Pages

Wednesday, August 7, 2019

Week 32: Celery

July 29-30 (Monday and Tuesday) - 2 days ako pumasok sa aming office sa city para magwork kasi may pumuntang tauhan from Sydney para sa project na ginagawa namin ngayon. Hinahatid ako ni Basuraman at Miko sa bus stop then from there nag-bus na lang ako pa-city. Tapos konting lakad na lang naman na. Buti na lang jontis mey kaya kahit puno ang bus nakakaupo ako. At sa kalagayan ko ngayon e mahihirapan akong bumiyahe na nakatayo. Yun nga lang (dahil siguro heightened din ang senses ko) amoy na amoy ko yung mga bantut elements sa bus. From amoy panghe to amoy putok na bulok. 

Ang ayaw ko sa pagpunta ko sa office e yung mga naninigarilyo kung saan-saan or habang naglalakad. Napakawalang konsiderasyon sa totoo lang. Imagine kung araw-araw ako pumapasok sa office, araw-araw din ako makakalanghap ng second hand smoke. Kumusta naman si bibi nun di ba? After work nag-uber na ako pauwi pero derecho sa school nila Miko. Then lakad na lang kami from school to bahay. Buti na lang pagdating ng Wednesday ay work from home na ako kasi mga Mumshies sobrang pagod ko. As in sinamaan ng katawan si watashi. Kakalurkey. Kaya saludo ako sa mga working pregnant mums tapos pisikalan yung trabaho. Ako nga nakaharap lang sa PC/laptop grabe ang pagod na nararamdaman, e papaano pa kaya sila. Mabuhay kayo mga Mumshies! Hip hip hooray!

Aug. 2, 2019 9AM -  Schedule ng checkup ko sa MFM. A day before nag-message sakin si Ms. K (midwifery student) regarding my appointment kasi pupunta siya. Ay buti na lang nabanggit niya yung time. Akala ko kasi Mumshies 9:30AM. Yun pala 9AM. Ayun kaya nagpasya na lang akong magbus papunta kasi nga need pa ihatid si Miko sa school. E maaalangan ako sa appointment time ko. Tapos nagkita na lang kami ni Basuraman sa hospital. Keribels lang naman yung commute. Kaso nakaamoy si watashi ng amoy bulok sa bus. Sabi ko nga kay Basuraman baka kumapit sa akin yung amoy. Ayos lang naman ang dating ko sa hospital. Nakapagbigay pako ng reseta sa pharmacy then kukunin ko na lang after ng appointment. Ayun na nga mga Mumshies, nawawala ang MFM clinic. May renovation na nangyayari. Dapat babalik ako sa baba para magtanong kaso maalangan nako sa appointment time ko. So dumerecho na lang ako tapos sakto naman pagdating sa dulo ng walang hanggan e nakapaskil kung saan pansamantala nakapwesto ang MFM. Minessage ko si Ms. K at si Basuraman sa bagong location ng MFM.

Hindi na nakaabot si Basuraman dahil naipit na naman siya sa parking lot kaya si Ms. K na lang ang kasama ko nung tinawag nako ng OB. Let's call him Lolo Happy kasi smiling face si lolo mo. Bale inultrasound muna ako ni lolo bago niya ako chinika about baby. Pippa is looking good. By the time na manganganak nako nasa 3 plus kilograms si bibi which is a good size/weight naman daw. Tinaong ko siya about sa tightening ng tummy ko and kung kelan ako dapat magworry. Sabi naman niya normal naman ang tightening as long as walang water discharge or bleeding. Sinabi ko na rin kay Lolo Happy yung request ng hospital sa Japan regarding my birth records. At alam niyo ba na half Japanese si Lolo Happy. Hapon ang nanay niya pero parang di naman siya masyado nagstay sa Japan kasi survival Japanese lang daw alam niya. Naalala ko siya nung nag-undergo ako ng clerage kasi parang isa siya sa nag-observe and nakaantabay in case na magkaroon ng problem. Parang consultant level si Lolo ganyan. Super seniores baga. Medyo ambilis lang niya magsalita kaya nahihirapan ako intindihin sinasabi niya. After 2 weeks yung next appointment ko and by that time idi-discuss na sa amin yung birthing plan ko. Usually a month before ng due date tsaka nila inaasikaso yung bagay na yun. Mukhang nasa side na talaga ako ng CS pero di ko rin alam kung makukuha ba nila yung record ko sa Japan and kung meron ba siyang epekto sa kung paano ako manganganak.

Hanggang ngayon iba pa rin talaga ang pagod at antok ko. Siguro dumadagdag pa yung stress na ang kalat ng bahay namin dahil nga lilipat kami. Sobrang nai-stress ako sa kalat promise. Tapos meron pa akong mga plantsahin. Hay naku ayan na-stress na naman ako. Hindi ko man sila nakikita ha. Naiisip ko lang. Sige tigilan ko na kasi baka napapano na si Pippa. Relax ka lang anak. Parang lagi kang may kaaway sa loob ng tyan ko. Panay ang tumbling mo. Minsan feeling ko nagka-karate ka or nagsasayaw ng floss. Mahal na mahal ka namin anak. Chill ka lang sa tummy ni Mummy.

Week 31 (Coconut)

July 26, 2019 Friday 9:30AM - After 3 weeks, bumalik ako kay koyang O para macheck ulit ang aking left eye. Actually sem-sem pa rin naman. Malabo pa rin pero hindi naman lumala. Kaya ang advise niya sa akin is magpa-check a month after ko manganak dahil dapat mawawala na yung panlalabo ng left eye ko kapag nanganak nako.

Medyo naka-adjust na nga yung mata ko e. Sanay na siya na malabo paningin ko kahit naka-salamin. Buti na lang hindi talaga sumasakit ulo ko. Narealise ko lang na nakakatakot pala mabulag. I mean mula sa nakakakita ka ng maayos tapos biglang manlalabo mata mo then bigla ka mabubulag. Naisip ko lang. Eto ngang lumabo lang bigla mata ko ninerbyos na ako ng bongga paano pa pag nabulag. Parang iba yung nawalan ka ng kamay or paa or pandinig or kakayahang magsalita kung ikukumpara sa mawawalan ka ng paningin. Tama na nga/

Tapos nakita ko pala sa tweet ni Saab Magalona na parehas kami 31 weeks na buntis ngayon. Parehas rin kami na nag-emergency CS during our first pregnancy at 30 weeks (pero yung sa kanya nawalan pala ng heartbeat yung kambal na girl kaya kailangan ng ilabas si Pancho). Nakakagaan lang malaman na hindi pala ako nag-iisa. Kahit hindi ko siya personal na kakilala. Totoo na considered na milestone na lumagpas rin ako ng 30 weeks kasi hindi rin naman nawala sa isip namin na baka premature din si bibi gurl katulad ng Ate Miko niya. Isa yun sa lagi naming pinagdarasal na sana kayanin na magfull term ni bibi sa tyan ko and lumabas siyang malusog at masigla.

Lately andami kong pagod at antok. Sabi nila normal daw siya pagdating ng 3rd trimester ng pagbubuntis. Sa totoo lang ang hirap magwork. Parang ayoko na nga magwork kaso sayang naman ang sahod. Wala rin naman akong maternity leave benefits sa company e 2 months din ang leave ko kaya 2 months waley sweldo. Tapos lilipat pa kami bahay kaya andaming dapat gawin. Hindi ko na nga lang iniisip at baka mapaanak pa ako bigla.

Ilang linggo na lang anak malapit ka na lumabas. Excited na kaming lahat. Alam ko excited ka na rin kasi para kang kangaroo/ninja sa loob ng tyan ko. Ang galing mo nga kasi kapag kukuhanan na kita ng video bigla ka na tumitigil sa paggalaw. Husay mo. Ke liit liit na bata ang galing ng mang-inis. Mahal na mahal ka namin anak. Mwah mwah tsup tsup!

Monday, July 22, 2019

Week 30 (Cabbage)


Kung kelan hirap na hirap ako yumuko, tsaka naman panay hulog ng mga gamit na hawak ko. Nakakajirita mga Mumshies. Ang hirap na bumangon mula sa higaan ngayon. Actually pati paggulong sa higaan. Sa side kasi ako natutulog and kapag naalimpungatan ako lumilipat ako ng ibang side. Pero depende pa rin kung saan wala ako nararamdamang sakit. Maselan kasi si Pippa kadalasan e. Alam na alam ko na ayaw niya akong humiga sa side na iyon kasi bigla siya gagalaw non-stop. Parang telling me "Nope, not this side.". 

Lately, nafu-food coma na naman ako pagkatapos kumain ng lunch (sometimes with dinner also). As in I have to take a nap after having lunch kasi hindi ko kinakaya ang antok. Nagkaroon ako ng phase na ganito rin pero dumating sa point na bigla na lang nawala. I think mga late 2nd trimester ko nun. Ngayon yung tamad levels ko e pataas ng pataas.

Thursday I took the day off sa work para sumama kila Basuraman at Miko na mag-ice skating sa Glenelg. Shempre dakilang miron lang ang inyong abang lingkod. Yung hindi nga ako buntis hindi ko kaya e, ngayon pa kaya na may ninja akong dala-dala. Eto talaga yung highlight ng lakad namin e. Naghanap kami ng shop kung saan kami pede maglunch. Ayoko ng fish and chips. Tapos nakita namin yung 'Lord of the Fries'. Lam niyo naman Mumshies na gustung-gusto ko ang fries/chips tapos meron pa silang shoestring cut. Naengganyo din kami doon sa chik n' waffle. So gorabels. Basuraman ordered the chk n' waffle, chicken nuggets kay Miko then Melbourne hotdog sakin plus the fries. Ayos lang naman ang waiting time. May isang family nga na pumasok din sa shop para kumain. Oky naman ang fries. Yung tinapay ng hotdog sandwich ko malambot. Pati hotdog. Aba'y bakit? Tapos nung kinain na ni Basuraman yung chick n' waffle niya e tsaka niya nabasa yung nakapaskil sa labas ng shop. Ang pagkain pala dito ay 100% plant-based. Oo mga Mumshies, VEGAN-friendly ang kainan na itey! Napapala ng hindi binabasa lahat. Kakalerkey. Perstaym. I have nothing against naman sa mga vegan food pero hindi kasi siya para sa amin. You know naman lalo si Miko, karne is life. Buti hindi pansin ni Miko dun sa chicken nuggets niya. Yung texture naman kasi niya e same ng totoong chicken. May something lang sa lasa. Ayun medyo naparami pa yung mustard ni Koyang server/cashier/taga-luto/taga-entertain kaya hindi ko na nakain yung hotdog sandwich ko. Binigay ko na lang kay Basuraman tapos inubos ko na lang lahat ng fries.

Saturday dapat magwowork ako kaso di na ako pinag-work kasi wala na kaming license para sa tool na ginagamit namin sa work. May pasok si Basuraman dapat kaso medyo masama pakiramdam kaya nag-leave. Nanood kami ng Lion King. Paalis pa lang kami ng bahay biglang hinihingal ako. Hindi ko rin alam. Hindi ako makahinga ng maayos. Pero sabi ko kaya ko naman. Pagdating sa Tea Tree Plaza humupa naman ng konti. Kaso pagpasok sa loob, naupo muna ako saglit kasi hinihingal na naman ako. Miya't-miya umuupo ako saglit para magpahinga dahil sa hingal. Noong pauwi na kami sobrang bagal ko na maglakad papuntang parking area kasi yung hingal ko na naman. Pag-uwi nakuha kong humiga kagad.

Sunday nagsimba kami ni Miko sa malapit na church dito sa amin. Walking distance lang pero dahil male-late na kami ni Miko, nagpahatid na kami kay Basuraman. Pagdating sa loob ng church hinihingal na naman si watashi. Tinanggal ko yung poncho ko kasi baka kako naiinitan lang ako. Hinihingal talaga ako. Kahit yung pagsagot sa mga responses hindi ko kayang bigkasin. Bumubuti yung pakiramdam ko kapag umuupo na. Dumating yung point na medyo nakakaramdam na ako ng hilo kaya nagmessage na ako kay Basuraman na sunduin na lang niya kami after the mass.

Babanggitin ko na lang sa next check-up ko yung paghihingal ko na yun. Dati hinihingal ako ng konti pero malala nung Saturday and Sunday.

Nga pala mga Mumshies, nag-email sa akin ng Musashino Red Cross Hospital. Hindi ko inexpect. So we assumed na kinontak sila ng EAJ regarding my request. Ayun na nga need ng hospital dito na magsend ng request sa kanila para makuha yung documents na need ko. Wala talagang may marunong mag-english sa department nila kaya pinakiusapan na lang nila yung isang staff sa kabilang department para matranslate yung email. Nagbigay si Ateng ng Address kung saan pede ipadala yung request of documents. Bale need ko pa inform ang WCH nito para sa sinasabing request na kailangang makuha ng Musashino Red Cross Hospital. Hindi ko nga alam kung tatanungin ko pa ang WCH tutal decided naman na kami na mag-undergo na lang ako ng C-Section. I have next week para tawagan sila.

Yung vision ko ganun pa rin. Di naman nag-worsen pero hindi rin umayos. Sana talaga pregnancy-related siya mga Mumshies and mawawala rin pag nanganak nako. Kakatakot kaya. Feeling ko mabubulag na ako.

Mahal na mahal ka namin anak. Tuwang-tuwa si Ate Miko tuwing natetyempuhan niya yung mga sipa/gulong/suntok/tadyak mo sa tyan ko. Fighting lang tayo ha. Muah muah tsup tsup!

Friday, July 19, 2019

Week 29 (Butternut Pumpkin)

Napansin ko na regular na talaga ang likot ni Pippa. Pero hindi ko na binibilang yung galaw niya. Sabi rin kasi ni Ms. K (the student midwife) na iba-iba kasi ang case ng pagbubuntis ng mga babae. Kaya hindi na nila ginagawa yung kick counter. By this time mararamdaman mo naman na kung ano yung 'pattern' ng movements ni bibi. And sabi niya, if I think there is something odd tumawag kaagad ako sa Women's Assessment Center ng WCH. Hindi daw maganda na maghintay pa ng matagal bago magpa-check-up kasi may mga cases na yung delay na yun pedeng ikapahamak ni bibi.

Tinanong namin yung friend naming Japansese na midiwfe sa Musashino Red Cross Hospital kung paano ko ba makukuha yung birthing records ko sa hospital nung pinanganak ko si Miko. Need kasi ng doctors dito yun para malaman nila kung paano ako manganganak. Ni-refer niya ako sa Emergency Assistance Japan. Bale nagke-cater siya sa overseas persons na nangangailang ng service sa hospitals na nasa Japan. Nabanggit din pala ni J-friend na by 'medical law' sa Japan e a hospital can keep the records for 5 years from her/his last visit sa hospital. E 7 years na ang nakakaraan noong nanganak ako kay Miko. Though hindi rin naman alam ni J-friend kung wala na ba yung records ko kasi wala naman siya access. Nakausap rin ni friend yung chief/head na may hawak ng records and sa tagal niya daw niya dun as chief e never pa siya naka-encounter na may nagrequest ng records from overseas.

Nag-enquire na pala ako sa EAJ (Emergency Assistance Japan) regarding sa documents na kailangan ko noong nanganak ako. Sumagot naman ang EAJ after 2 days yata and nag-inform sila na kailangan ko makipag-communicate sa hospital directly kasi third party sila and hindi sila naghahandle ng ganung case. Grateful naman ako sa response nila and nagbigay pa sila ng advise kung ano ang pede kong gawin. At this point nagdecide na kami ni Basuraman na sabihin sa WCH na hindi ko makukuha yung records ko sa Japan which means na automatic C-Section na ako.

Konti na lang na gamit ang need na bilhin na gamit ni bibi. Kinoconsider ko rin pala na gumamit ng cloth diapers. Meron kasing nagregalo kay Miko noon ng cloth diapers pero hindi naman namin nagamit kasi nung ginamit namin one time, nababad yung likod ni Miko sa wiwi. Mali ko naman hindi ako nagresearch bago namin subukan yung cloth diapers. Sa dami ng basura ngayon sa mundo e ayaw na sana namin dumagdag pa. Sa ganito man lang masimulan namin.

Araw-araw naming dinadalangin na maging malusog at safe ka Pippa. Kahit si Ate Miko mo gabi-gabi nagdarasal para sa'yo. Lagi niyang sinasabi sa akin na sana huwag matulad si bibi gurl sa kanya na maagang ipinanganak. Mahal na mahal ka namin bunso! Mwah mwah tsup tsup!!!

Tuesday, July 16, 2019

Week 28 (Eggplant - ulit?)


Since I am using 2 pregnancy apps para sa comparison ng laki/haba/bigat ni baby weekly base sa mga gulay or prutas kaya naulit na naman yung eggplant. So let's assume na this is a jumbo eggplant.

July 1, 2019 Monday - This day marks the 28th week of Pippa. At nagising ako na may something wrong sa aking vision. (ToT) Yes mga Mumshies. Parang hindi balanced ang paningin ko. So I tried using my left/right eye only. Kapag yung right eye lang gamit ko walang problem. Pero kapag yung left eye ko blurry, medyo may dark area sa left side ng vision ko and biglang parang lumiliit yung mga bagay na nanakikita ko. Like sa phone or sa laptop. Lumiliit yung mga fonts. Kaya kapag sabay ko ginagamit mata ko parang hindi pantay. Parang malabo. Hindi sumasakit yung ulo ko pero napaka-uncomfortable mga Mumshies. Hanggang Thursday ganun pa rin yung left eye ko. Babanggitin ko na lang sa checkup ko ng Friday baka kasi pregnancy related yung paglabo ng left eye ko.

July 3, 2019 Wednesday 8:30AM Schedule ng OGTT ko sa SA Pathology Oakden. Naka-fast ako ng 10hours since last night kaya gutom-gutom na naman si watashi. 9AM yung appointment time ko pero nagpahatid na ako kila Basuraman ng 8:30AM sa hospital kasi nung last time maaga din ako tapos hindi naman nila sinunod yung time. Ayun nga sinabi ko lang na may appointment ako and hindi naman na tinanong yung oras and nagstart naman na yung test. Buti last intake ko ng food noong gabi is 10:30PM. Hindi na ako nagpasama kay Basuraman kasi nga 2 hours yung test. Nagpasundo na lang ako kay Basuraman after the test. Hilong-hilo si watashi sa gutom mga Mumshies.

July 5, 2019 Friday 10:30AM Scan and check-up at MFM of WCH. Start na rin ng school holidays nila Miko kaya kasama namin siya. Medyo nagahol ng time sa pagpa-park kaya nauna na ako at hindi na sila nakasama during the scan. Pero andun naman si Miss K. Yung student midwife na magfo-follow ng pregnancy ko as part of their midwife learning. Confirmed na mga Mumshies. Marunong naman pala siya mag-tagalog. 3 years na siya dito sa Adelaide and she's under student visa. Sa November daw e ga-graduate na siya (bonggey!) Magaan naman loob ko sa kanya. Tsaka ramdam ko na gusto niya talaga yung pagmi-midwife. Ngayon ko nga na-realise na ang gandang support ng isang student midwife sa isang jontis. Nakatulong na sayo at the same time nakakatulong pa dun sa student. As usual kilos ninja na naman si Pippa. Tinanong ulit ako kung meron daw ba akong GD or nag-OGTT na daw ba ako. So I informed Ateng sonographer na I took the test last Wednesday and ngayon ko malalaman yung result during my check-up sa MFM. May transvaginal scan din ako to check my cervix. From 14mm from my last scan, 15mm siya ngayon. Sometimes I tend to worry pag naririnig ko yung numbers pero sabi nga ng doctors and ng sonographer na intact naman yung cerclage and the number means na stable yung size ng cervix. Inassist naman ako ni Ms. K mula sa aking pagbibihis hanggang sa pagtulong na ako ay makabangon. After the scan, mineet namin si Basuraman and Miko and pinakilala ko na si Ms. K. Chika dito, chika doon. Derecho na kami sa MFM for the check-up.

May midwife na dumating to check my BP. Pero si Ms. K na ang nagvolunteer na kumuha. Sinabi rin pala nung midwife yung result ng OGTT ko. Everything is good naman at wala akong Gestational Diabetes. Salamat po ng marami Lord. Okay din ang Vit D , iron and hemoglobin ko. Ididiscuss na lang daw ng thoroughly ng doctor. May mga nauna pa kasi na patients kaya need ko maghintay pa ng konti. Sinabi ng ng midwife na baka gusto muna naming kumain. Magsabi lang daw muna sa receptionist (si Ateng Anita).

Miya-miya tinawag naman na ako. Di na sumama si Basuraman kasi kinda nagkukulit si Miko. Kasama ko naman si Ms. K. Iba na naman yung doctor na na-assign sakin for this check-up. Si Madam Blondie. Hindi ko natandaan name e. Sarena. Bale yung iron level ko pala mga Mumshies e nasa boundary kaya tinanong niya ako kung ano ang diet ko. Like yung intake ko ng red meat and spinach. E sabi ko once a week. Ayun inadvise na mag-take ako ng low dosage ng iron supplement. Kung sinabi ko daw na 3x a week ako nagre-read meat and everyday ako lumalafang ng spinach e wala daw problem. Dapat idi-discuss na today yung sa birthing plan ko kaso tinanong nila ako kung makukuha ko daw ba yung birthing record ko kay Miko nun sa Japan. Sabi ko within that week malalaman ko kasi meron na akong kinontak. Nakasalalay kasi sa records ko kung magkakaroon ba ako ng choice na mag-VBAC (Vaginal Birth After Caesarean). So next time na lang which is a month after (August 2). Wala na rin akong scan sa next check-up ko. Binanggit ko nga pala yung nangyayari sa left eye ko. Chineck naman niya and may mga questions siya sakin. Tapos sinabi niya tatawagan niya yung boss niya to consult kung ano ang dapat gawin. Possible daw na meron akong 'floaters' and common daw siya sa pregnancy. Habang tinatawagan niya ang boss niya e sinabihan niya si Ms. K na kunin yung measurements na need niya para dun sa chart niya.

After a few minutes kinausap na ulit kami ni Madam Blondie. Inadvise na magpatingin ako sa optometrist para macheck talaga kung bakit ganun yung vision ko. Pero if biglang mag-iba daw ang vision ko to the point na nabubunggo na ako e pumunta daw ako directly sa ER ng Lyell Mcewin Hospital. Doon kasi may eye specialist and birthing hospital din siya.

After naming magpaalaman ni Ms. K ay derecho na kami sa OPSM na malapit sa amin para magpa-check ng mata. May record na kasi ako doon. Baka sakali na may available na slot for check-up. Kaso waley. 9:30AM and 11:30 AM ng Saturday meron. Yung 9:30AM na kinuha kong appointment time. Binanggit ko na rin kung ano yung ipapacheck ko which is my left eye.

Left eye scan ni watashi with swelling.
July 6, 2019 Saturday 9:31AM Oo mga Mumshies na-late ako ng 1 minute. Halos tumakbo ako from parking lot hanggang dun sa shop. (Shempre hindi naman ako tumakbo kasi baka madulas ako at hindi ko kayang tumakbo sa kalagayan ko.). Buti na lang may nauna sa aking appointment kaya hindi pa ready yung optometrist nung dumating ako.

Ayun na nga chineck na ni Kuyang O ang aking mga mata. I even asked kung need ko na ba magpapalit ng prescription glasses. Ini-scan din yung mata ko (which is hindi covered ng Medicare kaya need ko siya bayaran) para makita kung meron bang bleeding or kung ano ang condition ng back ng mata ko. And nakita nga na merong swelling sa left eye ko. Which is yung reason kung bakit blurred ang paningin ng kaliwang mata ko. Other than that yun lang yung nakita ni Kuyang O. Hindi naman niya ako mabigyan ng eye drops dahil nga pregnant ako. Tinanong ko kung ano ang pede kong gawin. Rest. Tanging rest at wala ng iba. Sabi niya, in time mawawala rin daw yun. He also thinks na hindi rin naman maco-correct ng prescription glasses yung vision ko lalo at possible na mabago siya pagkatapos ko manganak. Pero pinababalik niya ako after 3 weeks para mamonitor yung left eye ko. Pero in case na biglang magbago yung vision ko like kung magkaroon ng distortion e bumalik daw ako kagad sa kanya.

Yan ang kaganapan sa buhay namin ni bibi gurl para sa linggong ito. Kahit naman ano ang mangyari sa akin kakayanin ko as long as safe and healthy si Pippa. (Sinabi ko pa kay Basuraman na binubulag na yata ako ng anak niya. Hindi ko naman kasi na-experience ito kay Miko.)

Fighting lang tayo anak! Kayanin natin sana ang full term. Pero kung ano ang plano and will ni Lord siyempre doon tayo. ^_^ Welabyuberimatchi bibi gurl!


Thursday, July 4, 2019

Week 27 (Cauliflower)

Winter na talaga mga Mumshies kasi naman mga 3-4 layers na ang damit ko. Kung kilala niyo ako e napakahina ko sa lamig sa totoo lang. Nagstart yata yun after ko manganak. Mga 50% ng body heat ko napunta kay Miko. Kaya tipong autumn pa lang or spring na e winter level pa rin ang lamig na nararamdaman ko. Kaya nga medyo kinakabahan ako paglabas ni Pippa e. Baka wala ng matirang init sa katawan ko hehe.

This week pala we have decided to have a midwife student follow my pregnancy. Actually nakita ko na siya sa brochures na binigay ng WCH. Tapos may nakita ako sa page ng Filipino group sa Adelaide na naghahanap ng Filipina na jontis na 28 weeks or less or naka-due manganak sa November or earlier. E di pasok sa banga si watashi. Pero it took me 2 weeks bago kontakin si Ate Student. Hindi kasi ako sure kung kaya ko ba mag-commit. Arte lungs. Anyways, feeling ko naman makakatulong sa amin na Filipina yung student midwife na titingin sa pregnancy ko (though hindi ko siya personally kakilala and hindi ko pa siya nami-meet) and at the same time makakatulong kami sa kanya sa pag-aaral niya. 


Ayun mabilis naman nagreply si Ateng SM and tanong-tanong ng konti. Siyempre in english mga Mumshies. Nagtry ako mag-insert ng 1 Filipino/Tagalog sentence sa convo namin kaso hindi nagpatinag si Ateng. I just assumed either need na in full English talaga convo namin for documentation niya sa school or hindi na marunong mag-Tagalog/Filipino si Ateng kasi dito na siya lumaki at nag-aral. Plano ko siya tanungin pag nagkita na kami. Shempre mga Mumshies iba pa rin yung in Tagalog mo kausap ang isang tao. No pressure. Hindi nakakasakit ng bangs. 

Nakapagpa-schedule na ako ng aking OGTT next week. Fasting na naman itey mga Mumshies. Meron na namang jontis na magugutom ng bongga. Buti na lang napa-sched ko siya ng Wednesday (July3) para pagdating ng Friday (check-up ko sa WCH) meron ng resulta. Please pray for us na sana negative naman ako sa Gestational Diabetes. Sabi kasi ni Ateng Sonographer last time na kinda malaki si Pippa kaya may possibility daw na may GD ako. Nakaka-guilty lang talaga kasi ang hilig ko pa mandin kumain ng matatamis. Pero I'm parying na maging okay naman lahat ng test and scan ko next week.

Si bibi gurl patuloy pa rin sa pag-ikot at sa pagte-training niya sa pagiging isang ninja. Tapos kapag irerecord ko na sa phone ko yung movements niya e bigla na lang hihinto. Para bang nasesense niya na may kumukuha ng video niya kaya hindi muna siya magpaparamdam. Wais din noh? Pero pansin ko mga Mumshies kapag magalaw ako or marami akong ginagawa, hindi ko siya nararamdaman gumalaw. Nakaka-praning lang mga Mumshies. Kasi at this point of my pregnancy e dapat daw mino-monitor na yung paggalaw ni bibi. Dapat alam mo na yung pattern. Kasi kapag naiba yung pattern e sign daw yun na there's something wrong. E shempre hindi naman pede na naka-upo or nakahiga lang ako maghapon magdamag para mamonitor ko paggalaw niya. Kailangan nating kumayod para sa ekonomiya di ba?

Grabe konting kembot na lang malapit nako manganak. Ambilis ng panahon! Parang kahapon lang hindi ako makakain dahil sa morning sickness. Ngayon e kung magutom ako akala mo 10 bata ang nasa sinapupunan ko hehe. Be healthy lang anak. Tapusin natin ang full term bago ka lumabas ha. Huwag ka naman magmadali. Walang extra points kapag nagpasa ng maaga ng papers. Fighting!

Tuesday, June 25, 2019

Week 26 (Red Cabbage)

Unti-unti na pala kaming namimili ng gamit ni bibi gurl Pippa. Shempre doon tayo sa mga naka-sale kaya hiwa-hiwalay ang bili namin. Sakto naman EOFY (End of Financial Year) dito kaya maraming naka-sale.

Sabi ko nga kay Basuraman, parang mas patok kung ngayon naganap yung Preganancy Expo dito sa Adelaide kasi panigurado andami naming nabili. Lahat kasi ng kailangan namin andun. From furnitures and clothings to bottles and baby accessories. Noong time kasi na andito sila e ilang weeks pa lang naman ako noon kaya hindi pa namin feel mamili. Mukha nga lang akong busog noon e hindi jontis.

Sana sipagin na akong gawin yung list ni Pippa. Ang hirap ng working mum na jontis ha!

June 21, 2019 Friday - 11AM appointment ko sa MFM. Wala munang scan this time. Habang kinukuhanan ako ng BP ni ateng midwife e binanggit ko na rin sa kanya yung discharge ko. Para kasing bumabalik yung itsura and amoy niya noong nagkaroon ako ng infection. So I'm kinda worried na nag-recur nga and baka need ko na naman magtake ng antibiotics. Ang doctor na tumingin sakin this time is si Ateng Ube. Yam kasi apelyido niya. ^_^ Isa rin siya sa mga doctors ng Maternal and Fetal Medicine (MFM). Asian si ateng and maganda ang aura niya. Banggitin ko lang na ang mga doctors dito approachable (sa mga naging experience ko). Sila ang nagtatawag ng pasyente nila then pauunahin kang makapasok at makaupo sa room/cubicle nila. Hindi katulad sa Pinas na yung iba (ayan ha hindi ko nilalahat) feeling high and mighty. Bawal makanti ganyan. And again when it comes to appointments, hindi man nasusunod impunto yung oras na nakasaad e hindi naman aabot ng 4 na oras yung paghihintay. Naalala ko lang yung experience ng kapatid at nanay ko recently. Walang appointment time pero may number. O sige. Pero susmiomarimar. Imagine 4 hours sila naghintay. Pagkatapos may pasisingitin pang kamag-anak. Harujosko! Kung masama na pakiramdam mo kaya ka magpapa-checkup e lalong sasama ang nararamdaman mo sa paghihintay.


Tanong-tanong lang naman si Ateng Ube tapos ayun nga nasabi na nung Ateng Midwife yung concern ko sa discharge ko kaya pinagswab niya ko. Akala ko nga speculum exam na naman e. Buti na lang ako lang yung mag-swab sa sarili ko. Tawagan na lang daw ako kung need akong resetahan if may makita na infection dun sa swab test. Binigyan na rin ako ni Ateng Ube ng referral for my OGTT exam at 28 weeks. Ipagdasal niyo nga mga Mumshies and everyone na wala naman akong Gestational Diabetes kasi kinda anlakas ko lang talaga kumain ng matatamis. Ever since the world began. Kailangan ko magpa-sched nung test before my next scan and check-up sa July 5.

I took the day off and nagwork na lang ako during the weekend. Masuwerte talaga ako kasi work from home ako habang jontis si watashi. And work means sweldo kaya nakakatuong ako sa mga bills at pambayad ng mga binibili naming gamit ngayon para kay bibi gurl. Thank you Lord!

Mahal na mahal kita anak. 

Monday, June 24, 2019

Week 25 (Swede)

Huwag niyo akong tanungin kung ano yung swede. Mukha siyang gulay. Tinatamad ang jontis na mag-search. (Nagkamali ako last week. Ito yung veggie na nailagay ko e pang-25th week pala siya. Sarena.)

Excited na si watashi this week kasi babalik na ang mag-ama ko from their vacation. Ambilis lang ng 3 weeks. Nakakainggit man e ayos lang na hindi ako umuwi. Sa kalagayan ko ngayon diko alam kung anng mangyayari sakin kasi ang jinit at anlagkit sa Pinas nung umuwi sila Basuraman. As in kada video call namin laging bukambibig ni Basuraman na ang init at parang nalulusaw daw siya.

Constant naman si bibi sa pagiging ninja. Sipa dito, suntok doon. Tambling dito, gulong doon. At dahil hindi ko kasama or katabi si Basuraman na matulog, late madalas ang pagtulog ko. Actually inconsistent. Madalas kasi hinihintay ko sila na mag-online bago ako matulog which is madalas around 11PM dito. Or minsan naman after dinner makakatulog ako ng 7:30PM tapos magigising ako ng 2AM and halos 4AM nako makakatulog ulit. Then bangon ng 7AM para magtrabaho. May point na nahilo ako ng slight dahil sa timing ng oras ng tulog ko.

Masakit lang talaga kapag biglang umaatake yung sciatic nerve pain ko o yung tinatawag kong pamumulikat ng puwet. Kasi biglang hindi ko kayang maglakad. Walang halong eklavoo mga Mumshies. Kailangan kong huminto ng ilang minutes hanggang sa mawala na lang siya.

Keep going strong Pippa. Welabyuberimatchi!

P.S. Mahirap bumangon from an airbed kapag jontis ka at malaki na ang tyan mo. The struggle is real.

Wednesday, June 12, 2019

Week 24 (Corn)

June 5, 2019 - Ultrasound scan at 3PM then check-up after sa MFM. Supposedly, magco-commute lang ako bilang wala kasi si Basuraman pero nagdecide ang aking foster parents (kumukupkop sakin habang wala ang aking mag-ama) na samahan ako sa aking check-up.

Inabot din ako ng 40mins sa scan kasi naman ang aming mabait na si Pippa e napakalikot. Hirap na hirap tuloy si Ateng Sonographer sa pagkuha ng pics sa scan. Natawag tuloy si Pippa na naughty. First time kong tumagilid sa scan kasi nga para lang makita ng maayos ni Ateng si bibi sa scan. Tapos nabanggit niya pala na "above average" daw si baby in terms of size. Tinanong niya ako kung noong 20-week scan ba ay nabanggit sakin na above average si bibi. Sabi ko wala naman silang nasabi sakin. Tinanong din niya ako kung meron daw ako history ng Gestational Diabetes (GD). Sabi ko naman wala. Lumalabas kasi sa scan na nasa above average area ang size ni Pippa. Pero sinabi ni Ateng na baka daw chubby lang si bibi. Aba aba aba. Hindi pa lumalabas si bibi eh nasabihan na ng chubby.

Next is  transvaginal scan para macheck naman ang aking cervix pati na rin yung stitch. Wala naman siyang comment so I'm hoping na wala naman problem. After that derecho nako sa MFM.

Habang naghihintay chineck ni Lola Midwife ang aking blood pressure. Tapos tinanong na din niya ako kung meron na akong flu shot and whooping cough vaccine. Meron na kako akong flu vaccine pero yung whooping cough wala pa. Nga pala yung basa ko sa 'whooping' e WU-PING. Pero ang bigkas nila dito e HU-PING. Inadvise ni Lola na magpalagay na ako kasi nabago na yung rule ngayon na instead of 28 weeks puwede ng magpalagay from 20 weeks. Tinanong ko siya kung pede nako magpalagay habang naghihintay sa doctor kaso naabutan ako ng cut-off kaya next appointment ko na lang. Kinda matagal-tagal rin ako naghintay. Buti na lang katabi lang ng MFM yung cafe kaya hindi nainip ang aking foster parents.

Akala ko si Ateng Amanda ang titingin sakin. But I was wrong. Isa sa mga doctors sa MFM. Si Kuya Asian ang tumawag sakin. After ko nga e pauwi na siya kaya hindi na niya naayos yung sched ng next appointment ko. Tatawagan na lang daw ako ni Anita (si Ate sa Reception desk) para sa time and dates. Sabi ni Kuya stable naman daw yung size ng cervix ko ngayon. though in terms of numbers/measurement lumiit siya (from 16mm to 14mm). Hindi naman daw ibig sabihin na nag-shorten ito but it means stable siya. Tinanong ko rin if kailangan ko ulit ng swab test  kasi natapos ko na yung pagtake ko ng antibiotics. Kasi yun yung sinabi ni Ateng Amanda. Sabi naman niya hindi naman na kailangan kasi nga nakapagtake na ako ng medicine. Kinda worried ako sa part na yun kasi how will I know kung gumaling ba talaga yung infection. Paano kung nag-recur pala. Sana si Ateng Amanda yung makausap ko next time. Binanggit ko rin yung sinabi ni Ateng Sonographer na above average ang size ni Pippa. Sabi naman ni Kuya A hindi naman daw niya masasabi na above average. Nasa borderline pero they will monitor naman daw. Usually daw kasi pag second pregnancy malaki si bibi. So parang hindi pa naman concern at this point yung size ni Pippa kasi ako pa ang nag-raise sa kanya nung issue.

The next day mega-hintay naman ako maghapon para sa tawag nila. Siyempre ayoko ma-miss kasi kung hindi ako pa tatawag sa kanila. Ayun wala tumawag. Feeling ko hindi naman siya urgent so baka sa ibang araw na nila ako tawagan. Friday afternoon tumawag si Ateng Anita and naka-sched ako sa June 21 and July 5.

This week kahit wala sila Basuraman and Miko hindi pa rin ako nakakatulog ng maaga. Actually late pa nga. Same ng time na paguwi ni Basuraman from work. Sulit na sulit ang work sakin kasi lagpas-lagpas ako sa oras. After kasi ng dinner magwowork pako kasi wala naman ako gagawin. Ayoko rin mahiga kagad kasi ibig sabihin makakatulog kagad ako then bigla na lang ako magigising ng madaling araw then hindi nako makakatulog kagad. E kailangan ko bumangon ng 7am para magwork na. Nagi-guilty nga ako kasi dapat I have to sleep early or get enough sleep as much as possible.

The best feeling right now na preggy ako? Yung mga galaw ni Pippa. Totoo talaga yung sabi nila na puwede kang mainlove sa isang tao na hindi mo pa nakikita or nami-meet. ^_^ Mahal na mahal ka namin bunso!


Sunday, June 2, 2019

Week 23 (Mango)

Nasa Pinas ngayon si Basuraman and Miko for a 3-week vacation. Dapat kasama ako kaso najontis mey. Actually hindi na namin ipinagpaalam sa OB kung pwede ba ako magtravel. Ako/Kami na mismo yung nagdecide na huwag na ako magtravel lalo at nag-undergo ako ng procedure and yung chances na bigla na lang akong manganak. Better be safe than sorry.

I received good news this week. I wasn't really expecting this good news. Nang dahil sa utang hehe. So Basuraman and I decided to take a loan to purchase something. So need na i-verify yung work details ko. I told them kasi na naka-open contract ako now. Meaning I am working with the company as needed. So kapag tapos na ang project waley na rin ako work. Ayun biglang nag-email si company na tumawag nga si loan sa kanila and okay lang ba na i-discuss yung contract details ko. Ayun na nga mga Mumshies. Binigyan ako ng 12-month fixed term contract ni company at sabihan ko daw si loan na processing na yung contract. Bonggey! Thank you Lord! ^_^

May 31, 2019 - Last day ng pagtake ko ng antibiotics (10 days). Hopefully maging maayos yung magiging result ng swab test ko sa Wednesday (June 5).

June 1, 2019 Saturday - First time kong naramdaman si bibi na gumalaw sa right side ko. Mukhang nag-iiba na ng position si Pippa. Oo mga Mumshies, may fetus name si bibi girl. Parang sa mga koreanovela lang. Pero iba ang name na naisip namin ni Basuraman paglabas ni Pippa. Secret na lang muna. Pippa, hindi dahil kapangalan niya yung kapatid ni Kate Middleton pero dahil year of the pig ngayon kaya Pippa. Pippa Peg! ^0^ Puwede na kayo tumawa. 

I have been sleeping late this week. And sobra sobra yung time ng pagwowork ko. Kasi sa ibang bahay naman ako natutulog kaya wala naman ako iba ginagawa after dinner. Tinatamad naman ako manood ng tv kasi wala naman si Basuraman. Kaya magwowork na lang ako hanggang antukin. Parang hinihintay ko yung time na darating na si Basuraman galing work which is around quarter  past 11 PM. Pero naalala ko kay Miko never yata ako nagpuyat. Nagwowork din ako nun pero strictly 8hrs lang. Walang overtime kasi ayoko nga ma-stress. Siguro kasi nga first baby namin. Naku huwag naman sana magtampo si Pippa.

Siguro this week maglilista na ako ng mga dapat naming bilhing gamit. May pailan-ilan naman ng gamit si bibi. May bigay at may nabili kami kasi sale. May plano kasi kaming lumipat ng bahay kaya plano namin na makalipat na muna bago kami mamili at least hindi na namin bitbit pa papuntang bagong bahay yung mga pinamili namin.

Tapos hindi pala ako nanalo sa home lottery. Sayang yung bagong bahay plus 1 million dollars na cash. Sabi kasi nila suwerte daw ang mga jontis. ( Asa :P )

Mahal na mahal ka namin ni Daddy and Ate Miko mo bibi. Patuloy lang tayo sa pagkapit at nawa'y maayos ka lang jan sa loob ng aking sinapupunan. Fighting!

Wednesday, May 29, 2019

Week 22 (Eggplant)

According to Pregnancy + app nga din pala, e kasinglaki na ng isang Maltese puppy si bibi. ^_^ So para na akong may tuta sa loob ng aking tyan. And this week naramdaman na ni Basuraman na gumagalaw si bibi. Usually pag sinasabi ko kasi na gumagalaw si bibi, susubukan hawakan ni Basuraman yung tiyan ko pero wala naman siya naramdaman. So internal lang talaga. Pero this time nalakas ang galaw ni bibi kaya natyempuhan niya na habang hawak ang tyan ko e nagtambling yata ng bongga si bibi. Nagpakitang gilas yata. Pero pansin ko once na humawak na si Basuraman sa tyan ko, dumadalang paggalaw niya. Nararamdaman kaya niya na may ibang tao na nakikihawak sa tyan ng nanay niya?

May 21, 2019 - Two weeks after my cerclage procedure. 12:30PM appointment para sa scan to check the stitch. Kasama namin si Miko kasi hindi pumasok dahil sa sipon at ubo. Actually Monday pa lang naghalf day na siya sa school kasi tumawag ang school office at hindi na daw maganda ang pakiramdam ni Miko. We decided to bring her home early kesa makahawa pa sa school. During this time sa ibang kwarto nako natutulog kasi baka mahawa ako kay Miko. I know si Miko dapat ang humiwalay kaso naman ang dakilang bata laging lumilipat sa higaan namin. So I decided na ako na lang ang hihiwalay. Start na rin kami mag-honey lemon drink ni Basuraman kasi nagstart na sumakit lalamunan namin.

Sabi naman ni Ateng Sonographer e the stitch looks fine. Medyo nahihirapan pa nga ako kay Ateng kasi may kasama siyang trainee/new employee (yata) so hindi ko alam minsan kung ako ba or si koyang ang kausap niya.

After the scan derecho na kami sa MFM para sa check ni Ateng Amanda. According to Ateng Amanda the stitch looks good naman  and after two weeks iche-check ulit siya. Tapos nakita nga niya na nagkaroon ako ng Gyne appointment noong Friday and pati yung swab test. Sinabi ko sa kanya na I confimed naman the hospital kung kailangan ko siya kasi nagchange na nga yung circumstances ng pregnancy ko. Need pa rin daw so go naman si watashi. Thankfully I had the Gyne appointment kasi the swab test showed na meron akong infection. Eversince nagstart ako magtake ng progesterone meds for my cervix ay nagkaroon nako ng discharge. According to Ateng Amanda is side effect siya sa pagtake ko ng progesterone sa pagkakakaalala ko. Actually hindi naman talaga siya bacterial infection kundi yung balance ng bacteria in my vajayjay is not balanced. Kumbaga mas marami yung bad bacteria versus good bacteria. Parang sa cholesterol. I think they call it bacterial vaginosis. So niresetahan niya ako ng antibiotics to take kasi it needs to be treated. Sa June 5 ang next check-up ko (2 weeks after). I just hope by that time nagwork na yung antibiotics and wala na yung infection.

Right now I am taking Elevit (pregnancy supplement), Vitamin D (last dosage ko na this month. bale 4 months ako nagtake), progesterone (for my cervix) and antibiotics (for my bacterial vaginosis).  Minsan naiisip ko na baka mapano si bibi sa mga tinetake ko na gamot. Pero I just have to remind myself na the doctor won't be giving those meds if she thinks it will badly affect bibi. And above all, I am raising everything to God. I believe na hindi Niya kami pababayaan lalo na si bibi. ^_^

We love you so much bibi gurl! Grow healthy sa tummy ni Mummy ha. Okay lang kahit gawin mong punching/kicking bag ang tyan ko basta ba alam kong nasa mabuti kang kalagayan. Fighting!

Friday, May 24, 2019

Week 21 (Cantaloupe/Cucumber)

Consistent na yung movements na nararamdaman ko kay bibi. Usually sa bandang puson kasi  during this time andun yung position ng paa ni bibi. Minsan nagugulat pako pag napapalakas ang galaw ni bibi. Hindi naman masakit pero nakakagulat lang na may nararamdaman kang gumagalaw sa loob ng tyan mo. I just love this feeling. Yung movements ni bibi. Kung pede ko lang i-record yung ganitong feeling para pagdating ng panahon pewede ko siyang balik-balikan.

May 17, 2019 - Scheduled appointment ko sa isang gynecologist. Actually a day before the appointment tumawag nako sa WCH kung need ko pa ba pumunta sa appointment na yun kasi nga since nagbago na yung circumstances ng pagbubuntis ko (like na-cancel na yung regular appointment ko sa antenatal doctor kasi nalipat nako sa MFM - Maternal Fetal Medicine). Iba daw kasi yung sa gyne so need ko talaga siya puntahan. E di nagpunta naman ako. Masunurin akong nilalang. Sabi ko kay Basuraman magco-commute na lang ako tutal accessible by bus naman yung hospital and yung time ng appointment ko kasi is alanganin. Sabay sa pagsundo kay Miko. Sayang naman pambayad sa OSCH e pakiramdam ko naman hindi ako magtatagal sa appointment na yun.

1:45PM - nasa bus stop nako malapit sa hospital. 2:30PM ang appointment ko. Buti mabagal ako maglakad kaya 2PM nako nakarating sa Women's Outpatient ng WCH (kahit in less than 5 mins mo pedeng lakarin yung papuntang hospital). Hintay hintay ulit. Tapos tinawag nako ni Lolo gyne. Oo lalaki ang gynecologist na hindi ko inexpect. Though hindi naman ako maselan pagdating sa ganitong bagay pero shempre preferred ko pa rin na babae sana. Anyways, yung appointment pala is tungkol sa possible na existence ng polyps sa aking cervix or placenta or kung saan man siya pede ma-exist sa loob ng tyan ko. Kung nasusundan niyo ang pagbubuntis serye ko kay bibi number 2 e nagkaroon ako ng heavy bleeding during my 9 ~ 11 weeks of pregnancy na kinailangan namin magpunta sa emergency dept ng hospital sa takot na baka nawala na si bibi. Isang probable cause nun is yung pagkakaroon ng polyps which is nangyari na sakin before kay Miko.

Gusto lang masigurado ni Lolo Gyne kung meron ba akong polyps anywher sa loob ng tyan ko para masiguro nila na hindi ito gagalawin. Nabanggit din ni Lolo Gyne na possible daw na maging cause ito ng miscarriage. Edi ayun na nga. Need ng speculum test para macheck ang cervix ko kung meron ba mey polyps. Bukaka na naman si watashi. Pero tumawag si Lolo Gyne ng midwife para i-assisst siya. I think standard procedure nila na kapag lalaki ang doctor or sonographer is kailangan ng female 'chaperone' para nga naman may witness sila sa gagawin nilang test/procedure.

Sabi ni Lolo Gyne wala naman daw siyang nakita na polyps pero meron daw akong discharge which is napansin ko na simula noong nagstart ako magtake ng progesterone meds para sa cervix ko. He took a swab para ma-check. Luckily may appointment ako next week May 21 kay Ateng Amanda so by that time malalaman ko yung result ng swab test. Nung tinanong ko si Lolo Gyne kung same ba ang fibroid at polyps e inexplain naman niya sa akin ng mabuti with visuals pa. Alam niyo yung 3D figure ng female reproductive system meron siya nun. Magaan siyang kausap.

3PM - Nasa bus stop na ulit ako. Hindi na ako nagpasundo kay Basuraman kasi hinihintay na niya si Miko na makalabas ng school. At ayoko rin namang maghintay pa ng matagal sa hospital. Hintayin ko na lang siya sa bus stop na malapit sa amin tapos doon niya ako sunduin. Buti na lang di naman kalayuan yung mga bus stops sa hospital. Kaso yung unang bus na dapat sasakyan ko hindi huminto. Kumaway naman ako. Sabi ni Basuraman baka daw hindi ako napansin. Sa laki ko ba naman na ito.

Katulad nga ng nabanggit ko next Tuesday (May 21) e yung next checkup ko kay Ateng Amanda. Two weeks after my cervical cerclage procedure. Praying na everything is still okay and at the same time ayos din sana si baby.

Pwedeng mag-request? Sa nagbabasa ngayon ng enrty na ito, kung puwede sana pakisama kami ni bibi sa panalangin mo. Kung puwede lang naman. And we will also pray na pagpalain ka rin. Let's pray for each other. ^_^

Thursday, May 23, 2019

Week 20 (Banana)

May 6, 2019: Around 9:30AM, habang naggo-grocery sa Asian store, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang private number. Usually hindi ako sumasagot ng call na hindi ko kilala ang number pero dahil nga sinabihan ako na baka tawagan ako ng MFMS (Maternal and Fetal Medicine Service) ng Women's and Children's Hospital (WCH) e sinagot ko yung call. Buti na lang. Nakausap ko si Amanda and tinanong niya ako kung pede daw ba ako pumunta sa hospital that day around 2PM para macheck ako. We believe urgent siya kaya hindi na kami nagpa-resched and sinabi namin na pupunta kami on the said time. Buti medyo maaga pa kaya nakapagpaalam pa si Basuraman na hindi siya makakapasok. Tumawag na rin ako sa school ni Miko para ipasok siya sa OSHC (Out of School Hours Care). kasi hindi namin kung anong oras matatapos yung checkup.

1:45PM - Mag-isa ko ng pumunta sa MFMS ng WCH kasi naghahanap pa ng parking area si Basuraman. Kahit mahina ako sa direction e nakita ko naman siya kagad. Bale pinapunta muna ako ng receptionist sa digital imaging centre para sa scan tapos tsaka ako babalik sa Doctor.

Si Ateng sonographer na yata ang pinaka-lively at pinakamdaldal na sonographer na nameet ko. Nagpasabi naman siya na madaldal siya and she won't stop talking. Nakakatuwa lang yung mga comments niya while checking baby. She also did transvaginal scan to check my cervix and to confirm yung length niya based sa ginawang scan sakin last week. Medyo hirap lang si watashi sa pagtayo at paghiga kasi nga masakit pa rin yung kaliwang tuhod ko. Bumalik na kami sa MFMS para makausap yung doktor pagkatapos ng scan ko.

Sobrang antok ko mga mumshies habang naghihintay sa doktor. E tutal andun naman si Basuraman e umidlip ako habang naka-upo. Huwag kayong mag-alala kasi na-master ko na ang pagtulog habang naka-upo hehe. Kaso bigla akong ginising ni Basuraman kasi daw para akong napo-possess. Malay ko na ganun pala nangyayari habang ako'y nakatulog ng naka-upo.

4PM - Finally Ariel happened to me (I know anluma na nung commercial.) at tinawag na kami ng doktor. Ayun inexplain samin ni Ateng Amanda yung sa short cervix ko and kung ano ang pwede nila gawin. Nakapag-basa-basa naman na ako sa internet  regarding short cervix so may idea na ako. Bale hindi daw enough mga mumshies yung progesterone meds na iniinom ko. Need ko mag-undergo ng isang procedure called cervical cerclage. Bale maglalagay sila ng stitch sa cervix ko para to make sure na hindi kagad lalabas si bibi. Mga mumshies half-way pa lang ako sa aking pagbubuntis. Inexplain rin niya sa amin yung risks nung procedure. Tapos biglang sabi niya mga Mumshies na better na mai-admit nako that night para sa operation kinabukasan.

Like mga 14.34 seconds yata ako napatulala kasi hindi ko inexpect na ora mismo na dapat gawin yung procedure. Like cheka cheka cheka, tama ba rinig ko? Ayun na nga sinabi ni Ateng Amanda na ito na yung best time to do the procedure kasi baka daw if patagalin pa eh hindi natin alam baka bigla na lang bumuka ang cervix ko. Since 20 weeks pa lang si bibi e hindi siya makakasurvive kung bigla siya lumabas. Tinanong na namin what time need namin bumalik ng hospital. As soon as possible daw. After ko pirmahan mga need na papers umuwi na kami ni Basuraman to prepare my things. Pero nasa elevator pa lang may na-receive akong tawag. 8:30PM pa daw magiging available yung room kaya no need to rush. Pede naman daw kami pumunta ng maaga pero maghihintay pa rin kami. Buti na lang nasabihan kagad ako. Makakapag-shower pa ako then dinner pa kami plus makakapag-ayos ng gamit. Si Miko naman during that time e na kila Madam and we are planning to leave Miko ulit pag ihahatid nako ni Basuraman sa hospital kasi baka what time na siya makauwi. May pasok pa kasi si Miko sa school kinabukasan.

8PM - Nasa hospital na kami ni Basuraman. Waiting na lang na matawag for admission.  Nasa Women's Assessment Service kami kaya andaming ganap. Naintindihan namin kung bakit kailangan namain maghintay kasi for sure mas may emergency cases silang inaasikaso. Past 9PM na yata ako natawag.

Waiting game ulit sa isang room kasi need muna ako i-speculum test bago umakyat sa kwarto ko. Hindi na ako nahintay ni Basuraman na madala sa kwarto kasi mag-10pm na at wala pa yung doctor na titingin sakin. E kailangan pa niyang kunin si Miko mula kila Madam. So sabi ko umuwi na siya kasi carry ko naman mag-isa. Hindi ko na rin siya prinessure na pumunta ng hospital during the procedure kasi wala naman siyang gagawin kundi maghintay. Around 8:30AM yung procedure. During that time inaaayos na niya si Miko para pumasok sa school. I-message ko na lang siya kapag tapos na yung procedure.

Past 10PM na dumating si Ateng Shine. Kung nasusundan niyo itong pregnancy journey ko with bibi #2, si Ateng Shine yung isang OB na tumingin sakin noong nagpunta ako sa hospital because of bleeding. Naalala naman niya ako. After the speculum test hintay ulit si watashi ng magdadala sakin sa 1st floor para sa aking kwarto.

11PM - Finally Ariel happened na ulit at nakapagsettle na ako sa aking kwarto. May ka-share ako sa room pero may divider naman kaya hindi ko siya nakikita. May sariling toilet and shower area yung room. Mga past 12PM nako nakatulog kasi namahay pako (kunwari haha) at tsaka ang ingay ni room mate. Walang earphones kaya rinig na rinig ko yung pinapanood/pinapakinggan niya.

May 7, 2019 - Fasting nga pala ako since 12MN. 5AM gising nako. Till 6AM ang last inom ko ng tubig. Around 7:30AM dumating si Ateng Amanda. Pinuntahan niya ako para kumustahin and para inform ako na kung magiging available kagad ang theater ay masasalang na ako by 8:30AM. Buti na lang maaga ako nagising at naayos ko na kagad ang sarili ko. Binigyan nako ng gown na pang-sagala este na susuotin ko during the procedure. Yung lawit puwit. Sakto naman nakaayos nako nung dumating na si Koyang Annie (anesthesiologist). Inexplain niya sakin hindi naman need na full anesthesia ang gagawin sakin kasi hindi naman bubulatlatin ang tyan ko. so kalahati lang. from waist pababa. Pinapirma na rin niya ako ng papers. Huwag mag-alala mga Mumshies na-explain naman sa akin lahat bago ako pumirma. Miya-miya from my room dinala na ako papuntang third floor yata yun kung hindi ako nagkakamali papuntang theater. Nagworry pa nga ako mga Mumshies kasi inisip ko kung saan ko iiwan yung tsinelas ko. Yun pala hihiga na ako sa bed ko then tsaka nila ako dadalhin papunta kung saan man gaganapin ang procedure. Toinks lang.

8:40AM - I was admitted in the theater to start my cervical cerclage operation. Nalula lang ako sa laki ng room tapos andaming tao. Naalala ko lang kasi nooon kay Miko na anliit lang ng OR tapos 4 lang yata yung nasa loob nun. Si Koyang Annie ang chumichika sa akin habang ginagawa ang procedure. The procedure lasted for about an hour. Masaya naman si Ateng Amanda at successful yung ginawa nilang cerclage. From theater dinala na ako sa recovery room. After 30minutes of monitoring ibinalik na nila ako sa room ko.

Ateng Midwife: Do you feel nauseous or light-headed? Do you feel like vomiting? They are some of the effects of the anesthesia.
Me: I am just so hungry right now. ^_^


10:30AM - Hinanapan ako ni Ateng Midwife ng makakain sa kitchen. 12:30 pa daw kasi magse-serve ng lunch. Nakakatuwa nga siya kasi siya pa naglagay ng jam and butter sa toast ko. Naintindihan naman nila na gutom na gutom nako kasi naman 10:30AM na. Ang huling kain ko is 7:30PM last night.

By this time numb pa ng konti yung puwet ko and vajayjay ko. As in di ko siya maramdaman. Nakakatakot din pala yung ganung feeling mga Mumshies. Naisip ko tuloy yung mga paralisado. Pano pa yung nararamdaman nila knowing na forever na nilang di mararamdaman yung parte na yun ng katawan nila.

4PM - Pagkasundo sa school ni Miko sa school dumerecho na sila sa hospital ni Basuraman para dalawin ako. Hapon ko na sila pinapunta para masabayan nila ako magdinner then tsaka sila uuwi after.

Continuous monitoring then mineasure din yung amount ng wiwi ko after the procedure and tanggalin yung catheter. Pinuntahan nga pala ulit ako ni Ateng Amanda to check me and inform me na kung wala naman magiging problem overnight most probably is makakauwi nako kinabukasan.

May 8, 2019 - Maaga ulit ako nagising pero 6AM nako bumangon. Dumaan ulit sa Ateng Amanda sa room ko para icheck yung kalagayan ko and para iinform ako na makakalabas na ako by 11AM. By the time na dumating si Basuraman sa room ko nakapagayos nako at nakaligpit na lahat ng gamit ko.

Dislocated left knee cap last Friday then cervical cerclage nung Tuesday. Grabe yung mga ganap ko sa pagbubuntis kay bibi number 2. Pero sobrang thankful kami na ayos ang lagay ni baby ngayon at  nagawan kagad ng preventive measure yung nakita nilang short cervix ko. Lahat naman kakayanin ko basta mapanatili lang na healthy and safe si bibi.

We are also thankful sa lahat ng tao sa Women's and Children's Hospital kasi naalagaan naman ako ng mabuti during my stay sa hospital. And since it is public, wala kaming binayaran ni singkong duling para sa operation and stay ko sa hospital.

Kapit pa rin tayo ng mabuti bibi ha. Kumpletuhin natin yung term mo. ^_^ Thank you Lord...

Wednesday, May 15, 2019

Week 19 (Heirloom tomato/Grapefruit): Ako ang tunay na Darna!

I have been feeling a lot of movement from bibi this week. Actually yung latter part ng week18 may mga nararamdaman nako pero di ako sure kung baka guni-guni ko lang or baka gas lang sa tyan ko na naipit.

Na-stress yata si bibi kapag na-stress ako sa work kasi napansin ko galaw siya ng galaw. Gusto ko ng awayin yung circuit designer ko kasi antigas ng ulo. Ayaw makinig. Gusto yata gawan ko pa siya ng power point para makita niya yung kamalian niya. Tapos sasabay pa yung mabagal na connection. Anyways, I have to remind myself always to calm down pag nastress sa work kasi baka napapano na si bibi.

Medyo consistent na yung movement na nararamdaman ko in terms of time. Sa gabi nararamdaman ko na siya na para bang telling me na kumain na kami ng dinner. May time na kung kelan ako magna-nap tsaka naman biglang galaw ng galaw si bibi. E di hindi ako nakapag-nap hehe.

May 3, 2019 3:30pm - Scheduled date for my morphology scan. Sa Radiology SA Campbelltown ako nagpa-sched para walang bayad. Hindi ni-recommend ni ateng midwife Liz ang Adelaide MRI kasi di naman daw nila trained yung mga tao dun. Sana sinabi nila kagad sakin anesh. Inom ulit ng 500mL ng tubig an hour before the scan. Maulan during this day. Bale first time na lalaki ang sonographer ko. Carry lang naman. Matagal-tagal din yung scan kasi andaming mineasure ni Koyang. Tapos he confirmed tungkol sa unang pregnancy ko na emergency CS and anong week ko ipinanganak si Miko noon and ano yung reason bakit ako bigla na-CS. Pagkatapos ng ilang check sinabi niya sa amin ni Basuraman na lahat ng measurements ni bibi is okay but he found out that I have a short cervix. At this point of my pregnancy they are expecting my cervix to be around 25mm. Pero based sa scan, nasa 13mm lang yung sakin. Less than half. So tinanong nako ni Koyang sonographer if ok lang daw ba na mag-undergo ako ng transvaginal scan to make sure of the measurements. Hindi naman na ako maselan when it comes to this kind of scan kaya go lang. Kebs na kung lalaki. Pero nagdala siya ng 'chaperone' or kasamang babae to monitor the scan.

Pinaghintay muna kami saglit ni Basuraman after the scan kasi they will try to call WCH (Women's and Children's Hospital) para marefer kagad ako for a check-up kasi nga mukhang need nila macheck yung short cervix. Unfortunately hindi daw sila maka-connect so inadvise nila na pumunta sa WCH as soon as possible. Sinabi kasi ni Koyang sonographer na yung doctors sa WCH ang makakapagsabi kung ano ang pwede gawin sa situation ko. Binigyan na din nila ako ng copy ng result just in case dederecho na ako ng hospital para maibigay ko na sa OB. At this point I am trying to be calm. Wala pa naman yung nerbiyos ko. Siguro hindi ko na lang talaga inentertain yung nerbiyos kasi alam ko naman na makakasama lang sa amin yun ni bibi. After nga ng scan mag-go-grocery pa kami.

5:30~6:00 pm - Eto na nga mga mumshies. On the way sa grocery, as in papasok na kami ng building, e nag-darna si watashi. SUSMIOMARIMAR! Dahil madulas ang daan, nagslip ako ng hindi ko namamalayan at nadislocate na naman po ang aking left knee cap!!!  Natumba na ako kasi sobrang sakit. Buti na lang naalalayan ako ni Basuraman kaya medyo na-soften yung pagbagsak ko and sa right side ako napahiga. Hindi ko kaya tumayo sa sobrang sakit kaya ilang minutes akong nakahiga sa daan. Buti na lang huminto na sa pag-ulan and water resistant yung jacket ko kaya hindi ako masyado nabasa kahit nakahiga ako sa sahig. 

May mga lumapit kagad to help us and to check me. Hindi ko na naiintindihan yung nangyayari during that time kasi sobrang sakit mga mumshies. It took a while bago naibalik ni Basuraman sa tamang position yung knee cap ko. May isang concerned citizen na isang nurse ang hindi kami iniwan. She kept on telling me to calm down and breathe. Tapos dumating na rin yung staff/managers ng grocery store. Nung tinanong nila ako kung kaya ko gumalaw or tumayo, inalalayan na nila ako papunta sa covered entrance nung building para umupo.

Sobrang alalay samin nung 2 staff ng Woolies. Sila pa mismo yung tumawag ng ambulance lalo kasi nalaman ni na buntis ako. Just to make sure lang daw na macheck ako. They gave me blankets while sitting kasi anlamig mga mumshies. Ayun nga lang medyo natagalan bago dumating ang ambulansya. More than an hour din kaming naghintay kasi nga walang available na pedeng umattend samin. Gusto ko na ngang umuwi nun kasi nga lamig na lamig nako and ang sakit na ng tuhod ko. Panay nga ang tawag ni Ateng para matanong kung kelan darating yung ambulansya. I understand naman na baka mas may life-threatening cases na nagaganap during that time.

Past 7pm dumating na yung ambulansya with the paramedics. Tinanong ulit ako kung anong nangyari and ano daw ba gusto ko mangyari at bakit daw ako nagstay ng ganun katagal para sa ambulansiya. Nalerkey ako ng slight mga Mumshies sa mga tanong ni Koyang. Buti na lang at mabait naman si Koyang kaya nawala na yung konting inis ko sa kanya. Kwento-kwento, sagot-sagot and napagdesisyunan na sa WCH ako dalin na hospital dahil gusto kong macheck si bibi kagad para mawala na yung agam-agam ko kung naapektuhan ba siya sa pagbagsak ko.

Buti na lang mga Mumshies e luma yung leggings na suot ko kasi ginupit siya ni Koyang paramedic
para macheck yung knee ko.

Pagdating ng WCH chineck naman kagad nila si bibi via ultrasound scan and everything's fine naman daw. Unfortunately wala daw silang magagawa sa tuhod ko dahil obstetritian lang daw ang meron sa hospital. Binigyan lang nila ako ng pain reliever. The doctor advised din i-rest ko lang yung tuhod ko then ice pack. If hindi nawala yung pain after a few days and hindi pa ako makalakad e need ko na pumunta sa ibang hospital para ipa-check yung tuhod ko.

Nabanggit ko na rin pala yung result ng morphology scan ko and nakita naman na nila yung result. According to the doctor baka kontakin daw ako ng MFMS (Maternal and Fetal Medicine Service) anytime para macheck ako regarding my short cervix. They specialises in this kind of situation sa mga pregnant women. Sinabi pa ng doctor na "We don't want you giving birth at 19 weeks because the baby will definitely not survive.". Natakot ako ng slight kasi ganun pala ka-seryoso yung short cervix ko.

Around 9pm nakauwi na kami ng bahay ni Basuraman. Mabait naman yung mga tao sa  WCH at nag-offer sila na i-wheelchair na lang ako palabas ng hospital dahil alam nila hindi ko kaya maglakad. Sobrang namamaga na rin kasi yung tuhod ko. Hinatid naman ako hanggang kung saan naka-park yung sasakyan.

Buti na lang disabled friendly yung bahay na nirerentahan namin ngayon. As in may railings from banyo to front proch. Halos nakahiga lang ako buong Saturday pero pagdating ng Sunday nakakalakad na ako paunti-unti. Nababawasan na rin yung swelling sa left knee ko. Binilhan din ako ng knee support (with patella/knee cap support) na susuotin ko during my pregnancy. Mahirap na baka maulit na naman. And baka mangyari pa na hindi ko kasama si Basurman or mas malaki na tiyan ko.

Siyanga pala, we are having another baby girl! Yey! \(^0^)/

Thank you Lord for keeping us safe. We lift up everything to You.  (^_^)

Sunday, April 28, 2019

Week 18 (Pomegranate/Capsicum)

Hello mga mumshies! I don't wanna sound negative pero this week parang feeling ko hindi ako preggy. Ewan ko. I don't know why I was feeling that way. Pero hopefully mawala na yung pakiramdam na itwu.

Kinda busy si watashi dahil sa deadlines sa work kaya kinda stressed ng slight ang lola niyo. Holiday ng Monday dito dahil Easter Monday pero nagwork pa rin ako. Holiday ulit ng Thursday kasi ANZAC day pero nagwork ako para ipalit ng Friday. Pero magwowork pa rin ang lola niyo ng weekend. Anuna mga ate, koya! Nasaan na ang pahinga ko? Hindi naman sa nagrereklamo pero nagtatanong lang. Grateful pa rin kahit pagod kasi ibig sabihin may trabaho. (^_^)

April 26, 2019 - Nagpa-flu vaccine kami ni Miko. Libre ako since jontis mey and si Miko libre rin kasi meron siyang history of asthma. Since last year muntikan ng atakihin ng asthma si Miko kaya ngayon parang naconsider na siya na libre since yung mga batang may asthma ay may free flu vaccine. Naku nakakatakot kaya mga mumshies. Andaming cases ng may flu ngayon. And doble ingat si watashi dahil kay bibi. Ayokong magkaroon ng flu lalo at hindi naman ako pede uminom ng gamot. At shempre baka kung ano epekto nun kay bibi.

Nakakaloka pero ansakit ng tusok ha. Wala siyang pa-alcohol mga Mumshies. Pero in fairness naman kay ate ambilis niya kaya sandali lang din yung sakit. Akala ko nga iiyak si Miko kasi kung ako nasaktan siya pa kaya. Pero mataas kasi tolerance ni Miko sa pain. Noong baby siya ilang beses lang siya umiyak kapag schedule na ng pagpapa-vaccine. Mana sa tatay. Sabi nga ni Madam baka kaya daw masakit kasi daw libre naman hehe.

After magpa-vaccine umuwi muna kami ng bahay bago pumunta sa central market na nasa city. Magkikita kami nila Madam para maglunch sa food court. Haru jusko. Apakadaming tao. E kasi nga naman lunch time. Actually pagpark pa lang sa central market pahirapan na. Swerte lang na dun sa inikutan namin sakto may umalis na sasakyan kaya nakapag-park kagad. At dahil gutom kami ayun napadami ang order. Rice and chicken sakin, noodles kay Basuraman, pork buns para kay Miko tapos may salt and pepper squid pa at dimsun. Natakaw mata na naman. Muntik ko naman na naubos yung pagkain ko kaso diko pa talaga kaya ubusin sa ngayon. Medyo iba pa rin ng konti panlasa ko. Tsaka ang hirap kumain pag andaming tao kaya. Buti may paper bags si Madam kaya binalot na lang namin yung natirang pork bun ni Miko, dimsum and squid.

After lunch derecho shopping! Hindi para sakin pero para sa mga alaga ko. Para sa kanilang oath-taking ceremony in 2 weeks time.

**Commercial break**
Yes mga Mumshies. Mag-o-oath-taking na yung mga alaga ko for their citizenship. Magiging Australian citizens na si Basuraman at Miko. (^_^) Tapos si yaya Pinay pa rin. (^-^)V

Napagod ang katawang lupa ni watashi at sumakit ang likod ko ng bongga. Hindi na namin nakuhang  mag-tram pabalik sa parking area ng central market kasi sobrang dami na ng tao. Hapon na kasi tapos Friday pa. Nilakad na lang namin. Kaya ayun parang di nako makatayo sa aking pagkakaupo pagdating namin sa bahay. Susme. Tapos sumasakit pa yung tusok ng vaccine ko. Buti na lang hindi ako nilagnat. Napagod lang talaga sa paglalakad. Hindi rin naman ako dinugo. Thank you Lord!

April 27, 2019 - Heartburn attacks. Susme ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng heartburn. Yung parang may tumutusok sa dibdib mo na tagos hanggang likod. Sumabay pa na napakabagal ng connection ko kaya naiirita ako sa pagtatrbaho.

Thankful din ako na since last week halos bumalik na yung energy ko. Hindi nako ganun kapagod at antukin compare nung unang sem ng akong pagbubuntis. Kailangan ko now ng energy kasi sunod-sunod ang deadline sa work. Yun nga lang need ko talaga mag-nap after kumain. Parang biik lang hehe. Kasi pag hindi ako nagnap for sure bigla na lang akong makakatulog sa antok kahit ano pa ang ginagawa ko.

Excited nako sa Morphology scan ko sa Friday May 3. Sana ay maayos naman ang lagay mo bibi at walang makitang problem. Possible kasi na malaman na namin ang gender ni bibi. Kung ano man ang ipagkaloob sa amin ni Lord ay buong puso naming tatanggapin. Welabyuberimachi bibi!

Saturday, April 27, 2019

Week 17 (Turnip/Navel Orange)

I-congratulate ninyo ako mga Mumshies kasi mukhang nalagpasan ko na ang nausea/morning sickness. (Pwera usog!) At nakakakain nako ng maayos. May konting weirdness pa rin sa panlasa pero nagstart nako magrequest kay Basuraman kung ano ang gusto ko kainin. At wala na akong ubo! Thank you Lord ng maraming marami!!!!

This week kasing laki na daw ng turnip or navel orange si bibi pero yung size ko nasa size ng maliit *ahem* na watermelon na. LOL. Hanggang ngayon hindi pa ko nagpapakita ng baby bump pics sa family ko kasi for sure sasabihin nila na 80% ng baby bump ko is taba. Pero in fairness naman sa taba ko I think nagseserve siya as cushion para kay bibi.

Start ng 2-week break ni Miko sa school and start na rin ng holy week. Kaya ayun wala na naman exercise si watashi. Exercise ko lang talaga is yung paglalakad ko kapag sinusundo ko si Miko sa school. Tapos andaming deadlines sa work kaya dere-derecho lang sa pag-upo si watashi.

April 19, 2019 - Good Friday. Nanood ng Lego movie 2 si Basuraman at Miko. At shempre kailangan kasama ako kasi hindi daw makakainom ng coke si Basuraman kapag hindi ako kasama. E di shempre mga Mumshies borlogs lang mey sa loob ng sinehan. Lalo kasi recliner type ang upuan. Ayoko na talaga sumama kasi noong first time naming nanood ng movie na buntis ako e nakatulog mey with matching hilik pa. So sayang ang datung.

April 21, 2019 - Easter Sunday. Maghapong lafangan kila Madam. Nagluto mey ng bilo-bilo at si Basuraman naman ay kare-kare and pansit. At nagpa-yakiniku si Madam. Ayun bondat na bondat si watashi. Hongdomi ko nakain.

Pero madalas nagi-guilty ako kapag napapadami ang kain ko or hindi healthy yung mga kinakain ko. Kasi shempre pati si bibi baka affected rin. Pero pansin ko this week malakas na talaga ako kumain. Nakakaramdam na ako ng gutom. Unlike before na kailangan kong iremind ang sarili ko na need ko na kumain kain ano kahit crackers lang. Now my goal is to regulate my food intake kasi baka lumobo ako masyado at baka magkaroon ako ng Gestational Diabetes. Mahirap na.

P.S. Gusto ko lang i-share yung homily ni Father noong Easter Sunday. Actually more of a reminder. Tumatak lang talaga sa akin. Sabi niya kapag Easter Sunday we don't greet each other 'Happy Easter'. Instead kapag sinabing 'Christ is risen!' dapat sumagot ka ng 'Truly, He is risen!'. Affirming your faith na He came back from the dead, believing your salvation. Ayun lang.

Anak nawa'y patuloy ang iyong maayos at malusog na paglaki. Kapit lang tayong mabuti ha. Fighting! Welabyuberimachi!

Monday, April 22, 2019

Week 16 (Avocado)

Happy 4 months bibi! Konting-konting-konti na lang ubo ko mga Mumshies! Halos wala na talaga. Salamat po Lord. Nawa'y hindi napo maulit kasi napakahirap.

This week e medyo iritable ako kay Miko. As in. Lalo na kapag nagsasalita siya habang kumakain. Naiirita ako na nakikita ko yung pagkain sa bibig niya. O dili kaya kapag bigla siya umutot sa harap ko. Naku inis na inis ako. Ewan ko kung bakit. Feeling maarte ako this week. Napagalitan nga ako ni basuraman kasi hindi ko napapansin na sobra ko na pala napapagalitan yung anak ko. Konting kibit lang daw ng bata nagagalit na kagad ako. I'm thankful na andyan si Basuraman para pagsabihan ako.

May pasundot-sundot na nausea. Eto na nga bang sinasabi ni Basuraman na na-overpower lang yata ng ubo ko yung all-day sickness ko. Pero hindi na kasing lala noong mga naunang linggo.

Still picky sa pagkain pero hindi na katulad ng first sem ng aking pagbubuntis na hindi ako halos makakain. Still trying to incorporate veggies and fruits sa pagkain ko.

April 12, 2019 - 8:30AM ang scheduled GTT (Glucose Tolerance Test) ko. Pero 8:15AM andun nako kaya nasalang kagad ako ng maaga (konti lang). I did fasting for 10hrs at buti na lang di nako mashado inaatake ng morning sickness ngayon kasi sinabi ni Ateng na I might throw up and if nangyari yun, they have to cancel the test. So Ateng tested me first if my blood sugar is in the 'safe range'. So far so good. Kinuhanan na niya ako ng dugo then pinainon ng glucose solution for 5 mins.  Tapos hintay ulit ng 1 oras para sa next take ng blood. Nagdala pako ng laptop kasi akala ko makakapagwork ako habang naghihintay kaso wala namang table. Nakakahiya naman kung magrerequest pako. And Ateng advised na pede akong mag-toilet and uminom ng tubig pero bawal masyado mag-gagagalaw para hindi makapagburn ng energy AKA hindi maapektuhan yung test.  After ilang minutes medyo feeling ko masusuka ako pero slight lang naman kaya carry boom boom pa. Miya-miya dumating na si Basuraman after ng kanyang physio appointment. Sabi ko kasi balikan na lang niya ako after the test kasi 2 hrs yung paghihintay kaso hindi rin naman daw niya ako matiis na nag-iisa. Naglalaban mga Mumshies yung gutom at suka na nararamdaman ko .

Lumipas ang isang oras at kinuhanan na naman ako ng dugo. Hintay ulit ng isang oras para sa final take ng blood. Napansin ko lang sa SA Pathology na ang busy hour niya is from 8;45AM to 9:30 AM. Ayun napansin ko lang.

Finally after 1 hour kinuha na yung last sample ng blood. Kinda masakit na nga yung tusok sa left arm ko. Sabi ni Ateng tawagan ko na lang yung midwife ko for the result. Pero may appointment naman ako sa OB sa May 3 so dun ko na lang tanungin. And I think if may nakita silang problem dun sa test ay tatawagan naman nila ako immediately.

April 13, 2019 Pumunta kami sa Pregnancy Baby and Children's Expo (Adelaide). Nagbabakasakali na may makitang items for bibi. Wala pa naman talaga kaming plano mamili kasi parang ang aga pa kasi. Actually si Miko yung masaya talaga kasi may face painting tapos kumain pa ng fairy floss (cotton candy).  Tumingin-tingin lang kami ng products/services for bibi.

May nabili naman kami na 3 swaddle cloths tsaka thermometer. Tsaka yung parang mattress (pero smaller than mattress ng mga cots) na may guards sa gilid. Like if you have a portacot pede na siya para di na bumili ng mattress hehe. And if like mo na sa bed lang si bibi or sa sala pedeng dun muna siya. May kasama siyang cushion that will serve as parang guard sa head or body to keep bibi still. Sabi ko nga kay Basuraman huwag na kaming bumili ng crib/cot. Pede na yun hehe. Diko na mapicturan kasi nasa taguan na siya at tinatamad ako kuhanin para lang sa picture. Tinatamad din akong hanapin sa net kung ano tawag dun.

May mga nakuha rin kaming freebies like pregnancy-related brochures and booklet, ballpens, skin care products for bibi, ballpens ulit tsaka yung snack for babies na hindi nagustuhan ni Miko.

Lunch time umalis na kami and nagpunta na sa city para puntahan yung Fossil Fest sa SA(South Australian) Musuem. Sakto may nadaanan kaming parang food event sa Victoria's Square (Tasting Australia) kaya doon na kami chumicha for lunch. Naglaro rin saglit sa fountain si Miko bago kami sumakay ng tram papuntang museum. Buti na lang libre ang sakay sa tram within the city. Sa kalagayan ko now medyo madali na kasi sumakit likod ko and nag-iingat din kami baka duguin na naman kasi ako.

Pagdating namin sa museum, para ng kiti-kiti si Miko na hindi mapakali. Sa hilig ba naman ni Miko sa dinosaur e  feeling niya siguro nasa cloud 9 siya.

Sobrang saya lang namin kasi nakita namin kung gaano kasaya ni Miko noong araw na yun lalo noong nasa museum kami. Mga bandang 3:30PM nagyaya nakong umuwi. Actually may need pa kami bilhin sa Daiso and kailangan ko pa silang i-libre ng milk tea. (^_^)

Kinagabihan masama na pakiramdam ko. Nasobrahan yata ako sa paglalakad. Nagkaroon din ako ng spotting (dark brown). Feeling namin ni Basuraman baka masyado akong natagtag sa paglalakad/paglilibot. Slight lang naman yung spotting. Pero minonitor ko pa rin.

April 14, 2019 - Medyo masama pa rin pakiramdam ko pagkagising. May konting spotting pa rin na dark brown pero konting-konting na lang. Parang smear na lang siya everytime na magwipe ako after magwiwi. Nagpahinga lang ako maghapon kasi kinakabahan na naman ako baka mimiya magbleed na lang ako bigla. Nawala naman na yung spotting later that day pero masakit pa rin katawan ko.

Kapit lang tayo bibi. We are always praying for your healthy growth. Welabyuberimachi!

P.S. I decided to put the name of the fruit or veggie na ka-size ni bibi during this week. Reference from the two baby apps that I am using right now: Baby Center and Pregnancy +.

Monday, April 8, 2019

Week 15 (Pear/Apple)

Isang slight na maubong week mga Mumshies! May pag-ubo pa ring naganap pero hindi na katulad last week na may pag-iyak-iyak ng nangyari. Medyo pagaling na ako this week and hopefully next week mawala na yung hinayupak na ubo. This week walang bleeding na naganap kaya hep hep hooray!

April 3 - Antenatal appointment sa pinakamalapit na Family and Children's Health Center sa aming lugar. Dito nako nagpa-book kesa sa hospital kasi sabi-sabi sa mga forums pag sa hospital e aabutin ka ng siyam-siyam sa paghihintay sa hospital. It's more on information gathering so I think keri boom boom na sa center. Midwife ang nagconduct ng meeting. Since updated naman ako sa mga scans and tests sa stage ng pregnancy ko e happy si Lola Midwife kaya medyo madali na lang yung pgfi-fill out niya sa pregnancy booklet ko. Nagtanong din siya regarding medical history namin ni Basurman as well as ng family namin. Pati mental health.

Lola M: Are you happy now?
Ako: Yes I am happy. (^_^)


Sobrang confident ko nung sinabi ko na 'I am happy.' Kasi totoo naman. Masaya ako ngayon kasi kasama ko ang mag-ama ko. Yung saya na nararamdaman ko kada makikita ko sila na natutulog at nagigising sa umaga. Huwag kayong ano. Pagbigyan na ang emotional na jontis.

At dahil lagpas bubong ang aking BMI e need ko magtake ng GTT (Glucose Tolerance Test) for Gestational Diabetes. Naka-sched ako sa April 12 para sakto 16 weeks na ako by that time. Then binigyan niya rin ako ng form for my Morphology scan. Dapat around 19-20 weeks ako nun and need na matake ko na siya bago pa ang appointment ko sa antenatal doctor sa WCH. Napa-sched ko naman na siya ng May 3. Naku kailangan maaga ang pagpapa-sched/rebook ng appointments papano naman minsan magugulat ka na lang kahit malayo pa yung date e puno na pala ang mga slots.

Tinanong din pala ni Lola M kung gusto ko daw ba na midwife ang titingin sa pregnancy ko or shared GP/doctor. Sabi ko kung ano yung maganda kasi hindi naman ako aware sa system dito sa Australia. Noong naalala ni Lola M yung naging pregnancy ko kay Miko e inadvise niya na tanungin na lang yung doctor. And most probably na baka doctor na lang ang mag-follow sa pregnancy ko kasi nga sa unang pregnancy ko overseas ako nanganak and premature pa si Miko. Baka daw kasi ma-consider ako na 'high risk'. Kaya hinding-hindi ko na ipu-push na makauwi ng Pinas sa May. Nakabook na kasi kami nung January pa lang. Tapos after that nalaman kong jontis pala si watashi.

Medyo iniinda ko lang ngayon talaga yung konting ubo ko. By this time medyo nabawasan na ang aking morning sickness aka all day sickness. Sabi ni Basuraman malamang daw na-overpower lang ng ubo ko.

***commercial break***
Ang jangengot ko. Na-publish ko na pala itong post na ito ng hindi pa tapos. Kaya pala nung ineedit ko imbes na 'save' e 'update' ang lumalabas. anyways....

Nawa'y maayos lang ang iyong paglaki bibi. Medyo matagl-tagal pa ang susunod na scan and dun pa lang ulit natin malalaman kung kumusta ka na jan sa loob. Kapit lang tayo mabuti. We labyu berimachi!


Monday, April 1, 2019

Week 14 (Lemon/Peach)

Isang maubong linggo mga mumshies! Oo whole week akong inuubo. At mukhang magtatagal pa siya. I am not taking any medications (puro home remedies lang) kaya diko alam ang kung gaano magtatagal ang ubo ko. Pero sana naman gumaling na ako. Para na rin kay bibi.

March 26 - Nagkaroon ako ng slight bleeding. Napansin ko lang siya after ko mag-toilet. Bright red na naman kaya kinabahan na naman si watashi. Pero once lang siya nangyari this day and di naman naulit. Naisip ko baka dahil sa pag-ubo-ubo ko.

Worst ubo ever kasi hindi nga ako makapagtake ng gamot. At ang worry ko talaga yung epekto ng ubo ko kay bibi. Nahihirapan ako matulog kasi bigla na lang kakati lalamunan ko. So yung mga ginagawa kong home remedies para sa ubo ko ngayon ay ang mga sumusunod:

- Lemon Ginger Tea with real lemon and honey. Every moning and bago matulog. Di ako pumapalya mga mumshies kasi nga hirap na hirap na mey sa ubo ko.
- Gargle ng warm water with salt pagkagising sa umaga. Minsan kapag nagigising ako ng madaling araw nagmumumog nako at gumagawa ng tsaa kasi diko na keri boom boom yung kati ng lalamuanan ko. Ito nga pala galing sa tatay ko. May time kasi na sinabi ko sa tatay ko before na masakit lalamunan ko and pinayuhan niya nga ako magmumog ng warm water na may asin and epektib. Sana ngayon din maging epektib.
-Prutas like mansanas at kahel. Yung mansanas medyo nakaka-soothe ng lalamunan. Yung kahel para lang merong something citrus-y.
-At kapag to the maximum level na yung kati ng lalamunan ko e umiinom ako ng freshly squeezed lemon juice. Todo na 'to mga mumshies. Sobrang sama na ng pakiramdam ko kaya nakuha ko uminom ng pure lemon juice.
-Pag feeling ko nasosobrahan nako sa lemon ginger tea papalitan ko naman ng peppermint tea tapos lalagyan ko rin ng lemon juice and honey. Katulad noong sinamahan ko si Miko sa birthday party ng kaklase niya sa Mcdo. May baong tsaa ang lola niyo kasi nakakahiya naman kung bigla akong ihitin ng ubo. Baka layuan ako ng mga tao baka akala kung anong sakit ang meron ako.

Natapos ang weekend pero may ubo pa rin ako. :( Sana talaga mawala na yung ubo ko. Sa April 3 ang scheduled appointment ko for my antenatal care with a midwife. Medyo curious ako kung pano pag midwife ang  magbabantay sa pagbubuntis ko. Sa Japan kasi nasanay ako sa OB.

Ubo ubo go away! Never come back again puhlizzz! Kapit pa rin tayong mabuti bibi kahit sigurong hilong-hilo ka na dahil sa pag-ubo ni Mummy.

Friday, March 29, 2019

Week 13 (Kiwi/Pea Pod)

Another good week mga mumshies. Hindi ulit ako dinugo this week. (^_^)

This week yung morning sickness ko lumipat ng gabi. May mga araw na para akong sinasaniban ni kulapo at hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko. So far ganun pa rin ang panlasa ko, wasak. Diko alam kung ano ang kakainin ko pero kahit papano naman nakakain ko kung ano yung meron. Yun nga lang konti. O kaya pag hindi ko talaga feel magluluto or magpapaluto ako ng pritong itlog. Ang galing ko noh? Baka isumpa ako ni bibi sa mga pinagkakakain ko. Pero sinusubukan kong kumain ng 1 prutas everyday and next week magstart akong kumain kahit blanched brocolli. Kahit anong ulam need ko samahan nung brocolli. Pero noong sabado nakaubos ako ng 1 serving ng salad (greens+tomato+red capsicum+red onion).

Minsan constipated pa rin ako kahit twice a day na ako umiinom ng Metamucil (psyllium husk). Nakakatakot kaya pag hindi mey natatae ng maayos. Ang tigas ng tyan ko. Parang pakwan.

Minsan inaatake ng pulikat yung isang cheek ng pwet ko. Mostly left. Yung tipong bigla akong napapabaluktot kasi parang diko kayang maglakad. Though kadalasan naman e nakukuha sa masahe at hindi ganun katagal. Natatakot lang ako na bigla ako atakihin kapag sinusundo ko si Miko from school. E naglalakad lang kami.

Yung baby bump ko mukhang taba bump pa rin. Pero anlaki na ng tyan ko. Parang pang-5 months na nga e. Naalala ko noong si Miko ang pinagbubuntis ko. 6 months pa lang ako pero akala nung co-worker ko na Japanese manganganak nako kasi anlaki daw ng tyan ko. Pansin ko kasi sa mga babaeng Japanese na nagbubuntis parang nabusog lang sa laki ng tyan.

Almost 7 years din ang pagitan ni Miko and bibi no.2. Kaya diko maisip kung ano yung kalagayan ko sa una kong pagbubuntis. Imagine araw-araw pako bumibiyahe nun para magwork.  Wala naman kami car kaya everday commute. Though super efficient ng public transpo ng Japan kaya walang problema. Pero naalala ko nun may nireseta sakin si Lola OB na herbal medicines chuchu para sa nausea and vomitting ko. E ngayon work from home nako pero hirap pako sa mga nararamdaman ko.

Ano pa ba? May nagdonate na sa amin ng pram, capsule and basssinet. Tumatanggap pa po kami kung nais niyo magbigay. ^_^  Dumating na pala yung yung letter para sa appointment ko sa isang Gynecologist sa May 14 pero pinamove ko na ng May 17 para walang pasok si Basuraman.

Kapit pa rin ng mabuti bibi. Makakaraos din tayo huwag kang mag-alala. Andito lang si Mummy, Daddy and Ate Miko para sa'yo. Mahal na mahal ka namin! Muah. Muah. Tsup. Tsup.





Tuesday, March 26, 2019

Basuraman: Ang Pag-asa ng Bayan

Gusto ko lang i-dedicate ang post na ito sa aking pinakamamahal na esposo na si Basuraman. Sobrang dami niyang sacrifices na ginagawa ngayong buntis ako. Lalo na at ilang beses na akong dinugo at kinailangang dalhin sa Emergency Department mg hospital.

Maraming salamat kasi ... maaga kang gumigising para ayusin si Miko sa pagpasok sa eskwelahan dahil maaga akong nagsisimula magtrabaho. Kahit late ka na natutulog dahil late ka na umuuwi from work, pinagsisikapan mo araw-araw na gumising ng maaga para asikasuhin si Miko. Kadalasan sinasabay mo na rin ang paghanda pati ng aking almusal.

Maraming salamat kasi ... ikaw na din ang naghahanda ng ating tanghalian. Kadalasan pinoproblema mo pa kung ano kakainin ko kasi nga wala akong gana at diko alam kung ano ang gusto ko kainin.

Maraming salamat kasi ... mula ng magkaroon ako ng heavy bleeding hindi mo na ulit ako pinag-vacuum. Yung pagva-vacuum kasi ang common denominator na naisip natin na ginawa ko bago ako duguin.

Maraming salamat kasi ... ikaw na rin ang namamalantsa ng mga damit natin. Nagwo-worry ka kasi baka isa ring cause ng bleeding ko ang pamamalantsa dahil matagal na nakatayo at mainit pa.

Maraming salamat kasi ... minsan hindi ka nakakatulog kapag kailangan mo akong bantayan kapag inaatake ako ng bangungot.

Maraming salamat kasi ... pinipilit mong hindi magalit lalo kung naiinis ka na sa mga nangyayari sakin or may hindi ako nagawang maganda. Like nung paguwi mo from work nakatambak pa ang hugasin sa lababo kasi nakatulog ako. Di bale hindi naman na naulit yun kasi sinisigurado ko na malinis na ang lababo bago pa ako antukin.

Maraming salamat kasi ... hindi ka tumitigil sa pag-aaruga at pagmamahal sa amin ni Miko at pati na rin kay bibi.

Sobrang thankful talaga ako na si Basuraman ang asawa ko at ang nag-aalaga sa aming lahat ngayon. Lalo kapag nakakabasa ako sa forums regarding pregnancy ng mga nanay/soon-to-be nanay na mag-isang pinagdadaanan ang kanilang pagbubuntis. Thankful din ako na pedeng work-from-home ako sa nakuha ko na trabaho ngayon.

Noong isang araw habang naghuhugas ako ng pinggan, nahiwa ang daliri ko. Nabasag na ng tuluyan yung pinggan na may lamat at sakto nahiwa yung daliri ko. medyo malalim kaya andaming dugo. Buti na lang may asawa akong Nurse. :D Noong hapon din yun pumunta kami sa Ikea para bumili ng plato dahil itinapon na ni Basuraman lahat ng plato namin na may lamat or chipped.

Dalangin ko sa araw-araw na maging maayos at healthy ang pagbubuntis ko kay bibi. Pati na rin ang maayos at mabuting kalusugan para sa aking pamilya.

Mahal na mahal kita Basuraman. Ngayon at magpailanman. Asukal at suman. 

Monday, March 18, 2019

Week 12 (Lime/Plum)

Good news kagad tayo mga mumshies. Hindi po ako dinugo this week. \(^_^)/ Thank you Lord! Sana po tuloy-tuloy na hindi na ako duguin at maging maayos ang paglaki ni bibi sa aking sinapupunan.

March 13 - Schedule ng aking Maternal Serum Screening Test. No need ng appointment kaya pagkahatid kay Miko derecho na kami sa clinic. Maraming tao pero malapit naman na yung number na nakuha ko. According to VCGS, "Maternal serum screening is a blood test available to pregnant women who want to know about their chance of having a baby with a chromosome condition, such as Down syndrome." Sabi ng GP ko kapag 35 years old and above na ang isang babae, mas mataas ang chances na magkaroon ng chromosome condition ang baby. At dahil 36 na ako kaya pinakuha niya ako ng ganitong exam.  Sa SA Pathology ako nagpakuha ng dugo kasi yun yung form na binigay sakin ni GP. Sandali lang naman kasi kinuhanan lang ako ng dugo. After a week malalaman ang result. Pero ang galing lang ni Ate na kumuha ng dugo ko. Tinannong nya kasi ako kung saang arm ko gustong makuhanan ng dugo. Sabi ko left. E sa kapal yata ng taba ko e hindi talaga makita yung ugat ko sa left arm. Kadalasan mauuwi kami sa right arm. Inoffer ko na nga yung right arm ko kasi parang nahihirapan siya pero hindi nagpatinag si Ateng. Ang galing niya kasi successful yung pagkuha niya ng dugo sa kaliwang braso ko. Galing talaga niya pramis.

March 14 - Schedule ng aking Nuchal Translucency Scan. 10AM ang sched ko kaya an hour before ng aking appointment inom na naman ng tubig. around 750mL lang ininom ko pero nasa sasakyan pa lang naiihi nako. Malamig kasi nung araw na yun. Eto na naman po kami. Sakit na naman sa pakiramdam. Yung ihi level ko e yung tipong di mo na ako pede kausapin. As in. 9:30AM kami dumating ni Basuraman sa place. Ang masakit na paghihintay. According to pregnancybirthbaby.org.au , "A nuchal translucency scan is part of the ultrasound scan that most pregnant women have at around 12 weeks of pregnancy. The ultrasound will measure the size of the nuchal fold at the back of your baby's neck. The results of the scab may tell you if your baby has a high or low risk of chromosomal abnormality." Parang ka-partner siya ng maternal serum screening test.

Iba yung sonographer na tumingin sakin ngayon. Mukhang mabait and magaling si Ate. Gaan pa ng kamay. Siya ang unang nagsabi na ang gandang birthday gift daw pag nanganak ako sa mismong birthday ko kasi nga 2 days lang ang pagitan ng due date ko at birthday ko. Ilang beses niya pinabawasan yung wiwi ko kasi di niya masyado makita si bibi. Pinakita niya ang heartbeat ni bibi and pinarinig na rin niya. Gustung-gusto ko na naririnig ang heartbeat ni bibi. At ang likot ni bibi mga mumshies! Walang halong eklavoo. May point pa na mukhang sinisinok kasi para siyang bola na nagba-bounce. Matagal-tagal din yung scan kasi gusto ni Ateng na makuha niya lahat ng anggulo. Tapos may instance pa na ikot ng ikot si bibi.

Nung natapos na inoffer ni Ate kung gusto daw ba namin ng copies ng pictures ng scan. Finally magkakaroon na kami ng kopya. Akala ko di na kami mabibigyan. Actually dapat  irerequest ko na e. Naunahan lang ako ni Ate. At sakto yung weeks of gestation ko sa kanya. Unlike dun sa una kong scan sa Adelaide MRI almost a week yung delay ni bibi pero sinabi pa rin ni ateng sonographer nun na ok lang daw yun. Kaya magaling talaga si Ateng sonographer na itwoah. Sinabi niya rin pala na mukhang wala naman problem si bibi based sa nakuha niyang mesuremements pero better na idiscuss ko na lang sa doctor yung result. Plan ko sana a week after ako magbu-book ng appointment sa GP ko (March 22) para idiscuss yung result ng maternal serum screening test and NT scan pero ang lola mo hindi na pala available from Mar18-Apr3. Gusto ko sana makausap si GP bago ang antenatal appointment ko sa April 3 e kaso naman missing in action si GP.

Praying for a good result for the 2 tests and hopefully wala naman problem. At sana talaga tuluy-tuloy na yung hindi ko pagdurugo. Tuloy lang sa kapit bibi! Kaya natin itwuoah!

Thursday, March 14, 2019

Week 11 (Fig)

Mar 4 - 7AM Bago magstart magwork nagwiwi muna ako. And I am bleeding again. Jusko. Pero yung level ng bleeding ko ay katulad lang nung unang bleeding na nangyari sa akin 2 weeks ago. Kabado na naman si watashi. Buti na lang hapon pa ang pasok ni Cy and kasama ko siya sa umaga.

The bleeding did not reach my pad. I usually see the bleeding every time I pee. Mga 2-3 times nangyari from Monday to Wednesday. Kinakalma ko lang ang sarili ko and if by Thursday hindi siya huminto tatawag nako sa hospital.

Mar 7 - The bleeding stopped. As in wala the whole day. Medyo nakahinga na ako ng maluwag kahit papaano.

Mar 8 - 4AM Nagising na naman ako dahil may naramdaman akong hindi maganda. Another heavy bleeding. Ginising ko si Basuraman kasi ninenerbiyos na naman ako. Matched with big clot.  This time I took pictures of my undies and pants with blood para malaman sa hospital kung gano kalakas yung bleeding ko including the blood clot in the toilet bowl. Minsan kasi baka iniisip din sa hospital na exaggerated lang si watashi sa mga nangyayari kaya mabuti ng may resibo. Buti na lang wala akong pasok that day kasi sinwap ko yung Monday holiday.

On the way sa hospital tumawag na muna ako sa WCH para nga idulog ang nangyari sakin. Ang hirap pala makipagusap sa phone kapag emotional mga mumshies. Nahirapan akong kausapin si ateng operator kasi nga nagsisimula na akong maging crying lady. Nairaos ko naman yun phone call.

5AM Women's Assessment Service Area ng WCH. Sandali lang kami naghintay at may umattend na sa aking midwife. Mabait si Ateng midwife and tinanong na nga niya kung ano nangyari. Kwento kwento then pakita ng pictures para sa proof of purchase. Nagpasensha naman si Ateng na baka matagalan bago may umattend saking doktor dahil during that time e busy ang mga doktor. Naintindihan ko naman the long waiting chenes talaga kasi di naman life-and-death yung situation ko nung mga oras na yun.

Around 6:30AM Dumati na si Ateng doctor at itago natin siya sa pangalang Shine. Ang ganda ng aura ni Ateng, yung tipong sobrang bagay niyang doktor ng bata at makakalma siguro kahit sinong makakita at makausap siya. Nagpasensha rin si ateng Shine mo kasi bagong doktor at pati yung ultrasound equipment e medyo baguhan pa daw siya. Shempre mga Mumshies okay lang naman sakin. Ako pa ba ang magiging choosy. Basta macheck nila na ayos lang si Bibi.

According sa ultrasound bibi's fine. At ang likot! After the scan need ng speculum examination para macheck ni Ateng Shine na I am not losing too much blood dahil sa aking bleeding. Bukaka na naman si watashi. Uncomfortable talaga pero para kay bibi kakayanin lahat. After that check umalis muna si Ateng Shine para ikonsulta sa kanyang mga seniores ang kanyang findings.

7:30AM Bumalik si Ateng Shine and based sa scan and speculum exam e okay naman si bibi. They still don't know the reason for bleeding. Tinanong din ako ni Ateng kung may doktor nako, may antenatal check-up, pregnancy notebook, etc. Sabi ko wala pako nung pregnancy notebook and wala pa akong doktor for this pregnancy pero meron nakong antenatal appointment sa April 3. Yun na kasi yung pinaka-maagang available date. Kinda nag-worry siya kasi ng 2x nako napunta ng ED ng hospital dahil sa bleeding ko. Tignan daw niya kung pedeng makakuha ako ng mas maagang appointment for my atenatal check. Kaso need daw namin maghintay kasi yung 7:30AM is time ng palitan ng shift so baka need namin maghintay ng 30mins-1hour. Hintay-hintay.

8:30AM Si Lola Triage Midwife na ang bumalik. Dahil bago lang daw si Ateng Shine e hindi niya daw alam yung proseso regarding pregnancy checkups. E siya bilang thunders na daw sa industriya e alam niya kaya parang nirecommend niya na magtanong si Ateng Shine sa mga seniores niya. Inalok pa nga kami ng maiinom pero gusto na lang talaga naming makauwi.

10AM Hangry na si Basuraman. As in H-A-N-G-R-Y. Mantakin niyo naman kanina pa kaming 5AM sa hospital. Nagyaya na si Basuraman sa reception desk para itanong kung iki-keep ba namin yung April 3 antenatal appointment ko or meron silang bagong date na ibibigay. Ayun na nga mamshies. Bale natanga si watashi kasi hindi ko naintindihan si Lola Triage Midwife. Nung bumalik pala siya kanina e sinabi niya na i-keep yung April 3. E di dapat kanina pa kami nakauwi. Kaya ayun habang pabalik na kami ng parking lot  naiiyak na si watashi kasi galit na si Basuraman. Di na kasi siya nagsasalita. Alam ko naman na mainit na ulo niya dahil sa puyat at gutom. Kaya naiyak na lang ako hanggang paguwi. E naiiyak ako e. Buti sinabihan namin si Miko na kapag nakita niya ako na umiiyak e 'it's because of pregnancy'. Para di na mashado magtanong yung bata.

Hangry lang daw talaga si Basuraman. Kaya paguwi namin pinaiyak pa niya ako lalo (as in sinadya niya akong paiyakin ng bongga). Pero alam ko nun okay na siya. Hindi na siya hangry.

After ng bleeding ko ng Friday hindi naman na ako ulit nagbleed ng weekend. Thank you Lord. Pero ang hirap lang na kada wiwi ko or punta ko sa cr or may naramdaman akong something from my vajayjay e feeling ko dinudugo nako.

So far wasak pa rin ang panlasa ko. May guilt nakong nararamdaman kasi hindi ako mashadong nakakakain ng veggies and fruits. Fruits medyo pa. May times din na parang hingal na hingal ako na parang masusuka na ewan. O di kaya gabi na tapos biglang aatake yung morning sickness ko. Very weird ng feeling. Pero so far di pa naman ako nagsusuka. Hanggang lalamunan pa lang.

Bibi itodo na natin ang pagkapit ha. Kaya natin itwoooah!