Pages

Wednesday, July 14, 2010

tower of babel

nawawalan na ako ng amor sa True Blood S3. Hanubah Ep.4 pa lang. mas dumami ang heksfowshur ng boobies at pag-aanuhan. kakaumay....

sana hindi ko na lang sinabi kay kuya paeng na matutulog na ako. bagkus e sana nakipagchikahan na lang ng bonggang bongga.

++++++

ako lang ang bulakenya sa grupo. yung iba either kapampangan or ilocano. sa mga panahon ng kwentuhan hinihiling ko na ako na lang sana si invisible man. at least hindi sasama ang loob ko dahil alam kong literal na hindi nila ako nakikita. nasanay nako pero may mga pagkakataon na gusto ko na lang magwalkout. ganun din naman kasi. minsan hindi naman kasi uso sa kanila ang salitang "sensitibo". kahit nung nasa pinas pako nagtatrabaho may na-encounter na akong mga ganitong tao. palibhasa sa Tarlac ako nakapagtrabaho kaya ang mga tao ay halos kapampangan at ilocano. iilan lang kaming Tagalog. may ibang tao na ang prinsipyo nila e ikaw ang dapat na mag-adjust at hindi sila. oh well sanay naman ako mag-isa. nasa bansa ka na nga na iba ang salita ng mga tao pati kapwa mo pinoy iba pa salita.

madapakingsyet.

4 comments:

MiDniGHt DriVer said...

Anong series nga ulit yun.. haha... alam na :-)

sikoletlover said...

boi magkaiba frequency ng utak natin ngayon...

in short diko nagets comment mo :P

MuntingBisiro said...

tama,. ang hirap. Dito sa Pinas, minsan, problema din yan, sana naman maiwasan yung ganun, pulo pulo na nga ang pilipinas, bansang pinaghihiwalay ng bahaging tubig, paghihiwalayin pa ba ng pagkakaiba-iba ng dayalekto.

sikoletlover said...

@munting bisiro - hay ang hirap talaga. nakikidagdag pa sila sa homesickness ko. salamat sa pagkumento :)