bago ako tuluyang saniban ng katamaran e sisimulan ko na ang dapat kong simulan....
niyaya kami ng mga bossing ng iba't-ibang grupo para sa isang simpleng inuman. gusto raw nila kami makasama at makausap. ganyan kalakas ang appeal namin sa mga hapon (wahaha). sino ba naman kami para tumanggi sa mga bossing. kami'y mga hamak na empleyado lamang kaya kailangan sumama kahit nalagasan kami ng 1,000 yen (2,000 yen para sa mga lalake dahil mas malakas daw silang uminom. yun ang akala nila.).
early birds. ang aking mga dakilang kuya. they are also my former colleagues :)
first set of pulutan served. diko na nakuhanan yung iba. nahiya nako.
usually we eat a heavy merienda before the party dahil alam namin na walang mashadong makakain. masakit ang lalamunan ko kaya i just had a few glass of beer and an orange juice. the party was great. 2 at kalahating oras ng tawanan. pansin ko lang nagtatransform ang mga hapon kapag nakakalabas ng office/after office hours. when they want to relax and enjoy relax and enjoy talaga kahit magmukha pa silang tanga :)
an inuman party is usually followed by a karaoke. as usual ginamit na naman ang power harrassment. we decided to go home after an hour pano ba naman wala aircon! best inuman party so far :)
during the party e meron akong natuklasan...
- ang blood type ng shachou/president namin e B. pareho kami.
- yung PR perrson namin (taga-announce ng kung ka-anech-anechan) / kanang kamay ni pres. e araw-araw na nagkakaraoke. walang halong eklavoo. hde pumalag ang
- hindi lahat ng hapon kumakain ng natto (fermented soy beans). yung katabi kong buchou/dept. manager hindi kumakain dahil hindit ito popular sa lugar nila. if i'm not mistaken sa Nagasaki.
natto
- Japan's number 1 university is Tokyo University (Japan's first national university). Doon umattend si Big Bro (code name namin sa boss namin) ng college. kinantyawan siya nung nahihiya siyang magsalita ng ingles. kasi nga number 1 so mataas ang expectation. number 1 number 1...
- and last but not least bakla si PR person!!!! as in O.M.G!!! natuklasan namin nung nagsimula na siyang kumanta. ang boses! mas matinis pa sa boses ng impersonator ni Regine Velasquez. with matching wave wave pa ng kamay ala Jessa Zaragoza. kalowka.*
hindi ko alam kung pano ko siya titignan sa monday kapag nagkasalubong kami. maygas.
niyakap niya yung 3 kasama kong lalake before parting our ways. kami ni mommy joy hand-shake. yun lang :P
ngayon sobrang sakit tuloy ng lalamunan ko :( may pasok pa kami bukas :(
*ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ganun pala si PR person. i have nothing against gay people. ang galing lang talaga niya magdala sa office.
No comments:
Post a Comment