Pages

Saturday, December 5, 2009

my heart stopped beating

sumasakit ang puso ko habang binobrowse ang site na itetch...

http://newmoonthemovie.com/

showing pa kaya ito sa december sa pinas???

Sunday, November 29, 2009

the end

sa unang pagkakataon naiyak ako dahil sa isang tanong at sagot.

ganun siguro yung pakiramdam kapag yung huling hibla na nagdurugtong sayo sa katinuan e biglang napigtas...biglang pinigtas ng taong inaakala mong dahilan kung bakit kinakaya mo ang lahat.

i have been true to myself and this is what i get.

ngayong gabi sa unang pagkakataon naramdaman ko kung pano nawala ang mahigit na 9 na taon dahil sa isang tanong at sagot.

the worst pain i've ever felt.

ngayong gabi unang sumakit ng ganito ang puso ko, physically and emotionally.

enough.

Tuesday, November 24, 2009

CNN Hero for 2009 is Pinoy!

yey! Efren Penaflorida won!

mas proud ako dito kesa sa pagkakapanalo ni Pacquiao sa boxing.

basta online voting hindi papahuli ang mga pinoy!

cheers!

++++++

was reading the stories of the other candidates for CNN hero of the year here.

very inspiring...

++++++

bakit kaya andalang ko marinig ang salitang "salamat/thank you"?

don't i deserve it?

oh well....

Sunday, November 22, 2009

leyti invades japan

finally my mom's here and is snoring haha

my goodness pano ko ipapasyal ang isang taong nahihilo sa dami ng tao at nahihilo sa bilis nilang kumilos?

++++++

just when you're ready to give up everything for something no one asks you for that something.

Saturday, November 7, 2009

A letter for cyril

i just finished watching "The Notebook". dehydrated nako kakaiyak.

++++++

My dear cyril

if ever one day dementia strikes me
will you also read to me our unwritten story?

++++++

ang sakit ng puso ko X(

Tuesday, November 3, 2009

si oskar at si mike

movie time!

42. Schindler's list - at dahil marami nakong oras magdownload at meron na akong sariling laptop i was able to watch this movie. it was a depressing movie indeed. i was kinda traumatized by just watching the movie. what more yung mga tao/bata na nabuhay nung mga panahon na yun. i bet they lived in fear, pain, anger, etc. in short marami malamang sa kanila ang nabaliw. kaya nga i have to think of happy moments mawala lang yung movie sa utak ko. sana maraming Oskar Schindler ang nabuhay nung mga panahon na yun.

at dahil sa schindler's list na yan e naparesearch ako ng walang oras kung saan nag-originate ang kaguluhang iyon, bakit at kelan ito nangyari. muli kaming nagkita ni mareng wikipedia. Meron akong katanungan...

- nasunog kaya sa impyerno ang kaluluwa ni hitler at lahat ng mga sundalo na walang habas na pumatay ng mga hudyo? hektwali hde lang mga hudyo ang pinagpapatay nila.

marami pang katanungan ang nanganak mula sa tanong na yan. hde ko na babanggitin because it seems endless. I am blessed to be born on this era. binubugbog man ng bagyo ang pinas ngayon, kelangan kong magpaalipin sa mga dayuhan para kumita ng malaki e hindi ko naman narasanan na mabuhay sa panahon ng gyera.

at tungkol naman sa pumping scene... ok lang naman. saglit lang naman sha. icompare mo sa scenes ng true blood e walang-la yung sa schindler's list ;P

43. Eurotrip - a comedy movie. i enjoyed it naman. story of a high school graduate dumped by his gf after graduation because he is so predictable. had a European trip in search of his German pen pal whom he has mistaken for a guy. he traveled with friends which added craziness to the story. my english sucks. ugh.

++++++

it is so f*ckin cold. tubuan na ng pigsa sa ilong ang nag-aakalang nagjojoke ako.

++++++

oooh i just thought....

the two movies that i watched have something in common...

they have something to do with germany!

yun lang.

mais.

nerd.

plock!

ang kwento ni lola basyang...

cyril forwarded this story to me via email. to the author of this story.... you're the man/woman! yeboi haha!

bato-bato sa langit ang tamaan...sapul!

enjoy life (^_^)

++++++

A woman in a hot air balloon realized she was lost. She reduced altitude and spotted a man below. She descended a bit more and shouted, 'Excuse me sir, can you help me ? I promised a friend I would meet him an hour ago but I don't know where I am.'

The man below replied, 'You're in a hot air balloon hovering approximately 30 feet above the ground. You're between 40 and 41 degrees north latitude and between 59 and 60 degrees west longitude.'

'You must be an engineer, ' said the lady balloonist.

'I am', replied the man. 'How did you know ?'

'Well, answered the balloonist, 'everything you told me is technically correct, but I've no idea what to make of your information, and the fact is I'm still lost. Frankly, you've not been much help to me at all. If anything you've delayed my trip even more.'

The man below responded, 'You must be a manager.'

'I am, ' replied the lady balloonist, 'but, how did you know ?'

'Well, ' said the man, 'You don't know where you are, or where you'regoing. You have risen to where you are, due to a large quantity of hot air within. You made a promise, which you've no idea how to keep, and you expect people beneath you, to solve your problems.

*whistles*

Wednesday, October 28, 2009

lamig

there was a day na hindi na ganun kalamig. nakuha kong magkumot na lang ng manipis. pero kagabi hanggang kaninang umaga e gusto kong mangisay. sa lamig. lam mo yung gusto mong magwala para lang hindi lamigin. umuulan kasi. at hanggang ngayon umuulan pa rin. sana lang kayanin ng powers ko ang taglamig. ayoko namang umuwi sa pinas ng nakabox at parang isda na binyahe na nakacover ng yelo.

sarap sana matulog ng may kayakap.

shet nalungkot lang ako.

++++++

currently showing pala ang "the vampire diaries". diko alam. kaya pala hanggang episode 6 lang sha sa aking suking website. buti na lang hde ako mashadong attached sa tv series na yun.

Episode 6 of gossip girl season 3 is the most nakakalokang episode - all episodes from the 3 seasons combined. sabi nga ng others e it was all about manipulation and lies. gamitan. kaplastikan. to the maximum level. i think this kind of scenario does exist. upper eastsiders. uber rich and famous people. kabilang sa altashosheshuhshadad. and that would be i think the con of being rich. you'll never know who your real friends and enemies are.

cheers to a simple life (^_^)

++++++

going back to movies

39. Harry potter and the half blood prince - i dunno but i got bored. nasawa nako? i have read the books and of course the book was far more better than the movie. when it comes t details of course. ewan. buti diko sha napanood in big screen. kasi baka nakatulog ako. hektwali saw it before kaso nakatulugan ko. pinagpatuloy ko lang nung weekend para masabi ko lang na natapos ko. in fairness to the movie e naiyak ako nung namatay si dumbledore. yun lang.

40. The Golden Compass - mas nauna ko tong natapos panoorin kesa sa harry potter. since i got bored i switched to something exciting and bigla kong naisip ang the golden compass. if you like watching movies, aside from the nerve whacking special effects, e you would always look for a different and unique plot. sa dalas mo ba namang manood ng movie e masasawa ka kung pare-pareho ang plots ng story dabash?

may sequel ba ito? nabitin ako sa ending e.

41. Resident Evil (Extinction) - hindi kinaya ng powers ko ang larong resident evil. tanghaling tapat ko to nilalaro dahil nerbyosa ako. after kong matalo si nemesis hde ko na ito muling nilaro. mamatay ako sa nerbyos. oh well i love this movie. i dunno if i have watched the second one. will check it later. mas gugustuhin ko sigurong magpakamatay kesa mangatngat ng zombie.

Friday, October 23, 2009

Thursday, October 22, 2009

i saw the sun

ang aga ko nakauwi kanina. nakakapanibago! no OT day today. finally. no more working on saturdays and going home late every weekdays because of OT. eto yung mga panahon na pinakahihintay ko simula ng nagstart ang project namin. ito yung panahon na akala ko e hindi na darating dahil nagarag na ngarag na ako sa deadline. i am savoring the moment.

ang sarap ng buhay...

tsaka ko na iisipin yung susunod na pakikibaka.

Wednesday, October 21, 2009

vampire syndrome

was back reading my posts. yeah unusual. i dunno. i get excited everytime i back read my posts. relinquishing chenes moments (^_^) i'm only 27 and my memory's already rusty. anyway i am currently watching the 5th episode of "The Vampire Diaries". i just finished watching the second season of true blood last week so here i am starting with a new vampire series. what's with the vampires? they're hot and sexy haha and oh by the way didn't i mention that i am a vampire? writing nonsense words again. ang hirap ng nalilipasan ng antok. time check. 12:40am.

++++++

i know it's not a movie per sama ko na rin sha sa list

38. TRUE BLOOD Seasons 1 and 2 - yes all caps. dapat lagyan ko pa pala sha ng exclamation point! my golly bechabygolly i love this tv series. ako na addict sa bampira (^0^) it took my bampira likeness to a different level. i like the entrance song. it's upbeat na kinda scary na parang trying to seduce or persuade you to do something. kaululan ba haha at first i didn't like Bill kasi he looked like Pepe Smith in the first episode. papayatin mo sha ng konti e living dead na talaga itsura nya. Sookie is ok. sexy kaso may gap sa ngipin sa harap. i'm bothered. but eventually natakpan naman ng kaseksihan. and eric. maygosh goshabelgash. i super hated him in season 1 pero nagtransform sha nung season 2. sayang nga lang nagevaporate kagad si godric. i crush him pa naman. kasi naalala ko si david archuleta sa kanya. i dunno why.

True Blood daw is a book so i'll try to find a copy ehem free copy of it. goodluck to me.

++++++

ayan na si antok. got to go!

God bless Philippines! and japan na rin (^_^)

Tuesday, October 13, 2009

naudlot na pangarap

it's already 12:13am and i am still wide awake. actually i'm trying to get some sleep. i have already got out of this early morning sleeping system and now i am back. oh my...

++++++

just finished watching True Blood Season 2. i heart True Blood. buti na lang wala ng sex scenes halos sa last 2 episodes. kasi naman nakakaumay na yung mga ganoong scenes. wala pa kayang Season 3??? hehe

++++++

went to disneyland last sunday. pero hanggang labas lang. we decided not to enter the said theme park kasi jam packed. super daming tao. long holiday kasi tsaka disney sea already stopped selling tickets for that day sa sobrang dami na ng tao. kaya ayun hanggang labas lang ang drama ko. posted the pictures in my FB pero shempre didn't mention that hanggang labas lang kami.


anyway my mom would be coming here on november. sana matuloy na ang aking pangarap mula pa noong namulat ako na may bansa palang hapon. haha

Friday, October 9, 2009

blame it to yourself

i always blame facebook for posting nothing to my blog. but in reality it is really my fault. i am always T.A.M.A.D. always making excuses. bleh!

++++++

i just love Bill (True Blood). I dunno. He's not guwapo. mejo may edad na ang itsura (oooh do i love mature/older men?). but everytime he smiles in the tv series my heart melts. shet. haha. especially when he stares at Sookie. Parang gusto kong sabihin sa kanya..."wala na si Edward. kagatin mo na akooooooo!" wahahahaha

it's already 1:30am. just finished watching True Blood Season 2 Episode 2. Bukas naman ulit :)

Wednesday, October 7, 2009

I need blood...

may bago akong kinaaadikan ngayon....

ako'y napapa-shet

walang-wala ang twilight

e kasi naman pang-tinedyer ang twilight

eto pang-adult

ibang level

josko Rated R nga madalas ang scenes

pero i super like the main character

yung bampayr

si Bill....

hde sha gwapo...

para ngang may edad na e...

pero parang nalulusaw ako pag tinititigan nya ko

parang gusto kong magpakagat sa kanya wahahahahaha

tapos ko na ang Season 1!

Season 2 na bukas hehe

*kanina i was watching some video clips bout season 2 ng TRUE BLOOD. naumay ako. sa mga violent scenes. sana kayanin ko ang season 2. parang natakot ako...

libro nga pala sha so sana makahanap ako ng libreng ebook :D

ganbare!

Tuesday, September 29, 2009

Lipas na ang antok

it's 1:51AM JST and i am still up. "nalipasan ako ng antok" works for me. shet.

++++++

it's been ages since i posted something here. was very busy with work and of course with FB. it's already part of my system and i kinda hate it 'cause it's been eating so much of my time. arrrrgh....

++++++

after ondoy came pepeng. i dunno what's happening in the philippines. haven't been watching some news. i just know that there's a typhoon here in jeypen that came from the philippines. it's been raining nonstop.

at ang lamig naaaaaaaaaaaa!!!

++++++

continuing with the moviessss....

32. Final Destination 2 - i watched it kasi wala lang. matagal ko na itong nadownload and i haven't seen it. i told myself that i would watch this in broad daylight kasi nga nakakatakot. then one night i just watched it. as in gabi na. around 10pm siguro. ayun pagkatapos ko shang panoorin i had to watch some parts of the scenes of the movie a walk to remember para di lang magstay yung movie sa utak ko. in short nagtanggal ako ng takot hehe ang morbid kaya nung film. kaderr derr... katakot...

*singit - oh may gosh. 2:14 AM na (T_T)

33. Aliens in the Attic - basuraman suggested that I watch this movie. ok daw kasi. so i watched naman. Aliens na lumanding sa attic hehe. uhmmmm ok na. pambata. pang-tinedyer. tinedyer na di pa lumalandi hehe. eto yung tipo ng movie na panigurado itatanong mo sa mga bata ang katanungang ito.. "kiiiiidsss, what is the moral lesson of the story?"

34. District 9 - natatawa ako pag naalala ko to. hde dahil sa movie mismo pero dahil may naalala ako. sinuggest din ni cy na panoorin ko to. ok daw. tapos ang pagkakaalala ko e sabi ni cy kasama sa movie na ito si Brad Pitt. e during that time e windang-windangan ako kay Brad pitt after watching Meet Black Joe. Imagine hanggang huli hinahanap ko si Brad. LOLZ!

an unusual alien movie na wish ko lang hde magkatotoo. hde kakayanin ng powers ko na may kasama tayong aliens sa earth! muntik na rin akong masuka at nagkandahilo-hilo dahil sa ilang parang personal shots. ewan ko. baka there's something wrong with my eye. kaya sinusumpa ko ang movie na Cloverfield...

35. Notting Hill - Finally napanood ko din. Ang ganda ni Julia Roberts sa movie na itey. fresh na fresh. It was nice. diko man mashadong naramdaman yung film ok na rin.

36. Slumdog Millionaire - i found it very interesting. magaling magaling magaling. ang galing ng story. kakaiba. infusing a game show with the life of the main character Jamal. habang pinapanood ko sha nakikita ko ang Pinas...

Sabi ng kasama ko dito na may kaibigang bumbay e hde daw totoo yung part na sinusugod yung mga Muslim at pinapatay. suportado pa nga daw ng government ang mga Muslim at sila pa ang nagpapadala sa kanila sa Mecca tuwing Ramadan(? -->diko sure. basta yun yown). kaya his bumbay friend hates slumdog millionaire.

Naturn-off lang ako kay Jamal nung nagsayaw sila sa last part...kinda chakanesss para sakin :P

37. While you were sleeping - All time favorite ni ate joy so nacurious ako. since hde naman ako fan ni Sandra Bullock ok lang sha para sakin. so-so. pwede na. nakapanood na rin ako kasi ng may ganitong plot. si gerl may crush kay boy then si boy sinave ni gerl pero si boy nagka-amnesia. tas nagpanggap si gerl na fiance ni boy then eventually nalaman ang lahat pero si kapatid pala ni boy may gusto kay gerl. and they lived happily ever after. bow.

Sunday, September 27, 2009

What did you do Ondoy?

thank you Lord for making my family safe

thank you Lord dahil hanggang labas lang ang baha sa bahay namin

Lord please help the Philippines...

++++++

parang ayoko munang manood ng news or makakita ng videos or pictures na related sa bagyong Ondoy. super depressing. kinikilabutan ako na naiiyak na natatakot.

prayer is the best weapon we have now.

i heard meron na namang parating na tropical depression yata. wag na sanang tuluyang maging bagyo. hindi na kakayanin ng pilipinas sa panahong ito...

Wednesday, September 23, 2009

happenings

just a quick post of what happened to my life for the past few days...

celebrated my first birthday outside philippines last monday Sept.21. turned 27 years old. i had spaghetti, fried chicken, bread, ice cream, cake, and a few grapes.

been doing overtime because of the tight schedule of our project. God help us. at least He let me celebrate my birthday first before going to battlefield again.

i bought the 2 gundam models from a second hand shop yesterday together with 2 other gundam stuff and 2 bags.

what else.... yun lang :)

Monday, September 14, 2009

walang pakialam

habang ginagawa ko ang entry na itetch e pinapanood ko ang Ice Age 3. multitasking hehe

28. Curious case of Benjamin Button - haven't read the book. will if i have the time. i told you i'm beginning to be a fan of brad pitt. there's something in his accent. it's sexy haha i heart brad pitt hehehe Kaso may part sa movie na nakatulog ako.

29. Monsters vs. Aliens - saw it twice kasi nakatulugan ko sha nung una. nabore ako.

++++++

tinamad nakong ipagpatuloy ang entry na itetch kaya ngayon ko na lang sha pagpapatuloy

30. Ice Age 3 - better than Monsters vs. Aliens. pang-kid. pwede na.

31. 10 things I Hate About You - tinapos kong panoorin para masabi ko lang na natapos ko sha. pang-tinedyer. diko like. buti na lang mabilis pumik-ap ang utak ko ngayon at nagets yung title ng story. i wasn't thrilled.

++++++


maganda ba? isang item lang yan. hde ko pinagdikit. galing no? tapos 315 yen lang. 3 models lang yan. available sila dun sa shop na pinuntahan ko. same price each. pero diko binili yung 2. ang tanga no?

++++++

nalipasan na naman ako ng tulog...

++++++

would you cry if i die?

Thursday, September 10, 2009

cry your heart out

pelikula

26. Interview with a Vampire - i'm starting to be a big fan of brad pitt. mahal ko na sha.

27. A Walk to Remember - hektwali this is the highlight of this entry. as of this writing i can feel na namamaga na ang aking beautiful eyes dahil sa kakaiyak. from the moment mandy moore said that she has leukemia e hde na tumigil sa pagtagaktak ang luha mula sa aking mga mata. promise. with matching hikbi pa sha. i knew that she was sick in the movie pero di kinaya ng powers ko ang level ng kadramahan na sumanib sakin. ewan ko ba. gwapo si Landon. pwede na. the plot of the story was ok. you know. kumbaga sa nihongo "so-so". maybe nagkataon lang na i am emotional kaya parang namatayan ako ng labing isang kuko sa paa sa pagngawa. i love the movie promise. 4 thumbs up. hde ko sha pinanood dati kasi hate ko nung time na yun si mandy moore. pero ngayon hde na. natuwa ako sa kanya.

time to sleep. baka sakaling di ko makamukha si kermit the frog bukas.

oyasumi!

Tuesday, September 8, 2009

kasal-kasalan

maybe i should stop watching wedding films/videos. they're making me cry...

The Wedding Film of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo from Jason Magbanua on Vimeo.

pa-siyam

thank you Lord for making me happy

for giving me a reason to be happy albeit life's chorvaness

after 9 years of being with basuraman

i keep asking for more


this is the definition of happiness...




















that's why there is happy in "happy anniversary"

lots of love,
sikoletlover

Monday, August 31, 2009

hanggang sa muli...paalam

sa apat na buwan naming pamamalagi dito sa nihon e ngayon lang namin napagtanto na mainam maglakad sa daan na ito kung gusto namin mag-ehersisyo. They call it the "green road". Makulimlim. Tahimik. Yun nga lang maalikabok. at kami lang ni ate joy yung bata-bata na naglalakad. the rest puro senior citizens na hehe


"green road"


ang sarap mag-swing!

++++++

joy-san: naka-ilang steps ka?
ako: 6,000 +
joy-san: ngeee nauna ako sa'yo maglakad ng 30 mins lamang ka pa sakin ng 1000.
ako: hehe sinuhulan ko kasi yung pedometer *wink*


++++++

bukas wala na ang pinakamamahal kong shop. ang pinakamahalagang shop para sa mga taong purita na katulad ko....





paalam (T_T)

Sunday, August 23, 2009

peluka pelikula

going back to the movies that i have watched these past few days/weeks/months...

18. Meet Joe Black - mahilig kami sa movies ni kuya kim at ate joy. specially kuya kim. as in movie buff. shempre nung nagkausap ang dalawang magka-panahon e hde nako nakasabay. until they have mentioned "Meet Joe Black". they suggested i watch the movie e di go naman ako. at nagsasabi nga sila ng totoo when they told me that it was a good movie. ang gwapo pa ni brad pitt dun. batang-bata. shet.

"it will come to us."

19. Ponyo on the cliff by the sea - a japanese animated movie. natapos ko lang sha panoorin nung nasa pinas ako habang nakaupo sa sasakyan papuntang pangasinan. the quest of a goldfish who wanted to become a human. pambata pero pwede ring pang-matanda. kung trip mo ang ganitong movie i suggest that you also watch these movies by Miyazaki:

- Howl's Moving Castle
- Spirited Away

at kung gusto mong sumakit ang dibdib mo dahil sa kadramahan:

-Grave of Fireflies

Lahat yan animated japanese movies.

20. G.I. Joe - first movie na napanood ko sa Glorietta. isa sa 3 movies na napanood ko when I had my 10day vacation sa pinas. perstaym ko rin si Glorietta nun hehe. I was with cy, elotte, pao, elmer and ivy. college friends. maganda promise. promise maganda (^_^) papanoorin ko sequel nito. sana sa big screen ulit (^0^)

21. Transformers Revenge of the Fallen - first movie na napanood ko sa IMAX. perstaym ko manood sa IMAX. Conclusion: IMAX is not for me. diko alam kung nasobrahan ba sa akshon yung movie o mashado lang malaki yung screen kaya di ko sha nagustuhan. as in inantok ako at nahilo. mas nagustuhan ko yung G.I. Joe. promise. nanghinayang tuloy ako sa binayad. meron akong hypothesis kung bakit mahalia jackson ang bayad sa IMAX. kasi naman 12,000Watts ang power na naco-consume niya. haller ang mahal kaya ng kuryente!

22. X-Men Origins Wolverine - watched this movie during my flight back to Japan. buti pa yung nasakyan naming plane may kanya-kanyang monitors (JAL). unlike yung PAL delayed na bulok pa yata yung plane. kainez. anyway natuwa naman ako sa movie. kaso diko pa sha tapos. kasi naman masakit na ulo ko. download ko pa yung movie. ang masasabi ko lang bad yung brother niya. bad sha.

23. He's just no that into you - sabi ni elotte maganda raw so shempre download muna tsaka ko winatch. it was good and funny at the same time. makatotohanan impernesssssss. para sa lahat ng mga kababaihan sa mundo. cheers!

24. Hannah Montana the movie - tungkol kay Hannah Montana hehehe pang- tinedyer. eto yung mga tipo ng movie na pinapanood ko habang namamalantsa. hde kailangan ng matinding atenshon (^0^)

25. 17 Again - ka-level ng Hannah Montana the movie. naumpisahan ko na itong panoorin nung araw kaso simula pa lang nabore na ako kaya tinigilan ko. e sayang naman. so tinapos ko kaninang umaga. ok lang. pang tinedyer hehe buti na lang gwapo si Zafron.

Hanggang sa muli! Paalam (^_^)

Saturday, August 22, 2009

panaginip

he would always say i love you to me....
anytime... anywhere...
i always find these cute mushy notes inserted between my books or wallet...
every now and then he would sms or email me with sweet nothings...
every time we're together he would always kiss me...
and hug me...
and kiss me again...
and hug me...
he wouldn't let me out of his sight....
he sometimes stares at me
while flashing an innocent smile....
out of nowhere he would say i love you
you know that feeling?...
that you're really wanted...
he was hugging me
when he kissed me in the cheek
and pinched my tiny nose...
he always surprises me
from a simple bracelet he made with the flowers that he saw on the road
to the most amazing piece of jewelry a girl would love to have

life is beautiful.

libre mangarap.

Reunion

hde ko sinisisi ang facebook kung bakit wala akong bagong entries...

tamad lang talaga ako...

++++++

kanina minessage ako ni victor (kaklase ko nung elementary) para sumali sa conference nila (classmates/batchmates daw namin sa holy). it's like throwing myself into a pit of hungry malnourished pusang gala. malamang sa alamang e ma-OP ako dahil nawala ako sa sirkulasyon ng Holy (HSAM) mula ng hindi nako nag-aral dito. as in new set of friends pagdating ng college at ng nagsimulang magtrabaho. baket kamo?

una: karamihan sa mga classmates ko nung elem and hs sa manila nag-college at nagwork. college na nung nagkaroon ako ng cellphone at wala kaming landline. probinshanang probinshana ebarrr. lata na may sinulid lang ang meron ako.

pangalawa: nakasama pa ako noon sa mga ilang pagtitipon katulad ng kaarawan ni dioni (kaklase nung hs). na-OP ako. kasi hde ako makasabay sa usapan nila. ako lang ang hde nag-aral sa manila.

pangatlo: dalawa lang ang naiisip kong dahilan.

at mula nun wala na. as in none, nai, awan. wala na akong komunikasyon sa kanila. na hde ko naman pinagsisihan dahil sa masaya ako kung sa ano ang meron at nagkaroon ako. so balik tayo sa conference room na sinalihan ko.

at shempre kapapasok ko pa lang e isang "analyn robles?" ang tumambad. "anong batch ka ng HSAM?" blah blah blah. at tuluyan nakong nagdesisyon na lumayas sa naturang silid. victor was saying sorry for what happened. actually he doesn't have to say sorry kasi it was my choice. in the first place i already knew what will happen if i entertain the invite. sinubukan ko lang naman and i got what i already expected. i didn't expect them to remember me kasi low profile lang ako nung elementary kahit nung high school. kahit naman nung college. anyway it may not be a happy experience but it was an interesting one. no regrets.

i think i already have a reason para hde umattend sa sinasabi nilang reunion. tsaka hde naman ako mahilig sa ganun.

++++++

it happened again. and it will happen again sooner or later everytime there's an event that's gonna happen. siguro nga hindi talaga invited si cy sa wedding ni luz kaya wala man lang nag-inform sa kanya. nakakalungkot naman kasi LAGI na lang hindi invited si cy kasi LAGI na lang siya hindi nasasabihan. i may not be directly affected but it SUCKS big time. right?

Wednesday, August 12, 2009

papooo

namiss ko tatay ko ;o(

akala

if you're happy and you know it clap your hands

(clap clap clap)

if you're happy and you know it clap your hands

(clap clap clap)

if you're happy and you know it and you really fuckin' now it

if you're happy and you know it clap your hands

(clap clap clap)

++++++

ano kaya ang naramdaman ni earth nung nalaman niyang hindi pala siya ang sentro ng universe?

Monday, August 3, 2009

nakakaumay

darating ang panahon na masasanay nako sa ganitong set-up.

accepting everything that you're saying.

i'm ok.... i'm fine....

kahit pakiramdam ko hindi.

darating ang panahon na hindi na kita kilala.

dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sayo...

kung ano ang totoong nangyayari sayo...

isa lang ang alam ko.

i don't talk to strangers.

Saturday, August 1, 2009

@#$%

ayoko na.

kahit kelan hindi mararamdaman ng isang tao ang pakiramdam ng isang OFW hangga't di niya mismo nararanasan maging isang OFW.

oo tanga nako. tamad nako. lagi na lang ako tanga. putangina. lahat ng simpleng bagay ginagawa kong kumplikado. lahat ng simpleng bagay hde ko maintindihan.

oo ok lang ako. period.

bills bills bills

alam ko marami akong bilbil

andaming bills na dumating ngayong linggo na itetch

phone
credit card
internet

isama pa yung water, electricity, gas, and bayad sa apartment.

since it was declared that tokyo is the most expensive city in the world for foreigners e pwede kayang humingi ng increase sa salary? onegai?

but of course i am not whining (^_^) i am very thankful.

good morning japan!

Friday, July 31, 2009

pass da pasaporte

and again i'm putting a lot of stress in myself.

mas na-stress ako sa ibang bagay kesa sa trabaho dito.

ang lecheng passport na yan.

mag-eexpire na sha by january next year.

at pag nga naman sinuswerte e starting August 1 ang Philippine embassy sa Tokyo e open na lang from Monday-Friday (before Sunday-Thursday). madapakers. 6,500 yen for renewal plus 500 yen para sa envelope na magme-mail ng passport sa bahay (ang uutak talaga) plus pamasahe tapos absent pako ng 1 araw. isama pa yung pagpapakuha ng picture sa loob ng embassy kasi usually e nirereject nila yung dala mo na kagad. namaaaaaaaan >:( eto pa. in case naisin kong bumalik ng pinas anytime e kailangan ko na namang mag-apply ng re-entry permit sa immigration (na bukas lang mula lunes hanggang byernes. ang tanga kasi hde pa multiple yung re-entry permit na kinuha ko. leave na naman. ano na natira sa sahod ko :(

kung magbabakasyon ako sa pinas ng 10 araw alanganin naman din magparenew dahil 7 working days ang pinakamabalis. e kung matataon pa na yung 4 na araw na pamamalagi ko sa pinas e sabado at linggo e di patay. nagpatanong ako kay basuraman sa POEA (meron kasing OFW assistance program ang POEA regarding sa pagpaparenew ng passport). at ang tumataginting na sagot e POSSIBLE daw. possibleng pwede pero possibleng hde rin pwede. kailangan kong pumunta sa opisina ng kung sino mang direktor na yun para maki-usap at mag-eksplika kung bakit kelangang ipa-rush ang renewal ng passport ko. sabihin nating pwede pero sa tingin nyo mapapanatag ang kalooban ko na makukuha ang pasaporte ko bago ang flight date ko? HINDE.

torn between 2 chenes...kung saka-sakali e parang mas gusto ko pa ring itry ang pagpaparenew sa pinas dahil sa gastos at hassle pag dito naman sa japan. ang trade off naman e parang hde rin ako nagbakasyon kung ganun naman. at ang pangamba na hde ko makuha ang passport ko sa tamang oras. tsaka nabababagabag ang loob ko sa mga nababasa ko sa timog forum na may mga instances na umaabot ng 3 months bago nila makuha yung passports nila. shet. e paano kung kelangan kong umuwi kagad??? di ba? sa pilipinas lang din naman kasi ipo-process yung passport e.

++++++

hinahayblood ako (#_#)

help!

kopiket

made a new entry at my multiply account...

nainez ako...

kasi may kamukha ako ng layout. kasi kilala ko sha. and di ko alam kung bakit diko matake na pareho kami ng layout ng site. siguro kasi alam ko na nauna ako sa kanya and the layout of my site was already like that ever since the world began and started spinning around and around and around...

basta naiinez ako...

Thursday, July 30, 2009

disente

If you are in a time of discipline or facing the cruel consequences of sin, please don't give up. Morning will come, and on that dawn will come God's grace. It's more than worth the wait!

- June 30, 2009 www.verseoftheday.com

++++++

right now there are many things that i have to stop/control.

*facebook

*eating chirchirya

*bread consumption before dinner

*sleeping late at night

*ignoring tasks. the "bukas na lang attitude"

i gained a million tons since i came here. whatta shame. i promised to myself that once i get here i have to shed off a thousand pounds of fat off my body. my housemate said that i really gained weight and it is very obvious. owmaigolay! my chan is so laki! azzz in sumikip na mga pants ko. ayayayayayayayay! i am always sleeping very late (errr early in the morning). before the latest time would be 12 or 1 am. now: 3 am. tsk. i have been regretting tasks lately. diko alam kung bakit nagiging tamad ako lately. this is not me.

sabi nga ni toni gonzaga sa movie nila ni sam bading milby na My Big Love e...

Start today! kung hindi ngayon e kelan pa???

i have many tasks to finish so dun muna ako magsisimula. unahin ang mga dapat iemail at mga forms na fi-fill-upan bago mag-facebook! i know i can do this. i have to do this. now na!

++++++

i haven't had a decent entry this past few days. post lang ng post ng chenes videos from youtube. o kaya mga walang kwenta na one liner. before going somewhere else for the natsu yasumi (summer vacation) i hope i can post my tons-of-pictures entry.

++++++

for a change...

good night japan!

remembering the lost

i have been neglecting my blog...i hate it. saw this still in draft. just want to post it still. sayang ang kadramahan na nangyari sa paggawa ng entry na itech. actually diko na maalala bakit ako nagdadrama ng ganito :P

ang nakaraan.....

last night i opened the gmail account i was using for facebook. and wallah! there it was shouting. my multiply account. sheeeez... 1 million years ago since i visited that site. so i decided to check it again and after a few minutes i didn't realize that i was already reading my old posts until i got sleepy. missed my former blogsite. crazy things happened during that time that's why i was forced to continue blogging in blogspot. *sigh* at marunong pala akong mag-ingles haha :P

++++++

i miss my family

i miss my friends

i miss the persons i love

minsan hde ko na alam kung bakit ako nandirito ngayon. minsan parang wala ng saysay ang lahat ng sakripisyo. isang araw na bigla akong maglaho e walang maghahanap sakin dahil nakalimutan na ako.

you work your ass off for nothing.
you try to save for what? nothing.
what's your plan? nothing.
you refrain from spending stuffs for yourself for what? to save. go to 2nd line.

sige maglokohan na lang tayo.
gumawa tayo ng plano sa tubig.
xxx

Tuesday, July 28, 2009

crazy wedding dances

dahil naumpisahan na e ituloy-tuloy na natin (^0^)

I super love these wedding dances. I would love to this if the given the chance hahaha patawarin ako ng aking mga ninuno haha (^0^)



this is similar with the video above. still cute and funny (^0^)



go to the middle part...nakakalowka!



eto pa isa!



sa mga sinisipag at gusto pa ng ibang hirit bisitahin si katotong youtube

good morning japan!

pektyurs

on my last entry i typed this....

"tons of pics on my neext post heeeeee"

blame facebook if you're not seeing a single picture in this entry.

it's facebook's fault. promise. sisihin niyo sha.

goodmorning japan!

Sunday, July 26, 2009

dream wedding entrance????

shinjirarinai.....

saw this video in ms. chuva's blog. too cute and funny not to share. haylavettt! panalo to the max haha (^0^) was smiling and laughing while watching the video. kakayanin ba ng powers ko ang ganito??? hmmmm



++++++

basuraman asked me to check greenday's "21 guns" song.



now i know why he likes that song... emo mode sha ngayon and the song is soooo emo.

++++++

tons of pics on my neext post heeeeee

Tuesday, July 21, 2009

pahabol

O.M.G.

as in O.M.G.



will be shown on October 2009.

wala na akong ibang ma-say....

O.M.G.

period.

break muna

i was about to browse youtube when i saw this clip on the site. hindi kinaya ng powers ko ang commercial na'to (@_@)



++++++

after the commercial break.....

i was inspired by Nick Vujicic. I hope someday I can say these words without any hesitations and doubt: I LOVE LIVING LIFE. I AM HAPPY.

Thursday, July 16, 2009

commercial

a friendly reminder from our sponsors....

pwedeng mag-excuse o kaya tanggalin ang video kung nagkasabay na yung dalawang taong ka-chat mo e magkaiba ang topic na pinag-uusapan. nakakainsulto na habang nagkukwento ka ng problema mo e yung kausap mo nangingiti, trying to hide the pag-ngiti, biglang kunwari iniisip yung sinasabi mo kapag biglang hde ka na lang nagsalita kasi napapansin mo na may iba na shang kausap. you know. problemado ka na gagawin ka pang tanga.

'tangnang init yan. ang sakit ng ulo ko.

Sunday, July 12, 2009

when boredom enveloped megumi...

should have posted this first :D

still waiting for our next project so gawa muna ng draft ng post :P


Alexis
Annie
blue hawk
Babilos
Puma Ley-ar
Ida
Beterinaryo na may karas kay Annie
Time space warp
Blue jip
Puting panty ni Annie
battle tank


Ang pulis pangkalawakan na si Shaider :)

was looking for a topic for our morning meeting. si atashi kasi ang speaker sa monday. beshiang suggested the anime topic. ichika ko raw sa mga hapon dito yung mga sikat na anime sa pinas and kung ilang milyong pilipino ang nauulol dito. shempre ako na lang yung nagsabi ng nauulol hehehe tinanong ko kay pareng google si shaider and sinuggest niya yung nalalaman ni mareng wikipedia. accdg to wikipedia:

ang pangalan ni Alexis ay Dai Sawamura
Vavilos ang pangalan ng spaceship ni Shaider. (Akala ko BaBilos)
Kubilai ang name ni Puma Ley-ar sa original story
ang Strange World Fuuma ang tawag sa kanilang kulto
transvestite si Ida at ang totoong pangalan nia ay Shinkan Poe (related kaya sila ni lovie poe?)

at marami pang iba

tinanong ko kay ate joy kung napanood ba nya ang ending ng Shaider. hde raw dahil hindi naman yata sha natapos sa pinas. sana meron ako madownload. sana matapos ko muna ang gossip girl para makapag-move on nako :D

at hde ko pa rin mabuo ang aking speech (-_-;)

++++++

was looking at the calendar a while ago. kuya kimochi was asking if i was planning something for the upcoming vacations (august september and december). he thought i was planning of going home in the phils pero i was just thinking of what i will do during those vacations kasi the three of them would be returning to phils while i will be left here kasi naman ang mahalia jackson ng pamasahe. yung mga kasama ko dito kasi had worked overseas before so madali lang sa kanila ang pag-uwi-uwi. okane mochi. ako nagstart pa lang mag-ipon. naman 3 months pa lang kami dito.

anyway maghahanap na lang siguro muna ako ng mapagkakakitaan sa mga panahon na yun hehe :D goodluck sakin. kayanin ko sana ang mag-isa. >>>>>>>>>>>????????????

ang hirap maging mahirap.

++++++

currently addicted to facebook.
why?
because of the following:

Mafia wars
barn buddy
farmville
restaurant city
sushi no suki
at mga libo-libong tests/quizzes/kaek-ekan
isama mo pa ang mga kachorvahan sa buhay ng mga piling kaibigan na pinopost nila sa kanilang walls

tanggalin mo ang mafia wars sa facebook at mawawalan nako ng gana bisitahin ang naturang site. kadalasan sa gabi ako nag-oonline pagkauwi ng bahay pagkagaling ng work. minsan nag-oonline na rin ako sa umaga. sayang kasi ang energy pack haha :D

ang boooooooring na ng friendster! booooooooo! *P

++++++

at wala pa rin akong maisip na speech hanggang ngayon (-_-;)

++++++

insecurity and low self-esteem suck! (bigtime)
lumayo kayoooo sakeeeeeeen!

++++++

natapos ang mghapon ni topic para sa morning meeting a ako naisip (((-_-;))((;-_-)))

finally

i've finished watching gossip girl...
josko isang episode na lang inabot ng 1 million years. buti na lang i found a site na meron yung season finale. sa icefilms kasi mali yung final episode. was happy with the ending :D

re-install firefox and ym...

downloaded microsoft office 2007...
it means more than 2 months na ang laptop ko

updated the things that i have to update...
nakakastress. ayoko ma-stress. i purchased "it" so i might as well just do it. lakasan ang loob. takpan ang tenga. try to enjoy everything. i worked for it. panindigan ang lahat ng desisyon. LEARN from my MISTAKES. life is short. i'll just live up to it. AMEN!

cleaned the clutters in my laptop...
sinabi siguro ng laptop ko kanina ("hay....refreshing")

more than 2 hours ko ng di pinapansin ang facebook and mafia wars...
buti naman. kaya ko naman pala.

++++++

now i have to make my speech for tomorrow's meeting coz i don't want to spend the rest of my night thinking about it. sayang ang gabi! it's already 4:30pm and we have to go out to buy some egg and bread. (and for the reason na makalabas lang. josko bulok na bulok nako dito sa apato)

so goodluck supichi!

++++++

15. My Big Love - aylavett! i like sam milby more when he was fat. kasi nung tinubuan na sha ng kung anech anech na paks paks na yan eh hde na sha cute. the movie was enough to make me smile despite the loneliness i was feeling during that time. one week na kaming na-LSS sa soundtrack nya. pero i can't remember na yung song haha currently being distracted by Lady Gaga :P

16. A love story - the movie was very good. nice story plot. not your usual rich girl poor boy vice versa, teenage eklavooo, etc. it would have been better kung diko nalaman na maricel was the kerida. naman nasa pinas nako e alam ko ng ganun yung twist ng movie. nadurog ang puso ko sa scene kung saan nagpapaalam si aga and maricel sa isa't-isa. and the scene sa hospital room na andun silang tatlo nila angelika. syet. murder.

17. Epic Movie - walang kakwenta-kwentang movie. watched it while cleaning my nails. lam mo yun may marinig ka lang na sounds habang naglilinis ng kuko hehe. not super nakakatawa. pwede ng pampalipas oras at masabing you have watched a movie.

*13. Step Up - ayun natapos ko rin sa wakas. it was about dancing so ok naman sha sakin.

++++++

Currently listening to Monster Radio RX93.1

can't imagine working in abroad without internet...

++++++







my first official successful jump shot. i have to crop it kasi.... kasi..... kasi :D

Saturday, July 11, 2009

ctrl z

i think i made a wrong decision

ang masaklap pa nito

ang "mahal" ng maling desisyon na ginawa ko

'tangna...

Thursday, July 9, 2009

oo na blame it to the system

ngayong gabi
pinangiti ni sam milby
ang puso kong sabishii

watched "My Big Love"

hay buhay....

cherry pie

deekong: pakinggan natin yung kantang "cherry pie cherry pie"
ako: nanu yun?
insan: yung kanta ni Lady Gaga

"cherry pie cherry pie nanananana poker face....."

++++++

had badminton game last friday. sa kakatingin sa malayo e meron palang sports center (kokubunji sports center) na malapit dito sa office. after office hours we immediately proceeded to the place. mahirap ng mawalan ng court. first come first serve basis para sa presyong 300 yen per head. may ipapaphiram pa silang mga raketa and shuttle cocks. not bad noh? pagdating namin dun ilan lang kaming mga adults na naglalaro. ang hindi namin alam e pagsapit ng dilim dumarating ang mga halimaw na players. kami ngayon ang nagmukhang mga batang paslit na nagpapaluan. because the courts were limited maraming japanese ang nakilaro samin. kaya ayun pinaglaruan nila kami. bwisit na mga batang hapon yan. ginawa kaming praktisan. career mode ang mga tyanak.

sumatotal we had fun (totemo tanoshikatta) and met new badminton buddies(/tyanaks). andaming taba na nalusaw na binawi naman namin ng weekend (^O^)

++++++

ako: ansakit ng buong katawan ko
basuraman: dahil yan sa badminton
ako: yups. tapos nagpunta pa kami sa isang park nung sat. meron kasing section yung park na ang tawag e children's forest (kodomo no mori). tas merong tarpaulin dome. ayun nagtatatalon kami na parang mga bata.
basuraman: tarpaulin dome?
ako: oo tarpaulin dome. yung tarpaulin tas korteng dome sha. nakalagay nga sa isang malaking room yung nagsu-supply ng hangin sa kanya e.
basuraman: tarpaulin?
ako: oo nga tarpaulin. yung tatalon ka tapos magba-bounce ka.
basuraman: baka trampoline
ako: haha toinks!

++++++

sabi ni kuya kimochi na sinabi daw ng paring kaibigan niya...

"demonyo lang ang nanunubok"

aba'y sabi ko naman naglipana pala ang mga demonyo *P

++++++

may pagkakaiba ba kung itama ka sa paraan na nalaman mong mali ka period o yung itatama ka sa paraang kulang na lang ipagsigawan niya kung gaano ka katanga?

malaki ang pagkakaiba kaibigan....

dahil sa huling sitwasyon ay malaki ang posibilidad na may mamamatay at papatay....

Friday, June 26, 2009

pelikula.pagkain.pampabula ng buhok

12. Mighty Ducks 1 - quack quack quack. watched it at Kuya kim's newly bought 42 inch LCD TV (sharp or samsung i forgot. actually pati size di ako sure hehe. basta malaki at bago ang tv ni kuya kim :D mayaman e). all time favorite. kabisado pa ni ate joy ang mga lines. will be watching mighty ducks 3 sa susunod. diko pa sha napanood.

13. Step up - dancing is my frustration. as in. kumpleto ako ng America's Best dance Crew (3 seasons). sabi ni rafael bat ko pa daw dinownload e hde naman ako magtuturo ng sayaw. diko lang masabi na gabi-gabi ko sha pinapanood haha. anyways back to step up... di ko pa sha tapos panoorin. sa susunod na entry na lang ang komentus.

14. Mighty Ducks 2 - quack quack ulit. had fun watching it with ate joy. mag-isa ko na lang papanoorin yung mighty ducks 3. nauna na sha nanood. adik hehe *ang gwapo ni charlie heee asan na kaya sha ngayon after dawson's creek? hmmmmm

++++++

last friday we were supposed to be playing badminton. kaso kamo walang court. di updated ang webpage. kaya imbis na magpapawis para mabawasan ang taba taba sa katawan e dinagdagan pa namin..nakaraan na ang bagyo nung naisipang kong picturan yung kinain namin.


we ate at Coco's. Goodluck na lang sa pag-visit sa site.


I had chicken steak tomato cheese. chempre with rice and nomihodai(drink-all-you-can) heee (^_^)V got the pic from the site.


++++++

i was torn between two labels of shampoos. Lux or pantene? my deciding factor: the endorser on the pack. (^O^) bought a pair of running shoes in ABC Mart. Goodluck ulit sa pagvisit sa site hehe. sakit sa paa ng sneakers pag ginagamit na panglakad. weekend mornings naglalakad kami ni ate joy. exercise kuno haha. panlaro na rin ng badminton. actually we went first to this sportshop in Kokubunji na nagbebenta talaga ng goods for badminton and tennis. nakaka-tempt bumili ng raketa! lalo yung mga 50% off *drools* back to the shoes...if i buy the badminton shoes i can't use it for walking/running di ba? so dun nako sa pwedeng panglakad tsaka pwedeng panlaro (courts that do not require non-marking soles hehe) shempre di naman ako bibili ng kung anech anech kung hde sale (^_^)


yezzzz. si katherine zita-jones ang deciding factor sa pagbili ng shampoo haha

++++++

may schedule kami ng laro ng badminton today. sa kasawiang palad e hde sumasagot yung friend ni kuya kimochi na nagreserve ng court. tapos umulan pa. hay buhay

Thursday, June 25, 2009

uncertainties

make you think a lot...

sobra...

matutulog muna ako...

i am having mental constipation....

andami ko gustong iblog....

pero ayaw lumabas....

parehong-pareho sa nangyayari sa pwet ko ngayon.... :(

Wednesday, June 24, 2009

isogashii

JWFTD: isogashii (adj.) - busy

STATUS: isogashii

BATET???: dahil sa Mafia wars ng peysbuk

una friendster ang napabayaan ko
ngayon pagboblog naman
pero shempre hde pwede pabayaan ang work

dahil kapag walang work walang kita
pag walang kita uwi pinas
pag uwi pinas at wala kita
e wala na pera para internet
wala na facebook
at ang magiging status ko ay......

PALAMUNIN
(kahit ano gagawin sa ngalan ng Mafia Wars....)

uy add niyo ko ha then Join My Mafia heee (-_^)V

Wednesday, June 17, 2009

exercise sabay kain

sa sobrang dami kong naisip na ilagay sa entry ko ngayon wala na ako maalala...

++++++


pork picadillo/giniling/torta (accdg. to madam joy)

hinahayaan ako paminsan-minsan ni ate joy na kalikutin ang kusina para naman daw matuto ako. there were many failed attempts pero nakabawi ako sa pagkain na ito (^O^)

magaling din naman ako mag-prito ah...

++++++

nung weekend naglakad kami ni ate joy. shempre exercise. pagdating namin sa kodaira station nag-grocery kami ng onti tas umuwi na. we ate the yoghurt that we bought for breakfast habang naglalakad pauwi. nakakapagod pero masaya. at muntik nako mamatay sa pagod haha.

this is near Kodaira's public library. sa wakas nakahanap ng mapagtambayan pag ako'y nalolongkot at gustong mapag-isa. sana may wifi (^_^)

++++++




mango bay! yay! meron kaming imported goods galing pinas. salamat kay kuya mylo na salamat din sa mama niya. maashim pero matsalap lalo na pag sinamahan mo ng bagoong (tulo laway). 3 na lang natitira kasi kinain ko na isa. buti na lang meron kaming alamang...hahhappy (^O^)




++++++

tama ang iyong hinala. wala pa yan sa mga naiisip kong ilagay sa blog na ito. high sa antok!

peysbuk

let's face it...

going gaga over facebook...

ang boring na ng friendster ngayon...

Sunday, June 14, 2009

over---

tama yung sinabi ni ate joy na lahat ng sobra masama

;(

on the other hand it was good na nahinto na kagad. should be practicing self-control. hay tangnang buhay yan....

JWFTD: saguru (v.) to search, to look for, to sound out
Currently listening to: Parokya ni Edgar (Bigotilyo Album)

Saturday, June 13, 2009

dabadeedum

*natabunan ng panahon... nakalimutan ipost dahil sa mga anech-anech

isang weekend sa buwan ng hunyo...

4am > natulog. kelangan. maliwanag na sa labas

6.10am > nag-alarm ang aypong. tinanong ako kung what time ako natulog. sabi ko 4am. tulog pa daw ako. miya na lang kami lakad.

before mag-8am > ginising ako para maglakad. kelangan. exercise.

ano na nangyari? hde ko na alam. ang alam ko lang nakapaglakad pa rin kami pero as usual parang hinahangin na naman ang utak ko. naumpisahan ko na rin lang naman ang post na ito kaya ipost ko na rin.

sari-sari

kanina masaya ako...

ngayon hindi na...

pathetic...

always be...

++++++

kaya pala halos ipamigay na lang ang iphone 3g dito...

hay... parang naulit na ito ah... a month after kong bumili ng PSP (fat) tsaka naman lumabas yung PSP slim. history repeats itself...

++++++




i am currently listening to Rico Blanco's Your Universe album (salamat beshiang!). then nakita ko sha sa promotional video ng Boto Mo Patrol Mo. Parang bigla shang gumwapo. di na sha mukhang dugyot. or dahil kasi ang ganda ng album. Heeeeee (^_^)

++++++

parekoy na chano : npanood mo na concert ng eheads?
sikoletlover : shempre diko bibigay. bebenta ah
sikoletlover : anong concert?
parekoy na chano : ung final set
parekoy na chano : opo
sikoletlover : hde pa
sikoletlover : maganda ba?
parekoy na chano : ayus nmn
sikoletlover : pinanood mo ba yun?
sikoletlover : i mean bumili ka talaga tiket?
parekoy na chano : hindi..ngdownload nlng ako..mga pinsan ko lang nanood ng live..
sikoletlover : hde kasi ako mahilig manood ng concert. baka magkastampede lalo yung mga ganun hehe
sikoletlover : sige try ko download one time
parekoy na chano : eto po link
parekoy na chano : http://vimeo.com/smartbuddy sa smart p tlga yan ha
parekoy na chano : heheh

nostalgic

bumalik ang 90's

wala pa rin ako makachat

nababaliw na yata ako

sound trip na lang

enough of this bullshit

kung kakain ka ng ramen siguraduhin mong kaya mo yung init. baka sa bandang huli sarap na sarap ka nga paso na pala dila mo. paso na dadalhin mo ng ilang araw..buwan...taon

kaya ngayon alas 3 na ng umaga at dilat na dilat pa ang aking mga mata.

++++++



first picture taken from my aypong. yun lang.

Tuesday, June 9, 2009

nakngtutangbaog

sabi ni bes may trailer na ang new moon. naalala ko kanina so chineck ko kay pareng google...



OMG! gusto kong himatayin. promise. nawala antok ko.

AAAAAAAAAAARRRRRRRGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!

shet.

Friday, June 5, 2009

bilog


ganda noh? forgot kung saang site ko nakita 'tong picture na itey. first time na nagandahan ako sa isang wedding ring. kaso parang there's something wrong. it reminds me of X-men. chakanessss.....

Thursday, June 4, 2009

future

nate and B together again??? ayaw...

i want B and chuck not V and chuck. hope the next episode will be great.

++++++

i told myself that i am going to sleep early. and again i lied to myself.

++++++

why do i have to feel this kirot? *buntonghininga*

Wednesday, June 3, 2009

ulyanin

and again i forgot my phone in the office....

at tinatawagan pala ako ni tatang kanina. patay!

kelangan ko tuloy shang tawagan bukas. shet kasi di naman sha softbank. arrrggggggh....

Tuesday, June 2, 2009

madapaking layn

while watching boys over flowers (aired yesterday in channel 2)....

" ang lamig...
...nilalamig ako
'di ko na kaya..."

hindi ko kinaya ang linyang itech! omaygash abelgash! patayin! patayin!

Monday, June 1, 2009

Saturday, May 30, 2009

Define happiness

Happiness is when you're with your loved ones.

i'm not happy.

i am sad because i'm not with you. and yet you suggest that we exchange places so i'd be happy. you here and me there.

you don't get it.

Friday, May 29, 2009

buwis

i forgot my phone in the office....why do you need an iphone if NO ONE's calling you or sending you email or SMSing you. my goodness. i hate irony.... lech!

tumitibok pa rin ulo ko. shet ulit.

naha-high na ako sa katinko.

umuulan pa rin.

i'm beginning to love chuck bass. but i love the artist more. kiligness. heeee

ooh i don't love the artist. i hate him pala. coz he is palikero. i hate palikero guys coz sweats usually build up on my nose.

the tax here is killing me. arrrrrrgh!

katrina-hayden sex scandal = senate hearing????!!!! what the fuck is this???? you pay your taxes for these unbelievable government officials to have a senate hearing on a sex scandal???? AANGAT BA ANG EKONOMIYA NG PILIPINAS KAPAG NARESOLBA YANG LECHENG SEX SCANDAL NA YAN? MAGKAKAROON BA NG MARAMING SILID ARALAN KAPAG NABIGYAN NG KATARUNGAN SI HALILI? MAWAWALA BA ANG MGA TERORISTA SA PILIPINAS KAPAG NAKULONG SI HAYDEN?

nakakaawa si katrina halili kasi binaboy daw sha. yeah right. kiss yer ass bitch. so we should pity those bitches fucking other girls' boyfriends? go girl. pwe!

so here's a tip: if you want to be sensationalized in using videos (esp. sex videos) don't say it's because of love. i've already heard that kind of excuse but you'll just stay in the limelight for a week. just say that you didn't know there's a camera, make yourself kawawa and sue the man who made baboy to you. forget the issue if you're screwing your friend's boyfriend. it'll be covered. andali di ba?

i am a woman but i don't feel for halili. i can't. and i won't. i do not want to blame others for the consequences of my actions. BOW.

Wednesday, May 27, 2009

Sunday, May 24, 2009

i i i i i i ay i i i i i i

at may karugtong pa ang number 10.....

11. Confessions of a shopaholic - boring. the lead actress wasn't stunning. kung si anne hatchaway (shet diko alam spelling. yung sa princess diary) yung girl it would be better. the guy was uhmmm pwede na. i love his accent. it's still boring. ho humm....

++++++

aypong and aychuns are giving me headaches. goodbye click and drag. grrrr....

++++++

during lunch we were watching this korean version of meteor garden. it has this weird title. boys before flower ba yun. anyway i kinda like the guy portraying the role of Dao Ming Su (the hell i care with the spelling). Cuteness haha (^O^) lemme just copy what kuya kim would always say.... "mahal ko na sha..." heeee

++++++

i'm really liking gossip girl. but not yet a die hard fan.

xoxo

Friday, May 22, 2009

demyu friendster

bwisit ka.

ngayon na lang ulit ako nagpost ng bulletin after 1,000 years binastos mo pa. sa isang milyong letters na tinaype ko 10 lang lumabas.

lech!

Tuesday, May 19, 2009

Wednesday, May 13, 2009

bottom's up

i want these shirts!





jabbawockeez = L.O.V.E

++++++

dahon-dahon na salad with smoked salmon + isdang Tai daw ang pangalan + chahan (fried rice) + pickled cucumber + 1 chicken wing + ebi fry + crazy japanese officemates + drink all you can [beer + tequilla (japanese style: walang lemon or salt. straight) + grapefruit juice with tequila + uron tea + lotsa lotsa water] = 4,000 yen

unbelievable!

Saturday, May 9, 2009

pusit pusit some more

i'm getting bored with ABDC's season 2.... that's why i'm watching it will making this post and chewing some dried "ika" (squid).

it's multitasking baby.

kaya siguro natapos ko nadownload kagad ang season 1 and 3. coz they're worth watching compared to season 2.

jabba jabba poreber
i lab beat freaks. go gels!

++++++

this picture made me shout. promise... (akala ko kasi e tuluyan ng nilamon ng halimaw sa banga ang pics ng farewell party sa akin ng KKBC--KemerKemerlooBadmintonClub)


boys boys boys...they love me! ECHOS! nyahahahahaha (^O^)

Thursday, May 7, 2009

gimme some love

marchin nyibera.....

malaki ang pagkakaiba ng "pangit" sa "mali"...... haller...... chakchakin kaya kita jan

++++++

JABBAWOCKEEZ

-lumelebel ka kay twilight: nakakaadik.
-kahit 1 million times kong panoorin ang ABDC season 1 hde ako mananawa. kahit gawin pa yang 1 billion times
-nakakaulol.....rawrrrrr nyahahaha

++++++

dahil libangan ko lang dito e manood ng movies e itutuloy ko na ang list. wish ko lang wag matapos sa number 10 nyehehe

10. High school musical 3 - oo korni nako. wag ngang mangealam.

diko pa tapos madownload yung final destination 1 and 2 and constantine. siguro this weekend yung the devil wears prada tsaka shakespeare in love. tsaka shempre my daily este weekly doze of twilight and jabbawockeez =) wooot wooooot!

++++++

kanina nagbukas ako ng bank account. sa tanang buhay ko e ngayon lang ako napasulat ng address na naka-kanji. muntik ng dumugo ang kamay ko.

sayang yung special passbook and cash card na disney! kasi naman si tatang e. sabi better daw yung classic. ayun naman si ako engot umoo. kainez.
lesson learned: huwag isisi sa iba ang katangahan at hindi pagiging agresibo. lintek sayang talaga!

nung hiningan ako ng pin number e bigla na lang pumasok sa isip ko ang numbers na itetch ****. weird. diko alam kung bakit iyun. as in. super duper clear sa utak ko nung isulat ko yun. itaya ko kaya sa lotto baka manalo ako. tama! baka mananalo ako sa lotto kaya hde yung disney edition na passbook ang nakuha ko! bwahahahahahaha!

Monday, May 4, 2009

eiga

Golden week = long vacay
long vacay = gala gala galore
no money = no gala gala galore

kaya....

Golden week = tambay sa bahay

andami ko ng napapanood na movies buti na lang maganda ang download rate ditech...

1. Twilight - watched for 100x and will watch it for n times. poreber.

2. Okuribito (Departure) - ok lang. nakakaiyak ng konti

3. Ghostrider - finally napanood ko na rin. ok lang. capable pa pala si nicholas cage ng mga ganung movies. parang ang dugyot palagi ni eva mendez dun. i dunno why.

4. Little Rascals - all time favorite

5. Dragonball Evolution - Hmmmkei lang. parang di sha dragonball. diko feel si son goku.

6. Da Vinci Code - It was good. nasiksik sa movie yung book. kaso diko na maalala na si sophie pala ang last heir/end of the bloodline. makakalimutin kasi ako.

7. Sono Toki wa Kare ni yoroshiku (When you see him Say hello for me) - kung gusto niyong mamaga ang mata niyo sa kakaiyak eto ang pelikula para sa inyo. yun e kung iyakin kayo.

8. Fast and furious 4 - ASTIG! haylavet!

9. The Fast and the Furious Tokyo Drift - i don't like it. sa last scene na lang nag-appear si vin diesel. nasan si papa conner? tsaka i'm not a fan of night scenes. diko sha feel. sumatutal...aykindahayrett talaga....

Di pa kasama jan ang pinapanood kong America's Best Dance Crew (Season1/2/3), live video streaming ng gma and abs pati na rin ang mga recorded videos from pinoychannel.tv. salamat na lang at naibento ang laptop at internet.

Arigatou Lord!

Sono toki wa kare ni yoroshiku

sometimes we already knew what we're supposed to do and yet we still do what we're not supposed to do...

the truth shall set you free and yet it leaves a pain that would make you think to lie instead...

give heartaches and heartaches you shall receive.....

Wednesday, April 29, 2009

tantanan mo ko edward! anubeh!

umiibang level ka na ha impernessss...hanggang dito ba naman e minumulto mo pa rin ako....

when i thought i already got over you e eto ang dvd sa aking maleta nagpupumiglas at sumisigaw na panoorin ko sha. kung di lang ako inaantok papanoorin ko pa yung featured scenes dun sa isang disk! asus....

di pa naman ako mashado sinasaniban. wala pa yung drive para mag-install ulit ng pdf reader sa psp ko at icopy ang mga ebooks para magbasa ulit....

noooooooooooooooo!

Tuesday, April 28, 2009

bishi

parang nakainom ng cobra energy drink ang aking oras...ambilis!

bukas nako magpopost ng matinong entry. kung di man bukas baka sa makalawa....or pwedeng pagkatapos ng makalawa...next neks nek dei?....

Thursday, April 23, 2009

yelo

this past few days e may mga kamalasan na nangyari sa akin....

-nagbara yung inodoro pagkatapos kong tum@3
-nabutas yung pants ko
-natanggalan ng isang tahi yung hook ng pants ko
-bigla ako nagt@3 kanina
-nabakbak yung isa kong sandals (palibhasa ngayon ko lang nasuot ulit)
-sobrang lakas ng hangin kaninang pauwi na akala ko winter na naman

pero sa kabila ng lahat na ito e nagpapasalamat pa rin ako dahil:

-sa wakas pagkatapos ng ilang araw e n@t@3 din ako. at kinabukasan din e bigla na lang maayos na yung inodoro. ang teorya ng kasama ko e dahil sa ulan.
-napilitan akong manahi kaya sa wakas yung dapat kong tahiin e natahi ko na rin
-nung mga panahon na nagt@t@3 ako e walang tumawag ng meeting
-madidispatsa ko na ang hayup na sandals. muntik na akong malumpo dahil sa kanya
-mejo makapal yung blazer ko kanina buti na lang. hde ako super nilamig. sobrang nilamig lang hehe

Count your blessings! (^O^)

Wednesday, April 22, 2009

uma

mawalan nako ng makakain wag lang magbabarado ang kubetaaaaa! salamat kay Lord at naayos na sha kaninang umaga. i thought bibili ako ng pambomba kanina sa hyakuen shop while in my office attire. dyahe!

im blessed inspite of the recession thing na kumakain sa world economy ngayon. and I'm thanking God for that. Ayokong magreklamo. Kumbaga sa design yung nangyayari sakin ngayon ay isang "trade-off" sa pagpili ko sa paglabas sa aking comfort zone. shempre kakayanin ko itetch. ako peh!

bakit nga ba uma ang title ng entry ko. ako kasi ang speaker kanina sa morning meeting namin. shempre nihongo. si uma (stuffed toy na kabayo) ang marker kung sino na ang speaker. para shang nakatitig ng nakatitig sakin. basta ayaw ko sa kanya...

nilalaman ng short speech ko kanina:

mahilig ako sa aso.
may aso ako sa pinas.
ang pangalan niya ay cholo.
ang lahi ni cholo ay chowchow.
magta-tatlong taon sha sa June.
Bow.

(parang may kamukhang tula noh? hehehe promise yang yan ang sinabi ko. nakanihongo lang hehehe)

malamig....basa....ulan....

been raining the whole day....

12.28 AM na hde pa rin ako natutulog....

date today: april 21. april 13 ang bday ng tatay ko. binati ko sha thru email kanina lang....hay

"kung hde ka man umuwi ng pinas dahil sa recession e baka mapauwi ka dahil sa depression..."

ayus nag-rhyme pa...

ang boring ng buhay kung walang problema. ang buhay ko ay punung-puno ng excitement....

Monday, April 20, 2009

para sa mahal ko

while typing this entry i'm watching the news in the philippines aired yesterday. salamat sa pinoychannel.tv and pinaychannel. paki-sagot ang aking mga katanungan kung alam mo....

1. Regarding Ted Failon's case: i saw in interviews that even the relatives of Ted Failon's wife were saying that the woman was really suicidal (even their daughter agreed with the suicide chenes). So sino nagreklamo na baka may foul play? di ba ganun yun? tsaka i think there's something scandalous in the family kaya parang ayaw ibigay lahat ni Failon ang info. yun lang. bow.

2. magkano kaya ang binayad na ransom para palayain ang red cross volunteer na na-hostage? wag magdeny...aminin! ang chorva ha impernesss. una sabi naiwan daw si red cross volunteer. tas ngayon pinawalan daw sha. anubeh. be consistent sana....

3. may pera bang nakukuha kapag nakapasok ka sa guiness book of world records? magkano? 1 milyon petot?

while eating dinner [sopas na niluto ni ate dolly(sarap ng bigay), tira-tirang sinigang, masarap na japonese rice at inihaw na kalabasa] e nanood kami ng live video streaming ng channel 7. kasalukuyang palabas ang "hole in the wall". hektwali dito nag-originate yang laro na yan. mas challenging kung kumukulo yung tubig na babagsakan o di kaya e nagyeyelo sa lamig hehe. ganyan dito e. anyway sana hde na lang yung character na si angelina ang ginawang host. kasi kids could be watching the show. yung time slot kasi yun yung tipong nasa bahay na ang mga bata at nanonood ng tv unlike yung bubble gang dis-oras na ng gabi kung ipalabas. ang bad kasi ni angelina. for sure marami ng bata ngayon na tinatawag ang kanilang mga yaya na losers or whatever. bad sha promise.

++++++

ang cheesy ba ng title? korni naman talaga ako. i'm blogging again dahil sa number one fan ko. my number one who never fails to make me smile and make me cry.

haylabyu!

Thursday, April 16, 2009

homesick

ikaw na ba yan?

anong naisip mo at bigla kang nagparamdam?

ngayon alam ko na kung bakit ka naging salot sa buhay ng taong katulad ko....

bagong bayani

ang buhay ofw ay hindi biro...

promise...

kung ganun lang kadali umuwi ng pinas e ngayon din uuwi ako sasaksakin ko yung nagsasabi na mayaman na ako at ang sarap ng buhay dito...

Friday, April 10, 2009

blog is bloggier the 4th time around

hello mike test hello....

good evening philippines...

konbanwa nippon...

++++++

the first quarter of year 2009 has been a roller coaster ride for me. amidst the global crisis an opportunity came which i grabbed. you know taking the risk just to get out of the friggin' company. something happened between me and my supervisor which really pushed me to resign. i was nervously waiting for something until everything went fast and now i am here. ganun kabilis O_O

God has a plan for me and i am surrendering everything to Him....

++++++

this time i won't wish or hope that i would be blogging on this site forever. the last time i wished for it boom! i am here in blogspot.

crazy world
crazy people
crazy me......