Pages

Tuesday, June 25, 2019

Week 26 (Red Cabbage)

Unti-unti na pala kaming namimili ng gamit ni bibi gurl Pippa. Shempre doon tayo sa mga naka-sale kaya hiwa-hiwalay ang bili namin. Sakto naman EOFY (End of Financial Year) dito kaya maraming naka-sale.

Sabi ko nga kay Basuraman, parang mas patok kung ngayon naganap yung Preganancy Expo dito sa Adelaide kasi panigurado andami naming nabili. Lahat kasi ng kailangan namin andun. From furnitures and clothings to bottles and baby accessories. Noong time kasi na andito sila e ilang weeks pa lang naman ako noon kaya hindi pa namin feel mamili. Mukha nga lang akong busog noon e hindi jontis.

Sana sipagin na akong gawin yung list ni Pippa. Ang hirap ng working mum na jontis ha!

June 21, 2019 Friday - 11AM appointment ko sa MFM. Wala munang scan this time. Habang kinukuhanan ako ng BP ni ateng midwife e binanggit ko na rin sa kanya yung discharge ko. Para kasing bumabalik yung itsura and amoy niya noong nagkaroon ako ng infection. So I'm kinda worried na nag-recur nga and baka need ko na naman magtake ng antibiotics. Ang doctor na tumingin sakin this time is si Ateng Ube. Yam kasi apelyido niya. ^_^ Isa rin siya sa mga doctors ng Maternal and Fetal Medicine (MFM). Asian si ateng and maganda ang aura niya. Banggitin ko lang na ang mga doctors dito approachable (sa mga naging experience ko). Sila ang nagtatawag ng pasyente nila then pauunahin kang makapasok at makaupo sa room/cubicle nila. Hindi katulad sa Pinas na yung iba (ayan ha hindi ko nilalahat) feeling high and mighty. Bawal makanti ganyan. And again when it comes to appointments, hindi man nasusunod impunto yung oras na nakasaad e hindi naman aabot ng 4 na oras yung paghihintay. Naalala ko lang yung experience ng kapatid at nanay ko recently. Walang appointment time pero may number. O sige. Pero susmiomarimar. Imagine 4 hours sila naghintay. Pagkatapos may pasisingitin pang kamag-anak. Harujosko! Kung masama na pakiramdam mo kaya ka magpapa-checkup e lalong sasama ang nararamdaman mo sa paghihintay.


Tanong-tanong lang naman si Ateng Ube tapos ayun nga nasabi na nung Ateng Midwife yung concern ko sa discharge ko kaya pinagswab niya ko. Akala ko nga speculum exam na naman e. Buti na lang ako lang yung mag-swab sa sarili ko. Tawagan na lang daw ako kung need akong resetahan if may makita na infection dun sa swab test. Binigyan na rin ako ni Ateng Ube ng referral for my OGTT exam at 28 weeks. Ipagdasal niyo nga mga Mumshies and everyone na wala naman akong Gestational Diabetes kasi kinda anlakas ko lang talaga kumain ng matatamis. Ever since the world began. Kailangan ko magpa-sched nung test before my next scan and check-up sa July 5.

I took the day off and nagwork na lang ako during the weekend. Masuwerte talaga ako kasi work from home ako habang jontis si watashi. And work means sweldo kaya nakakatuong ako sa mga bills at pambayad ng mga binibili naming gamit ngayon para kay bibi gurl. Thank you Lord!

Mahal na mahal kita anak. 

Monday, June 24, 2019

Week 25 (Swede)

Huwag niyo akong tanungin kung ano yung swede. Mukha siyang gulay. Tinatamad ang jontis na mag-search. (Nagkamali ako last week. Ito yung veggie na nailagay ko e pang-25th week pala siya. Sarena.)

Excited na si watashi this week kasi babalik na ang mag-ama ko from their vacation. Ambilis lang ng 3 weeks. Nakakainggit man e ayos lang na hindi ako umuwi. Sa kalagayan ko ngayon diko alam kung anng mangyayari sakin kasi ang jinit at anlagkit sa Pinas nung umuwi sila Basuraman. As in kada video call namin laging bukambibig ni Basuraman na ang init at parang nalulusaw daw siya.

Constant naman si bibi sa pagiging ninja. Sipa dito, suntok doon. Tambling dito, gulong doon. At dahil hindi ko kasama or katabi si Basuraman na matulog, late madalas ang pagtulog ko. Actually inconsistent. Madalas kasi hinihintay ko sila na mag-online bago ako matulog which is madalas around 11PM dito. Or minsan naman after dinner makakatulog ako ng 7:30PM tapos magigising ako ng 2AM and halos 4AM nako makakatulog ulit. Then bangon ng 7AM para magtrabaho. May point na nahilo ako ng slight dahil sa timing ng oras ng tulog ko.

Masakit lang talaga kapag biglang umaatake yung sciatic nerve pain ko o yung tinatawag kong pamumulikat ng puwet. Kasi biglang hindi ko kayang maglakad. Walang halong eklavoo mga Mumshies. Kailangan kong huminto ng ilang minutes hanggang sa mawala na lang siya.

Keep going strong Pippa. Welabyuberimatchi!

P.S. Mahirap bumangon from an airbed kapag jontis ka at malaki na ang tyan mo. The struggle is real.

Wednesday, June 12, 2019

Week 24 (Corn)

June 5, 2019 - Ultrasound scan at 3PM then check-up after sa MFM. Supposedly, magco-commute lang ako bilang wala kasi si Basuraman pero nagdecide ang aking foster parents (kumukupkop sakin habang wala ang aking mag-ama) na samahan ako sa aking check-up.

Inabot din ako ng 40mins sa scan kasi naman ang aming mabait na si Pippa e napakalikot. Hirap na hirap tuloy si Ateng Sonographer sa pagkuha ng pics sa scan. Natawag tuloy si Pippa na naughty. First time kong tumagilid sa scan kasi nga para lang makita ng maayos ni Ateng si bibi sa scan. Tapos nabanggit niya pala na "above average" daw si baby in terms of size. Tinanong niya ako kung noong 20-week scan ba ay nabanggit sakin na above average si bibi. Sabi ko wala naman silang nasabi sakin. Tinanong din niya ako kung meron daw ako history ng Gestational Diabetes (GD). Sabi ko naman wala. Lumalabas kasi sa scan na nasa above average area ang size ni Pippa. Pero sinabi ni Ateng na baka daw chubby lang si bibi. Aba aba aba. Hindi pa lumalabas si bibi eh nasabihan na ng chubby.

Next is  transvaginal scan para macheck naman ang aking cervix pati na rin yung stitch. Wala naman siyang comment so I'm hoping na wala naman problem. After that derecho nako sa MFM.

Habang naghihintay chineck ni Lola Midwife ang aking blood pressure. Tapos tinanong na din niya ako kung meron na akong flu shot and whooping cough vaccine. Meron na kako akong flu vaccine pero yung whooping cough wala pa. Nga pala yung basa ko sa 'whooping' e WU-PING. Pero ang bigkas nila dito e HU-PING. Inadvise ni Lola na magpalagay na ako kasi nabago na yung rule ngayon na instead of 28 weeks puwede ng magpalagay from 20 weeks. Tinanong ko siya kung pede nako magpalagay habang naghihintay sa doctor kaso naabutan ako ng cut-off kaya next appointment ko na lang. Kinda matagal-tagal rin ako naghintay. Buti na lang katabi lang ng MFM yung cafe kaya hindi nainip ang aking foster parents.

Akala ko si Ateng Amanda ang titingin sakin. But I was wrong. Isa sa mga doctors sa MFM. Si Kuya Asian ang tumawag sakin. After ko nga e pauwi na siya kaya hindi na niya naayos yung sched ng next appointment ko. Tatawagan na lang daw ako ni Anita (si Ate sa Reception desk) para sa time and dates. Sabi ni Kuya stable naman daw yung size ng cervix ko ngayon. though in terms of numbers/measurement lumiit siya (from 16mm to 14mm). Hindi naman daw ibig sabihin na nag-shorten ito but it means stable siya. Tinanong ko rin if kailangan ko ulit ng swab test  kasi natapos ko na yung pagtake ko ng antibiotics. Kasi yun yung sinabi ni Ateng Amanda. Sabi naman niya hindi naman na kailangan kasi nga nakapagtake na ako ng medicine. Kinda worried ako sa part na yun kasi how will I know kung gumaling ba talaga yung infection. Paano kung nag-recur pala. Sana si Ateng Amanda yung makausap ko next time. Binanggit ko rin yung sinabi ni Ateng Sonographer na above average ang size ni Pippa. Sabi naman ni Kuya A hindi naman daw niya masasabi na above average. Nasa borderline pero they will monitor naman daw. Usually daw kasi pag second pregnancy malaki si bibi. So parang hindi pa naman concern at this point yung size ni Pippa kasi ako pa ang nag-raise sa kanya nung issue.

The next day mega-hintay naman ako maghapon para sa tawag nila. Siyempre ayoko ma-miss kasi kung hindi ako pa tatawag sa kanila. Ayun wala tumawag. Feeling ko hindi naman siya urgent so baka sa ibang araw na nila ako tawagan. Friday afternoon tumawag si Ateng Anita and naka-sched ako sa June 21 and July 5.

This week kahit wala sila Basuraman and Miko hindi pa rin ako nakakatulog ng maaga. Actually late pa nga. Same ng time na paguwi ni Basuraman from work. Sulit na sulit ang work sakin kasi lagpas-lagpas ako sa oras. After kasi ng dinner magwowork pako kasi wala naman ako gagawin. Ayoko rin mahiga kagad kasi ibig sabihin makakatulog kagad ako then bigla na lang ako magigising ng madaling araw then hindi nako makakatulog kagad. E kailangan ko bumangon ng 7am para magwork na. Nagi-guilty nga ako kasi dapat I have to sleep early or get enough sleep as much as possible.

The best feeling right now na preggy ako? Yung mga galaw ni Pippa. Totoo talaga yung sabi nila na puwede kang mainlove sa isang tao na hindi mo pa nakikita or nami-meet. ^_^ Mahal na mahal ka namin bunso!


Sunday, June 2, 2019

Week 23 (Mango)

Nasa Pinas ngayon si Basuraman and Miko for a 3-week vacation. Dapat kasama ako kaso najontis mey. Actually hindi na namin ipinagpaalam sa OB kung pwede ba ako magtravel. Ako/Kami na mismo yung nagdecide na huwag na ako magtravel lalo at nag-undergo ako ng procedure and yung chances na bigla na lang akong manganak. Better be safe than sorry.

I received good news this week. I wasn't really expecting this good news. Nang dahil sa utang hehe. So Basuraman and I decided to take a loan to purchase something. So need na i-verify yung work details ko. I told them kasi na naka-open contract ako now. Meaning I am working with the company as needed. So kapag tapos na ang project waley na rin ako work. Ayun biglang nag-email si company na tumawag nga si loan sa kanila and okay lang ba na i-discuss yung contract details ko. Ayun na nga mga Mumshies. Binigyan ako ng 12-month fixed term contract ni company at sabihan ko daw si loan na processing na yung contract. Bonggey! Thank you Lord! ^_^

May 31, 2019 - Last day ng pagtake ko ng antibiotics (10 days). Hopefully maging maayos yung magiging result ng swab test ko sa Wednesday (June 5).

June 1, 2019 Saturday - First time kong naramdaman si bibi na gumalaw sa right side ko. Mukhang nag-iiba na ng position si Pippa. Oo mga Mumshies, may fetus name si bibi girl. Parang sa mga koreanovela lang. Pero iba ang name na naisip namin ni Basuraman paglabas ni Pippa. Secret na lang muna. Pippa, hindi dahil kapangalan niya yung kapatid ni Kate Middleton pero dahil year of the pig ngayon kaya Pippa. Pippa Peg! ^0^ Puwede na kayo tumawa. 

I have been sleeping late this week. And sobra sobra yung time ng pagwowork ko. Kasi sa ibang bahay naman ako natutulog kaya wala naman ako iba ginagawa after dinner. Tinatamad naman ako manood ng tv kasi wala naman si Basuraman. Kaya magwowork na lang ako hanggang antukin. Parang hinihintay ko yung time na darating na si Basuraman galing work which is around quarter  past 11 PM. Pero naalala ko kay Miko never yata ako nagpuyat. Nagwowork din ako nun pero strictly 8hrs lang. Walang overtime kasi ayoko nga ma-stress. Siguro kasi nga first baby namin. Naku huwag naman sana magtampo si Pippa.

Siguro this week maglilista na ako ng mga dapat naming bilhing gamit. May pailan-ilan naman ng gamit si bibi. May bigay at may nabili kami kasi sale. May plano kasi kaming lumipat ng bahay kaya plano namin na makalipat na muna bago kami mamili at least hindi na namin bitbit pa papuntang bagong bahay yung mga pinamili namin.

Tapos hindi pala ako nanalo sa home lottery. Sayang yung bagong bahay plus 1 million dollars na cash. Sabi kasi nila suwerte daw ang mga jontis. ( Asa :P )

Mahal na mahal ka namin ni Daddy and Ate Miko mo bibi. Patuloy lang tayo sa pagkapit at nawa'y maayos ka lang jan sa loob ng aking sinapupunan. Fighting!

Wednesday, May 29, 2019

Week 22 (Eggplant)

According to Pregnancy + app nga din pala, e kasinglaki na ng isang Maltese puppy si bibi. ^_^ So para na akong may tuta sa loob ng aking tyan. And this week naramdaman na ni Basuraman na gumagalaw si bibi. Usually pag sinasabi ko kasi na gumagalaw si bibi, susubukan hawakan ni Basuraman yung tiyan ko pero wala naman siya naramdaman. So internal lang talaga. Pero this time nalakas ang galaw ni bibi kaya natyempuhan niya na habang hawak ang tyan ko e nagtambling yata ng bongga si bibi. Nagpakitang gilas yata. Pero pansin ko once na humawak na si Basuraman sa tyan ko, dumadalang paggalaw niya. Nararamdaman kaya niya na may ibang tao na nakikihawak sa tyan ng nanay niya?

May 21, 2019 - Two weeks after my cerclage procedure. 12:30PM appointment para sa scan to check the stitch. Kasama namin si Miko kasi hindi pumasok dahil sa sipon at ubo. Actually Monday pa lang naghalf day na siya sa school kasi tumawag ang school office at hindi na daw maganda ang pakiramdam ni Miko. We decided to bring her home early kesa makahawa pa sa school. During this time sa ibang kwarto nako natutulog kasi baka mahawa ako kay Miko. I know si Miko dapat ang humiwalay kaso naman ang dakilang bata laging lumilipat sa higaan namin. So I decided na ako na lang ang hihiwalay. Start na rin kami mag-honey lemon drink ni Basuraman kasi nagstart na sumakit lalamunan namin.

Sabi naman ni Ateng Sonographer e the stitch looks fine. Medyo nahihirapan pa nga ako kay Ateng kasi may kasama siyang trainee/new employee (yata) so hindi ko alam minsan kung ako ba or si koyang ang kausap niya.

After the scan derecho na kami sa MFM para sa check ni Ateng Amanda. According to Ateng Amanda the stitch looks good naman  and after two weeks iche-check ulit siya. Tapos nakita nga niya na nagkaroon ako ng Gyne appointment noong Friday and pati yung swab test. Sinabi ko sa kanya na I confimed naman the hospital kung kailangan ko siya kasi nagchange na nga yung circumstances ng pregnancy ko. Need pa rin daw so go naman si watashi. Thankfully I had the Gyne appointment kasi the swab test showed na meron akong infection. Eversince nagstart ako magtake ng progesterone meds for my cervix ay nagkaroon nako ng discharge. According to Ateng Amanda is side effect siya sa pagtake ko ng progesterone sa pagkakakaalala ko. Actually hindi naman talaga siya bacterial infection kundi yung balance ng bacteria in my vajayjay is not balanced. Kumbaga mas marami yung bad bacteria versus good bacteria. Parang sa cholesterol. I think they call it bacterial vaginosis. So niresetahan niya ako ng antibiotics to take kasi it needs to be treated. Sa June 5 ang next check-up ko (2 weeks after). I just hope by that time nagwork na yung antibiotics and wala na yung infection.

Right now I am taking Elevit (pregnancy supplement), Vitamin D (last dosage ko na this month. bale 4 months ako nagtake), progesterone (for my cervix) and antibiotics (for my bacterial vaginosis).  Minsan naiisip ko na baka mapano si bibi sa mga tinetake ko na gamot. Pero I just have to remind myself na the doctor won't be giving those meds if she thinks it will badly affect bibi. And above all, I am raising everything to God. I believe na hindi Niya kami pababayaan lalo na si bibi. ^_^

We love you so much bibi gurl! Grow healthy sa tummy ni Mummy ha. Okay lang kahit gawin mong punching/kicking bag ang tyan ko basta ba alam kong nasa mabuti kang kalagayan. Fighting!

Friday, May 24, 2019

Week 21 (Cantaloupe/Cucumber)

Consistent na yung movements na nararamdaman ko kay bibi. Usually sa bandang puson kasi  during this time andun yung position ng paa ni bibi. Minsan nagugulat pako pag napapalakas ang galaw ni bibi. Hindi naman masakit pero nakakagulat lang na may nararamdaman kang gumagalaw sa loob ng tyan mo. I just love this feeling. Yung movements ni bibi. Kung pede ko lang i-record yung ganitong feeling para pagdating ng panahon pewede ko siyang balik-balikan.

May 17, 2019 - Scheduled appointment ko sa isang gynecologist. Actually a day before the appointment tumawag nako sa WCH kung need ko pa ba pumunta sa appointment na yun kasi nga since nagbago na yung circumstances ng pagbubuntis ko (like na-cancel na yung regular appointment ko sa antenatal doctor kasi nalipat nako sa MFM - Maternal Fetal Medicine). Iba daw kasi yung sa gyne so need ko talaga siya puntahan. E di nagpunta naman ako. Masunurin akong nilalang. Sabi ko kay Basuraman magco-commute na lang ako tutal accessible by bus naman yung hospital and yung time ng appointment ko kasi is alanganin. Sabay sa pagsundo kay Miko. Sayang naman pambayad sa OSCH e pakiramdam ko naman hindi ako magtatagal sa appointment na yun.

1:45PM - nasa bus stop nako malapit sa hospital. 2:30PM ang appointment ko. Buti mabagal ako maglakad kaya 2PM nako nakarating sa Women's Outpatient ng WCH (kahit in less than 5 mins mo pedeng lakarin yung papuntang hospital). Hintay hintay ulit. Tapos tinawag nako ni Lolo gyne. Oo lalaki ang gynecologist na hindi ko inexpect. Though hindi naman ako maselan pagdating sa ganitong bagay pero shempre preferred ko pa rin na babae sana. Anyways, yung appointment pala is tungkol sa possible na existence ng polyps sa aking cervix or placenta or kung saan man siya pede ma-exist sa loob ng tyan ko. Kung nasusundan niyo ang pagbubuntis serye ko kay bibi number 2 e nagkaroon ako ng heavy bleeding during my 9 ~ 11 weeks of pregnancy na kinailangan namin magpunta sa emergency dept ng hospital sa takot na baka nawala na si bibi. Isang probable cause nun is yung pagkakaroon ng polyps which is nangyari na sakin before kay Miko.

Gusto lang masigurado ni Lolo Gyne kung meron ba akong polyps anywher sa loob ng tyan ko para masiguro nila na hindi ito gagalawin. Nabanggit din ni Lolo Gyne na possible daw na maging cause ito ng miscarriage. Edi ayun na nga. Need ng speculum test para macheck ang cervix ko kung meron ba mey polyps. Bukaka na naman si watashi. Pero tumawag si Lolo Gyne ng midwife para i-assisst siya. I think standard procedure nila na kapag lalaki ang doctor or sonographer is kailangan ng female 'chaperone' para nga naman may witness sila sa gagawin nilang test/procedure.

Sabi ni Lolo Gyne wala naman daw siyang nakita na polyps pero meron daw akong discharge which is napansin ko na simula noong nagstart ako magtake ng progesterone meds para sa cervix ko. He took a swab para ma-check. Luckily may appointment ako next week May 21 kay Ateng Amanda so by that time malalaman ko yung result ng swab test. Nung tinanong ko si Lolo Gyne kung same ba ang fibroid at polyps e inexplain naman niya sa akin ng mabuti with visuals pa. Alam niyo yung 3D figure ng female reproductive system meron siya nun. Magaan siyang kausap.

3PM - Nasa bus stop na ulit ako. Hindi na ako nagpasundo kay Basuraman kasi hinihintay na niya si Miko na makalabas ng school. At ayoko rin namang maghintay pa ng matagal sa hospital. Hintayin ko na lang siya sa bus stop na malapit sa amin tapos doon niya ako sunduin. Buti na lang di naman kalayuan yung mga bus stops sa hospital. Kaso yung unang bus na dapat sasakyan ko hindi huminto. Kumaway naman ako. Sabi ni Basuraman baka daw hindi ako napansin. Sa laki ko ba naman na ito.

Katulad nga ng nabanggit ko next Tuesday (May 21) e yung next checkup ko kay Ateng Amanda. Two weeks after my cervical cerclage procedure. Praying na everything is still okay and at the same time ayos din sana si baby.

Pwedeng mag-request? Sa nagbabasa ngayon ng enrty na ito, kung puwede sana pakisama kami ni bibi sa panalangin mo. Kung puwede lang naman. And we will also pray na pagpalain ka rin. Let's pray for each other. ^_^

Thursday, May 23, 2019

Week 20 (Banana)

May 6, 2019: Around 9:30AM, habang naggo-grocery sa Asian store, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang private number. Usually hindi ako sumasagot ng call na hindi ko kilala ang number pero dahil nga sinabihan ako na baka tawagan ako ng MFMS (Maternal and Fetal Medicine Service) ng Women's and Children's Hospital (WCH) e sinagot ko yung call. Buti na lang. Nakausap ko si Amanda and tinanong niya ako kung pede daw ba ako pumunta sa hospital that day around 2PM para macheck ako. We believe urgent siya kaya hindi na kami nagpa-resched and sinabi namin na pupunta kami on the said time. Buti medyo maaga pa kaya nakapagpaalam pa si Basuraman na hindi siya makakapasok. Tumawag na rin ako sa school ni Miko para ipasok siya sa OSHC (Out of School Hours Care). kasi hindi namin kung anong oras matatapos yung checkup.

1:45PM - Mag-isa ko ng pumunta sa MFMS ng WCH kasi naghahanap pa ng parking area si Basuraman. Kahit mahina ako sa direction e nakita ko naman siya kagad. Bale pinapunta muna ako ng receptionist sa digital imaging centre para sa scan tapos tsaka ako babalik sa Doctor.

Si Ateng sonographer na yata ang pinaka-lively at pinakamdaldal na sonographer na nameet ko. Nagpasabi naman siya na madaldal siya and she won't stop talking. Nakakatuwa lang yung mga comments niya while checking baby. She also did transvaginal scan to check my cervix and to confirm yung length niya based sa ginawang scan sakin last week. Medyo hirap lang si watashi sa pagtayo at paghiga kasi nga masakit pa rin yung kaliwang tuhod ko. Bumalik na kami sa MFMS para makausap yung doktor pagkatapos ng scan ko.

Sobrang antok ko mga mumshies habang naghihintay sa doktor. E tutal andun naman si Basuraman e umidlip ako habang naka-upo. Huwag kayong mag-alala kasi na-master ko na ang pagtulog habang naka-upo hehe. Kaso bigla akong ginising ni Basuraman kasi daw para akong napo-possess. Malay ko na ganun pala nangyayari habang ako'y nakatulog ng naka-upo.

4PM - Finally Ariel happened to me (I know anluma na nung commercial.) at tinawag na kami ng doktor. Ayun inexplain samin ni Ateng Amanda yung sa short cervix ko and kung ano ang pwede nila gawin. Nakapag-basa-basa naman na ako sa internet  regarding short cervix so may idea na ako. Bale hindi daw enough mga mumshies yung progesterone meds na iniinom ko. Need ko mag-undergo ng isang procedure called cervical cerclage. Bale maglalagay sila ng stitch sa cervix ko para to make sure na hindi kagad lalabas si bibi. Mga mumshies half-way pa lang ako sa aking pagbubuntis. Inexplain rin niya sa amin yung risks nung procedure. Tapos biglang sabi niya mga Mumshies na better na mai-admit nako that night para sa operation kinabukasan.

Like mga 14.34 seconds yata ako napatulala kasi hindi ko inexpect na ora mismo na dapat gawin yung procedure. Like cheka cheka cheka, tama ba rinig ko? Ayun na nga sinabi ni Ateng Amanda na ito na yung best time to do the procedure kasi baka daw if patagalin pa eh hindi natin alam baka bigla na lang bumuka ang cervix ko. Since 20 weeks pa lang si bibi e hindi siya makakasurvive kung bigla siya lumabas. Tinanong na namin what time need namin bumalik ng hospital. As soon as possible daw. After ko pirmahan mga need na papers umuwi na kami ni Basuraman to prepare my things. Pero nasa elevator pa lang may na-receive akong tawag. 8:30PM pa daw magiging available yung room kaya no need to rush. Pede naman daw kami pumunta ng maaga pero maghihintay pa rin kami. Buti na lang nasabihan kagad ako. Makakapag-shower pa ako then dinner pa kami plus makakapag-ayos ng gamit. Si Miko naman during that time e na kila Madam and we are planning to leave Miko ulit pag ihahatid nako ni Basuraman sa hospital kasi baka what time na siya makauwi. May pasok pa kasi si Miko sa school kinabukasan.

8PM - Nasa hospital na kami ni Basuraman. Waiting na lang na matawag for admission.  Nasa Women's Assessment Service kami kaya andaming ganap. Naintindihan namin kung bakit kailangan namain maghintay kasi for sure mas may emergency cases silang inaasikaso. Past 9PM na yata ako natawag.

Waiting game ulit sa isang room kasi need muna ako i-speculum test bago umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako nahintay ni Basuraman na madala sa kwarto kasi mag-10pm na at wala pa yung doctor na titingin sakin. E kailangan pa niyang kunin si Miko mula kila Madam. So sabi ko umuwi na siya kasi carry ko naman mag-isa. Hindi ko na rin siya prinessure na pumunta ng hospital during the procedure kasi wala naman siyang gagawin kundi maghintay. Around 8:30AM yung procedure. During that time inaaayos na niya si Miko para pumasok sa school. I-message ko na lang siya kapag tapos na yung procedure.

Past 10PM na dumating si Ateng Shine. Kung nasusundan niyo itong pregnancy journey ko with bibi #2, si Ateng Shine yung isang OB na tumingin sakin noong nagpunta ako sa hospital because of bleeding. Naalala naman niya ako. After the speculum test hintay ulit si watashi ng magdadala sakin sa 1st floor para sa aking kwarto.

11PM - Finally Ariel happened na ulit at nakapagsettle na ako sa aking kwarto. May ka-share ako sa room pero may divider naman kaya hindi ko siya nakikita. May sariling toilet and shower area yung room. Mga past 12PM nako nakatulog kasi namahay pako (kunwari haha) at tsaka ang ingay ni room mate. Walang earphones kaya rinig na rinig ko yung pinapanood/pinapakinggan niya.

May 7, 2019 - Fasting nga pala ako since 12MN. 5AM gising nako. Till 6AM ang last inom ko ng tubig. Around 7:30AM dumating si Ateng Amanda. Pinuntahan niya ako para kumustahin and para inform ako na kung magiging available kagad ang theater ay masasalang na ako by 8:30AM. Buti na lang maaga ako nagising at naayos ko na kagad ang sarili ko. Binigyan nako ng gown na pang-sagala este na susuotin ko during the procedure. Yung lawit puwit. Sakto naman nakaayos nako nung dumating na si Koyang Annie (anesthesiologist). Inexplain niya sakin hindi naman need na full anesthesia ang gagawin sakin kasi hindi naman bubulatlatin ang tyan ko. so kalahati lang. from waist pababa. Pinapirma na rin niya ako ng papers. Huwag mag-alala mga Mumshies na-explain naman sa akin lahat bago ako pumirma. Miya-miya from my room dinala na ako papuntang third floor yata yun kung hindi ako nagkakamali papuntang theater. Nagworry pa nga ako mga Mumshies kasi inisip ko kung saan ko iiwan yung tsinelas ko. Yun pala hihiga na ako sa bed ko then tsaka nila ako dadalhin papunta kung saan man gaganapin ang procedure. Toinks lang.

8:40AM - I was admitted in the theater to start my cervical cerclage operation. Nalula lang ako sa laki ng room tapos andaming tao. Naalala ko lang kasi nooon kay Miko na anliit lang ng OR tapos 4 lang yata yung nasa loob nun. Si Koyang Annie ang chumichika sa akin habang ginagawa ang procedure. The procedure lasted for about an hour. Masaya naman si Ateng Amanda at successful yung ginawa nilang cerclage. From theater dinala na ako sa recovery room. After 30minutes of monitoring ibinalik na nila ako sa room ko.

Ateng Midwife: Do you feel nauseous or light-headed? Do you feel like vomiting? They are some of the effects of the anesthesia.
Me: I am just so hungry right now. ^_^


10:30AM - Hinanapan ako ni Ateng Midwife ng makakain sa kitchen. 12:30 pa daw kasi magse-serve ng lunch. Nakakatuwa nga siya kasi siya pa naglagay ng jam and butter sa toast ko. Naintindihan naman nila na gutom na gutom nako kasi naman 10:30AM na. Ang huling kain ko is 7:30PM last night.

By this time numb pa ng konti yung puwet ko and vajayjay ko. As in di ko siya maramdaman. Nakakatakot din pala yung ganung feeling mga Mumshies. Naisip ko tuloy yung mga paralisado. Pano pa yung nararamdaman nila knowing na forever na nilang di mararamdaman yung parte na yun ng katawan nila.

4PM - Pagkasundo sa school ni Miko sa school dumerecho na sila sa hospital ni Basuraman para dalawin ako. Hapon ko na sila pinapunta para masabayan nila ako magdinner then tsaka sila uuwi after.

Continuous monitoring then mineasure din yung amount ng wiwi ko after the procedure and tanggalin yung catheter. Pinuntahan nga pala ulit ako ni Ateng Amanda to check me and inform me na kung wala naman magiging problem overnight most probably is makakauwi nako kinabukasan.

May 8, 2019 - Maaga ulit ako nagising pero 6AM nako bumangon. Dumaan ulit sa Ateng Amanda sa room ko para icheck yung kalagayan ko and para iinform ako na makakalabas na ako by 11AM. By the time na dumating si Basuraman sa room ko nakapagayos nako at nakaligpit na lahat ng gamit ko.

Dislocated left knee cap last Friday then cervical cerclage nung Tuesday. Grabe yung mga ganap ko sa pagbubuntis kay bibi number 2. Pero sobrang thankful kami na ayos ang lagay ni baby ngayon at  nagawan kagad ng preventive measure yung nakita nilang short cervix ko. Lahat naman kakayanin ko basta mapanatili lang na healthy and safe si bibi.

We are also thankful sa lahat ng tao sa Women's and Children's Hospital kasi naalagaan naman ako ng mabuti during my stay sa hospital. And since it is public, wala kaming binayaran ni singkong duling para sa operation and stay ko sa hospital.

Kapit pa rin tayo ng mabuti bibi ha. Kumpletuhin natin yung term mo. ^_^ Thank you Lord...