Huling hirit sa tag-init. Bago matapos ang summer season sa Japan e nagpunta kami ng Hokkaido. Yes! Finally Ariel happened to me. Dapat autumn ng 2014. E kaso dahil sa wala kaming pera at panahon para ayusin ang aming Hokkaido trip e nauwi siya ng summer 2015. Oo na off-peak kasi pag ganitong panahon kaya mas konting anda ang gagastusin. Anyways hiways, si Hayakawa-san na ang nag-ayos ng aming flight and hotel accommodations. Sinubukan kong maghanap ng airfare with accommodation package kaso sobrang limited naman ng nakita ko. Kaya pinaubaya na namin lahat kay Hayakawa-san. Para sa aming 3D/2N stay in Hokkaido (airfare plus hotel accommodation), we spent 45,000 yen each. I think good deal na yung nakuha namin na yun.
Day 1 (August 30, 2015)
Hakodate
First time namin ni Madam na mag-bus papuntang Haneda Airport. E malay ba naman namin na yung luggages pala e may kanya-kanyang lalagyanan depende kung saan ka bababa. Dahil pagdating sa mga bus stops may mga tao na magtatanggal ng luggages mula sa bus. So first stop ang Terminal 1 (Domestic). Ang toinks lang kasi yung luggages namin ni Madam e sa International Terminal area namin nailagay. So nagtaka tuloy si kuya bat binubuksan namin yung side na yun ng lalagyanan ng luggages samantalang nasa Terminal 1 pa lang. Ang toinks lang talaga. Now we know.
Nagkagulatan kami nila Hayakawa-san pagdating sa airport. Siya kasi backpack lang dala niya. Samantalang kami ni Madam e tig-isa kaming carry on luggage. Kakaloka. Nahiya kami ng slight.
Hello Hakodate!
Kung sakaling dito nako sa Japan maninirahan for good e pipiliin kong mag-retire sa Hakodate. Probinsiya feels. And umaapaw, siksik, liglig ang seafoodssssss!!!
Bale ang gumawa nga pala ng aming itinerary ay si Hayakawa-san. ^_^
Paglapag ng eroplano sa Hakodate ay dumiretso kami sa bus stop para sa aming unang pupunthan. Tamang temperatura. Medyo maulap. Bumili kami ng parang day-pass na bus ticket worh 1,000 yen.
The Trappistine Convent
Medyo nawala yata kami papunta sa lugar na ito. Well wala namang sisihan na naganap dahil pare-pareho naman kaming first timers sa Hakodate. Inassure na lang namin si Hayakawa-san na magaan lang yung mga trolleys na dala namin.
From here bus ulit papunta sa Hakodate JR Station. Lunch daw muna kami sa Morning Market bago mag-check in sa aming hotel. Bumili na muna kami ng train tickets para sa byahe namin papuntang Sapporo kinabukasan.
Hindi ako masyadong mahilig kasi sa raw meats/fish. And dahil gutom na rin kasi kaya ako wala akong oras para maging adventurous. Kaya grilled squid lang muna kinaya ng powers ko.
And for dessert we had the famous Hokkaido soft cream (ice cream). The bestestestestest! Sa 3 araw namin sa Hokkaido, walang araw na hindi ako kumain ng soft cream. Kulang na lang umiyak ako habang kumakain ng soft cream sa sarap haha. E kasi naman napakasarap naman talaga. Tamang tamis tapos sobrang creamy. Dahil sobrang spoiled daw kasi ang mga baka sa Hokkaido. :P And also we had melon! Para mas mura bumili kami ng isang buong melon tapos pinahati na namin kay Lola Tindera bago dalhin sa hotel.
Pagdating hotel change outfit si watashi kasi naman nanggigitata nako sa pawis. Baka akalain nila may baon akong paksiw or sinigang. Lam mo naman kaming matataba pawisin hehe.
Bay Area
Kanemori Red Brick Warehouse |
Lucky Pierrot |
Motomachi
Meron din ganito sa Yokohama.Mostly historical buildings and churches. Sayang nga kasi yung church na napuntahan namin (last pic) was open until 4pm. Kaso dumating kami 4:05pm. Ganern.
Sunset Tea House(?) - imbento ko lang yung pangalan. Nakalimutan ko kasi! (T T)
Dahil need pa namin hintayin gumabi bago pumunta sa tuktok ng bundok tralala este bundok ng Hakodate (Mt. Hakodate/Hakodate-yama), iminungkahi ni Hayakawa-san na puntahan namin ang isang tea house na may magandang sunset view. Sumakay kami ng tram! First tram na nasakyan ko sa Japan. I dunno but I just love trams! Para sakin iba pa rin siya sa mga trains. The feels you know. Tapos akala ko after sumakay ng tram e konting kembot na lang andun na yung tea house. But wait! Oh hindi! Ang layo tapos paakyat pa. May nadaanan pa kaming cemetery for foreigners. As in for foreigners lang. Tapos nung malapit na akong mamatay e andun na daw yung tea house. Sobrang sulit nung nilakad namin!
While waiting for our orders. |
Nung dumating yung order namin umeksena naman ang mga uap. Timing nga naman. |
Night View at Mount Hakodate
We had dinner first before going to the top of Mt. Hakodate at Hasegawa Store which is popular for its Yakitori-bentou. Sobrang busog pa kasi kami ni madam nun kaya no rice ang yakitori namin. Pero ansarap! Be sure to visit this store if ever you'll be visiting Hakodate.
Instead of going via ropeway e nag-bus na lang kami. Kinda takot sa heights yung kasama ko and feeling namin hindi siya safe sa gabi. Haha. Ang highlight ng aming unang araw sa Hokkaido.
Night view of Hakodate |
Para sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan! |
Salamat sa ilaw ng selpown at nagkaroon kami ng maayos na lighting! Mga ilang minuto pa siguro na nag-stay kami sa labas e magkakaroon na kami ng hypothermia.
Bago kami bumalik sa hotel e dumaan kami ng lucky pierrot para matikman ang kanilang burgers. We ordered yata yung #1 and #3 na recommended burgers nila. Isa yung nagustuhan ko sa dalawa. Kaso siyempre nakalimutan ko na pangalan! Ganun siya kasarap hehe.
At diyan natatapos ang aming Day 1 sa Hokkaido - Hello Hakodate!
Bow.
No comments:
Post a Comment