Pages

Monday, March 28, 2016

Hokkaido Trip (2015) - Day 3: Hello Furano and Biei!

Warning: Numerous pics ahead..... ^_^

Day 3 (September 1, 2015)

Mayroong public indoor and outdoor onsen (hot spring) sa hotel. Bago kumain ng breakfast e nag-decide kami na mag-onsen muna. As in 6am. Para kami pa lang. Kahit separate ang lalake sa babae (dapat lang!) e medyo nag-aalinlangan parin ako. Pero sayang naman ang experience you know. Kasi naman sa onsen e hubo't hubad. Pede ka lang magdala ng maliit na towel pang-kaskas before lumusong sa onsen. Yung kasya lang pantakip ng mukha. Kakaloka! Pakapalan na lang ng fez. Wapakels na lang kung makita man ng strangers ang pinakatagu-tago kong lihim. Actually keribels lang din naman kasi wala rin naman silang pakialam sayo. And wala naman naninitig.  After 30 minutes siguro may pangilan-ngilang guests na rin ang nasa onsen. By that time e tapos na rin ako hehe. Ang sarap lang dun sa outdoor onsen. Confident naman ako na walang nakakita sa aking hubad na katawan (sana). Very relaxing at iba kasi yung pakiramdam na nasa labas. Yun nga lang mga 2 minutes lang siguro ako dun kasi na-realize ko na kinda dugyot pala yung bato-bato and may nakita akong 1 insekto.

After the onsen thing e derecho na kami for breakfast. Buti na lang kasama namin si Hayakawa-san kasi walang romaji(English alphabet) or english yung menu. Kumbaga siya yung taga-explain samin kung ano yung mga kinakain namin. Hindi ko na maalala kung ilang course yung breakfast (same with dinner) pero Japanese siya. So may mga food na naubos ko, meron yung tinikman ko lang and merong totally hindi ko kinain.

Furano La Terre
So bago lumarga ang mga explorers ay pumunta muna kami sa Popura Farm which is located sa tabi lang ng hotel.

Popura Farm


At madali lang siya makita dahil meron itong higanteng melon na may soft cream sa ibabaw.

Akin ka na lang...akin ka na lang... Aminin niyo kinanta niyo rin.

So far hindi pa naman ako nagtatae sa dami ng melon at soft cream na nakakain ko. Buti na lang busog pa kami from our brekky kaya naghati-hati na lang kami sa half-melon na may 2 flavors ng soft cream: vanilla and melon. Heaven!!!

Soft cream time na naman!

Rokugo Viewing Platform

Bago nakarating ang mga explorers sa kanilang unang destinasyon ay nabighani na kaagad sila sa naggagandahang tanawin ng Furano. Susme! Walang halong exaggeration at eklavoo! 

Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito.


Farmville


Anpanman with Anpangirl. Nyek!
Furano is known for its lavender fields. And sad to say wala na yung mga lavenders by the time na nakapamasyal kami sa Furano. Pero may iba namang bulaklak na nakatanim so solved pa rin! Olrayt!

View at the Rokugo Viewing Platform

Flowers pa more!
Dumaan saglit sa Takashi Yananase's Anpanman Shop. Sayang e. Tutal andun naman na at wala namang bayad ang pagpasok. ^_^

Kahit napaso ako sa init ng bato hinawakan ko pa rin sa ngalan ng pagpapa-picture.
Furano Jam Garden

Heaven para sa mga mahilig sa jams. Ito na yata ang jam shop na kung saan merong napakaraming uri ng jams ako nakita. At pwede mong tikman lahat! Oo lahat! Meron na rin naka-prepare na biscuits/bread para sa smpling. In fairness naman samin bumili naman kami ng jams after naming tumikim ng bongga-jabongga. Defensive!

Jam Shop

Bago kami pumunta ng Tomita Farm ay may pinuntahan kaming isang tourist spot na kung saan parang doon shinoot yung isang Japanese movie or series yata. Bilang hindi naman ako interesado kaya hindi ko na alam yung detalye. Nyaher. Sinabi naman namin sa Japanese friend namin na puntahan na niya kaso magpapaiwan na lang kami. Kinda magagahol sa oras so next time na lang daw pag nakabalik ulit siya doon. Kaya nagpakuha na lang kami ng litrato sa may malapit na sunflower field.


Yung yumuko pa kami kasi akala namin makukuhanan ng buo yung mga bulaklak sa likod. Salamat kay Ate na kumuha ng aming litrato. ^_^
Farm Tomita




Tanghaling tapat nang makarating kami sa Farm Tomita. Dahil ayaw namin magsayang ng oras e libot pa rin kahit magmukhang kirara.

Nang mapagod ang matanda. 
Lavenders inside the green house.
At siyempre hindi ko pinalagpas na matikman ang pamosong lavender soft cream. Sinubukan ko rin kumain ng kanilang lavender cheese cake bilang paborito ko kasi ang cheese cake. Interesting flavor. Mabango. Ayos na sakin yung natikman ko sila. Pero hindi siya yung uulit-ulitin level. Ganern.


Lavender soft cream. Soft cream na naman!
Kahit walang mga lavenders e sulit na sulit pa rin yung pagpunta namin sa Farm Tomita sa dami ng bulaklak na nakita namin. Downside lang ng medyo tanghali na kami nakarating ay andami ng turista. Nagkaroon pa nga kami ng hindi magandang encounter sa 2 Chinese tourists (base sa lenggwahe na kanilang binigkas). Nasa pila kami ng tindahan ng lavender soft cream and cheese cake at sila ang nasa unahan namin. Tama ba naman na pagkabili nila e kinuhanan muna nila ng litrato yung mga binili nilang pagkain samantalang mayroong ibang tao na nakapila para bumili. We had to say 'excuse me' para maramdaman nila presence namin. At sila pa ang tumingin ng masama. Ediwow.



Hello Biei!

Hirap na hirap ako bigkasin yung Biei. Anyhoo, naglibot kami mostly sa Patchwork Road. Biei is famous for its views of wild fields and hills. Sobrang convenient ng may dalang sasakyan dahil puro 'patches' of fileds ang makikita. Merong rice, corn, potatoes, canola, etc. Very relaxing ang view. Feeling ko nasa New Zealand ako kahit hindi pa ako nakakarating ng New Zealand. Ang lakas maka-sound-of-music. Gusto kong kumanta habang nakikipaghabulan sa mga tupa sa taniman. Pero shempre hindi ko nagawa yun kasi walang tupa and bawal pumasok sa mga fields dahil private sila at pag-aari ng mga magsasaka.




Hi! Ang ineeeeeet!
Shirogane Blue Pond

Huling hirit bago kami tumungo sa airport. Since may konti pa kaming time, naisingit namin ang Shirogane Blue Pond. Partida kasi nagkaligaw-ligaw pa kami. As in nawala kami sa paved road (hello lubak-lubak/bato-bato na daan with matching bangin sa gilid) and may nakasalubong pa kaming malaking traktora. Yung tipong mga ilang minutes pa na ganun yung kalagayan namin e pipilitin ko na yung dalawa kong kasama na magbaligtad ng damit. What an adventure! Muntik na ako maihi sa nerbyos.

Balik tayo sa Blue Pond. Sa totoo lang wala akong idea kung ano ba talaga yung sinasabi nilang blue pond. Pagod na rin akong maglabas ng phone para hanapin sa internet.


Jaraaaaaaaan!
Speechless. I was totally speechless upon seeing this beauty. Tapos sumigaw ako ng WOOOOOOOOOOW! Very grateful for this wonderful creation. Tapos nakita ko na siya sa TV noon. Pero iba pala pag nakita mo ng personal. Nakakamangha! Kahit magdamag ko siyang titigan ayos lang sakin.

Picture-picture
From the Blue Pond dumerecho na kami sa shop kung saan nag-rent kami ng sasakyan. Then hinatid na kami sa Asahikawa Station. From there we transferred to Sapporo then direcho na ng New Chitose Airport.

At dahil wala kaming proper lunch (meaning no rice) e nagutom na ng bongga si watashi. Kaya we had dinner first before buying some omiyage/pasalubong.

Butadonmeijin's pork rice bowl. Sheeerreeeeerrrrp!
At diyan po nagtatapos ang aking Hokkaido trip. Alam niyo ba na nito lang March 26, 2016 ay opisyal ng nagbukas ang byahe mula Tokyo patungong Hakodate via shinkansen (bullet train). Around 4 hours ang byahe one way. Nakaka-tempt! Ahahahahaha.

Kung magkakaroon ng pagkakataon gusto kong bumalik ng Hokkaido. ^_^

Bow.

No comments: