Day 2 (August 31, 2015)
Pagka-checkout sa aming hotel (which is Hakodate Grand Hotel) ay dumirecho na kami sa Morning Market for breakfast. Juicekolord! The bestestestestest seafood breakfast evarrrrr! As in muntik nakong umiyak habang kumakain sa sarap ng breakfast namin. Kinda pricey nga lang pero super sulit. Freshness is everything you know.
|
Freshness! We bought oysters, giant shrimps and scallops and had them grilled. Yum!!! |
I really really really really really really wanted to try the king crab. Hanggang tingin lang kasi ako sa TV. Tapos meron nga sa mga supermarkets kaso frozen naman. Kaso nalungkot ako ng bongga-jabongga nung sinabi na kung magkano ang isang buong piraso. 10,000 yen! Actually mura na siya kung tutuusin. Kasi may nakita ako noon sa frozen section ng supermarket sa Tokyo e legs pa lang niya nasa 10,000yen na. Hindi kaya ng powers ko. Nakita siguro ng Ale na nalungkot ako kaya meron siyang inoffer na mas mura. 1 gigantic crab leg for 5,000 yen. Muntik akong mag-faint nung narinig ko yun. Siguro naramadaman nila na gustung-gusto ko talaga ng crab. Ayun parang meron silang set menu na seafood bowl na may grilled crab legs na kasama pero hindi ganun kalaki worth 3,000 yen. Siyempre go go go na si watashi. (^o^)/
|
Patingin-tingin. 'Di naman makabili. |
|
Walang makakapigil sakin at sa ga-hita kong braso!!! |
|
Sarap!!! |
Medyo nagmamadali na rin kami kasi need na namin pumunta sa train station. From Hakodate we took the train to Sapporo. Almost 4 hours din ang byahe.
|
Trams at Hakodate |
Eto yung mga trams na hindi ko naisama sa unang post ko about Hakodate.
HELLO SAPPORO!
Akala ko pagkagising ko nasa Pinas nako. Kasi naman 4 hours din ang biyahe from Tokyo to Pinas. Medyo nagsusungit ang kalangitan at may pabugso-bugsong pag-ulan nung dumating kami ng Sapporo. Kung sa Hakodate e probinsiya feels, dito naman sa Sapporo e siyudad feels na. Feeling ko nasa Tokyo lang din ako.
|
JR Sapporo Station |
|
Kailangan may ebidensiya na nakarating ako Sapporo. |
|
Sapporo Station |
Sunod lang kami sa friend naming Japanese kung anong pede namin makita na malapit lang sa Sapporo Station. We have to travel again via train papunta sa aming hotel which is located sa Furano. Kumbaga nag-stopover lang kami sa Sapporo. Masabi lang haha
|
Sapporo Clock Tower |
|
The western side of the Renga-kan. |
Gusto ko sana uminom ng Sapporo beer habang nasa Sapporo kaso hindi ko na siya nagawa kasi walang time tsaka wala sa proper timing. Ayoko naman na bigla na lang mag-isa ko iinom ako ng beer tapos eskapo na. Siyempre dapat yung mae-enjoy ko ba. Ganern. Arte!
|
Sapporo Factory |
|
Soft cream time! |
|
The Atrium in the Sapporo Factory |
Sabi nila sa Hokkaido daw ang pinakamasarap na ramen. Dahil siguro malamig sa lugar and masarap kumain ng ramen lalo na kung malamig. Pare-parehas kaming first timers so bahala na si batman and we decided to have ramen for lunch sa pinakamalapit naming nakitang resto.
|
Miso ramen |
Sapporo is popular for its miso ramen. As for the miso ramen na kinain ko e ahmmm.... so so. OK lang. Nothing special para sa akin.
From Sapporo Station we travelled 2 hours going to Asahikawa Station. Popular dito ang Asahikawa Zoo kaso hindi na namin naisingit sa aming itinerary. From Asahikawa Station e nag-rent na kami ng car papuntang hotel. We also used the car the next day para sa pamamasyal. Buti na lang may kasama kaming Japanese friend na marunong mag-drive!
|
Asahikawa Station |
HELLO FURANO!
Balik na naman sa probinsiya feels. Puro rice fields. As in malalawak na rice fields at kung anu-anong fields. Anlakas maka-sound of music!
Around 7:30 pm na yata kami nakarating sa hotel namin (Furano La Terre).
|
Furano La Terre Lobby |
This time ang room namin e Japanese style. At siyempre ansaya-saya ko kasi may libreng melon! At meron ding kasamang dried lavender flowers. Yung gatas na naka-bote binili ko sa vending machine. Na-curious lang. And of course Hokkaido milk is the best! Ahahahahaha!
|
Free melonsssssss! |
Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay nag-prepare na kami for dinner. Included nga pala ang dinner and breakfast sa pag-stay namin sa Furano La Terre. Bongga!
|
Hello Ja-fans! |
|
View while having dinner. ^_^ |
At diyan nagtatapos ang day 2. Bow.
No comments:
Post a Comment