Pages

Wednesday, July 21, 2010

halo-halo express

martes...

dahil masama ang pakiramdam ko kanina nagdesisyon akong bumaba para bumili ng kung anong mapapagtripan ko sa kombini (convenient store) na nasa unang palapag ng aming building. mula ikaanim na palapag naghagdan lang ako pababa para lumabas lahat ng masamang espiritu na lumulukob sakin.

nakabili nako ng shirshirya ng biglang nakita  ko yung gummy bear sa candies section. kaso di naman siya hugis bear. gummy bear pa ba tawag dun? nakasanayan ko kasi na kahit anong chewy, translucent and edible na bagay e gummy bear ang tawag ko. anyhoo habang naghihintay sa resulta ng ginagawa ko at nginunguya ang malagulong sa kunat na gummy bear e naisip/napagtanto ko ang mga sumusunod na bagay. in random order. no particular subject. wala lang. mga naisip ko lang talaga.

-nakakagirgir ang wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut.

-madali akong maturn-on sa mga lalaking mabango+mukhang mabango.

-ambango nung lalakeng nakasalubong ko habang nagbibike. gusto ko habulin.
 
-sabi nila mas bagay sakin ang chubby kesa payat. naniwala naman ako.

-simula na yata ng tag-ulan sa pinas. pero nung isang araw napanood ko sa balita na may water shortage. saan napunta yung tubig? sinipsip ni spongebob?

-very ironic para sa isang bansa na napapalibutan ng tubig ang magkaroon ng water shortage.

-pagpasok ko ng bahay kanina nakita ko sa thermometer 33 deg C. pucha. parang preview to hell ang init.

-nagpapasalamat ako sa naka-imbento ng AC.

-mamimili ako sa forever21 sa megamall paguwi ko ng pinas.

-nakakagirgir talga yung wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut. gusto ko lang ulit sabihin.

-mas gusto ko pang maghagdanan paakyat kesa mag-elevator kasama ang mga hinayupak na may anghit/putok

-parang kinurot ang puso ko kagabi habang naghuhugas ng pinggan. namiss ko si basuraman.

-nung dec 29 '08 gumawa ako ng christmas wishlist para sa pasko ng '09. napagtripan ko lang. before the year '09 ended 70% ng kahilingan ko natupad ng hindi ko inaasahan. wishes do come true :)

- hindi kumpleto ang gabi ko kung hindi ako makakapanood kahit isang episode ng "The Simpsons"

-nag-iisip pa ako kapag tinatanong kung ilang taon nako. pagkatapos kong mag-21 nakalimutan ko na edad ko.

-isa akong frustrated na dancer. nung prep ako kasali ako sa isang dance number dahil sa nakalimutan-ko-na-kung-anong-school activity. pagkatapos ng ilang linggong pagpapraktis di ako nakapag-perform. hde ko kasi narinig na kami na pala ang susunod na magtatanghal. nakita ko na lang na sumasayaw  na yung mga kasama ko sa entablado. hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako pag naalala ko yun. chos!

-ka-birthday ko yung isa kong kapatid. kaya tipid.

-kung hindi pko nagtrabaho sa ibang bansa hde ako matututo magluto.

-bata pa lang ako alam kong hindi totoo si santa claus. wala kasi kaming chimineya at may screen ang mga bintana namin.

-sa totoo lang hde rin kasi naniniwala ang mga magulang namin kay santa claus kaya asa pa kami.

-dahil sa kahirapan hindi ako nagkaroon ng barbie. masaya na kami nun sa mga halaman sa aming bakuran na ginagamit namin sa lutu-lutuan.

-nami-miss ko ang pagsabaw ng kape sa kanin.

-wrong timing yata yung pagtatanim ko. hindi na kinakaya ng aking kamatis at ampalaya ang init. sana lang mapakinabangan ko muna ang mga bunga bago tuluyang madedo.

-kahit sabihin pa nila na bakla si papa piolo karassss ko pa rin sha. i love you piolooooooo!

-akala ko nawala si mypreciousssssss. kung nagkataon gigilitan ako ng leeg ni basuraman.

-dahil pumasok nung nakaraang sabado rest day ng katulong bukas. ano kaya magagawa lalo at konti lang ang pera (bawal daw kasi sinasabi na wala ng pera. badluck.)

-sana maabutan ko pa yung eclipse sa pinas.

-may pinost na picture yung kaklase ko nung college sa facebook. pumopose pa ang gago. ambakla ng puta. siya rin yung mahilig magcomment na may kasamang "amfnesss" at "amfufu".

-napapaindak ako kapag naririnig ko yung kantang 2ne1

-last na. nakakagirgir talaga wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut.

11 comments:

Ang Babaeng Lakwatsera said...

"nakakagirgir ang wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut"

-hihihi sayang hindi ko pa napapanood.. meron ba sa youtube? block kc youtube dito sa opis..sira naman ang pc ko sa bahay.. sadness..

sikoletlover said...

check this link http://www.flickr.com/photos/chuvaness/4763158417/in/set-72157624213366397/

pics nga lang. wala pako napapanood na vid. solb nako sa pics. LOL

fiel-kun said...

Hi Ate!!! (tawagin na lang kitang ate kc di ko alam real age mu hehe xD)

Maraming salamat sa pagbisita sa aking blog ^^

simula na yata ng tag-ulan sa pinas. pero nung isang araw napanood ko sa balita na may water shortage. saan napunta yung tubig? sinipsip ni spongebob?

-very ironic para sa isang bansa na napapalibutan ng tubig ang magkaroon ng water shortage.

Haha uu tag-ulan na dito kaso hindi sapat yung dating ng ulan para punuin yung mga dam na unti-unti nang nauubusan ng sapat na supply ng tubig. One factor kasi jan yung mahabang EL NiƱo na naranasan namin dito, almost 7 months ata yun. Kaya ayun, nadelay ang pagdating ng mga malalakas na bagyo na sanang magpupuno ng tubig sa mga dam dito.

Second factor, and according sa rumors, sobra din daw kasi ang naipakawalang tubig last year ng mga dam, remember nung panahon ni Bagyong Ondoy? kaya nga isa ang bayan namin sa mga lumubog sa baha noon eh ^^ Siguro sa sobrang takot ng mga dam operators na masira ang mga dams dati dahil sobra-sobra ang dalang ulan ni Ondoy, ayun nag-over react sila sa pagpapakawala ng tubig. ang resulta, water crisis lols.

Pwede po din makipaglink exchange?
Arigatou ne!

sikoletlover said...

salamat sa kumento kuya kim este fiel-kun ^0^

nai-add na kita sa aking blogroll.
dou itashimashite ^_^

kikilabotz said...

hell po ate..napadalaw lang po ako dito... hehe ^_^

sikoletlover said...

salamat sa pagdalaw kikilabotz.

uy ni-add nga pala kita sa blogroll ko :)

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

aylabdis! napangiti akey. :) exchange links tayez ha! amiga ko si baklang maton. :)

MiDniGHt DriVer said...

beep beep.. anong kaguluhan toh megumi???

sikoletlover said...

@Anufi - tenchu! sureness :) nai-add na kita sa aking blogroll :)

@mamang driver - sino si megumi? ikaw lang naman magulo :P

Mommy Liz said...

ang dami mo namang napagtanto habang bumababa ka from 6th to the main floor. ganon ba kataas ang building nyo? Ay ang dami nating similarities ha..

1. mas bagay din sa akin ang chubby kesa payat (ayaw kasi ako iwan ng aking extra lbs.)

2." dahil sa kahirapan hindi ako nagkaroon ng barbie. masaya na kami nun sa mga halaman sa aming bakuran na ginagamit namin sa lutu-lutuan" trabaho din namin ng sister ko to..

3."kahit sabihin pa nila na bakla si papa piolo karassss ko pa rin sha. i love you piolooooooo"

Oh di ba?? thanks sa pagdalaw sa aking Pinay Blogger site. I really appreciate it. Take care.

sikoletlover said...

salamat sa pagkumento mommy liz :) ganun talaga parang flash flood lang hehe

ni-add nga po pala kita sa blogroll ko. ingat!