Pages

Wednesday, February 17, 2010

i almost died

akala ko katapusan ko na.....



i made "angkas" ate joy in kuya kim's bike on our way back home from office. kuya mylo went to the hospital for check-up because his blood pressure reading was 180/110. we were very worried because they went to the hospital after lunch tapos 5pm na wala man lang update sa kanya. right now he's ok. he really has to change his lifestyle and he badly needs exercise! anyway back to the story. so kuya kim used kuya mylo's bike then ate joy and i used kuya kim's bike. at first ok lang mabilis pako magpatakbo. tapos anlamig pa. sa unang kanto hinihingal nako. hanggang makarating i was fine pero sobrang hingal na. when i was about to park the bike ayun. tinamaan na ng lintek...

- nahilo nako. at kung mahina-hina lang loob ko bumagsak nako sa kinatatayuan ko
- nagsimula ng maging blurred ang paligid. pero i still managed to take the stairs. ayoko gumawa ng eksena.
- nakuha ko pang pumunta sa kabilang flat para kumustahin si kuya mylo. pero nung sa tingin ko malapit nako bumigay nagpaalam nako na naiihi nako.
- pagkapasok ko ng kwarto gusto ko na lang bumagsak sa higaan ko pero shempre naisip ko kagad na baka masama yung gagawin ko. lam mo yung hindi mo alam nasa bingit ka na pala ng kamatayan kaya bawat galaw mo e kritikal. kaya i immediately removed my jacket para mapreskuhan sarili kahit sobrang lamig. first time kong pagpawisan ng bonggang-bongga sa ganun kababang temperature.

dito ako kinabahan....

sumakit panga ko! panga as in jaw! lintek. nagsimulang sumakit ulo ko dahil sa masakit kong panga. as in yung gilid ng mukha yung makakapa mo yung sugpungan ng panga sa iyong bungo. ngayon lang kasi sumakit panga ng walang kaabog-abog. baka kako masamang senyales na yun. breathe in breathe out. remain standing. lakad-lakad sa room. relax lang. wag magpanic. until i gradually regained my composure. ok nako nung kakain na kami. mejo tulala habang kumakain dahil sa kaunting hilo na naramdaman.


conclusion....

i believe that our minds are very powerful. katulad ng nabanggit ni Sarah sa pelikulang the Race to Witch Mountain, humans haven't use their minds in full potential (those weren't the exact words pero related na dun hehe). i think we can perform telekinesis. kaso the big question is how to use the brain/mind in full potential? in what way? ako kasi yung tao na pag hindi ko feel hindi umeepekto sakin yung produkto. katulad nung inoffer ng ate ni basuraman na necklace na yari sa magma or bato na galing yata sa bulkan. nakakapagpagaling daw. parang tatanggalin nun yung bad chenes sa katawan mo. kaso i'm not really into that kind of thing. sabi after a week of wearing it may mapapansin kang kakaiba. wala naman kakaibang nangyari sakin. kaya binigay ko na lang kay cy. those kind of things are not meant for nonbelievers like me. para lang yang faith healing.

connection ng conclusion sa post ko? nakakatakot ang nangyari kay kuya mylo. maraming namamatay sa ganung insidente. kaya baka ganun ang naramdaman ko kanina (aside from the fact na i was very exhausted and nabigla ang katawan ko sa ganung pagbibike) sakin e dahil naisip ko na ako rin e anytime pwedeng mamatay dito. oh well.

++++++

gusto ko ma-experience mag ichigo-gari (strawberry picking). favorite ko ang ichigo. subra.


No comments: