Pages

Thursday, March 31, 2016

2018 FIFA World Cup Russia Qualifiers (Japan VS Afghanistan)

Last week March 24,2016 (Oo 'Teh. 'Di ka namamalikmata. Last week lang nangyari. Andami ko na kasing time para mag-update ng blog.), we watched the Japan versus Afghanistan qualifying game at Saitama Stadium 2002 for the 2018 FIFA World Cup Russia. I am not really a very big fan of soccer (onti lang. dahil lang kay papa Hasebe ganern) but watching Jaan's national soccer team play live is not a bad experience right?

We traveled around 80 minutes by train to reach Saitama Stadium. Nakarating kami ng Urawa Misono Station ng around 6:10pm. 7:30pm ang start ng game. Alam na alam mo pag may game. Sobrang dami ng tao sa train station tapos karamihan sa kanila naka-shirt na same with the team's uniform.

There were so many people but there were no long lines. Ang organized lang kasi sa stadium. Your entrance gate depends on your seat number. And after entering the stadium meron ulit entrance kung saan pinakamalapit ang seat mo. Bawal nga pala magdala ng pet bottles na hindi affiliated sa sponsor nung game. And pedeng magdala not more than 600ml. May dala kasi kaming bottled water and onigiri in case na magutuman kami. Yung pet bottle ni Madam e inallow pero pinatanggal yung takip. Yung sa akin hindi napansin ni Kuya (na hindi ko naman ininom kasi baka maihi lang ako).


(L-R) Junko-san, Hayakawa-san, Madam, and Mey
Sobrang overwhelming ng pakiramdam pagpasok na pagpasok namin sa mismong stadium (papunta sa aming designated seats). First time ko nga palang makapasok sa isang stadium dito sa Japan. 'Di pa man kasi nag-uumpisa e nagcha-chant na ang supporters ng Japan team. Alam mo yung ansaya-saya ng pakiramdam na nakangiti lang ako pero kapag tinanong mo ako kung bakit ako masaya e isasagot ko sayo na "Hindi ko alam.". Iba pala talaga pag manonood ka ng live game. Sabi ko nga sa IG post ko sobrang nakakaproud ng pakiramdam kahit hindi ako Hapon.

Medyo pinaghandaan ko nga pala ang game na ito bilang medyo may kalamigan pa rin ang panahon kaya bukod sa patong-patong na suot at boots (at feeling ko ako lang naka-boots) e may baon akong maliit na kumot na fleece, gloves at bonnet. Di bale ng maraming bitbit kesa naman mamatay ako sa lamig.

Selfie time :)
I had to wear my bonnet kasi nilamig nako. Malamig promise!


Sobrang grabe ang supporters and fans ng Japan team. Ay kung andun lang kayo matutuwa rin kayo. Hindi sila tumitigil sa pagsigaw, pagtalon at pagchi-cheer. Effort sa pagchant, pagsuot ng uniform, at pagdala at pagwagayway ng towels and big-sized banners. Astig!


The screen near our seats. Goal! Hi moon :)
 
During halftime break ay nagbanyo si Madam tapos ako naman pumila para bumili ng hot cocoa. Ang sarap lang naman kasing humigop ng something mainit dahil anlamig. Buti nga hindi umulan e. Kasi kahit umulan ay tuloy pa rin ang game. Baka by that time mamatay nako. Anyhoo nung kami na ang bibili e ubos na lahat ng hot drinks except for coffee. Sayang ang pagpila. Ayaw naman namin mag-kape kasi gabi na and baka hindi kami makatulog e may pasok pa kinabukasan.

Japan won with a score of 6-0
Sabi nung announcer more than 48,000 people ang nasa stadium. Natakot ako. Kasi pano kami uuwi ng sabay-sabay. Yung more than 48,000 katao na yun.

Nahiwalay ng upuan yung kasama naming 2 Hapon. So after the game pinuntahan nila kami para sabay-sabay na kami lumbas. By the way nanalo nga pala ang Japan with a score of 6-0. Kinda nagmamadali kaming bumaba and I was thinking kung bakit. Yun pala nasa harapan na namin yung Japan players. As in umikot sila sa gilid para kawayan yung mga tao. Kung alam ko lang e di kanina pako pumwesto. Ay iba talaga pag nakita mo yung players sa TV and sa personal. Hindi ko lang naaninag masiyado si Hasebe kaya hindi ako nakasigaw ng 'I love you Hasebe!'. Kumaway na lang ako. ^_^ Ansaya lang and nakakakilig at the same time. Landeh.

Kaway-kaway!
Nagka-calculate na kami kung makakaabot ba kami sa last trip ng trains. And we were already thinking of riding a taxi na lang kung hanggang train station kami aabot. Andami naming naglalakad pero tuloy-tuloy lang. Mabagal pero hindi humhinto. At walang nagsisigawan. Hanggang makarating kami ng train station. Hanggang train staion organized ang mga tao. Hindi nila pinapapasok lahat. May cut-off. Ang galing lang talaga. Sobrang nakakabilib.


Sa itsura ng picture na yan hindi niyo iisipin na nakasakay kami ng train. Pero nakasakay kami and sakto kami sa last trip ng huling train na nilipatan namin.

A memorable Japan experience indeed. Olrayt!

Bow.

1 comment:

nyabach0i said...

nagegets ko yung feeling na masaya na nawitness ang mga bagay bagay. kaso... ako as a person... wala akong idea sa mga ganap ng takbuhan at habol bola.