2 years ago sinubukan kong magtanim sa dati naming apartment at ang resulta ay bokya. Hektwali meron naman ako napala. 5 piraso ng cherry tomatoes at 8 dahon ng amplaya (para sa ginisang munggo). Katulad ng aking nabanggit sa aking nakaraang entry ay nagtanim ako nung Golden Week. Yeboi. Farmville is back to business bebe!
Hindi katulad nung una kong pagtatanim, bumili na ako ng seedlings. Di na ako nangarap pa na magsimula sa pagtatanim ng buto. Sikreto lang natin pero yung iba nga meron ng bulaklak hihi. Mejo nag level-up ako ngayon kasi meron pang fertilizer ang aking mga pananim. Oha.
Pagkatapos ng isang buwan ay ganito na ang itsura ng aming veranda.
Yung amplaya ko parang mashadong maliit. Yung tipong kapag ginamit ko yung dahin nila sa balatong (ginisang munggo) e malulusaw lang siya. Niloloko pa nga ako ng aking butihing ina at mukhang ampalayang ligaw (a.k.a. damo) daw yata yung natanim ko.
Parang pinapaasa lang ako ng aking talong at green bell pepper. Kasi everytime na meron silang bulaklak nalalagas lang.
Pero excited na ako sa aking mga kamatis. 2 klase ang itinanim ko ngayon. Ordinaryong kamatis at cherry tomataoes. Yung cherry tomatoes madami ng bunga. Yung mga ordinaryong kamatis ngayon pa lang
namumulaklak. Sana naman e makaani ako ng madami-dami bago pa sila matuyo pagdating sa summer ^_^
Halos 1/3 ng veranda namin ngayon e sakop na ng aking mga pananim. Goodluck sa aming pagsasampay ng labada.
1 comment:
Cool. Ihanda mo na ang defenses at baka sumugod ang mga zombies sa plants mo. :-)
Post a Comment