Pages

Thursday, February 18, 2016

Random thoughts from 2010

Last entry para sa aking throwback thursday chururut. Isa na lang yung nasa draft ko. Yey!

Yung huling part ng entry na ito e lumabas yung resulta ng visconde case. Ngayong taong ito (2016) pumanaw na si Ginoong Visconde. Ang bilis ng panahon.



December 16, 2010

i've been sleeping very very very late for the past 2 weeks. (read: 2am). basuraman will kill me for this.

baka kasi mamiss ko ang pagpupuyat hehe. pag nasa pinas kasi ako pag bakasyon ambilis/ang aga kong makatulog. minsan naupo lang ako saglit tulog na kagad. dahil siguro sa pakiramdam na nasa bahay ako. dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. yung feeling of at peace na hindi ko nararamdaman dito.

++++++

ilang tulog na lang jollibee na naman ^_^ pero kailangan pang pumasok ng weekends dahil sa dami ng trabaho. tapos bonggang-bonggang OT everyday. ang wrong timing kasi nila mag-set ng project.

++++++

for the love of kiko matsing i-email na sana sakin yung bago kong itinerary.  at sana naman e hindi na busy ang line ng PAL tuwing tatawag ako.

++++++

nung isang araw naisipan kong gumawa ng twitter account. wala lang. gusto ko lang makasagap ng tsismis. kaya mostly ng finofollow ko e mga ta-artits. para sa chismis!

++++++

after 15/20 years nagkaroon na ng resulta ang visconde case. Diyos lang ang nakakaalam sa mga totoong nangyari. inosente man o hindi ang mga napawalang sala e pareho sila ni lauro visconde na nawalan at naging kawawa. hindi kinaya ng puso ko ng makita ko si ginoong visconde na himatayin nung sinabi yung resulta. kumirot ang puso ko nung napanood ko yung interview ng nanay ni hubert webb. 2 dekada ang nawala sa pakikibaka ni ginoong visconde para sa hustisya ng kanyang pamilya. 2 dekada ang nawala sa buhay ni hubert webb at ng kanyang pamilya dahil sa pagkakakulong na sa bandang huli'y mapapatunayan na walang sala.

matagal nakong nawalan ng pag-asa sa bansang pilipinas. dahil kung hindi siguro nasa pinas pa rin ako ngayon. makasarili pero yan ang nararamdaman ko sa bansang pinanggalingan ko.

how yah doin' there papa?

Akala ko nai-post ko na ito dati. Almost same title except for the last word (how yah doin' there papsy?) Pero nung binasa ko magkaiba ang laman. Diko na din alam kung bakit. Diko na inedit kaya pagpasensiyahan niyo na kung hindi capitalized ang unang letra sa bawat pangungusap. Sinipag maghalungkat ng Drafts folder. Throwback thursday mode si watashi today...

October 23, 2010

2 years ng wala si papa. tuwing umuuwi ako ng pinas hindi ko nakakalimutan na bisitahin ang puntod niya. at tuwing dinadalaw namin siya ni basuraman diko pa rin mapigilan ang umiyak na para bang kahapon lang siya nawala.

diko na maalala nung unang beses na nakilala ko ang tatay ni basuraman. hindi siya palangiti na tao. pero naging mabait siya sakin kahit hindi kami nagkakausap. nakukwento na lang sakin ni basuraman na lagi niya akong hinahanap at tinatanong kung kumain na daw ba ako kapag nasa bahay nila ako.

at nangyari na nga ang lahat. nasa opisina pa ako nun dahil kailangan kong mag-overtime ng biglang nagtext sakin si basuraman na wala na si papa.

i know i didn't act properly during the funeral of papa. hindi ko alam ang gagawin ko. lahat sila naka-puti. ako lang naka-itim. hindi ko alam. bata pa ako nung may namatay sa family ko. hindi ako lumapit sa kabaong niya during the blessing and before he was buried. i kept a distance. umarte ako na parang ibang tao kay papa. alam ko na nung mga panahon na yun e sobrang kinamuhian ako ni basuraman. pero alam ko na alam ni papa how i grieved when he left. how he meant to me. hindi man nakita ng pamilya ni basuraman at ng ibang tao.

gusto na ni papa nun na makasal kami ni basuraman. palibhasa matatanda na kami nun at si basuraman na lang ang walang asawa. kaso hde yun nangyari. siguro masaya na rin si papa kasi nakasal na kami nung august kahit civil nga lang.

hindi ko alam kung bakit pero umiiyak ako ngayon habang ginagawa ang post na ito. hindi ko rin maipaliwanag pero bigla na lang ako naiiyak kapag naalala ko siya.

makakalimutin akong tao pero hindi ko makakalimutan yung itsura ni papa na nakangiti siya o tumatawa. Napakadalang kasi ng mga ganung pagkakataon.

sakaling madaan ka dito sa blog ko papa gusto ko lang sabihin na maraming salamat po.


No more worries, no more sorrows,
No more hurt and no more pain,
In the kingdom of Heaven you now stand,
Our love for you will forever remain.

tortang talong

Naisipan ko lang tignan yung mga posts ko na naka-draft mode and surprisingly may pailan-ilan na ka-post-post naman pero hindi ko alam kung bakit diko nai-post. At dahil thursday ngayon, let's do some throwback-thursday-mo-mukha-mo thingy!


April 29, 2009

yun ang ulam namin kanina.
at dahil jan na-inspire ako magpost ng random pics....

this is the lobby area of our dorm nung ako ay nagtatrabaho pa sa $@|\|yO. kami lang ang tao kasi yung dept lang namin ang may pasok. the rest naka-forced leave. eto yung mga panahon na karamihan sa mga babae sa office e nagbabasa ng twilight saga. pucha kinikilig na naman ako sa labtim ni edward at bella...anubeh! shoooooo! lumayas ka masamang ispiritu!

++++++


ang dati kong desk plus omiyage sa kung sino man ang naggaling sa japan nun. ito yung mga panahon na na-adik ako sa coffee prince. kada-break wala akong ginagawa kundi manood ng coffee prince. ultimo yung 15minute break diko pinapatawad.

++++++


sosyal ang mga tindero at tindera sa munting sari-sari store namin. naka laptop nyahahahaha

++++++


2015

At natapos ang taong 2015 na wala man lang ako nai-post na something about dito. I know, I know..... Susubukan kong alalahanin na lang ang ilang highlights ng aking 2015....

  •  From Kodaira our workplace was transferred to Nakano (still in Tokyo). (End of March)
After more than 5 years ng paglalakad/pagbibisikleta mula bahay hanggang opisina e kailangan na naming sumakay ng tren dahil nalipat ang aming opisina. Nabili ng isang American company ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin at kinailangang lumipat ng building/lugar. Ang simula ng aming kalbaryo. Dahil hindi biro ang kalagayan ng mga tren dito during rush hours. Siksikan kung siksikan. Walang halong exaggeration yung mga makikita niyo na videos na kung saan yung akala mong impossibleng makapasok sa loob ng tren e totoong nagkakasya. Personal experience! Nakakaloka ng walang halong eklavoo! Pumasok kang fresh na fresh sa tren tapos pagdating mo sa destinasyon mo e daig mo pa ang inapi ng 1 million times sa pagka-haggard. Walang patawad ultimo pag-uwi.

Na-experience ko na rin yung nakarating ako sa iba't-ibang lugar sa loob ng tren ng hindi lumalakad. Oha! Kasi wala ka ng magagawa kundi sumunod sa agos ng buhay. At dahil maliit ako madalas e ginagawa akong patungan ng kili-kili ng mga nakakatabi ko na matatangkad. 

Sabi nila baka medyo maayos pag sa "women's car" sumakay. Ay hindi ito totoo! Dahil mas balahura pag nagsama-sama ang mga babae. Dito ako nasaktan ng bongga. Pramis.

Tip: Huwag sasakay sa car ng train na malapit o tapat ng hagdanan. Dahil asahan mo pagbaba mo e mukha kang sinakluban ng langit at lupa ng 645 times tapos binugbog ng 30 sumo wrestlers.

  •  1 week vacation in Adelaide. (May).
Goldeen week sa Japan kaya napag-isipan kong magbakasyon saglit sa Adelaide. Tsaka kailangan kong lumayo saglit dahil may ginawa akong desisyon na alam kong ikaka-stress ko ng 1 buwan.

At Hhandorf

  •  New company. New workplace. (Wala na pala ako sa Tokyo ngayon. Nasa Yokohama na.) (June)
Pangako dito. Pangako doon. Dahil gahaman sa pera, goodbye former company. Hello new company! Ayoko na lang pagsisihan ang ginawa kong desisyon. Iniisip ko na lang e may dahilan kung bakit nangyari ang lahat. ^_^
  •  Hokkaido Trip! (August)
Ay ito gagawan ko ng separate entry. Promise! Spent 3 days and 2 nights at Hokkaido with friends. 


At the top of Mt. Hakodate

  •  3rd birthday ni Miko (September)
Ang bilis ng panahon. 3 years old na si Miko. And we decided na umuwi si Basuraman sa Pinas para i-celebrate ang birthday ng aming unica hija. Masaya ako na kahit si Basuraman man lang e kasama ang anak namin nung birthday niya. Shempre hindi naman papayag ang anak kong napakahilig sa mga parties na walang masayang pagdiriwang ang kaarawan niya. Will make a separate post for this. (Susme dalawa na yung kailang kong gawan ng posts.)

Miko at 3!

  •  1 month work from home in Adelaide. (October)
Naranasan ko magwork from home ng 1 buwan. Mahirap din pala mag-work from home. Partida kasi wala pa si Miko sa lagay na yun. Ang daming distractions. At nakakaloka ang internet ng Australia. Susme pang third world country ang bilis. Naturingang first world country.


At Victor Harbor

  • Christmas and New Year in Japan (December)

For the second time around e dito ako sa Japan nag-pasko at nag-new year. Kung maaga lang sana nilabas ang work schedule namin e di sana sa Pinas ako nakapag-bagong taon. Kabwisit lang. Sa awa ng Diyos e matiwasay naman naming nai-celebrate ang pasko at bagong taon. 


Fish be with you ^_^
Yun lang. Hanggang sa muli. Paalam!