sakyan yung TAKABISHA ride.

THIS IS IT PANSIT: TAKABISHA

WAITING TIME: 3 hours. Pero dahil meron kaming fast pass ticket WALEY! Bwahahahahaha! Ang ganda ng lakad ko sa express line habang binebelatan yung mga buryong na buryong na sa pila. Pero shempre joke lang yung belat. Peaceful akong tao. Ayaw ko ng gulo. At ayaw ko bigla ma-deport.

Sobrang saya kasi shempre hindi kami naghintay para lang masakyan ang ride na ito. Pero ninenerbiyos at the same time kasi kababalik ko lang ng internal organs ko sa tamang positions nila e matatanggal na naman.

Image from google

Image from google. The steepest coaster with a drop angle of 121 degrees. Shet di ba? 
Magbabayad na rin lang naman ako ng extra e di dun na sa Guiness World Record holder.


Picture ulit muna bago matae sa salawal ulit.
Edi yun pagkalagay ng gamit sa locker (ang convenient lang talaga) sumakay na. Tapos tapos na. Ganun lang. But wait! Hindi ganoon ang nangyari. Kada trip 8 persons lang ang sakay. Dumagdag siya sa nerbyos ko actually. Parang "Shet pag may nangyaring masama 8 LANG kaming mamamatay." Ganung level ng nerbyos hehe. Pasensha na sa may planong sumakay sa ride na ito for the first time pero hindi lang naman kasi kinaya ng puso ko yung sa simula ng ride e wala kang makikita. As in parang papasok ka sa isang tunnel na walang ka-ilaw-ilaw. Hindi ko inexpect yun. Dun pa lang sa part na yun nasira na yata ang eardrums ng mga kasama ko sa kakasigaw. At ang masakit pa e ako lang sumisigaw. E di sila na matatapang!!!

At nang muli kong nasilayan ang liwanag e nakahiga nako. Papaakyat sa langit. Pero hindi pako patay. Paakyat na yung cart/car para sa 121degree-drop. Siguro inakala ng mga kasama ko e miyembro ako ng kulto sa dami ng orasyon na nabanggit ko. Ang ganda lang talaga sa ride na ito e bago yung 121 degree-drop e hihinto muna kayo sa itaas ng matagal. Namnamin baga yung view bago ka mamatay. Shempre walang clue kung kelan ka babagsak. Teka hanapin ko lang puso ko. Tumalon nung naalala ko yung moment na yun. Ikot. Ikot. Sigaw. Ikot. Himatay. Sigaw. Ikot. Sigaw. Himatay. Ikot. Hinto.

Nakalakad pa naman ako papunta kay Madam nun. Shempre nakakahiya naman kay Hayakawa-san. Pero sabi ko CR lang ako. Medyo nag-stay ako ng matagal sa toilet kasi akala ko masusuka ako.

NEXT: Fuji Airways (4D theatre)

WAITING TIME: Nakalimutan ko na. Pero Saglit lang.

Maganda sana itong attraction na ito kung hindi ako nahihilo. Kumbaga dapat normal lang ang aking kalagayan para ma-enjoy ko talaga siya. Actually akala ko marerelax ako sa attraction na ito kaso lalo ako nahilo. Hindi ko kayang manood ng 3D achuchiching dahil sa mata ko. Yung saglit OK lang. Kaso nga simula pa lang di nako OK.

Since natuwa si Madam at Hayakawa-san sa attraction na itwu e umulit pa sila. Ako nagpaiwan na sa bench para magpahinga. Kasi hindi ko na talaga kaya. As in anytime masusuka na talaga ako. Ngayon napatunayan kong hindi na talaga ako bata. Dati kasi maning-mani sa akin ang Anchor's Away at Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Ngayon bokya na.

OTHERS: THOMASLAND

WAITING TIME: Waley

Oo pinatos namin ang Thomas Land kahit pambata. Wapakels kahit kami lang ang matatanda na sumakay sa train. Kailangan naming magpahinga lalo na ako. Sobrang enjoy for sure ng mga bata (at matanda) na fan si Thomas and friends.

Nung medyo OK nako e umulit kami sa Great ZABOON tapos dahil mejo basa na rin lang kami e eto na yung sinunod naming ride:

NEXT: NAGASHIMASUKA

WAITING TIME: Nakalimutan ko na. Siguro mga 120minutes.

Parang Rio Grande ng Enchanted Kingdom. Gusto ko sanang ulitin itong ride na ito kaso ang haba ng pila.

After the Nagashimasuka ride. Maiba naman. 'Di laging before.

At dahil padilim na nag-ferris wheel ulit kami bago umuwi. Bukas na ang mga ilaw kaya ang ganda ng view. Kumbaga sa exercise e nasa cool down period na kami.

Meron akong gustong attraction na hindi na-try. Yung 'Super Scary Labirynth of Fear'. Gusto ko lang sanang subukan kung kakayanin ko ba. Kaso wala ng time, 3 hours yata ang waiting time and hindi na sila nag-aaccept pa ng papasok. Sayang talaga! Siguro sign na rin yun. Baka kung natuloy kami ambulansya na maghatid sakin sa bahay. Ang tapang ko kaya!

SUMMARY:

Oo may summary talaga! Ang haba ng post na ito ha. Biro lang yung summary. Conclusion ito dapat. I really enjoyed Fuji-Q Highland. Medyo bitin kasi sobrang dami ng attractions and hindi enough ang isang araw. Siguro para sa ibang makakabasa nito e OA yung reactions ko sa ilang rides. Wala e. Ganun talaga.  Basta ako masaya na ako sa mga attractions/rides na nasakyan ko. Lalong-lalo na yung EEJANAIKA and TAKABISHA!

*Ang chaka ng pictures. Yan lang kasi ang meron sa instagram ko. Nasira kasi ang hinayupak na fon ko and hindi ko na-back-up ang aking mga files. Kapag may time ikukwento ko sa susunod na post kung panong natyempuhan ang telepono ko ng 'The Blue Screen of Death' dahil lang sa paga-update ko ng IOS.

Good day ebribadeh! ^_^



Friday, February 13, 2015

Miko Turns 2!

know I know... Anong petsa na. February 2015 na pero yung post ko e pang September 2014. Ang motto ko kasi sa buhay e "Better late than latererererererer."

September 10 ang birthday ni Miko pero ginanap ang party nung September 13 (Saturday). Nakakalungkot mang isipin na pareho kaming wala sa Pinas ni Basuraman for Miko's second birthday e ganun talaga. Sacrifices. Anyways Basuraman and I decided that it will just be a smiple party. As in stapegi with flayd shiken na handa lang. Plus cake and konting balloons. Gustung-gusto kasi ni Miko ang cake. Tapos tawagin ang mga streetchildren. Parang feeding program lang. Choz! Pero seriously speaking ganun lang naman ang gusto naming handa para kay Miko. Simple pero alam naming mage-enjoy ng husto ang anak namin. Madali lang naman kasi paligayahin ang bata.

Came Saturday. Nagpost ng pictures ang ate ni Basuraman ng setup ng birthday party ni Miko. May malaking tarpaulin. May catering. May magandang cake bukod sa cupcakes na binake ng Ate Liz para kay Miko. Bigla kong kinuha yung calculator ko para mag-compute. Tapos message kagad kay Basuraman. Sobrang nagandahan ako sa setup and kinda nag-worry lang ng konti kasi parang hindi kasya yung pinadala namin for Miko's party. Anyways I'm very thankful and super happy sa family ni Basuraman for everything (time, effort, etc.) para maging masaya at successful ang party ni Miko. Kitang-kita naman sa pictures na ansaya-saya ng anak ko.













Sugar Overload!







Miko with Ate Leng, her kumare Jillian and Ninang Elotte ^_^

Estimating her bisitas. Estimate talaga!

Pakihanap ang gangster kong anak.

With Alisa. Ang nag-iisa niyang pinsan sa side namin.

Our latest family pic.
Sa third birthday ni Miko mas konti ang handa and mas konti ang bisita. Pero magkakasama na kaming tatlo ^_^ Aja!

Let go and let God.

Hi! I underwent cryonics kasi and ngayon lang ako nagising. Chos! Ang busy ng buhay. Masarap kumain ng gulay. Pwera sa okra at saluyot.

2015 na pero andami kong posts (mga dalawa) na pang-2014 na nasa isip ko pa rin ngayon. Kailan ko sila maipo-post? Bahala na sa catwoman.

Bago pako saniban ng espiritu ng katamaran e let me tell you what I've learnt nung nagsimba ako sa Tokorozawa Church nung Linggo (2/8). ^_^

First time namin umattend sa Tokorozawa Catholic Church. After naming nagsimba sa Kiyose Catholic Church nung first sunday e may pinay na nag-invite samin na umattend naman sa Tokorozawa. Malapit lang daw sa Kotesashi Station. Madali lang hanapin. Sabi ni Ateng.

Luckily may nakasabay kaming kakilala na pupunta rin sa church na yun. Kasi para samin hindi siya madali hanapin. Kung nagkataong wala kaming nakitang kakilala malamang sa alamang e umuwi na lang kami ni Madam. Anyways ang ganda nung church. At ang ganda ng homily ni Father. Eventhough I'm having a hard time understanding his english I think I was able to get what he was trying to say to us.

Always wear the "glasses (like reading glasses) of happiness". Because when you see happiness, you become happy. When you see doom, you are doomed. Even when we are suffering let's always wear the glasses of happiness. Alam ko mahirap makakita ng kaligayahan sa paghihirap pero subukan pa rin natin. ^_^

We have many questions in life that we do not know the answers. Even Father has questions. Learn to let go and free yourselves from thinking too much because of these questions.

Let go and let God. Do your best then let go and let God do the rest. Ako kasi yung tipo ng tao na sobrang mag-isip na madalas naapektuhan na yung kalusugan ko. Isip dito isip doon. Plano dito plano doon. Worry dito worry doon. Dati yun. Ngayon nabawasan na ng konti. Mga 10 milligrams. Pause. Take a deep breath. Pray and lift everything to God.

Naisip ko lang kasi baka may isang nilalang na maligaw sa blog ko and makatulong ang entry na itwu para sa mga katanungan niya sa kanyang buhay. Para sa'yo ito kid!

TGIF! And advance Happy Puso!

Tuesday, September 23, 2014

Hanabi

According to Mareng Wikipedia... 
"During the summer in Japan, fireworks festivals (hanabi taikai) are held nearly every day someplace in the country, in total numbering more than 200 during August. The festivals consist of large fireworks shows, the largest of which use between 100,000 and 120,000 rounds (PL Art of Fireworks), and can attract more than 800,000 spectators. Street vendors set up stalls to sell various drinks and staple Japanese food (such as Yakisoba, Okonomiyaki, Takoyaki, kakigori (shaved ice), and traditionally held festival games, such as Kingyo-sukui, or Goldfish scooping.

Even today, men and women attend these events wearing the traditional Yukata, summer Kimono, or Jinbei (men only), collecting in large social circles of family or friends to sit picnic-like, eating and drinking, while watching the show.

The first fireworks festival in Japan was held in 1733." 
 
Just like last year our friend and colleague Hayakawa-san invited us to view hanabi (fireworks) in Chofu City (Tokyo) which is near their place. The event was held at the banks of Tamagawa River. That was Sunday, August 24, 2014. A week after our Australia trip may booking kagad. Yes. Ako na busy. Chararat! Hayakawa-san's husband already reserved a space for us in the venue. Meaning tanghali pa lang yata andun na yata siya. Sobrang bait nilang mag-asawa. The event will start at 6:30pm and we were supposed to meet her at the train station by 5:20pm. But since Madam Joy and I will be wearing yukata (summer kimono), we met her at an earlier time. Gusto kong maiyak nung inoffer ni Hayakawa-san yung yukata niya samin ni Madam. Pangarap kong jackpot kaya yun. Pramis.
 
I chose the light blue colored yukata. ^_^
Akala ko 3 kaming mag-yu-yukata nila Hayakawa-san. Kaso it will take time and sino nga naman mag-dadamit kay Hayakawa-san since ano naman malay namin ni Madam sa ganung bagay. So after Hayakawa-san made our yukatas, Madam did my hair and I did hers.






Si Donya Buding nadalaw sa Japan!


With Hayakawa-san ^_^

Everone brought something so umaapaw ng chibog nung time na yun. Meron spaghetti (nalerkey ako sa effort ng mag-asawang itey na may dala pang sandok), playd shiken, korean bbq, lumpiang shanghai, ham and cheese sticks na nagmukhang turon, at marami pang iba. Kaso hindi ako mashado nakakain kasi nga ang hirap kaya umupo sa lapag ng naka-yukata. Baka mawala sa pwesto mag-show pako ng libre. Tamaan pako ng kidlat. When I say 'hindi ako nakakain ng mashado' ibig sabihin hindi ako naka-lafang ng bonggey na bonggey. Mga 20pcs ng chicken, isang batyang yakisoba at 15 cups na fruit salad. Ganun lang. Na-sad ako ng konti.

Nagsimula na kaming chumicha kahit hindi pa nagsisimula ang hanabi. Baka mapanis kasi yung foods. Hihi -_^V




This is my colleague's daughter (from the Phils.) who just came here in Japan for a vacation. Ang swerte kasi nataon na panahon ng hanabi. Ang mga bata nga naman ngayon kay bi-bigtime! Ako matanda na (22?) ng nakasakay ng eroplano at nakatapak sa ibang bansa. At hindi pako magkakaroon ng passport kung di pako pinadala ni company for a training here in Japan. Pasensha na kung sumegwey pako ng sad story. Ganun talaga pag tumatanda. 


I tried capturing the beautiful fireworks in display in photos but all I had were these blurry pictures. Anyways I had fun and the show was great! At shempre aprub na aprub dahil libre!






Another check in my bucket list (na hindi naman nag-eexist! lels). Sobrang na-enjoy ko ang hanabi na itwu kahit shining like a diamond na ang fez ko sa mantika na dulot ng init at stress. Oo nakaka-stress magsuot ng yukata. At para naman sa aking autumn escapade, sama-sama tayong manalangin at mag-donate (chos! Pero pede rin hihi) para matuloy ang minimithi naming Sapporo/Hokkaido trip.

"Life is like fireworks. You can close your eyes and be scared or open them and enjoy the view."

Sunday, September 7, 2014

Carpe Diem (Isang Linggong Pag-ibig: Adelaide Version)

One beautiful saturday morning, Madam Joy and I were having our breakfast at Tully's. After I finished my heavenly pancakes everything went to a blur and wallah! I already booked a flight from Tokyo to Adelaide for our summer vacation. Watdaep right??!! Deym credit card! Alam mo yung pumunta ka sa palengke para lang bumili ng suka tapos paguwi mo meron ka ng bitbit na kabayo? As usual nadala na naman ako ng bugso ng aking damdamin. Pede rin naman ako umuwi ng pinas kaso kailangan ko pa dumaan sa POEA for the OEC and naiisip ko pa lang naiinis at napapagod nako. Tsaka gusto ko kasing takasan ang init ng summer dito sa Tokyo. Winter kasi sa Australia nun. You know, can't stand the heat. Chararararat! Repeat ng aking Isang Linggong Pag-big entry. Adelaide version naman.
As usual nasa dulo na naman ng walang hanggan ang gate ng Jetstar. Gusto mo ng mura. Ayan magdusa ka! At Narita Airport.
We ate first before boarding the plane. Nagtitipid kasi si watashi at hindi ako kumuha ng meal sa flight namin. UNAGI!!!!!
Actually from Tokyo sa Melbourne ang dating namin. Afternoon of August 9 ang departure  namin from Tokyo then arrival sa Melbourne Airport ng midnight of August 10. Wala kasing direct flight ang Jetstar from Tokyo to Adelaide. And we had to attend my inaanak's christening the next day which will be held in Melbourne. Oo dumayo pa talaga ako ng binyag sa Australia. Ganyan ka-busy schedule ko. Andami bookings chahahahar! After a 10hr-flight diko malaman kung anong mangyayari sakin sa simbahan. Naalala ko kasi yung isang episode sa show ni Mr. Bean na tumumba na lang siya forward while attending church kasi antok na antok siya. Susme. Everything went fine naman and after ng binyag bumiyahe na kami papuntang Adelaide via car. Almost 8 hours din ang byahe. I was very happy to be with Basuraman again. But we both know that it would've been better kung andun din si Miko. 
Most of the times e either nasa bahay lang kami or nasa city. Or nasa Woolworths. Batang Supermarket. Ewan. I just love grocery shopping. And the best thing is naiintindihan ko kung ano yung mga products kasi they are written in english. Unlike here sa Japan nakaka-frustrate madalas. Basta mukhang edible pede na. I remembered one time when we were loooking for some cooking sake. Inabot kami ng 10 years bago namin nakita. May tulong pa yun ng internet.

Pero takot pa rin ako gamitin yung coins sa Australia. Ang tanga lang. Ang hirap naman kasi kabisaduhin. Feeling turista ang gaga. Bills palagi ang pambayad. 
What I like about the place where we have stayed in Adelaide is its accessibility to public transpo like the train. Wala pa naman kasi kaming car ni Basuraman kaya umaasa lang kami sa public transpo kung gusto namin lumibot. Tumbling lang ng 100 times nasa train station ka na. I prefer riding trains than buses. Pero hindi ko alam kung gugustuhin kong sumakay sa MRT sa pinas kesa sa bus. Actually ayokong nagko-commute papuntang Manila kapag nasa Pinas ako kasi feeling ko mas malaki ang chance na mawala ako dun kesa dito sa Tokyo. 
At Glenelg Beach. Ganyan trip namin. Winter tapos beach. At gustung-gusto ko ang piktyur na ito kasi nakikita ko ang haba ng leeg ko. Sobrang dalang nyan!

At parang isang panaginip ulit nasa Adelaide airport na kami by Sunday afternoon (August 17). Waiting for our domestic flight bound for Melbourne.

Bilang mabubuting empleyado e pumasok pa kami kinabukasan. Kahit nasa dulo ng walang hanggan ang gate pagdating sa Narita Airport e ayos lang dahil this time on-time ang Melb-Tokyo flight namin. Yun nga lang pagdating sa bag carousel e naramdaman na namin kagad ang Summer heat ng Japan.
Hindi kami mayaman. Kaya kahit nasaktan ang budget namin dahil sa unexpected travel ko na ito e hindi naman ako nagsisisi. Dumating na kasi ako sa punto ng buhay ko na itinanim ko sa isip ko na panindigan ko lahat ng desisyon na ginagawa ko sa buhay ko. No wasting of time for regrets. Lahat ng nangyayari may dahilan. Move forward kagad. I thank you. Bow.
Tumatanda nako kaya lately mas gusto ko magtravel over buying gadgets/things. Kaya sana magmaterialize ang aming Sapporo trip this autumn! Woot-woot!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails