Pages

Thursday, March 31, 2016

2018 FIFA World Cup Russia Qualifiers (Japan VS Afghanistan)

Last week March 24,2016 (Oo 'Teh. 'Di ka namamalikmata. Last week lang nangyari. Andami ko na kasing time para mag-update ng blog.), we watched the Japan versus Afghanistan qualifying game at Saitama Stadium 2002 for the 2018 FIFA World Cup Russia. I am not really a very big fan of soccer (onti lang. dahil lang kay papa Hasebe ganern) but watching Jaan's national soccer team play live is not a bad experience right?

We traveled around 80 minutes by train to reach Saitama Stadium. Nakarating kami ng Urawa Misono Station ng around 6:10pm. 7:30pm ang start ng game. Alam na alam mo pag may game. Sobrang dami ng tao sa train station tapos karamihan sa kanila naka-shirt na same with the team's uniform.

There were so many people but there were no long lines. Ang organized lang kasi sa stadium. Your entrance gate depends on your seat number. And after entering the stadium meron ulit entrance kung saan pinakamalapit ang seat mo. Bawal nga pala magdala ng pet bottles na hindi affiliated sa sponsor nung game. And pedeng magdala not more than 600ml. May dala kasi kaming bottled water and onigiri in case na magutuman kami. Yung pet bottle ni Madam e inallow pero pinatanggal yung takip. Yung sa akin hindi napansin ni Kuya (na hindi ko naman ininom kasi baka maihi lang ako).


(L-R) Junko-san, Hayakawa-san, Madam, and Mey
Sobrang overwhelming ng pakiramdam pagpasok na pagpasok namin sa mismong stadium (papunta sa aming designated seats). First time ko nga palang makapasok sa isang stadium dito sa Japan. 'Di pa man kasi nag-uumpisa e nagcha-chant na ang supporters ng Japan team. Alam mo yung ansaya-saya ng pakiramdam na nakangiti lang ako pero kapag tinanong mo ako kung bakit ako masaya e isasagot ko sayo na "Hindi ko alam.". Iba pala talaga pag manonood ka ng live game. Sabi ko nga sa IG post ko sobrang nakakaproud ng pakiramdam kahit hindi ako Hapon.

Medyo pinaghandaan ko nga pala ang game na ito bilang medyo may kalamigan pa rin ang panahon kaya bukod sa patong-patong na suot at boots (at feeling ko ako lang naka-boots) e may baon akong maliit na kumot na fleece, gloves at bonnet. Di bale ng maraming bitbit kesa naman mamatay ako sa lamig.

Selfie time :)
I had to wear my bonnet kasi nilamig nako. Malamig promise!


Sobrang grabe ang supporters and fans ng Japan team. Ay kung andun lang kayo matutuwa rin kayo. Hindi sila tumitigil sa pagsigaw, pagtalon at pagchi-cheer. Effort sa pagchant, pagsuot ng uniform, at pagdala at pagwagayway ng towels and big-sized banners. Astig!


The screen near our seats. Goal! Hi moon :)
 
During halftime break ay nagbanyo si Madam tapos ako naman pumila para bumili ng hot cocoa. Ang sarap lang naman kasing humigop ng something mainit dahil anlamig. Buti nga hindi umulan e. Kasi kahit umulan ay tuloy pa rin ang game. Baka by that time mamatay nako. Anyhoo nung kami na ang bibili e ubos na lahat ng hot drinks except for coffee. Sayang ang pagpila. Ayaw naman namin mag-kape kasi gabi na and baka hindi kami makatulog e may pasok pa kinabukasan.

Japan won with a score of 6-0
Sabi nung announcer more than 48,000 people ang nasa stadium. Natakot ako. Kasi pano kami uuwi ng sabay-sabay. Yung more than 48,000 katao na yun.

Nahiwalay ng upuan yung kasama naming 2 Hapon. So after the game pinuntahan nila kami para sabay-sabay na kami lumbas. By the way nanalo nga pala ang Japan with a score of 6-0. Kinda nagmamadali kaming bumaba and I was thinking kung bakit. Yun pala nasa harapan na namin yung Japan players. As in umikot sila sa gilid para kawayan yung mga tao. Kung alam ko lang e di kanina pako pumwesto. Ay iba talaga pag nakita mo yung players sa TV and sa personal. Hindi ko lang naaninag masiyado si Hasebe kaya hindi ako nakasigaw ng 'I love you Hasebe!'. Kumaway na lang ako. ^_^ Ansaya lang and nakakakilig at the same time. Landeh.

Kaway-kaway!
Nagka-calculate na kami kung makakaabot ba kami sa last trip ng trains. And we were already thinking of riding a taxi na lang kung hanggang train station kami aabot. Andami naming naglalakad pero tuloy-tuloy lang. Mabagal pero hindi humhinto. At walang nagsisigawan. Hanggang makarating kami ng train station. Hanggang train staion organized ang mga tao. Hindi nila pinapapasok lahat. May cut-off. Ang galing lang talaga. Sobrang nakakabilib.


Sa itsura ng picture na yan hindi niyo iisipin na nakasakay kami ng train. Pero nakasakay kami and sakto kami sa last trip ng huling train na nilipatan namin.

A memorable Japan experience indeed. Olrayt!

Bow.

Wednesday, March 30, 2016

To the Beach! (Montemar Beach Club)

Finally! Ariel happened to me. Natapos ko rin sa wakas lahat ng 2015 posts ko. And finally a post that actually happened in 2016. Apir!

I thought I would just be spending my Christmas vacation here in Japan but then something happened. I suddenly booked a roundtrip flight to Philippines. Suddenly talaga? Hindi ko kaya na hindi umuwi ng Pinas ng Christmas vacay! Arte lang. Kahit ganito ako e kino-consider ko naman ang work ko when I'm making vacation plans. Ang definite sa work sched namin e we have a deadline on December 25.  And after that clear na and mayroong holidays dito sa Japan since it's New Year.

Bandang 1st or 2nd week of November ay tinignan ko ang website ng PAL and checked kung may magandang schedule na may magandang presyo. We all know that airfares go sky high during the holidays. Nung may nakita akong pasok sa banga e boom! Book na kaagad. Tsaka ako nagpaalam dito sa office haha. I know, I know I should have asked if they will allow me but by the time malamang na sabihin nilang OK akong magbakasyon e kailangan ko ng umiyak ng dugo sa presyo ng mga tickets. Actually nung nagpaalam ako e ang sagot ba naman 'We'll check first the work schedule.". Ay sorry naka-book na ako. Walang makakapigil sakin. Haha! Pero seriously speaking/typing, wala naman naging problem talaga kasi tama naman yung pagkaka-schedule ko ng bakasyon ko na ibinase ko naman sa existing work sched namin. Ayos di ba?

Yun nga lang medyo may nakakairita lang na nangyari. So nagbook ako from Jan.1-11. Tapos mga last week ng November, we were informed that Dec. 30 and 31 are company holidays. Naisip ko kagad na i-rebook yung outbound flight ko. Then nakita ko sa fare rules ng aking itinerary na inbound flight lang pede ko i-rebook. Anakngteteng.  Ay gusto kong tumambling. Sa totoo lang ang hirap magbakasyon dito sa bagong kumpanya na napasukan ko kasi wala silang working calendar for a year. Wala kasing sistema. Hay ayoko na mag-rant.

Tinanggap ko na lang ang katotohanan at hinantay ang January 1, 2016.

Pasensha na ang haba ng intro para sa post na ito. Actually hindi pa yun yung intro. Eto pa lang.

Pagkatapos kong mag-book nag-isip nako kung saan kami pede pumunta ng family ko. Sakto rin kasi uuwi ng Pinas ang tatay ko so treat ko na yun sa kanila. Search dito search doon. Gusto ko sana ng Boracay kasi hindi pa nakakarating parents ko dun kaso ang mahalia naman. Di kaya ng powers ko. Next Batangas. Kaso naisip ko pa lang yung traffic umayaw na kagad ako. Punta naman ako sa norte. Thunderbird Resort sa La Union. Keribels ang presyo. Ang kaso anlayo pala from Malolos. I had to consider din kasi yung travel time kasi may dalawang 3-year-old kids kaming kasama. Then Madam suggested Montemar Beach Club. Doon daw sila nag-company outing noon and maganda naman yung place. Chineck ko yung website nila tapos basa-basa rin ako ng reviews sa tripadvisor. Nag-send ako ng enquiry sa MBC at matiwasay naman silang sumagot sa mga katanungan ko. Ang kausap ko pala ay si Ms. Joy. After ilang exchanges ng emails ay nagpa-reserve nako ng room for 1 night good for 4 adults and 2 toddlers. January 5-6, 2016. I was thinking of a later date kasi naman pasok pa sa banga ng peak rates ang January 5. Kaso nung nagtanong naman ako ng rates for Jan. 6-7 e hindi pa available. I decided to push thru with Jan 5-6 kahit mahalia jackson para hindi naman maalangan ang tatay ko kasi Jan.9 ang flight niya pabalik ng Saudi. Tapos I asked na lang my good friend Elotte to make a bank desposit for me kasi pag via credit card pala need pa pumunta sa office.

I paid 11,560 pesos for one deluxe room (ocean view) for one night for 4 adults and 2 toddlers. Actually yung room costs 8,200 pesos good for 4 persons and then I added 3,000pesos for the 2 additional persons. Inclusive of breakfast for the 4 persons and additional 560pesos for the children's breakfast. When the confirmation voucher was sent to me it was mentioned na there was an overpayment since 11,200 pesos lang yung kinonfirm nila and the excess will be used on incidental charges upon check-out. I asked Ms. Joy about this and sinabi niya na malaki kasi ang portions for the breakfast ng kids so baka masayang lang pag hindi naubos ng 2 bata. OK lang naman sakin if that was the case. But the problem was hindi ko nacheck kung naibawas nga ba yung 560pesos na overpayment when I paid for the additional expenses that we had during our stay. Sa totoo lang ngayon ko lang naalala. Susme after 2 months! Tanga lang.

Hello Montemar Beach Club!
Day 1 (January 5, 2016)

From Malolos, 3-4hrs din ang binyahe namin papuntang Montemar Beach Club which is located in Bagac, Bataan. Medyo matagal kasi first time naming lahat and kasama pa ang stopover for lunch sa isang eat-all-you-can resto sa Pampanga. Bilang ayaw mag-drive ng tatay ko e we asked a cousin to drive for us (my parents, younger sister Icy, Miko and my niece Alisa). Additional payment for my cousin's accommodation since originally hindi siya kasama sa advanced payment.

View from our room
Check-in time is 2pm but we arrived past 3pm na yata. Madali namang sundan yung map na nakalagay sa website ng MBC kaso kinda tricky lang yung isang signage na nag-iindicate ng Bagac Town Proper. Salamat din pala sa google maps. ^_^

Para sa isang simpleng tao na tulad ko e MBC is paradise. Paalala: hindi po ako binayaran ng MBC. This is based on my experience. Sobrang relaxing ng place. At dahil off peak season e ang konti lang ng tao. Saya! Sobrang saya ko rin kasi natuwa ang family ko. You know naman na their happiness is my happiness. Ang pinakamalawak na resort na nakita ko sa tanang buhay ko. Ang resort na may golf course at mga kabayo sa loob. After passing the gate akala ko hindi resort yung napasukan namin.

Bubbles time
As you can see kahit katirikan ng araw e ok lang na maglakad-lakad sa labas kasi hindi mainit dahil sa mga puno.



Mamoo, Papoo, Alisa and Miko. The bakasyonistas ^_^

I decided to get a room that is on the first floor kasi may mga bata kaming kasama. Maganda sana yung sa second floor kasi may loft kaso nag-alala naman ako na baka biglang umakyat yung 2 bata and bigla na lang mahulog. Paranoid mummy lang. We were given a room at Inn I. I didn't expect na may direct access siya sa beach area (from the veranda). Hindi rin naman siya sobrang lapit sa beach para mag-worry kami na pag nalingat kami e nasa beach na yung dalawang makulit na bata. Our room was also very close to the Blue Pool. And tapat lang din ng Inn I ang La Marea Restaurant. In terms of location I think Inn I is the best place in MBC especially if you have kids and thunders (ehem ang mga rayuma) with you.

Complement sa mga staff ng MBC. Sobrang courteous and accommodating. From Kuya guard sa gate hanggang sa mga nag-assist samin sa pagdala ng bags sa aming room.

But I think the room itself needs to be renovated. Parang kinda old na kasi. We had a hard time adjusting the temperature of the aircon unit. Yung wooden panels ng sliding doors should be replaced with vertical blinds. And ang hirap isara nung sliding doors sa veranda.

The giant kabibe
I love the beach. It may not be the same as the white powdery sand of Boracay but the sand is fine and the water is clean and clear. It has a long stretch of shallow shoreline. Perfect for kids and adults that do not know how to swim (ako po yun!). 

Our little mermaids

The mermaids with Tita Icy.
Sunset at the beach!
Gusto sana naming maligo sa pool kaso pagdating namin hanggang gabi e closed siya. So we decided na tomorrow na lang ang swimming ng adults. I asked the attendant of the time the pool will be available and he kindly confirmed that the pool will be available by 9am.

View at night

We had our dinner at La Marea Resto. Pwedeng mag-dine inside or outside the resto. We opted to dine outside. Buti hindi malamok. At buti na lang may pizza kasi yun yung gusto ng mga bata. We ordered triple cheese pizza, Inihaw na bangus (boneless) and Sinigang na Lechon Kawali (the lechon kawali was separated from the soup) and of course rice. Sinigang is a must everytime we are with the kids kasi yun yung paborito nila. It was a bit pricey pero in my opinion sulit naman. We enjoyed the food. Every single bit of it. The best was the inihaw na bangus. As usual muntik ako maiyak sa sarap haha. The waiter who assisted us in our orders was very kind. He was also the one who suggested the inihaw na bangus.

While waiting for our orders.

Day 2 (January 6, 2016)

Sino pa nga ba ang unang nagising kung hindi ako. Ako na gusto laging nasusunod ang schedule. Ako na! ^_^ Initially the plan was to feed the fish in the lagoon/do some fishing after having brekky. Kaso hindi namin makita yung lagoon. Haha! Pero solve naman na kami sa aming paglalakad.


Patay gusto na kagad pumunta sa beach area.

Brekky at La Marea
Papoo and Mamoo

Good morning beach!



The resort also has this tree house and a hanging bridge. Mababa lang naman yung hanging bridge pero inandaran ako ng kaduwagan. Siyempre hindi papahuli nanay ko.


Sayang nga kasi we weren't able to experience the releasing of baby sea turtles. Though may nakita kaming isang maliit na turtle (na feeling ko malapit ng matigok) sa pawikan hatchery.

Swimming time!
We had the beach to ourselves. Well almost hehe. Bukod sa amin may isa pang nasa beach pero after a few minutes umalis na rin. Never seen my parents and the kids that happy. Syempre kasama na rin kaming 2 ng kapatid ko na masaya. ^_^ We stayed a bit more sa beach kasi around 9:30am pa daw magiging available yung pool (at dahil yata wala pa yung lifeguard). There were two more pools in the resort. The one which is exclusive for members and the other one na nasa kabilang panig ng mundo. Siyempre loyal kami sa kung alin yung malapit sa room namin. Hee ^_^

The Blue Pool
Saktong-sakto ang Blue Pool para sa amin dahil merong pang-bata at pang sa akin na hindi marunong lumangoy haha. Tatay ko lang lumipat dun sa kabilang side kasi siya lang ang marunong lumangoy sa amin.

We checked-out by 12pm. I paid our additional expenses via credit card which was very convenient. It was around 3K plus pesos [Dinner, additional orders for breakfast, my cousin's accommodation and WiFi payment for 2 devices (100pesos)]. Medyo kulang pa sa customer service yung nasa reception desk noon kasi parang bago pa lang yata or under training pa. Ayun nga hindi ko man chineck sa receipt kung nabawas yung overpayment ko. Hay hay hay hay....

We really enjoyed our stay in MBC and will definitely return here. I highly recommend this place to those who want a very relaxing vacation.

See you again paradise!

Hanggang sa muli!

Bow.

Tuesday, March 29, 2016

Spending Christmas and New Year in Japan the second time around

Konti na lang.... konting-konti na lang.... makakapag-post na ko ng para sa year 2016! You know naman my motto: Better late than laterererererer. Olrayt. ^_^

Dec 2015 - Jan 2016

This would be the second time that I spent my Christmas and New Year here in Japan. The first time was in 2012 when I gave birth to Miko. We thought of dining out for our Noche Buena but we cancelled the thought kasi mas masarap kumain sa bahay and mas masarap yung pagkakain e nasa bahay ka lang na. If you're used to Christmas and New Year's celebrations in the Philippines e mamamatay ka sa homesick pagdating sa celebration dito sa Japan. For most Japanese (I think and I observed), Christmas means Christmas cake, roasted chicken and Santa Claus. That's it. At walang magarbong paputok and fireworks display tuwing bagong taon. Kakalungkot 'di ba? Though for sure maraming lugar dito sa Japan kung saan makakapag-enjoy ng bongga ang mga tao for Christmas and New Year celebrations pero iba pa rin siguro pag sa Pinas. Anyhoo as usual idinaan na lang namin sa pagkain lahat.



For Christmas we had nilagang baka, fried chicken, yakitori (skewered grilled chicken), squid rings, baked mac ( Na nagmukhang giant bibingka. Thank you to our faulty oven.), rice (shempre!) and wine. Sa Tita ko (father side) e laging may handang nilaga or anything na may mainit na sabaw pag pasko. Alam ko may meaning yun kasi napanood ko na siya minsan na na-feature sa isang show sa TV. Kaso nakalimutan ko na meaning hehe. Tsaka swak na swak naman dito sa Japan kasi winter kaya masarap ang mainit na sabaw. At dahil hindi kami marunong mag-portion ng mga nilulutong pagkain, mga 1 week naming pagkain yan dahil 3 lang naman kaming kakain.

For New Year we had steamed fish, buttered shrimps, fried pork strips, pansit, fruit salad, mochi/rice cakes and rice. Sa sobrang ganda nung fish na ginawa namin e nag-alangan ako kung masarap ba. And we were surprised that it was delicious as well. Kami na! #ggss



Yung nasa gitna nga pala na orange sa tuktok ay tinatawag na kagami mochi. According to Wikipedia, Kagami mochi, literally mirror rice cake, is a traditional Japanese New Year decoration. It usually consists of two round mochi (rice cakes), the smaller placed atop the larger, and adaidai (a Japanese bitter orange) with an attached leaf on top. Since we are in Japan, I have this feeling that we have to have this thing for our new year celebration. Yun lang. hehe

Hanggang ngayon e pakiramdam ko kitang-kita pa rin sa katawan ko ang lahat ng kinain ko noong pasko at bagong taon. Sobrang clingy. Ayaw umalis.

Since dumating si Miko sa buhay namin, every year ay gumagawa ako ng electronic postcard para sa pasko at bagong taon. Pang-post ba sa facebook at instagram. Para minsanang greetings ba. Ganern.

2012. Hindi pa uso sakin yung collage-collage at kung anik-anik. Our first Christmas in Japan and Miko's first Christmas.
2013

2014. First christmas na hindi kami magkakasamang tatlo nila Basuraman and Miko.

2015
Yun lang.
Bow.

Monday, March 28, 2016

Miko Turns 3!

September 10, 2015

3 years old na ang aming unica hija. Ambilis ng panahon. And sad to say hindi pa rin kami magkakasama nila Basuraman. Pero konting tiis pa. Konting kembot na lang. Since weekday ang September 10 e ginanap ang birthday party ng September 12 (Saturday).

Umuwi si Basuraman ng Pinas para sa celebration ng birthday ni Miko. Gusto kasi namin na kahit isa man lang sa amin ni Basuraman e physically present sa birthday ni Miko. Since umuwi ako nung pasko sa Pinas turn naman ngayon ni Basuraman.

Base sa mga pictures and kwento e mukhang na-enjoy naman ng anak ko yung party niya. Ang hilig sa party. Kanino kaya nagmana? Ahmmmmm..... Malamang sa tatay niya. (~_^)V


At dahil mainit sa Pinas e 'hulas pa more' ang peg ng itsura ng aking anak. Partida dahil may nakatutok pang electric fan sa kanya nyan.



Party partei!

Miko with her cousin Alisa
Daddy and Miko
Nagpapasalamat ako unang-una kay Lord for giving Miko to us. Maraming salamat dahil patuloy Niyang ginagabayan at inaalagaan ang aming pamilya. Sa mga tao na tumulong para maging successful ang birthday party ni Miko. My daughter's happiness is my happiness as well.

To God be the glory.

Hokkaido Trip (2015) - Day 3: Hello Furano and Biei!

Warning: Numerous pics ahead..... ^_^

Day 3 (September 1, 2015)

Mayroong public indoor and outdoor onsen (hot spring) sa hotel. Bago kumain ng breakfast e nag-decide kami na mag-onsen muna. As in 6am. Para kami pa lang. Kahit separate ang lalake sa babae (dapat lang!) e medyo nag-aalinlangan parin ako. Pero sayang naman ang experience you know. Kasi naman sa onsen e hubo't hubad. Pede ka lang magdala ng maliit na towel pang-kaskas before lumusong sa onsen. Yung kasya lang pantakip ng mukha. Kakaloka! Pakapalan na lang ng fez. Wapakels na lang kung makita man ng strangers ang pinakatagu-tago kong lihim. Actually keribels lang din naman kasi wala rin naman silang pakialam sayo. And wala naman naninitig.  After 30 minutes siguro may pangilan-ngilang guests na rin ang nasa onsen. By that time e tapos na rin ako hehe. Ang sarap lang dun sa outdoor onsen. Confident naman ako na walang nakakita sa aking hubad na katawan (sana). Very relaxing at iba kasi yung pakiramdam na nasa labas. Yun nga lang mga 2 minutes lang siguro ako dun kasi na-realize ko na kinda dugyot pala yung bato-bato and may nakita akong 1 insekto.

After the onsen thing e derecho na kami for breakfast. Buti na lang kasama namin si Hayakawa-san kasi walang romaji(English alphabet) or english yung menu. Kumbaga siya yung taga-explain samin kung ano yung mga kinakain namin. Hindi ko na maalala kung ilang course yung breakfast (same with dinner) pero Japanese siya. So may mga food na naubos ko, meron yung tinikman ko lang and merong totally hindi ko kinain.

Furano La Terre
So bago lumarga ang mga explorers ay pumunta muna kami sa Popura Farm which is located sa tabi lang ng hotel.

Popura Farm


At madali lang siya makita dahil meron itong higanteng melon na may soft cream sa ibabaw.

Akin ka na lang...akin ka na lang... Aminin niyo kinanta niyo rin.

So far hindi pa naman ako nagtatae sa dami ng melon at soft cream na nakakain ko. Buti na lang busog pa kami from our brekky kaya naghati-hati na lang kami sa half-melon na may 2 flavors ng soft cream: vanilla and melon. Heaven!!!

Soft cream time na naman!

Rokugo Viewing Platform

Bago nakarating ang mga explorers sa kanilang unang destinasyon ay nabighani na kaagad sila sa naggagandahang tanawin ng Furano. Susme! Walang halong exaggeration at eklavoo! 

Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganito.


Farmville


Anpanman with Anpangirl. Nyek!
Furano is known for its lavender fields. And sad to say wala na yung mga lavenders by the time na nakapamasyal kami sa Furano. Pero may iba namang bulaklak na nakatanim so solved pa rin! Olrayt!

View at the Rokugo Viewing Platform

Flowers pa more!
Dumaan saglit sa Takashi Yananase's Anpanman Shop. Sayang e. Tutal andun naman na at wala namang bayad ang pagpasok. ^_^

Kahit napaso ako sa init ng bato hinawakan ko pa rin sa ngalan ng pagpapa-picture.
Furano Jam Garden

Heaven para sa mga mahilig sa jams. Ito na yata ang jam shop na kung saan merong napakaraming uri ng jams ako nakita. At pwede mong tikman lahat! Oo lahat! Meron na rin naka-prepare na biscuits/bread para sa smpling. In fairness naman samin bumili naman kami ng jams after naming tumikim ng bongga-jabongga. Defensive!

Jam Shop

Bago kami pumunta ng Tomita Farm ay may pinuntahan kaming isang tourist spot na kung saan parang doon shinoot yung isang Japanese movie or series yata. Bilang hindi naman ako interesado kaya hindi ko na alam yung detalye. Nyaher. Sinabi naman namin sa Japanese friend namin na puntahan na niya kaso magpapaiwan na lang kami. Kinda magagahol sa oras so next time na lang daw pag nakabalik ulit siya doon. Kaya nagpakuha na lang kami ng litrato sa may malapit na sunflower field.


Yung yumuko pa kami kasi akala namin makukuhanan ng buo yung mga bulaklak sa likod. Salamat kay Ate na kumuha ng aming litrato. ^_^
Farm Tomita




Tanghaling tapat nang makarating kami sa Farm Tomita. Dahil ayaw namin magsayang ng oras e libot pa rin kahit magmukhang kirara.

Nang mapagod ang matanda. 
Lavenders inside the green house.
At siyempre hindi ko pinalagpas na matikman ang pamosong lavender soft cream. Sinubukan ko rin kumain ng kanilang lavender cheese cake bilang paborito ko kasi ang cheese cake. Interesting flavor. Mabango. Ayos na sakin yung natikman ko sila. Pero hindi siya yung uulit-ulitin level. Ganern.


Lavender soft cream. Soft cream na naman!
Kahit walang mga lavenders e sulit na sulit pa rin yung pagpunta namin sa Farm Tomita sa dami ng bulaklak na nakita namin. Downside lang ng medyo tanghali na kami nakarating ay andami ng turista. Nagkaroon pa nga kami ng hindi magandang encounter sa 2 Chinese tourists (base sa lenggwahe na kanilang binigkas). Nasa pila kami ng tindahan ng lavender soft cream and cheese cake at sila ang nasa unahan namin. Tama ba naman na pagkabili nila e kinuhanan muna nila ng litrato yung mga binili nilang pagkain samantalang mayroong ibang tao na nakapila para bumili. We had to say 'excuse me' para maramdaman nila presence namin. At sila pa ang tumingin ng masama. Ediwow.



Hello Biei!

Hirap na hirap ako bigkasin yung Biei. Anyhoo, naglibot kami mostly sa Patchwork Road. Biei is famous for its views of wild fields and hills. Sobrang convenient ng may dalang sasakyan dahil puro 'patches' of fileds ang makikita. Merong rice, corn, potatoes, canola, etc. Very relaxing ang view. Feeling ko nasa New Zealand ako kahit hindi pa ako nakakarating ng New Zealand. Ang lakas maka-sound-of-music. Gusto kong kumanta habang nakikipaghabulan sa mga tupa sa taniman. Pero shempre hindi ko nagawa yun kasi walang tupa and bawal pumasok sa mga fields dahil private sila at pag-aari ng mga magsasaka.




Hi! Ang ineeeeeet!
Shirogane Blue Pond

Huling hirit bago kami tumungo sa airport. Since may konti pa kaming time, naisingit namin ang Shirogane Blue Pond. Partida kasi nagkaligaw-ligaw pa kami. As in nawala kami sa paved road (hello lubak-lubak/bato-bato na daan with matching bangin sa gilid) and may nakasalubong pa kaming malaking traktora. Yung tipong mga ilang minutes pa na ganun yung kalagayan namin e pipilitin ko na yung dalawa kong kasama na magbaligtad ng damit. What an adventure! Muntik na ako maihi sa nerbyos.

Balik tayo sa Blue Pond. Sa totoo lang wala akong idea kung ano ba talaga yung sinasabi nilang blue pond. Pagod na rin akong maglabas ng phone para hanapin sa internet.


Jaraaaaaaaan!
Speechless. I was totally speechless upon seeing this beauty. Tapos sumigaw ako ng WOOOOOOOOOOW! Very grateful for this wonderful creation. Tapos nakita ko na siya sa TV noon. Pero iba pala pag nakita mo ng personal. Nakakamangha! Kahit magdamag ko siyang titigan ayos lang sakin.

Picture-picture
From the Blue Pond dumerecho na kami sa shop kung saan nag-rent kami ng sasakyan. Then hinatid na kami sa Asahikawa Station. From there we transferred to Sapporo then direcho na ng New Chitose Airport.

At dahil wala kaming proper lunch (meaning no rice) e nagutom na ng bongga si watashi. Kaya we had dinner first before buying some omiyage/pasalubong.

Butadonmeijin's pork rice bowl. Sheeerreeeeerrrrp!
At diyan po nagtatapos ang aking Hokkaido trip. Alam niyo ba na nito lang March 26, 2016 ay opisyal ng nagbukas ang byahe mula Tokyo patungong Hakodate via shinkansen (bullet train). Around 4 hours ang byahe one way. Nakaka-tempt! Ahahahahaha.

Kung magkakaroon ng pagkakataon gusto kong bumalik ng Hokkaido. ^_^

Bow.