martes...
dahil masama ang pakiramdam ko kanina nagdesisyon akong bumaba para bumili ng kung anong mapapagtripan ko sa kombini (convenient store) na nasa unang palapag ng aming building. mula ikaanim na palapag naghagdan lang ako pababa para lumabas lahat ng masamang espiritu na lumulukob sakin.
nakabili nako ng shirshirya ng biglang nakita ko yung gummy bear sa candies section. kaso di naman siya hugis bear. gummy bear pa ba tawag dun? nakasanayan ko kasi na kahit anong chewy, translucent and edible na bagay e gummy bear ang tawag ko. anyhoo habang naghihintay sa resulta ng ginagawa ko at nginunguya ang malagulong sa kunat na gummy bear e naisip/napagtanto ko ang mga sumusunod na bagay. in random order. no particular subject. wala lang. mga naisip ko lang talaga.
-nakakagirgir ang wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut.
-madali akong maturn-on sa mga lalaking mabango+mukhang mabango.
-ambango nung lalakeng nakasalubong ko habang nagbibike. gusto ko habulin.
-sabi nila mas bagay sakin ang chubby kesa payat. naniwala naman ako.
-simula na yata ng tag-ulan sa pinas. pero nung isang araw napanood ko sa balita na may water shortage. saan napunta yung tubig? sinipsip ni spongebob?
-very ironic para sa isang bansa na napapalibutan ng tubig ang magkaroon ng water shortage.
-pagpasok ko ng bahay kanina nakita ko sa thermometer 33 deg C. pucha. parang preview to hell ang init.
-nagpapasalamat ako sa naka-imbento ng AC.
-mamimili ako sa forever21 sa megamall paguwi ko ng pinas.
-nakakagirgir talga yung wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut. gusto ko lang ulit sabihin.
-mas gusto ko pang maghagdanan paakyat kesa mag-elevator kasama ang mga hinayupak na may anghit/putok
-parang kinurot ang puso ko kagabi habang naghuhugas ng pinggan. namiss ko si basuraman.
-nung dec 29 '08 gumawa ako ng christmas wishlist para sa pasko ng '09. napagtripan ko lang. before the year '09 ended 70% ng kahilingan ko natupad ng hindi ko inaasahan.
wishes do come true :)
- hindi kumpleto ang gabi ko kung hindi ako makakapanood kahit isang episode ng "The Simpsons"
-nag-iisip pa ako kapag tinatanong kung ilang taon nako. pagkatapos kong mag-21 nakalimutan ko na edad ko.
-isa akong frustrated na dancer. nung prep ako kasali ako sa isang dance number dahil sa nakalimutan-ko-na-kung-anong-school activity. pagkatapos ng ilang linggong pagpapraktis di ako nakapag-perform. hde ko kasi narinig na kami na pala ang susunod na magtatanghal. nakita ko na lang na sumasayaw na yung mga kasama ko sa entablado. hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako pag naalala ko yun. chos!
-ka-birthday ko yung isa kong kapatid. kaya tipid.
-kung hindi pko nagtrabaho sa ibang bansa hde ako matututo magluto.
-bata pa lang ako alam kong hindi totoo si santa claus. wala kasi kaming chimineya at may screen ang mga bintana namin.
-sa totoo lang hde rin kasi naniniwala ang mga magulang namin kay santa claus kaya asa pa kami.
-dahil sa kahirapan hindi ako nagkaroon ng barbie. masaya na kami nun sa mga halaman sa aming bakuran na ginagamit namin sa lutu-lutuan.
-nami-miss ko ang pagsabaw ng kape sa kanin.
-wrong timing yata yung pagtatanim ko. hindi na kinakaya ng aking kamatis at ampalaya ang init. sana lang mapakinabangan ko muna ang mga bunga bago tuluyang madedo.
-kahit sabihin pa nila na bakla si papa piolo karassss ko pa rin sha. i love you piolooooooo!
-akala ko nawala si mypreciousssssss. kung nagkataon gigilitan ako ng leeg ni basuraman.
-dahil pumasok nung nakaraang sabado rest day ng katulong bukas. ano kaya magagawa lalo at konti lang ang pera (bawal daw kasi sinasabi na wala ng pera. badluck.)
-sana maabutan ko pa yung eclipse sa pinas.
-may pinost na picture yung kaklase ko nung college sa facebook. pumopose pa ang gago. ambakla ng puta. siya rin yung mahilig magcomment na may kasamang "amfnesss" at "amfufu".
-napapaindak ako kapag naririnig ko yung kantang 2ne1
-last na. nakakagirgir talaga wetpaks ni wendell ramos sa show ng bench uncut.