Pages

Friday, June 8, 2012

Week 11

Matagal-tagal din bago kami muling magkikita ni Lola OB. Golden Week (Oogata Renkyuu) na naman. Ibig sabihin isang linggong walang pasok. Kadalasan ang Golden Week dito sa Japan ay natatapat sa unang linggo ng Mayo. Hindi kami masyado nakagala dahil may pasok si Basuraman, madalas nag-uulan (kaya tulog mode lang ako) at dahil ako ay nasa aking 1st trimester ng pagjojontis kaya iniiwasan ko muna ang mga pasyal at lakad na nakakapagod.

Kaya nagtanim na lang ako ^_^ Kumpara sa dati naming apartment mas malawak ang veranda namin ngayon kaya may espasyo para sa aking mga tanim.


importante na ang pandilig ay hugis elepante na kulay berde ^_^

Sana lang ay meron akong maani sa mga itinanim kong kamatis, green bell pepper, talong at ampalaya. Yung dahon man lang ng ampalaya dumami para magamit sa balatong (munggo) ^_-

No comments: