Pages

Showing posts with label hokkaido. Show all posts
Showing posts with label hokkaido. Show all posts

Monday, March 28, 2016

Hokkaido Trip (2015) - Day 3: Hello Furano and Biei!

Warning: Numerous pics ahead..... ^_^

Day 3 (September 1, 2015)

Mayroong public indoor and outdoor onsen (hot spring) sa hotel. Bago kumain ng breakfast e nag-decide kami na mag-onsen muna. As in 6am. Para kami pa lang. Kahit separate ang lalake sa babae (dapat lang!) e medyo nag-aalinlangan parin ako. Pero sayang naman ang experience you know. Kasi naman sa onsen e hubo't hubad. Pede ka lang magdala ng maliit na towel pang-kaskas before lumusong sa onsen. Yung kasya lang pantakip ng mukha. Kakaloka! Pakapalan na lang ng fez. Wapakels na lang kung makita man ng strangers ang pinakatagu-tago kong lihim. Actually keribels lang din naman kasi wala rin naman silang pakialam sayo. And wala naman naninitig.  After 30 minutes siguro may pangilan-ngilang guests na rin ang nasa onsen. By that time e tapos na rin ako hehe. Ang sarap lang dun sa outdoor onsen. Confident naman ako na walang nakakita sa aking hubad na katawan (sana). Very relaxing at iba kasi yung pakiramdam na nasa labas. Yun nga lang mga 2 minutes lang siguro ako dun kasi na-realize ko na kinda dugyot pala yung bato-bato and may nakita akong 1 insekto.

After the onsen thing e derecho na kami for breakfast. Buti na lang kasama namin si Hayakawa-san kasi walang romaji(English alphabet) or english yung menu. Kumbaga siya yung taga-explain samin kung ano yung mga kinakain namin. Hindi ko na maalala kung ilang course yung breakfast (same with dinner) pero Japanese siya. So may mga food na naubos ko, meron yung tinikman ko lang and merong totally hindi ko kinain.

Furano La Terre
So bago lumarga ang mga explorers ay pumunta muna kami sa Popura Farm which is located sa tabi lang ng hotel.

Popura Farm


At madali lang siya makita dahil meron itong higanteng melon na may soft cream sa ibabaw.

Akin ka na lang...akin ka na lang... Aminin niyo kinanta niyo rin.

So far hindi pa naman ako nagtatae sa dami ng melon at soft cream na nakakain ko. Buti na lang busog pa kami from our brekky kaya naghati-hati na lang kami sa half-melon na may 2 flavors ng soft cream: vanilla and melon. Heaven!!!

Soft cream time na naman!

Rokugo Viewing Platform

Bago nakarating ang mga explorers sa kanilang unang destinasyon ay nabighani na kaagad sila sa naggagandahang tanawin ng Furano. Susme! Walang halong exaggeration at eklavoo! 

Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito.


Farmville


Anpanman with Anpangirl. Nyek!
Furano is known for its lavender fields. And sad to say wala na yung mga lavenders by the time na nakapamasyal kami sa Furano. Pero may iba namang bulaklak na nakatanim so solved pa rin! Olrayt!

View at the Rokugo Viewing Platform

Flowers pa more!
Dumaan saglit sa Takashi Yananase's Anpanman Shop. Sayang e. Tutal andun naman na at wala namang bayad ang pagpasok. ^_^

Kahit napaso ako sa init ng bato hinawakan ko pa rin sa ngalan ng pagpapa-picture.
Furano Jam Garden

Heaven para sa mga mahilig sa jams. Ito na yata ang jam shop na kung saan merong napakaraming uri ng jams ako nakita. At pwede mong tikman lahat! Oo lahat! Meron na rin naka-prepare na biscuits/bread para sa smpling. In fairness naman samin bumili naman kami ng jams after naming tumikim ng bongga-jabongga. Defensive!

Jam Shop

Bago kami pumunta ng Tomita Farm ay may pinuntahan kaming isang tourist spot na kung saan parang doon shinoot yung isang Japanese movie or series yata. Bilang hindi naman ako interesado kaya hindi ko na alam yung detalye. Nyaher. Sinabi naman namin sa Japanese friend namin na puntahan na niya kaso magpapaiwan na lang kami. Kinda magagahol sa oras so next time na lang daw pag nakabalik ulit siya doon. Kaya nagpakuha na lang kami ng litrato sa may malapit na sunflower field.


Yung yumuko pa kami kasi akala namin makukuhanan ng buo yung mga bulaklak sa likod. Salamat kay Ate na kumuha ng aming litrato. ^_^
Farm Tomita




Tanghaling tapat nang makarating kami sa Farm Tomita. Dahil ayaw namin magsayang ng oras e libot pa rin kahit magmukhang kirara.

Nang mapagod ang matanda. 
Lavenders inside the green house.
At siyempre hindi ko pinalagpas na matikman ang pamosong lavender soft cream. Sinubukan ko rin kumain ng kanilang lavender cheese cake bilang paborito ko kasi ang cheese cake. Interesting flavor. Mabango. Ayos na sakin yung natikman ko sila. Pero hindi siya yung uulit-ulitin level. Ganern.


Lavender soft cream. Soft cream na naman!
Kahit walang mga lavenders e sulit na sulit pa rin yung pagpunta namin sa Farm Tomita sa dami ng bulaklak na nakita namin. Downside lang ng medyo tanghali na kami nakarating ay andami ng turista. Nagkaroon pa nga kami ng hindi magandang encounter sa 2 Chinese tourists (base sa lenggwahe na kanilang binigkas). Nasa pila kami ng tindahan ng lavender soft cream and cheese cake at sila ang nasa unahan namin. Tama ba naman na pagkabili nila e kinuhanan muna nila ng litrato yung mga binili nilang pagkain samantalang mayroong ibang tao na nakapila para bumili. We had to say 'excuse me' para maramdaman nila presence namin. At sila pa ang tumingin ng masama. Ediwow.



Hello Biei!

Hirap na hirap ako bigkasin yung Biei. Anyhoo, naglibot kami mostly sa Patchwork Road. Biei is famous for its views of wild fields and hills. Sobrang convenient ng may dalang sasakyan dahil puro 'patches' of fileds ang makikita. Merong rice, corn, potatoes, canola, etc. Very relaxing ang view. Feeling ko nasa New Zealand ako kahit hindi pa ako nakakarating ng New Zealand. Ang lakas maka-sound-of-music. Gusto kong kumanta habang nakikipaghabulan sa mga tupa sa taniman. Pero shempre hindi ko nagawa yun kasi walang tupa and bawal pumasok sa mga fields dahil private sila at pag-aari ng mga magsasaka.




Hi! Ang ineeeeeet!
Shirogane Blue Pond

Huling hirit bago kami tumungo sa airport. Since may konti pa kaming time, naisingit namin ang Shirogane Blue Pond. Partida kasi nagkaligaw-ligaw pa kami. As in nawala kami sa paved road (hello lubak-lubak/bato-bato na daan with matching bangin sa gilid) and may nakasalubong pa kaming malaking traktora. Yung tipong mga ilang minutes pa na ganun yung kalagayan namin e pipilitin ko na yung dalawa kong kasama na magbaligtad ng damit. What an adventure! Muntik na ako maihi sa nerbyos.

Balik tayo sa Blue Pond. Sa totoo lang wala akong idea kung ano ba talaga yung sinasabi nilang blue pond. Pagod na rin akong maglabas ng phone para hanapin sa internet.


Jaraaaaaaaan!
Speechless. I was totally speechless upon seeing this beauty. Tapos sumigaw ako ng WOOOOOOOOOOW! Very grateful for this wonderful creation. Tapos nakita ko na siya sa TV noon. Pero iba pala pag nakita mo ng personal. Nakakamangha! Kahit magdamag ko siyang titigan ayos lang sakin.

Picture-picture
From the Blue Pond dumerecho na kami sa shop kung saan nag-rent kami ng sasakyan. Then hinatid na kami sa Asahikawa Station. From there we transferred to Sapporo then direcho na ng New Chitose Airport.

At dahil wala kaming proper lunch (meaning no rice) e nagutom na ng bongga si watashi. Kaya we had dinner first before buying some omiyage/pasalubong.

Butadonmeijin's pork rice bowl. Sheeerreeeeerrrrp!
At diyan po nagtatapos ang aking Hokkaido trip. Alam niyo ba na nito lang March 26, 2016 ay opisyal ng nagbukas ang byahe mula Tokyo patungong Hakodate via shinkansen (bullet train). Around 4 hours ang byahe one way. Nakaka-tempt! Ahahahahaha.

Kung magkakaroon ng pagkakataon gusto kong bumalik ng Hokkaido. ^_^

Bow.

Thursday, March 24, 2016

Hokkaido Trip (2015) - Day 2: Hello Sapporo!

Day 2 (August 31, 2015)

Pagka-checkout sa aming hotel (which is Hakodate Grand Hotel) ay dumirecho na kami sa Morning Market for breakfast. Juicekolord! The bestestestestest seafood breakfast evarrrrr! As in muntik nakong umiyak habang kumakain sa sarap ng breakfast namin. Kinda pricey nga lang pero super sulit. Freshness is everything you know.




Freshness! We bought oysters, giant shrimps and scallops and had them grilled. Yum!!! 
I really really really really really really wanted to try the king crab. Hanggang tingin lang kasi ako sa TV. Tapos meron nga sa mga supermarkets kaso frozen naman. Kaso nalungkot ako ng bongga-jabongga nung sinabi na kung magkano ang isang buong piraso. 10,000 yen! Actually mura na siya kung tutuusin. Kasi may nakita ako noon sa frozen section ng supermarket sa Tokyo e legs pa lang niya nasa 10,000yen na. Hindi kaya ng powers ko. Nakita siguro ng Ale na nalungkot ako kaya meron siyang inoffer na mas mura. 1 gigantic crab leg for 5,000 yen. Muntik akong mag-faint nung narinig ko yun. Siguro naramadaman nila na gustung-gusto ko talaga ng crab. Ayun parang meron silang set menu na seafood bowl na may grilled crab legs na kasama pero hindi ganun kalaki worth 3,000 yen. Siyempre go go go na si watashi. (^o^)/

Patingin-tingin. 'Di naman makabili.

Walang makakapigil sakin at sa ga-hita kong braso!!!

Sarap!!!

Medyo nagmamadali na rin kami kasi need na namin pumunta sa train station. From Hakodate we took the train to Sapporo. Almost 4 hours din ang byahe.


Trams at Hakodate
Eto yung mga trams na hindi ko naisama sa unang post ko about Hakodate.

HELLO SAPPORO!

Akala ko pagkagising ko nasa Pinas nako. Kasi naman 4 hours din ang biyahe from Tokyo to Pinas. Medyo nagsusungit ang kalangitan at may pabugso-bugsong pag-ulan nung dumating kami ng Sapporo. Kung sa Hakodate e probinsiya feels, dito naman sa Sapporo e siyudad feels na. Feeling ko nasa Tokyo lang din ako.

JR Sapporo Station

Kailangan may ebidensiya na nakarating ako Sapporo.

Sapporo Station

Sunod lang kami sa friend naming Japanese kung anong pede namin makita na malapit lang sa Sapporo Station. We have to travel again via train papunta sa aming hotel which is located sa Furano. Kumbaga nag-stopover lang kami sa Sapporo. Masabi lang haha

Sapporo Clock Tower
The western side of the Renga-kan.

Gusto ko sana uminom ng Sapporo beer habang nasa Sapporo kaso hindi ko na siya nagawa kasi walang time tsaka wala sa proper timing. Ayoko naman na bigla na lang mag-isa ko iinom ako ng beer tapos eskapo na. Siyempre dapat yung mae-enjoy ko ba. Ganern. Arte!

Sapporo Factory

Soft cream time!

The Atrium in the Sapporo Factory
Sabi nila sa Hokkaido daw ang pinakamasarap na ramen. Dahil siguro malamig sa lugar and masarap kumain ng ramen lalo na kung malamig. Pare-parehas kaming first timers so bahala na si batman and we decided to have ramen for lunch sa pinakamalapit naming nakitang resto.

Miso ramen
Sapporo is popular for its miso ramen. As for the miso ramen na kinain ko e ahmmm.... so so. OK lang. Nothing special para sa akin.

From Sapporo Station we travelled 2 hours going to Asahikawa Station. Popular dito ang Asahikawa Zoo kaso hindi na namin naisingit sa aming itinerary. From Asahikawa Station e nag-rent na kami ng car papuntang hotel. We also used the car the next day para sa pamamasyal. Buti na lang may kasama kaming Japanese friend na marunong mag-drive!



Asahikawa Station
 HELLO FURANO!

Balik na naman sa probinsiya feels. Puro rice fields. As in malalawak na rice fields at kung anu-anong fields. Anlakas maka-sound of music!



Around 7:30 pm na yata kami nakarating sa hotel namin (Furano La Terre).

Furano La Terre Lobby

This time ang room namin e Japanese style. At siyempre ansaya-saya ko kasi may libreng melon! At meron ding kasamang dried lavender flowers. Yung gatas na naka-bote binili ko sa vending machine. Na-curious lang. And of course Hokkaido milk is the best! Ahahahahaha!

Free melonsssssss!
Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay nag-prepare na kami for dinner. Included nga pala ang dinner and breakfast sa pag-stay namin sa Furano La Terre. Bongga!

Hello Ja-fans!

View while having dinner. ^_^


At diyan nagtatapos ang day 2. Bow.


Monday, March 7, 2016

Hokkaido Trip (2015) - Day 1: Hello Hakodate!



Huling hirit sa tag-init. Bago matapos ang summer season sa Japan e nagpunta kami ng Hokkaido. Yes! Finally Ariel happened to me. Dapat autumn ng 2014. E kaso dahil sa wala kaming pera at panahon para ayusin ang aming Hokkaido trip e nauwi siya ng summer 2015. Oo na off-peak kasi pag ganitong panahon kaya mas konting anda ang gagastusin. Anyways hiways, si Hayakawa-san na ang nag-ayos ng aming flight and hotel accommodations. Sinubukan kong maghanap ng airfare with accommodation package kaso sobrang limited naman ng nakita ko. Kaya pinaubaya na namin lahat kay Hayakawa-san. Para sa aming 3D/2N stay in Hokkaido (airfare plus hotel accommodation), we spent 45,000 yen each. I think good deal na yung nakuha namin na yun.

Day 1 (August 30, 2015)
Hakodate

First time namin ni Madam na mag-bus papuntang Haneda Airport. E malay ba naman namin na yung luggages pala e may kanya-kanyang lalagyanan depende kung saan ka bababa. Dahil pagdating sa mga bus stops may mga tao na magtatanggal ng luggages mula sa bus. So first stop ang Terminal 1 (Domestic). Ang toinks lang kasi yung luggages namin ni Madam e sa International Terminal area namin nailagay. So nagtaka tuloy si kuya bat binubuksan namin yung side na yun ng lalagyanan ng luggages samantalang nasa Terminal 1 pa lang. Ang toinks lang talaga. Now we know.

Nagkagulatan kami nila Hayakawa-san pagdating sa airport. Siya kasi backpack lang dala niya. Samantalang kami ni Madam e tig-isa kaming carry on luggage. Kakaloka. Nahiya kami ng slight.

Hello Hakodate!

Kung sakaling dito nako sa Japan maninirahan for good e pipiliin kong mag-retire sa Hakodate. Probinsiya feels. And umaapaw, siksik, liglig ang seafoodssssss!!!

Bale ang gumawa nga pala ng aming itinerary ay si Hayakawa-san. ^_^

Paglapag ng eroplano sa Hakodate ay dumiretso kami sa bus stop para sa aming unang pupunthan. Tamang temperatura. Medyo maulap. Bumili kami ng parang day-pass na bus ticket worh 1,000 yen.

The Trappistine Convent

Medyo nawala yata kami papunta sa lugar na ito. Well wala namang sisihan na naganap dahil pare-pareho naman kaming first timers sa Hakodate. Inassure na lang namin si Hayakawa-san na magaan lang yung mga trolleys na dala namin.




From here bus ulit papunta sa Hakodate JR Station. Lunch daw muna kami sa Morning Market bago mag-check in sa aming hotel. Bumili na muna kami ng train tickets para sa byahe namin papuntang Sapporo kinabukasan.


Hindi ako masyadong mahilig kasi sa raw meats/fish. And dahil gutom na rin kasi kaya ako wala akong oras para maging adventurous. Kaya grilled squid lang muna kinaya ng powers ko.

And for dessert we had the famous Hokkaido soft cream (ice cream). The bestestestestest! Sa 3 araw namin sa Hokkaido, walang araw na hindi ako kumain ng soft cream. Kulang na lang umiyak ako habang kumakain ng soft cream sa sarap haha. E kasi naman napakasarap naman talaga. Tamang tamis tapos sobrang creamy. Dahil sobrang spoiled daw kasi ang mga baka sa Hokkaido. :P And also we had melon! Para mas mura bumili kami ng isang buong melon tapos pinahati na namin kay Lola Tindera bago dalhin sa hotel.

Pagdating hotel change outfit si watashi kasi naman nanggigitata nako sa pawis. Baka akalain nila may baon akong paksiw or sinigang. Lam mo naman kaming matataba pawisin hehe.

Bay Area



Kanemori Red Brick Warehouse
 Meron ding ganito sa Yokohama. Ang tawag naman ay Yokohama Akarenga (Yokohama Red Brick Warehouse).

Lucky Pierrot
Ang McDonald's ng Hakodate. Pero seriously speaking wala talaga kaming nakitang Mcdo or Mosburger sa Hakodate. Pero ang pagkakaalam namin ang Lucky Pierrot naman ay matatagpuan lang sa Hakodate. So we speculated na hindi talaga pinapapasok ang ibang burger chains sa Hakodate. Bow.

Motomachi






Meron din ganito sa Yokohama.Mostly historical buildings and churches. Sayang nga kasi yung church na napuntahan namin (last pic) was open until 4pm. Kaso dumating kami 4:05pm. Ganern.

Sunset Tea House(?) - imbento ko lang yung pangalan. Nakalimutan ko kasi! (T T)

Dahil need pa namin hintayin gumabi bago pumunta sa tuktok ng bundok tralala este bundok ng Hakodate (Mt. Hakodate/Hakodate-yama), iminungkahi ni Hayakawa-san na puntahan namin ang isang tea house na may magandang sunset view. Sumakay kami ng tram! First tram na nasakyan ko sa Japan. I dunno but I just love trams! Para sakin iba pa rin siya sa mga trains. The feels you know. Tapos akala ko after sumakay ng tram e konting kembot na lang andun na yung tea house. But wait! Oh hindi! Ang layo tapos paakyat pa. May nadaanan pa kaming cemetery for foreigners. As in for foreigners lang. Tapos nung malapit na akong mamatay e andun na daw yung tea house. Sobrang sulit nung nilakad namin!

While waiting for our orders.
Sobrang nakaka-relax yung tea house. Kung pede lang na araw-araw ako nandun. Yung music plus view. Yung tipong mapapa-'Hay....' ka na lang sa sobrang peaceful and relaxing nung lugar. Pede rin na sa labas mag-tsaa kaso masyadong mahangin baka magkasakit lang kami. Hindi ko rin alam kung anong body of water yung nasa harapan namin. Kebs na.

Nung dumating yung order namin umeksena naman ang mga uap. Timing nga naman.
Yung tsaa na inorder ko hindi ko na alam kung ano tawag. Basta galing siya sa isang lugar sa Japan. Ganun yung classification ng tsaa niya.

Night View at Mount Hakodate

We had dinner first before going to the top of Mt. Hakodate at Hasegawa Store which is popular for its Yakitori-bentou. Sobrang busog pa kasi kami ni madam nun kaya no rice ang yakitori namin. Pero ansarap! Be sure to visit this store if ever you'll be visiting Hakodate.

Instead of going via ropeway e nag-bus na lang kami. Kinda takot sa heights yung kasama ko and feeling namin hindi siya safe sa gabi. Haha. Ang highlight ng aming unang araw sa Hokkaido.

Night view of Hakodate
Buti na lang may baon akong hoodie kahit alam kong summer pa. E kasi naman napakalamig pagdating namin sa tuktok ng bundok. Buti na lang mabilis ang galaw ng mga turista sa viewing deck at nagkaroon naman kami ng chance na makakuha ng litrato.

Para sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan!

Salamat sa ilaw ng selpown at nagkaroon kami ng maayos na lighting! Mga ilang minuto pa siguro na nag-stay kami sa labas e magkakaroon na kami ng hypothermia.

Bago kami bumalik sa hotel e dumaan kami ng lucky pierrot para matikman ang kanilang burgers. We ordered yata yung #1 and #3 na recommended burgers nila. Isa yung nagustuhan ko sa dalawa. Kaso siyempre nakalimutan ko na pangalan! Ganun siya kasarap hehe.

At diyan natatapos ang aming Day 1 sa Hokkaido - Hello Hakodate!

Bow.