Pages

Wednesday, February 3, 2010

let it snow let it snow let it snow

rendered OT last night. the weather forecast said it's going to rain. tapos mag-snow daw. ok lang. suot ko naman ang aking panalong jacket. subok na maasahan sa basaan. i wasn't really expecting that it would be snowing that much. kumbaga parang ambon lang siguro. at ito ang tumambad sa amin paglabas namin ni kuya mylo ng building around 9PM JST...













 



  





nawalan ng saysay ang aming payong. kung saan-saan ang direkshon ng bagsak ng nyebe. we decided to get a taxi kasi delikado ng magbike and lumalakas na ang pagbagsak ng ng ishnow. nung una natuwa ako. pero nung nakikita ko ng nagpa-pile-up yung nyebe at nababasa na ako gusto kong sumigaw ng ... "STOP! ayaw ko na ng snow. now na!" paguwi ko sa bahay basang-basa ang aking paa 'coz i was just wearing sneakers. pati pants, mukha at gloves basa rin. ang hindi lang basa e yung parte na natakpan ng aking panalong jacket.


 
heto ako woooohhohh.... basang basa sa nyebeeeee ......
pansinin ang daan sa kuha na itey at sa 2nd to the last pic.


after arriving at our apartment I immediately took a shower and ate my dinner (yummy chicken sopas). miya-miya may kumakalabog sa bintana ko. si kuya mylo nasa labas. tuwang-tuwa sha sa snow kasi sa tagal ng stay niya sa tokyo e ngayon lang daw sha naka-experience ng ganun. haha naman. :o)


 
shot taken from the window of my room


muntik ko ng mabitawan cam ko :(


to the right to the right...

At the last picture you'll notice that the color of the sky is weird. feeling ko nga parang end of the world na :( it was already past 10PM. siguro kasi nagrereflect sa sky yung nyebe kaya maliwanag sha na parang ewan. basta scary.....

AFTERMATH:

kaninang umaga meron pa ring nyebe sa daan. as expected basa, maputik at madulas. samahan mo pa ng mga bumabagsak na yelo mula sa mga kable ng kuryente. ang dumi ewwwww....

ngayong gabi....putek ang lameeeeeeeg! natutunaw na kasi ang yelo sa kapaligiran. kelangan ko na naman ipitin ang aking kamay sa pagitan ng aking kilikili para uminit :P

yun lang. bow :)

2 comments:

Anonymous said...

kakainggit naman ang snow experience mo. ako ung pekeng snow pa lang sa star city ang nakikita ko.

sikoletlover said...

after 5 months tsaka ko lang nabasa ang comment na itey XD

nakakatuwa sa simula. dahil lamigin ako sinusumpa ko na ang snow kapag natutunaw na siya.